Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 1501 - Kabanata 1510

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 1501 - Kabanata 1510

5630 Kabanata

Kabanata 1501

Isang lalaki at babae ang nakaupo sa paligid ng lamesa. Hindi alintana sa hitsura nila, aura, at kaswal na pananamit, mukhang sobrang marangya at maganda ang panlasa nilang dalawa.Mukhang medyo pagod ang lalaki at medyo maputla ang mukha at mga labi niya. Sa unang tingin, malinaw na matagal na siyang may sakit. Bukod dito, mukha siyang isang tao na may malalang sakit at malapit na mamatay.Pero, ang babae sa tabi niya ay maingat sa katawan at sobrang ganda niya. Kamukha niya si Quinn at mukhang nasa tatlumpung taon pa lang siya.Nakilala ni Charlie silang dalawa sa isang tingin. Ito si Tito Golding na kilala niya na noong bata pa siya at ang kanyang asawa, si Tita Golding.Nang makilala ni Charlie sila, nakilala rin nila agad si Charlie!Mayroong labis na nagulat na ekspresyon si Yule sa kanyang mukha. Sobrang payat na ng mukha niya at mukhang pagod. Sa sandaling ito, sobrang laki ng mga mata niya at nanginginig siya, tila ba may gusto siyang sabihin pero wala siyang masabi.Sa
Magbasa pa

Kabanata 1502

Habang nagsasalita siya, hindi maiwasang mabulunan ni Yule habang sinabi, “Sa mga nagdaang taon, wala akong mahanap tungkol sa kinaroroonan mo. Kaya, akala ko na wala ka na sa mundong ito…”Sa sandaling ito, mahigpit na tinikom ni Yule ang kanyang mga labi pero hindi na niya mapigilan ang mga luha niya.Sobrang tagal niyang nagtiis bago pinalabo ng mga luha niya ang kanyang paningin. Pagkatapos, napaiyak siya at sinabi, “Kuya Wade! Kung nakatingin ka sa amin mula sa langit, tingnan mo! Bumalik na ang anak mo! Bumalik na siya! Sa wakas ay may karapatan na akong umalis at makipagkita sayo ngayon…”Medyo nabalisa si Yule at patuloy siyang umiyak bago siya umubo nang marahas nang ilang beses. Sa sandaling ito, si Rachel, na nakatayo sa gilid, ay pinunasan ang mga luha sa mukha ni Yule habang maingat niyang tinapik ang likod ng kanyang asawa bago siya nabulunan at sinabi, “Yule, isang masayang pangyayari ang pagbabalik ni Charlie. Huwag ka na umiyak. Dapat alam mo na hindi masyadong maga
Magbasa pa

Kabanata 1503

Hinila ni Yule si Charlie para umupo sa tabi niya.Sa sandaling umupo sila, sinabi niya agad nang mabait kay Charlie, “Charlie, tara, kumain muna tayo. Sana magustuhan mo ang pagkain. Kung hindi, magpapagawa ako ng ibang pagkain sa kanila para sayo.”Mabilis na sinabi ni Charlie, “Tito Golding, ayos lang. Kakainin ko ang mga inihanda niyo.”Tumango si Yule at sinimulang tanungin si Charlie sa mga pinagdaanan niya sa mga nagdaang taon.Walang masyadong tinago si Charlie sa pamilya Golding maliban sa Apocalyptic Book—ang sikreto na nakabaon sa kailaliman ng puso niya. Sinabi niya ang lahat sa kanila nang tapat, kasama na ang buhay niya bago siya naging walong taong gulang, ang karanasan niya pagkatapos niya maging walong taong gulang, ang pagkakakilala niya kay Lord Wilson, ang kasal niya kay Claire, at ang buhay niya pagkatapos ng kasal.Kapag lalong nakikinig sina Yule at Rachel sa paglalarawan ni Charlie ng kanyang nakaraan, mas nabasag ang puso nila at naawa. Sa mga mata nila, s
Magbasa pa

Kabanata 1504

Alam ni Charlie na sinasabi ito ni Yule para kapakanan niya, pero umiling siya at sinabi sa seryosong boses, “Tito Golding, walong taon lang akong nabuhay kasama ang mga magulang ko, sobrang ikli, pero sila ang gumawa ng dugo at kaluluwa ko. Kung hindi ko sila maipaghihiganti, paano ako mabubuhay sa dugo at kaluluwa na ibinigay nila sa akin?”Tahimik lang si Rachel. Nang marinig ito, nagbuntong hininga siya at namumula ang mga mata niya. “Yule, ang pagkatao at ugali ni Charlie ay sobrang katulad ni Kuya Wade. Dati, kung kaya ni Kuya Wade na tiisin ang mga hindi makatarungan na bagay, hindi siya aalis sa Eastcliff kasama ang kanyang asawa at anak nang matatag at matuwid. Hindi mo kayang himukin si Kuya Wade at marahil ay hindi mo mahihimok si Charlie ngayon.”Tumango nang malungkot si Yule. Hang nagbuntong hininga, tumingin siya kay Carlie, pagkatapos ay kay Quinn, at sinabi, “Charlie, Charlie, pwede mo munang isantabi ang ibang bagay nang ilang panahon. Kung gusto mo talagang kalaban
Magbasa pa

Kabanata 1505

Sa sandaling ito, umubo nang ilang beses si Yule dahil hindi maganda ang pakiramdam niya. Natagalan siyang kumalma at sinabi sa seryosong tono, “Charlie, gumagala ka nang walang patutunguhan sa Aurous Hill sa nakaraang sampung taon, parang isang dragon na lumalangoy sa mababaw na tubig. Oras na para sayo, ang tunay na dragon, na bumalik sa nararapat mong lugar!”Pagkatapos, nagpatulosy siya habang nagsisisi, “Marahil ay walang lakas ang pamilya Golding para tulungan kang magtagumpay agad, pero gamit ang suporta namin, magkakaroon ka ng matibay na pundasyon kung balak mong bumalik sa pamilya Wade sa hinaharap. Gamit ang suporta ng pamilya Golding, kung gusto mong makipaglaban para sa pamana ng pamilya Wade, magkakaroon ka ng mas malaking tsansa ng tagumpay!”Nahiya nang sobra si Charlie nang marinig ito.Hindi niya inaasahan na kahit na umalis na siya sa pamilya Wade at kasal na siya, ipipilit pa rin nina Yule at Rachel na tuparin ang marriage agreement na pinagkasunduan nila, deka-d
Magbasa pa

Kabanata 1506

Nagulat sina Rachel at Yule.Sinabi ba ni Charlie na kaya niyang gamutin nang buo ang sakit ni Yule?Paano… paano iyon posible?Napakatagal naglibot sa buong mundo ang pamilya para hanapin ang mga pinakamagaling na eksperto at gamitin ang mga pinakamagandang gamot, kagamitan, at paraan para sa sakit niya, pero wala sa kanila ang kayang pigilan ang mabilis na paglala ng kondisyon ni Yule.Si Steve Jobs, ang founder ng Apple, ay isa ring bilyonaryo na nagkaroon ng pancreatic cancer. Natanggap niya ang pinakamagandang paggamot sa United States pero sa huli, tinalo siya ng sakit niya.Wala sa mga eksperto sa buong mundo ang naniniwala na may pag-asang gumaling ang cancer ni Yule. Sa totoo lang, marami sa kanila ang naniniwala na marahil ay nasa isang taon o anim na buwan na lang ang natitirang buhay niya.Nang biglang sinabi ni Charlei na kaya niyang gamutin si Yule, tunog pantasya lang ito sa kanila.Bumuntong hininga si Rachel at sinabi sa seryosong tono, “Charlie, alam ko na sigu
Magbasa pa

Kabanata 1507

Kasunod ng galit na sigaw ni Rachel, sinabi nang malamig ng lalaking may mapanghamak na hitsura na mukhang pinuno ng grupong ito, “Rachel, ito ang bahay ng kuya ko. Kailangan ko ba ng pahintulot mo bago ako pumunta sa bahay niya?”Sinabi ni Rachel na may madilim na ekspresyon, “Adrian, ako ang asawa ng kapatid mo, ang ibig sabihin ay sa akin ang kalahati ng bahay niya. Kung papasok ka nang walang pahintulot, isa itong trespassing!”Ngumisi ang mga labi ni Adrian. Sinukat niya si Rachel at sinabi nang nakasimangot, “Oh, Rachel, alam mo pa rin pala na mag-asawa kayo ng kapatid ko? Pero, ginampanan mo ba ang tungkulin mo bilang asawa?”Tumayo nang nahihirapan si Yule at sinumbat, “Adrian, paano mo nagawang kausapin nang ganyan ang hipag mo? ‘Ang asawa ng pinakamatandang kuya ay dapat galangin na parang ina’, hindi mo ba alam iyon?”“Ano ulit?” Umirap nang mapanghamak si Adrian. “Kuya, huwag mong kalimutan na tagalabas pa rin siya sa pamilya Golding. At saka, bilang asawa ng pinakamata
Magbasa pa

Kabanata 1508

Ngumisi nang mayabang si Wilhelm. “Hoy, Quinn, medyo mainitin ang ulo mo. Nasa parehong henerasyon tayo sa pamilya Golding, kaya ano naman kung mas matanda ka sa akin? Huwag mong kalimutan, isang babae ka lang na ikakasal sa ibang lalaki balang araw. Kapat nangyari iyon, hindi ka na miyembro ng pamilya Golding, isang tagalabas ka na lang, gets mo ba?”Binuksan ni Charlie ang kanyang bibig, sinusubukang magsalita, pero nagpigil siya.Dahil, ito ang problema ng pamilya Golding. Bilang isang tagalabas, wala siyang karapatan na sumingit. Wala siyang makatwiran na dahilan para makialam sa sandaling ito.Bukod dito, malabo pa ang pangunahing layunin ng pagbisita nina Adrian at Rogan, kaya nagpasya muna siyang manahimik at obserbahan ang sitwasyon.Sa sandaling ito, galit na sinumbat ni Yule, “Tama na! Manahimik kayo!”Tagumpay na pinakalma ng kanyang sigaw ang mga taong nandoon. Humarap siya kina Adrian at Rogan at tinanong sa malamig na boses, “Adrian, Rogan, wala akong pakialam kung b
Magbasa pa

Kabanata 1509

Kahit na nakita nila Adrian at Rogan si Charlie noong pumasok siya ng bahay, hindi nila siya pinansin.Ang pangunahing target ng pagbisita nila ngayon ay sila Yule, Rachel, at Quinn, kaya tinrato nila si Charlie at ang mga kasambahay na tila ba wala sila doon.Sa hindi inaasahan, mangangahas ang binata ito na sigawan sila at tawagin pa silang g*go. Nagalit agad sila.Sa totoo lang, ang ranggo ng pamilya Golding sa Eastcliff ay pangatlo pagdating sa kanilang kayamanan na trilyon-trilyon, ang pamilya Wade at ang pamilya Schulz lang ang nasa taas nila. Kahit na may 25% lang sila Adrian at Rogan sa asset ng pamilya Golding, maituturing na top billionaire pa rin sila sa siyudad at nasa itaas sila ng listahan ng mga pinakamayamang tao.Hindi nila matanggap na sinigawan sila ng isang binata na bigla na lang sumulpot, kaya tinuro ni Adrian nang galit si Charlie at sinigaw, “Bata, kilala mo ba kung sino ako? Ang lakas ng loob mong kausapin ako nang ganito! Gusto mo bang mamatay?”Umirap si
Magbasa pa

Kabanata 1510

Sa sandaling ito, isang binata na medoy mas matanda at mas kalmado kay Wilhelm ang nagsalita. “Kapatid, problema ito ng pamilya Golding, kaya huwag ka sanang makialam.”Ang taong nagsalita ay si Wrigley Golding, ang anak na lalaki ni Adrian, pati na rin ang pinakamatandang lalaking apo ni Lord Golding.Dahil babae si Quinn, maituturing na si Wrigley ang pinakamatandang apo ng pamilya.Tumingin is Charlie kay Wrigley at sinabi nang payak, “Kung may sasabihin ka, magsalita ka nang maayos. Huwag kang umasta na parang isang boss dahil lang mas marami kayo at tumahol sa bahay ng iba na parang mga masugid na aso. Maituturing na isang kagalang-galang na pamilya ang pamilya Golding sa Eastcliff, kaya kontrolin niyo sana ang sarili niyo kapag nasa labas kayo. Huwag niyong hayaan na isipin ng iba na mga wala kayong pinag-aralan at hindi kayo sibilisado!”“Ikaw…” Nang marinig iyon, nagngalit si Wilhelm sa galit at gusto nang sugurin si Charlie.Pinigilan siya ni Wrigley sa oras. Pagkatapos,
Magbasa pa
PREV
1
...
149150151152153
...
563
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status