Hindi namalayan ni Jasmine na umupo siya sa tabi ni Charlie.Habang itinaas ni Jasmine ang kanyang kamay para kunin ang tasa na inabot sa kanya ni Albert, hindi maiwasang bumuntong hininga ni Charlie nang makita niya ang diamond bracelet sa kanyang pulso.Kung iisipin, si Albert ang dahilan kung bakit sila nagkakilala ni Jasmine. Si Albert ang pumunta at nagmakaawa sa kanya na tingnan ang Feng Shui ni Jasmine dati, at doon sila nagkakilala ni Jasmine.Pagkatapos umupo, sinabi ni Jasmine kay Charlie, “Master Wade, sinabi sa akin ni Nanako na batiin ka nang nag-video call kami ngayong araw.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Oh? Nag-video call kayo ngayong araw?”Ngumiti si Jasmine at sinabi, “Halos araw-araw ko siyang kasama sa video call. Hindi ba’t binigay niya sa akin ang isa sa mga tuta niya? Nakikita ko na miss na miss niya na rin ang tuta, at palagi niyang gustong makita kung kumusta na ang tuta araw-araw.”Marahan na tumango si Charlie bago siya ngumiti at sinabi, “Sinabi
Nang marinig ni Aurora na gustong makipagkaibigan sa kanya ni Nanako, natuwa nang sobra si Aurora.Hindi niya matagao ang saya at sabik habang sinabi, “Jasmine, totoo ba ang sinabi mo?”Tumawa si Jasmine habang sinabi, “Syempre, totoo ito. Bakit ako magsisinungaling sayo?”Hindi maiwasang bumuntong hininga ni Aurora habang sinabi, “Sa totoo lang, noon pa man ay gusto ko na siyang maging kaibigan. Hinahangaan ko talaga siya sa simula pa lang. Bukod dito, kahit na kaunti lang ang interaksyon namin, nararamdaman ko na siguradong mabait at mabuting tao siya.”Bahagyang tumango si Jasmine habang sinabi, “Mabait na dalaga talaga si nanako. Sobrang palakaibigan at mapagpakumbaba rin siya.”Hindi maiwasang makonsensya ni Aurora habang sinabi, “Sa totoo lang, mas malakas talaga si Nanako kaysa sa akin. Natalo lang siya sa akin dahil ininom ko ang pill na binigay sa akin ni Master Wade. Nahihiya talaga ako sa tuwing naiisip ito…”Ngumiti si Jasmine habang sinabi, “Ayos lang. Mabuting kapal
Habang nagsasalita, dinampot ni Doris ang kanyang jacket saka niya kinausap si Faith, “Mama, mauuna muna ako kung wala ka ng kailangan.”Tumango si Faith, “Mag-ingat ka at tumingin ka sa paligid mo. Huwag kang basta-bastang tatawid sa daan.”“Alam ko, Mama. Maraming salamat.”Nagpaalam si Doris sa kanyang ina saka siya umalis ng ward. Nang makita niyang may oras pa siya, pumunta si Doris sa opisina ni Dr. Spears sa Department of Nephrology.Sampung oras na lamang ang natitira bago ang deadline na ibinigay ni Edmund sa kanya. Nasa kamay ni Dr. Spears ang huling liwanag ng pag-asa sa buhay ni Doris. Hindi niya alam kung makakahanap ba ng tamang kidney si Dr. Spears par sa kanyang ama sa huling minuto pero umaasa siyang kahit papaano magagamit ng doktor ang kanyang mga koneksyon.Pagkarating ni Doris sa tapat ng opisina, kumatok siya sa pinto saka niya narinig ang boses ni Dr. Spears, “Pumasok ka.”Pagkatapos, binuksan ni Doris ang pinto.Pagkapasok ni Doris sa opisina, nagsalita s
Nang marinig ni Doris na may kinalaman ang balita sa pasyente sa Ward No. 1, agad niyang napagtanto na ama niya ang pinag-uusapan. Agad siyang napabulalas, “Hello. Pwede ko bang malaman ang resulta ng examination report ng pasyenteng nasa Ward No. 1?”Nag-aalangan ang lalaki habang nakatitig kay Doris. Sumunod, napasulyap siya kay Dr. Spears dahil hindi niya alam ang gagawin kung dapat ba siyang magsalita o hindi.Agad na tumugon si Dr. Spears, “Levi, sabihin mo na sa amin ang resulta ng examination report! Huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa!”Nagsalita si Levi, “Ito ang kaso. Nadiskubre ng laboratory na may sobra-sobrang mercury sa dugo ng pasyenteng nasa Ward No. 1. Pagkatapos, ipinadala ng laboratory department ang blood sample niya sa laboratory ng judicial department para sa mas masinsinang inspeksyon sa mga toxic substances! Ngayon, natanggap na namin ang resulta. Ayon dito, matatagpuan raw sa blood sample ang maraming mercury dichloride!”“Ano?!” Napabulalas si Dr. Spears, “M
Seryosong tumango si Waylon saka siya nagsalita, “Miss Young, pwede mo bang sabihin sa amin kung may naging mga kaalitan ba ang tatay mo? May mga naging kaaway ba siya? Bukod pa roon, nagkaproblema na rin ba ang papa mo sa ibang tao dahil sa pera o utang?”Umiling si Doris saka siya sumagot, “Matapat na tao ang tatay ko. Sa loob ng ilang taon, sa pagtuturo lamang nakatuon ang kanyang atensyon. Handa rin siyang tulungan ang iba habang nasa trabaho. Kaya, wala naman siyang naging kaaway o kaalitan.”Muling nagtanong si Waylon, “Kung gano’n, may nakain bang kakaiba ang papa mo o kaya may napansin ka bang may nahawakan siyang kakaiba?”Muling umiling si Doris, “Mukhang hindi naman nangyari nag bagay na iyan. Normal naman ang lahat bago siya magkasakit…”Nagpatuloy si Waylon sa pagtatanong, “Nakatira ka ba kasama ang papa mo sa iisang bahay?”Tumango si Doris, “Oo, nakatira kami sa iisang bahay.”Muling nagtanong si Waylon, “Sino pa ang kasama niyo sa bahay maliban sa inyong dalawa ng
Nakaramdam ng kaba si Doris nang marinig niya ang mga salita ni Waylon. Kaya, agad siyang napatanong, “Captain Skitter, mula sa karanasan mo, ano sa tingin mo ang nangyari sa papa ko? Sa tingin mo ba aksidente niyang nahawakan ang isang highly toxic substance o sa tingin mo palihim siyang nilason?”“Hindi rin ako sigurado.” Matapat na sambit ni Waylon, “Mula sa kasalukuyang sitwasyon, masyadong limitado ang nalalaman natin. Wala tayong mga mahahalagang detalye na pwedeng magamit para malaman ang katotohanan.”Habang nagsasalita, muling nagtanong si Waylon, “Nga pala, Miss Young, sa tingin mo ba pwede naming makausap ang papa mo sa kalagayan niya ngayon? Baka makakuha kami ng mga impormasyon na pwede naming magamit sa imbestigasyon.”Umiling si Doris saka siya bumuntong hininga, “Nasa coma si papa sa nakalipas na dalawang araw… Hindi pa siya nagigising…”Nag-alangan si Waylon sa loob ng ilang sandali. Hindi niya alam ang gagawin hanggang sa muli niyang binuka ang kanyang bibig, “Gan
Bukod pa roon, bilang boss ng babae, siguradong makakaramdam ng pressure si Doris kung tatawag siya. Hindi naman magandang naiistorbo niya ito lalo na kung may inaasikaso itong importante.Kaya, ito ang naging tugon niya kay Graham, “Ayos lang. Pwede na tayong magsimula kahit wala pa siya.”Kahit naman anong mangyari, para kay Charlie, hindi naman masyadong mahalaga ang mismong hapunan na ito. Pinatawag niya lang naman ang lahat para bigyan sila ng regalo.Kung hindi makakarating si Doris sa salo-salo ngayong gabi dahil may inaasikaso siyang importante, hindi naman siya kailangang madaliin ni Charlie. Matapos ang lahat, pwede namang iabot ni Charlie ang pill kay Doris sa ibang pagkakataon.Nang marinig ni Graham ang sagot ni Charlie, agad siyang nagsalita, “Tara! Tara na, kayong lahat! Pumunta na tayo sa hapag. Magsisimula na ang salo-salo natin ngayong gabi!”Sinundan ng lahat si Graham papunta sa hapag. Sa pagkakataong ito, naglagay ng 16 na iba’t ibang klase ng appetizers ang c
Para kay Charlie, ordinary lamang ang Healing Pill at hindi naman ito malaking bagay sa kanya.Subalit, hindi ito ang nararamdaman ng iba. Kahit hindi mapapahaba ng pili na ito ang buhay nila, kahit papaano, magagawa pa rin nitong iligtas ang kanilang buhay sa isang kritikal na pagkakataon.Kung may healing pill sila, para bang katumbas ito ang pagkakaroon ng isa pang buhay sa kabila ng peligro.Si Jasmine ang pinakamagandang halimbawa nito.Kung hindi niya dala ang binigay na pill ni Charlie sa kanya, matagal na siyang naging bangkay sa isang dayuhang bansa gaya ng mga kasama niya nang malaglag ang sinasakyan nila sa bangin sa Nishitama District ng Japan.Kaya, hindi mapigilang makaramdam ng mga naroroon ng matinding sabik at saya.Ipinamahagi ni Charlie ang pills isa-isa saka siya nagsalita, “Siguraduhin niyong dala niyo lagi ang pill niyo. Iyon lang naman. Magpatuloy na tayo sa pagkain!”Marahang inilagay ng mga bisita ang kahon na naglalaman ng pill sa kanilang bulsa saka si
Ang mga kabataan na mahilig sa mga panlabas na gawain ay karaniwang bukas at masigla, at karamihan sa kanila ay palakaibigan at madaling pakisamahan. Bukod dito, ang mga kabataan na ito ay puno ng sigla kina Charlie at Vera, kaya mabilis na nag-usap nang masaya ang lahat.Sobrang laki na impluwensya ni Helron sa grupong ito, at malinaw na ginagalang siya ng lahat. Napansin ni Charlie na parang hindi siya masyadong matanda, kaya tinanong niya siya nang mausisa, “Heron, estudyante ka ba o nagtatrabaho ka na?”Tumango si Helron at sinabi, “Estudyante pa ako. Nag-aaral ako sa United States dati. Isa akong Oskian American, at bakasyon ngayon, kaya gusto kong bumalik sa Oskia para mag-hike nang kaunti at maranasan ang ganda ng bansa natin.”Nagpatuloy siya, “Karamihan sa amin ay mga estudyante sa unibersidad. Kami nila Jung, Louie Mant, ay nag-aaral sa United States. Sina Shermaine at Bobbi ay galing sa Queenston University. Sina Perry Hinskey at Jenell Looten ay galing sa Blastun Univers
Kaharap ang imbitasyon ng binatang ito na nagngangalang Helron, taimtim na pumayag si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Kung gano’n, hindi na kami mahihiya sa inyo!”Tumawa si Helron at sinabi, “Hindi mo kailangan maging magalang nang sobra. Magkakaibigan tayo mula sa iba’t ibang lugar, ang pag-aalaga sa isa’t isa ay ang tradisyon ng mga hiker.”Pagkasabi nito, tinanong niya si Charlie, “Tol, anong pangalan mo?”Magsasalita na sana si Charlie nang ngumiti si Vera, na nasa tabi niya, at sinabi, “Charlesly Lavor ang pangalan ng boyfriend ko. Pwede mo siyang tawaging Charles!”Nagulat si Charlie. Naintindihan niya ang layunin ni Vera. Dahil, nandito sila para hintayin si Fleur. Kahit na totoong pangalan ito ni Charlie o ni Vera, siguradong pamilyar si Fleur sa kanila, kaya mas mabuti na iwasang gamitin ang totoong pangalan nila hangga’t maaari.Pero, hindi niya inaasahan na bibigyan siya ni Vera ng alias na ‘Charlesly Lavor’ at nag-isip pa ng palayaw na ‘Charles’ para sa kanya.Ini
