Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 2281 - Kabanata 2290

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 2281 - Kabanata 2290

5675 Kabanata

Kabanata 2281

Pagkatapos umalis sa Pearl River Point, pumunta na si Charlie sa palengke.Masyadong marami ang oras na sinayang niya sa pag-aayos ng problema ni Wendy. Kung hindi siya magmamadaling bumili ng pagkain na iluluto, hindi makakakain si Charlie ng tanghalian kapag bumalik na si Wendy mula sa trabaho.Kahit na ang Aurous Hill ay isang lumang siyudad, mas nagiging moderno naman ito sa nakalipas na panahon. Karamihan sa mga gusali ay sira na, na-demolish, o inayos upang umayon sa pagiging moderno ng lugar. Ang mga iyon ay naging mga skyscraper at matataas na mga gusali ng kanilang modern metropolitan city.Marami sa mga traditional craft stores at markets ang unti-unting napapalitan ng iba’t ibang yayamaning shop lots at saka mga integrated supermarkets.Dati, marami ang mga barbero sa daan na mahusay sa paggupit at pag-shave ng buhok. Ang isang simpleng gupit o shave ay nagkakahalaga lamang ng dalawa o tatlong dolyar.Gayunpaman, ang mga makalumang mga barbero na ito ay naglaho na at ng
Magbasa pa

Kabanata 2282

Pagkatapos lumabas ni Uncle Walters sa kotse, binuksan niya ang pinto ng back seat at magalang na sinabi sa babaeng nakaupo sa loob ng kotse, “Miss Helen, narito na tayo.”Ang babaeng nakaupo sa loob ng kotse ay walang iba kung ‘di si Helen.Pagkatapos bumaba ng eroplano, una niyang dinala sina Jaime at Sophie pabalik sa lumang mansyon ng Pamilya Dunn kasama si Uncle Walters upang manatili roon at itago ang kanilang bagahe. Pagkatapos no’n, dali-dali niyang hiniling kay Uncle Walters na dalhin siya sa lugar kung saan nanirahan si Curtis bago siya mamatay.Para naman kina Jaime at Sophie, mayroon silang sariling plano sa siyudad.Nagtungo si Jaime sa bahay-ampunan para makipag-usap tungkol sa mga donasyon habang si Sophie ay nakaupo sa kaniyang kwarto, ginagamit ang kaniyang laptop, nagpapatuloy sa paghahanap kay Charlie sa gitna ng libo-libong mga tao sa video.Si Helen ay masaya naman sa sarili niyang ginagawa. Siya ay bumibisita sa lumang bahay ng kaniyang minamahal na si Curtis
Magbasa pa

Kabanata 2283

Hindi namalayan ni Helen na pinalit niya ang kaniyang sarili sa asawa ni Curtis sa kaniyang isipan, at agad niyang naramdaman ang pamumuo ng mga luha sa kaniyang mga mata.Ninais niyang pigilan ang mga luha, ngunit talagang hindi niya inasahan na mas maluluha lamang siya at hindi niya iyon makontrol o mapigilan. Ang mga luha ay gumuhit sa kaniyang makinis na mukha na tila hindi nagpapakita ng anumang senyales ng pagtanda.Ang matandang butler na nakatayo sa gilid ay napabuntong-hininga nang mahina noong makita niya iyon.“Hay… Sino’ng hindi nakakaalam sa buong kapitolyo na ang second lady ng pamilya Dunn ay may malalim na pagmamahal kay Curtis sa loob ng maraming taon…”“Gayunpaman, sino’ng nag-akala na ang second lady ay may ganito pa rin kalalim na nararamdaman kahit halos dalawampung taon nang wala si Curtis…”Kahit sa unang panahon pa lamang, ang pagmamahal at sentimental na nararamdaman ay nag-iiwan lamang ng panghabang-buhay na pagkamuhi.Ayon sa sinaunang panahon, pagsisis
Magbasa pa

