Nang sagutin ni Doris ang tawag, naging magalang ang kanyang boses, “Young Master, ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?”Ngumiti si Charlie saka siya nagsalita, “Gusto ko lang sanang ituloy ang usapan natin kahapon. May libre ka bang oras ngayong gabi? Kung mayroon, pumunta ka sa bahay ni Mr. Quinton para sa isang salo-salo. Bumisita kayo sa bahay namin noong New Year’s Eve pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na mapakain kayo. Medyo nakonsensya rin ako.”Pinilit ni Doris na ngumiti kahit mapakla ang kanyang ekspresyon sa mukha, “Naku, Young Master. Isang karangalan ito para sa amin. Huwag mo na itong banggitin.”Tumawa si Charlie. “Kailangan ko pa rin! Respeto ito! Naghanda rin ako ng kaunting regalo para sa lahat. Maliit na bagay lamang ito pero gusto ko pa ring ipahayag ang pasasalamat ko. Kung may oras ka, pumunta ka naman. Pero, kung wala, ayos lang. Ibibigay ko na lang ang regalo mo sa susunod.”Agad na tumugon si Doris, “Naku hindi na, Young Master, hindi ko hahayaang gawi
Lumakas ang tibok ng puso ni Doris dahil sa mga sinabi ni Edmund. May malakas na pangamba siya pang-aapi siya na nararamdaman at hindi siya makahinga dahil dito.Kahit na nandidiri siya nang sobra at gustong-gusto niyang layuan si Edmund, alam niya rin na ang kidney na nahanap ni Edmund sa United States ay ang nag-iisang kidney source na tugma sa blood type ng kanyang ama. Ito lang ang mapipili niya sa ngayon.Kung bibilhin ng iba ang kidney, mawawalan siya ng pag-asa.Nag-aral si Doris sa United States dati, kaya alam niya ang sitwasyon sa bansa.Kumpara sa Oskia, medyo maluwag ang kabuuang laki bigat ng antas ng batas sa States.Hindi lamang madaling makakuha ng mga baril at drugs doon, ngunit hindi rin makontrol ang kalakalan ng mga organ ng tao.Kung may taong gustong ibenta ang kanyang kidney, pwede siyang sumailalim sa kidney removal surgery kahit sa veterinary clinic. Lahat ay napakadali at napakabilis.Ang ibig sabihin din ay kung may nahanap na seller ang donor, madali
Pagkatapos ng mahabang katahimikan, sinabi ni Doris, “Edmund, kung papayag akong maging kalaguyo mo at magtrabaho sa kumpanya mo, kaya mo bang ipangako sa akin na hindi mo ako pipiliting maglabas ng kahit anong sikreto sa negosyo ng Emgrand Group?”Sumimangot si Edmund sa pangamba nang marinig niya ito at tinanong, “Manager ka lang sa kumpanya. Bakit sobrang loyal mo sa kanila?”Sumagot nang tapat si Doris, “Professional ethics ko ito!”Kutya ni Edmund, “Doris, may tatalong bagay tungkol sayo na mahalaga sa akin. Una, ang katawan mo. Pangalawa, ang abilidad mo. At pangatlo, ang kaalaman mo sa mga sikreto ng Emgrand Group. Para sa akin, ang ang tatlong elemento na ito ay pare-parehong mahalaga!”Nagngalit si Doris at tinanong, “Edmund, kailangan mo ba talagang gawin ito? Kaya kong ipangako sayo ang lahat ng nakakadiring kondisyon na inalok mo, pero hindi mo ako bibigyan ng lugar para tumawad?”Tumawa si Edmund, “Syempre pwede kang tumawad, pero may tuntunin dapat kahit papaano. Hal
Pagkatapos itong sabihin ni Edmund, tumalikod siya at umalis sa ward.Nanginig si Doris sa galit at pagkabigo habang tinitigan niya ang likod ni Edmund habang umaalis siya.Ang kanyang ina, si Faith, ay lumapit na may luha sa buong mukha niya habang hinawakan niya ang kamay ni Doris. Sinabi niya nang nabubulunan, “Kalimutan mo na ito, Doris. Sumuko ka na lang. Hindi ko kayang panoorin kang tumalon sa patibong ni Edmund nang gano’n lang…”Namula ang mga mata ni Doris, at dumaloy ang mga luha sa kanyang mukha nang hindi niya nalalaman habang sinabi, “Ma! Kaunti na lang ang oras ni Papa ngayon… Kung hindi natin makukuha ang kidney na ito, marahil ay sa kalahating buwan…”Sinampal ni Faith ang kamay ni Doris nang ilang beses. Kahit na masakit nang sobra para sa kanya at sobrang lungkot niya, sinabi niya nang determinado, “Mahigit limampung taon na kaming nabuhay ng papa mo. Sa nagdaang limampung taon, nabuhay kami nang puno, masaya, at maunlad na buhay. Sobrang kuntento na kami. Kaya,