“Sigurado ako!” Hinila ni Vera si Charlie sa tulay na bato-bato. Sa gitna ng tulay, tinuro niya ang isang basag na asul na bato at sinabi kay Charlie, “Nasira ito dahil sa isang natakot na kabayo. Ang may-ari nito ay isang mason ng bato na pumunta para magdala ng dalawang batong rebulto sa bagong mansyon ng pinuno ng Stoneridge. Nabalisa ang kabayo, nadulas, at halos bumagsak siya, at nahirapan itong umabante na tila ba baliw ito, binaliktad ang hinihila nitong kariton. Tumama ang isa sa mga rebulto sa batong ito, at nag-iwan ito ng basag dito.”Habang nagsasalita siya, nagpatuloy si Vera, “Nagkataon, sinamahan ko ang lolo ko mula sa Digerro town sa araw na iyon para batiin ang pinuno dito. Kaya, nagkataon na nakita ko ang buong pangyayari noong gumawa ng problema ang kabayo sa tulay.”Habang nakikinig si Charlie sa paglalarawan niya, hindi niya maiwasan na isipin ang eksena na sinabi niya.Sa sandaling iyon, isang babae na nasa seven o eight years old na may suot na tradisyonal na
Tulad ng sinabi ni Vera, sa buong buhay niya, hindi niya kayang maghiganti kay Fleur gamit ang lakas niya, pero kaya niyang harapin si Fleur gamit ang matinding tapang. Marahil ay ang pinakamagandang paraan para harapin niya si Fleur ngayon ay huwag mapansin ni Fleur na malapit siya sa kanya.Kaya, medyo naimpluwensyahan din si Charlie sa kanya at sinabi, “Kung gano’n, hindi na natin kailangan kumuha ng tao para palihim na maglagay ng mga monitoring equipment. Sasamahan kita dito at hihintayin si Fleur. Gusto kong makita kung sino ba talaga ang Fleur na ito!”Tinanong ni Vera sa sorpresa, “Young Master, sasamahan mo talaga ako?”Tumango si Charlie. “Oo.”Sinabi nang seryoso ni Vera, “Parang maglalakad tayo sa isang lubid sa bangin. Nakamamatay ang isang kamalian.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka takot, bakit ako matatakot?”Ngumiti nang bahagya si Vera, at puno ng katapatan ang kanyang mga mata habang sinabi, “Kuntento ako sa mga sinabi mo, Young Master, pero hindi ak
Hindi inaasahan ni Charlie na si Vera, na mukhang mahina at walang masyadong karanasan, ay may ganitong tapang. Malinaw na alam niya na hindi nila kayang tapatan ni Fleur. Sa sandaling magkita sila, halos sigurado na mamamatay sila.Dahil, dati, sinabi ni Ruby sa kanila na nabuksan na ni Fleur ang kanyang elixir field, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, at ang ibig sabihin ay mas malakas na siya noong isang daang taon na ang nakalipas kaysa sa kasalukuyang lakas ni Charlie.Pero kahit gano’n, handa si Vera na kunin ang panganib.“Alam mo na wala tayong pag-asa na mabuhay laban kay Fleur. Sigurado ka ba na gusto mong kunin ang panganib dito?” Tinanong nang seryoso ni Charlie.Tumango nang seryoso si Vera, nakatingin kay Charlie nang disidido habang sinabi, “Sa mahigit tatlong daang taon, iniwasan ko siya. Naging maingat ako sa punto na hindi na ako tumatapak sa kahit anong lugar na may kaugnayan sa kanya sa halos buong buhay ko. Pero ngayon, kahit alam ko na marahil ay pupun
Bukod dito, kung may mangyayari, mahihirapan siyang protektahan si Vera.Mukhang alam na ni Vera ang iniisip ni Charlie. Ngumiti siya at naunang magsalita at sinabi, “Darling, huwag kang mag-alala. Bihira lang magkaroon ng malakas na hangin sa Yorkshire Hill, at mas bihira pa dito sa taas. Bukod dito, sobrang ganda ng panahon ngayon. Isang gabi lang tayo mananatili, kaya walang kahit anong malakas na hangin. Kahit na mayroon, hindi ito abot sa atin.”Hindi inaasahan ni Charlie na may ganitong hilaw na ideya si Vera, kaya sinabi niya, “Sige, Darling, bumaba muna tayo sa bundok at pag-usapan ito sa daan.”“Okay!” Tumango nang kuntento si Vera, kinabit ang kanyang braso sa braso ni Charlie, at sinabi nang malambing, “Kung gano’n, kailangan nating magmadali. Natatakot ako na kung mahuhuli tayo, wala nang matitira na maayos na lugar!”Habang pababa ang dalawa sa bundok at nang silang dalawa na lang sa paligid, nagsalita si Charlie, “Miss Lavor, seryoso ka ba sa sinabi mo?”Sumagot nang
Hindi maiwasan ni Vera na ngumiti nang kaunti nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie, at sinabi niya, “Young Master, kahit na kayang patayin ng mga close-defense missile si Mr. Jothurn, marahil ay hindi nila mapatay si Fleur. Bukod dito, si Fleur lang ang nakakaalam kung saan nag-cultivate si Master Marcius Stark. Young Master, mangyaring magtiis ka pa nang kaunti at huwag mong tapusin ang buhay ni Fleur dito.”Tumawa nang masaya si Charlie, “Sinasabi ko lang ang mga pakiramdam ko. Kahit na may makakapagdala ng mga close-defense missile dito, hindi ko magagamit ang mga ito dito.”Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Young Master, walang mga camera dito. Mangyaring hintayin mo ako saglit. Magbibigay galang ako sa mga ninuno ng mga Lavor.”Tumango sa maginoong paraan si Charlie at sinabi, “Hihintayin kita dito.”Ngumiti si Vera na parang humihingi siya ng tawad, pagkatapos ay naglakad sa malapit na gubat ng mga pine.Makalipas ang limang minuto, naglakad si Vera pa
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala, hindi ako padalus-dalos na tao. Alam ko ang mga limitasyon ko.”Huminga nang maluwag si Vera, “Mabuti naman…”Pagkatapos nilang umakyat sa unang undok, inakyat nila ang bundok na parang likod ng isang pagong. Dahil ito ang ruta sa pangalawang bundok, marami pa rin ang mga tao dito tulad sa unang bundok.Ipinakilala ni Vera kay Charlie, “Parang likod ng isang pagong ang bundok na ito. Tinatawag itong Mount Turtle Back. Isa itong bihirang kayamanan na lupa dito. Noong isang lokal na pinuno ang lolo ko, nagsikap siya na piliin ang bundok na ito bilang ancestral tomb ng pamilya namin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Ang buong bundok ba na ito ang ancestral tomb ng pamilya ng lolo mo?”Tumango si Vera at sinabi, “Tama. Maganda ang Feng Shui dito, parang isang dragon na nakapalibot sa bundok. Itinuturing ito na sobrang swerte. Ang pagpili sa lugar na para paglagyan ng ancestral tomb ay kayang biyayaan ang mga susunod na henerasyon
Nang bumalik si Vera sa Stoneridge makalipas ang mahigit tatlong daang taon, hindi na ito kagaya ng dati. Kahit na nandoon pa rin ang Ensel Bay, nabago na nang sobra ang hitsura nito dahil sa ilang siglo na pag-unlad kumpara sa nakaraang tatlong daang taon.Habang nakatayo sa malagong mga kalye ng Stoneridge, hindi tugma sa memorya ni Vera ang kasalukuyang eksena. Buti na lang, hindi malaki ang mga pagbabago sa bundok. Sa kabila ng ilang rurok na medyo minina, hindi nagbago masyado ang kabuuang tanawin.Pagkatapos itong makita ni Vera, natukoy niya na ang libingan ng kanyang ama ay matatagpuan sa hilagang-silangan ng kasalukuyang bayan ng Stoneridge, sa likod ng medyo mininang rurok at ang bundok na parang isang shell pagong.Iniwan nina Charlie at Vera ang kotse sa bayan at nagsuot ng magkaparehong sapatos na maagang inihanda ni Vera. Pagkatapos ay umakyat sila papunta sa mga bundok.Habang umaalis sila, tahimik na pinagana ni Charlie ang kanyang mental cultivation method, itinago