Kabanata 2284

Sa sandaling marinig iyon ni Helen, siya ay biglang nasabik, at sinabi niya, “Tulungan mo akong mag-abang. Gusto kong manalo sa bid para sa mansion na ‘to.”Tumango ang matandang butler at sinabing, “Ang mansion na ‘to ay mayroong maliit na area at hindi pwedeng ma-demolished. Kaya, tinuturing ‘tong isang low-quality asset na hindi pwedeng pagpasa-pasahan. Kaya, siguradong magiging madali para sa atin na manalo sa bidding ng mansion na ito sa pagdating ng oras na iyon.”“Sige.” Determinadong sagot ni Helen, “Kailangan nating manalo sa bidding ng mansion na ‘to kahit gaano pa kalaki ang halaga nito!”Pagkatapos niyang magsalita, dali-dali siyang nagtanong, “Uncle Walters, tinulungan mo ba akong kausapin ang kahit na sinong nasa judiciary? Pwede na ba akong pumasok at tumingin sa mansion ngayon?”“Oo, oo.” Sabi ng matandang butler, “Noong kausap ko sila sa telepono ngayon lang, sinabi nila sa ‘kin na pupunta sila rito para sa asset registration at evaluation sa susunod na dalawang ar
Magbasa pa

Kabanata 2285

Mayroong halos walumpung porsyento na pagkakatulad sa pagitan ng itsura ni Charlie at ng kaniyang ama.Dahil galing sa magkaibang henerasyon mag-ama, mayroong isang malaking pagkakaiba mula sa kanilang buhok at pananamit. Kung may damit si Charlie na katulad ng kaniyang ama dati, halos walang pagkakaiba ang hitsura nila.Kaya, sa sandaling makita siya ni Helen, pakiramdam ni Helen ay nakakita siya ng isang hindi kapani-paniwalang bagay.Siya ay natuliro, bukod sa gulat na gulat, hindi rin siya makapagsalita.Hindi niya nga alam kung guni-guni niya lang ito dahil masyado na niyang namimiss si Curtis.Kung ‘di, bakit lilitaw sa kaniyang paningin ang isang lalaki na kamukhang-kamukha ni Curtis?!At saka, noong namatay si Curtis, nasa tatlumpung taon pa lamang siya.Ang panahon na madalas mag-usap sina Helen at Curtis ay ang panahon bago ikasal si Curtis. Hindi na sila masyadong nag-usap simula noong ikasal si Curtis hanggang sa siya ay mamatay.Kaya, ang ala-ala ni Helen kay Curti
Magbasa pa

Kabanata 2286

Naramdaman ni Charlie ang pagkibot ng mga mata niya. Agad siyang lumingon sa kabilang direksyon nang walang pag-aalangan. Pagkatapos, tinapakan niya ang accelerator at nagmamadali siyang umalis.Nang makita ni Helen na naglaho si Charlie sa harap niya, agad siyang nagmadali para habulin ito. Subalit, pagkarating niya sa labas, wala na si Charlie.Nakatayo pa rin si Helen sa kanyang puwesto habang nakatulala. Kinakabahan siya at napabulong siya sa kanyang sarili, “Imahinasyon ko lang ba ang nakita ko?”Habang nagsasalita, tumalikod siya para tanungin ang matandang butler na nakasunod sa kanya, “Uncle Walters, nakita mo ba ang binata rito kanina? Kamukha niya si Curtis, hindi ba?”Kahit nasulyapan lamang ng matanda si Charlie, sumagot siya nang walang pagdududa sa mukha, “Miss Helen, nakita ko nga ang binatang sinasabi mo. Kamukha niya si Mr. Wade!”Nang marinig ito ni Helen, hindi niya mapigilan ang sabik na nararamdaman niya, “Tama nga… tama nga ako… Uncle Walters, nakita mo rin s
Magbasa pa

Kabanata 2287

Sa parehong pagkakataon, ilang daang metro na ang layo ni Charlie kay Helen.Para masigurong hindi siya mahahanap ni Helen, hindi na siya bumili ng groceries. Dumiretso na lang siya pabalik sa villa nila sa Thompson First. Habang nasa daan, tinawagan ni Charlie si Isaac. Nang sagutin ni Isaac ang tawag, agad na nag-utos si Charlie, “Mr. Cameron, may tao sa lumang mansyon namin nila papa ngayong araw. Pwede mo bang alamin kung sino siya!”Nasorpresa si Isaac, “Young Master, pumunta ka sa lumang mansyon ngayon?”“Oo!” Nagpatuloy si Charlie, “May nakita akong babae roon. Nakatitig siya sa akin at tinawag niya ang pangalan ni papa. Gusto kong tulungan mo akong alamin kung sino siya. Dapat kong malaman kung kaaway ba siya o isang kaibigan. Alamin mo na rin kung ano ang koneksyon niya sa papa ko.”“Sige, Young Master!” Sagot ni Isaac nang walang pag-aalangan, “Aalamin ko agad ang bagay na ito ngayon din!”Muling nagsalita si Charlie, “Nga pala, may isang bagay pa akong ipapagawa sa iy
Magbasa pa

Kabanata 2288

“Masusunod po, Young Master!”Pagkatapos ibaba ang tawag, hindi mapigilan ni Charlie na makaramdam ng sakit sa ulo.Napagtanto niyang may kakaibang magnetic field yata sa pagitan niya at ng pamilya Schulz.Matagal na siyang naghihintay ng perpektong oportunidad para singilin ang pamilya Schulz sa kanilang mga kasalanan lalo na sa pagbuo nila ng Anti-Wade Alliance. Subalit, sa loob ng maiksing panahon, naka-engkuwentro niya ang ilang miyembro ng pamilya Schulz bago pa dumating ang tamang pagkakataon para maghiganti sa kanila.Una, iniligtas niya ang dalawang apo ng pamilya Schulz sa Japan, wala ng iba kundi si Jaime at Sophie ang mga ito. Nang sagipin sila ni Charlie, hindi niya alam na anak pala ni Sheldon ang dalawa.Pagkatapos, hindi nagtagal, nakatagpo rin ni Charlie si Sheldon sa Tokyo Hospital. Subalit, sa pagkakataong iyon, hindi niya alam na ang lalaking nasa harap niya ay wala ng iba kundi si Sheldon.Kung hindi, sa asal ni Charlie, kahit hindi niya patayin si Sheldon sa
Magbasa pa

Kabanata 2289

Nakaramdam si Helen ng lungkot pagkatapos umalis sa lumang mansyon na dating tinirahan ng pamilya nila Charlie.Sa isang banda, hindi niya mapigilang malungkot sa pagkawala ni Curtis. Sa kabilang banda, hindi niya rin naabutan si Charlie kanina. Pakiramdam niya kamukha talaga ng binatang nakita niya kanina si Curtis. Bumalik tuloy ang mga alaala niya sa kabataan.Pagkabalik sa mansyon ng pamilya Dunn sa Aurous Hill, agad na naghanda ang mga kasambahay ng masarap na tanghalian para kay nila Helen.Kababalik lang rin ni Jaime sa pagbibigay ng donasyon sa mga ampunan sa Aurous Hill. Nang makita niyang nakauwi na ang kanyang ina, agad siyang nagtanong, “Ma, saan ka pumunta kaninang umaga?”Sa kabila ng dami ng iniisip, sumagot pa rin si Helen kahit medyo wala siya sa sarili, “Wala naman akong pinuntahan talaga. Pinakiusapan ko lang si Uncle Walters na ilibot ako.”Sa pagkakataong ito, isang kasambahay ang lumapit at magalang na nagsalita, “Miss Helen, nakahanda na ang tanghalian.”Tu
Magbasa pa

Kabanata 2290

Hindi man lang inangat ni Sophie ang kanyang ulo, “Hindi kami umuusad. Wala pa akong nahahanap na videos kung saan makikita siya.”Seryosong nagsalita si Helen, “May ilang bagay na nakadepende sa tadhana. Kung ayaw ng tadhana, kahit ano pa ang gawin mo, hindi niyo siya mahahanap. Pero, kung talagang hahayaan ng tadhana, kahit hindi mo siya hanapin, magpapakita pa rin siya sa harap mo.”Sa pagkakataong ito, hindi nag-alangan si Sophie na sumagot, “Ayaw kong umasa sa tadhana. Hindi ko pwedeng ipagkatiwala ang ganitong bagay nang hindi sumusubok. Maraming tao sa mundo. Bukod sa mga kapitbahay natin, napakababa ng tsansa na magkitang muli ang dalawang tao na nagkakilala sa ibang bansa. Kung hindi ko siya hahanapin, natatakot akong imposibleng makita ko siya sa buong buhay na ito.”Pagkatapos, naging mapanglaw ang ekspresyon sa mukha ni Sophie, “Hindi masyadong maganda ang memorya ng tao. Madalas, walang natatandaan ang iba. Naaalala lang natin ang ilang mga bagay kung paulit-ulit natin
Magbasa pa
PREV
1
...
227228229230231
...
568
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status