Dati siyang inangkas ni Aurora sa speedboat sa lawa.Pero, dahil malamig pa ang panahon ngayon, medyo mapurol at malungkot ang tanawin sa tabi ng ilog. Hindi ito kasing kulay at malago noong pumunta siya dito.Kaya, sinabi ni Charlie kay Graham, “Mr. Quinton, medyo kulang ang sigla ng villa na ito sa taglamig. Kahit na pansamantala lang na nalanta ang mga punto at damo dito, pagdating sa Feng Shui, matuturing na patay na bagay pa rin sila. Kaya, mas mabuti para sayo na huwag tumira dito bago magsimula ang tagsibol dahil siguradong may maliit na epekto ito sa iyong katawan at kapalaran.”Nang marinig ito ni Graham, sinabi niya agad, “Oh! Salamat sa paalala mo, Master Wade! Kung gano’n, babalik kami sa siyudad bukas!”Tinanong nang hindi nag-iisip ni Aurora, “Pa, bakit hindi tayo bumili ng villa sa Thompson First community? Hindi lang malaki ang lugar doon, pwede rin nating maging kapitbahay si Master Wade!”Pinagtampal ni Graham ang mga labi niya habang sinabi, “Magandang ideya nga
Binigay ni Charlie ang dalawang kahon na kahoy kay Graham sa ilalim ng mapagmasid na tingin ni Graham. Pagkatapos nito, sinabi niya, “Mr. Quinton, ang dalawang pill sa loob ng dalawang kahon na ito ay maliit na pasasalamat mula sa akin. Ang nasa kanan ay medyo malaki at mas maitim ang kulay. Iyon ang Healing Pill na binigay ko sa iyo dati. Para naman sa mas maliit at mas maliwanag na pill sa kaliwa, ito ang Rejuvenating Pill na kagagawa ko lang.”Sabik na sabik si Graham at hindi niya talaga alam ang sasabihin niya. Sinabi niya sa nanginginig na boses, “Master… Master Wade… paano ako naging karapat-dapat sa napakahalagang Rejuvenating PIll?! Ang… ang Rejuvenating Pill na ito ay madaling mabebenta sa halagang dalawa o tatlong bilyong dolyar kung ilalagay mo ito sa auction sa market. Sobra… sobrang mahal talaga nito…”Kahit na matagal nang pinapangarap ni Graham ang Rejuvenating Pill, naiintindihan niya na sobrang taas talaga ng halaga ng Rejuvenating Pill. Mas mahalaga at mas mahal pa
Ang dahilan lang kung bakit nabenta sa mataas na presyo ng isang daang milyong dolyar ang purple ginseng sa huling auction ay dahil sadyang tinaasan ni Charlie ang presyo ng purple ginseng para inisin si Kenneth Wilson.Kahit na isa talagang shareholder si Graham na nag-invest sa batch ng pill na ito, imposible na asahan niya na dalawa o tatlong bilyong dolyar ang balik ng apat o limang milyong dolyar. Kaya, kahit ano pa, malaking pabor ang pagbigay ng Rejuvenating Pill ni Charlie sa kanya.Nang maisip niya ito, tumayo agad si Graham habang umabante siya at napaluhod. Pinagdaup niya ang mga kamay niya bago niya sinabi nang magalang, “Master Wade, hinding-hindi ko makakalimutan ang kabutihan mo at pabor! Mangyaring tanggapin mo ang isang yuko mula sa akin!”Sinuportahan siya ni Charlie gamit ang isang kamay bago siya ngumiti at sinabi, “Dapat tanggapin mo ang pill at itago mo agad ito sa isang ligtas na lugar. Sa lahat ng tao na inimbita ko dito ngayong araw, ikaw lang ang makakatang
“Bagong ruta?”Hindi maiwasang itanong ni Aurora, “Master Wade, anong ibig mong sabihin sa pagbabago ng ruta? Ang ibig sabihin mo ba… na gusto mo akong mag-ensayo ng judo, taekwondo, o iba pa?”“Syempre hindi!” Ngumiti nang malalim si Charlie bago niya sinabi nang seryoso, “Kahit ito pa ang ating tradisyonal na martial arts ng ating bansa, taekwondo, Jeet Kune Do, Sanda, combat and fighting, boxing, lahat ito ay naka-focus sa parehong bagay. Kahit na patuloy mong iba-ibahin ang mga ito, mababago mo lang ang direksyon. Imposible na makagawa ka ng bagong ruta.”Tinanong ni Aurora dahil hindi niya ito maintindihan, “Master Wade, hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin. Ang lahat ng ito ay karaniwan na sa competitive martial arts events ngayon. Kung hindi ako mag-eensayo sa mga ito, ano ang sasanayin ko?”Sumagot nang kaswal si Charlie, “Narinig mo na ba ang tungkol sa inner family boxing?”“Inner family boxing?” Nagulantang si Aurora. Pagkatapos, tinanong niya, “Maaari ba… ang co
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl