Nang marinig ni Liam na tinanong ni Charlie ang tungkol sa Apothecary Stomach pill, nasabik nang sobra si Liam, at sinabi niya, “Master Wade, nasakop na ng Apothecary Stomach Pill ang buong Japanese, Korean, at Southeast Asia market! Pagkatapos makuha ang Kobayashi Pharma, maraming production line ng Kobayashi Pharma ang buong gumagana na at gumagawa ng Apothecary Stomach Pill. Bukod sa asia, naghahanda na kami ng stock para pumasok sa European at American market sa susunod na buwan!”Tumango nang kuntento si Charlie bago siya ngumiti at sinabi, “Palaging tinatanggihan ng European at American market ang tradisyonal na gamot. Kumpiyansa ka ba?”“Oo!” Sumagot nang walang pag-aatubili si Liam. “Kahit na ang Europe at ang United States ang pinagmulan ng maraming modernong gamot, ang Europe at United States din ang nangunguna sa pag-inom ng alcohol. Lahat ng bansa sa top twenty country na per capita alcohol consumption rate ay mga bansa sa Europe. Bukod sa Europe, sa ilang bansa sa Austra
“Kahit ano pa, siguradong walang pagtaas ng presyo sa Moutai! Ang opisyal na retail price sa isang bote ng Moutai ay 1,799 dollars. Pero, hinding-hindi magkakaroon ng pagkakataon ang isang ordinaryong tao na mabili ito sa ganitong presyo. Kapag binenta ito ng dealer, nasa 2,700 o 2,800 dollars ito kada bote. Ang presyo ng bote ay mas magiging mataas pa sa holiday at Bagong Taon. Hindi ba’t pinagsasamantalahan lang nila ang mga consumer?”Sinabi agad ni Liam, “Huwag kang mag-alala, Master Wade. Mahigpit kong pipigilan na mangyari ang ganito sa Apothecary Stomach Pill! Kung may mangangahas na dealer na mag-stoch up at taasan ang presyo, tatanggalin ko agad ang dealer at idedemanda siya! Hinding-hindi ko papayagan ang ganitong gawain!”Tumango nang kuntento si Charlie bago sinabi, “Pagkatapos ipadala ang Apothecary Stomach Pill sa European at American market, naniniwala ako na may mabilis na pag-unlad sa alcohol industry sa Europe at United States.”Sinabi ni Liam sa pagsang-ayon, “Oo!
Simula noong nabigo sina Tyler at Reuben sa plano nilang patayin si Jasmine, nilantad sila at sa huli ay pinatapon sila ni Charlie sa isang diamond mine sa Republic of Sierra Leone sa Africa, mas naging matatag ang posisyon ni Jasmine sa pamilya Moore kumpara dati.Dati, si Lord Moore lang ang taong tapat na sumusuporta sa kanya. Ngayon, wala nang tao sa pamilya Moore ang nangangahas na suwayin siya.Ang pangunahing dahilan ay dahil suportado si Jasmine ni Charlie bilang backup niya. Kahit si Tyler at ang kanyang anak, si Reuben, ay nabigong pabagsakin si Jasmine. Kaya, naintindihan ng ibang miyembro ng pamilya Moore ang sitwasyon at alam na nila na huwag subukan ang katulad na plano.Dahil, kung gusto nilang pabagsakin si Jasmine, kailangan muna nilang dumaan at talunin si Charlie.Kung hindi, babala na ang nangyari kina Tyler at Reuben sa kanila.Sa mga nakaraang ilang araw, kahit na madalas magsisi si Lord Moore dahil sa lahat ng nangyari sa loob ng pamilya nila, hindi niya mai
Hindi namalayan ni Jasmine na umupo siya sa tabi ni Charlie.Habang itinaas ni Jasmine ang kanyang kamay para kunin ang tasa na inabot sa kanya ni Albert, hindi maiwasang bumuntong hininga ni Charlie nang makita niya ang diamond bracelet sa kanyang pulso.Kung iisipin, si Albert ang dahilan kung bakit sila nagkakilala ni Jasmine. Si Albert ang pumunta at nagmakaawa sa kanya na tingnan ang Feng Shui ni Jasmine dati, at doon sila nagkakilala ni Jasmine.Pagkatapos umupo, sinabi ni Jasmine kay Charlie, “Master Wade, sinabi sa akin ni Nanako na batiin ka nang nag-video call kami ngayong araw.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Oh? Nag-video call kayo ngayong araw?”Ngumiti si Jasmine at sinabi, “Halos araw-araw ko siyang kasama sa video call. Hindi ba’t binigay niya sa akin ang isa sa mga tuta niya? Nakikita ko na miss na miss niya na rin ang tuta, at palagi niyang gustong makita kung kumusta na ang tuta araw-araw.”Marahan na tumango si Charlie bago siya ngumiti at sinabi, “Sinabi
Nang marinig ni Aurora na gustong makipagkaibigan sa kanya ni Nanako, natuwa nang sobra si Aurora.Hindi niya matagao ang saya at sabik habang sinabi, “Jasmine, totoo ba ang sinabi mo?”Tumawa si Jasmine habang sinabi, “Syempre, totoo ito. Bakit ako magsisinungaling sayo?”Hindi maiwasang bumuntong hininga ni Aurora habang sinabi, “Sa totoo lang, noon pa man ay gusto ko na siyang maging kaibigan. Hinahangaan ko talaga siya sa simula pa lang. Bukod dito, kahit na kaunti lang ang interaksyon namin, nararamdaman ko na siguradong mabait at mabuting tao siya.”Bahagyang tumango si Jasmine habang sinabi, “Mabait na dalaga talaga si nanako. Sobrang palakaibigan at mapagpakumbaba rin siya.”Hindi maiwasang makonsensya ni Aurora habang sinabi, “Sa totoo lang, mas malakas talaga si Nanako kaysa sa akin. Natalo lang siya sa akin dahil ininom ko ang pill na binigay sa akin ni Master Wade. Nahihiya talaga ako sa tuwing naiisip ito…”Ngumiti si Jasmine habang sinabi, “Ayos lang. Mabuting kapal
Habang nagsasalita, dinampot ni Doris ang kanyang jacket saka niya kinausap si Faith, “Mama, mauuna muna ako kung wala ka ng kailangan.”Tumango si Faith, “Mag-ingat ka at tumingin ka sa paligid mo. Huwag kang basta-bastang tatawid sa daan.”“Alam ko, Mama. Maraming salamat.”Nagpaalam si Doris sa kanyang ina saka siya umalis ng ward. Nang makita niyang may oras pa siya, pumunta si Doris sa opisina ni Dr. Spears sa Department of Nephrology.Sampung oras na lamang ang natitira bago ang deadline na ibinigay ni Edmund sa kanya. Nasa kamay ni Dr. Spears ang huling liwanag ng pag-asa sa buhay ni Doris. Hindi niya alam kung makakahanap ba ng tamang kidney si Dr. Spears par sa kanyang ama sa huling minuto pero umaasa siyang kahit papaano magagamit ng doktor ang kanyang mga koneksyon.Pagkarating ni Doris sa tapat ng opisina, kumatok siya sa pinto saka niya narinig ang boses ni Dr. Spears, “Pumasok ka.”Pagkatapos, binuksan ni Doris ang pinto.Pagkapasok ni Doris sa opisina, nagsalita s
Nang marinig ni Doris na may kinalaman ang balita sa pasyente sa Ward No. 1, agad niyang napagtanto na ama niya ang pinag-uusapan. Agad siyang napabulalas, “Hello. Pwede ko bang malaman ang resulta ng examination report ng pasyenteng nasa Ward No. 1?”Nag-aalangan ang lalaki habang nakatitig kay Doris. Sumunod, napasulyap siya kay Dr. Spears dahil hindi niya alam ang gagawin kung dapat ba siyang magsalita o hindi.Agad na tumugon si Dr. Spears, “Levi, sabihin mo na sa amin ang resulta ng examination report! Huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa!”Nagsalita si Levi, “Ito ang kaso. Nadiskubre ng laboratory na may sobra-sobrang mercury sa dugo ng pasyenteng nasa Ward No. 1. Pagkatapos, ipinadala ng laboratory department ang blood sample niya sa laboratory ng judicial department para sa mas masinsinang inspeksyon sa mga toxic substances! Ngayon, natanggap na namin ang resulta. Ayon dito, matatagpuan raw sa blood sample ang maraming mercury dichloride!”“Ano?!” Napabulalas si Dr. Spears, “M
Seryosong tumango si Waylon saka siya nagsalita, “Miss Young, pwede mo bang sabihin sa amin kung may naging mga kaalitan ba ang tatay mo? May mga naging kaaway ba siya? Bukod pa roon, nagkaproblema na rin ba ang papa mo sa ibang tao dahil sa pera o utang?”Umiling si Doris saka siya sumagot, “Matapat na tao ang tatay ko. Sa loob ng ilang taon, sa pagtuturo lamang nakatuon ang kanyang atensyon. Handa rin siyang tulungan ang iba habang nasa trabaho. Kaya, wala naman siyang naging kaaway o kaalitan.”Muling nagtanong si Waylon, “Kung gano’n, may nakain bang kakaiba ang papa mo o kaya may napansin ka bang may nahawakan siyang kakaiba?”Muling umiling si Doris, “Mukhang hindi naman nangyari nag bagay na iyan. Normal naman ang lahat bago siya magkasakit…”Nagpatuloy si Waylon sa pagtatanong, “Nakatira ka ba kasama ang papa mo sa iisang bahay?”Tumango si Doris, “Oo, nakatira kami sa iisang bahay.”Muling nagtanong si Waylon, “Sino pa ang kasama niyo sa bahay maliban sa inyong dalawa ng
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro