Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1521 - Chapter 1530

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1521 - Chapter 1530

5630 Chapters

Kabanata 1521

Tumakas sina Adrian at Rogan nang nagmamadali sa bahay ni Yule.Sa sandaling ito, tumakbo papasok ang maid at sinabi, “Sir, sugatan ang ilang bodyguard natin. Dapat ko bang…”Sinabi agad ni Yule habang may nanghihimok na senyas, “Bilis at tawagan mo ang 911! Ipadala mo sila sa Fairview para magpagamot. Ako na ang magbabayad sa hospital at magbibigay ako ng dalawang daang libong dolyar bawat tao para sa pagpapagamot nila. Papapuntahin ko ang secretary ko.”Tumango agad ang maid, nilabas ang kanyang cellphone, at tinawagan ang 911.Pagkatapos, sinuri nila ang mga bodyguard. Mukhang medyo miserable sila pero wala silang nakamamatay na sugat.Pero, nahihiya nang sobra ang mga taong ito sa sarili nila, at hindi nangahas ang ilan na tumingala para tumingin kay Yule. Paulit-ulitn ilang sinusumpa ang sarili nila sa pagiging sobrang mahina at binigo nila ang tiwala ni Yule.Hindi ito masyadong inisip ni Yule. Isa-isa niyang pinagaan ang kalooban nila, “Aksidente ang nangyari ngayong araw.
Read more

Kabanata 1522

Huminga nang malalim si Charlie, tumingin sa kanilang tatlo, at sinabi nang seryoso, “Tito Golding, Tita Golding, Nana—hangga’t buhay ako, kahit nasaan ako, hindi ko hahayaang apihin kayo ng iba.”Pagkatapos, humarap siya kay Yule at sinabi, “Tito Golding, may paraan ako para gamutin ang sakit mo at gawin kang malusog ulit!”Kugn sinabi ito ni Charlie kanina habang kumakain, hindi maniniwala si Yule sa kanya. Alam niya na hindi magagamot ang sakit niya.Pero, pagkatapos makitang tinalo ni Charlie ang Warlord at ang Realm Master gamit ang sarili niyang alkas, bigla siyang nagkaroon ng napakalakas na pagsamba at kumpiyansa kay Charlie. Naramdaman niya na sigurado si Charlie dahil sinabi niya ito.Tinanong niya nang mabilis, “Charlie, sigurado ka ba na magagamot mo ako?”Sinabi rin ni Rachel, namumula at namamaga ang mga mata niya, “Charlie, sobrang seryoso ng kondisyon ni Yule ngayon. Kinonsulta na namin ang mga pinakatanyag na eksperto sa larangan na ito, pero…”Hindi kinaya ni Ra
Read more

Kabanata 1523

Ang bisa ng Rejuvenating Pill ay hindi dapat pagdudahan.Ito ang esensya na nakatala sa Apocalyptic Book, kaya nitong buhayin ang mga patay na puno sa tagsibol, pabatain ang mga matatanda, at ibalik ang kalusugan ng mga taong malapit nang mamatay.Dati, nasugatan nang malala si Albert ng mga bodyguard ng pamilya Webb. Halos mawalan na siya ng hininga, nabubuhay na lang sa huling mahingang hinga niya.Sa ganitong sitwasyon, kahit na maligtas ng pinakamagaling na doktor sa buong mundo ang buhay niya, imposible nang sagipin ang kanyang utak. Ang pinakamagandang kalalabasan ay maging vegetative state siya.Pero, pagkatapos inumin ang Rejuvenating Pill, hindi lamang gumaling si Albert ngunit mas bumata rin ng sampung taon ang pisikal na estado niya.Ipinapakita nito kung gaano kahiwaga ang Rejuvenating Pill.Kaya, naniniwala si Charlie na kayang pagalingin ng Rejuvenating Pill si Yule.Sa sandaling ito, ininom ni Yule ang Rejuvenating Pill sa harap ng kanyang asawa. Agad siyang nakar
Read more

Kabanata 1524

Pagkatapos magkasakit, namiss ni Yule nang sobra ang kanyang dating kalagayan.Sa oras na iyon, hindi siya sumuko nang madali! Kahit na 45 na siya, gusto niya pa rin na maging katulad ng isang batang 30 years old.Sa totoo lang, mas maayos ang katawan niya sa oras na iyon kumpara sa ibang ordinaryong tao na nasa parehong edad dahil inaalagaan niya ito. Kahit na nahihirapan at napapagod siyang buhatin ang kabaong, nagawa niya ito!Sa sandaling ito, bumalik na ang rurok ng kasiglahan niya!Umupo si Yule sa upuan at napaiyak agad!Naramdaman niya na ang lahat ng ito ay regalo mula sa langit! Noong sobrang lala ng sakit niya, gusto niya lang mabuhay. Kailanman ay hindi niya inisip na bumalik sa ganitong estado ng kasiglahan sa buong buhay niya!Pero, ngayon, mga mahimalang bagay ang nangyayari sa kanya!Sa sandaling ito, hindi lamang nangyari sa katawan ni Yule ang isang himala, ngunit sa mga mata rin nina Rachel at Quinn!Nakikita nila ang bilis ng pagkulay ng maputla at walang ku
Read more

Kabanata 1525

Sa sandaling ito, umiiyak na nang sobra sina Rachel at Quinn sa punto na hindi na nila mapigilan ang sarili nila.Ang dalawang tao—isa sa kaliwa, at isa sa kanan—ay hawak-hawak ang mainit na kamay ni Yule. Sobrang emosyonal nila sa punto na hindi na sila makapagsalita.Hindi dumaan si Yule sa kahit anong medical test. Hindi rin sila nakatanggap ng kahit anong authoritative report na gumaling na si Yule. Sa kabila ng lahat ng ito, naniniwala pa rin sila sa sarili nilang mga mata at sarili nilang panghuhusga na gumaling na nang tuluyan si Yule!Bilang isang taong naranasan ang mga epekto ng Rejuvenating Pill, alam na alam ni Yule ang sitwasyon niya. Sampung libong porsyento siyang sigurado na hindi lamang siya gumaling, ngunit bumalik din ang katawan niya sa kalagayan niya noong 40 years old siya, nasa sampung taon na ang lumipas.Naging sabik siya dahil dito.Natagalan siya bago niya napigilan ang kanyang mga emosyon. Pagkatapos, tumingala siya para tumingin kay Charlie habang puno
Read more

Kabanata 1526

Paglipas ng ilang sandali, bumalik si Rachel dala-dala ang isang bote ng Maotai wine.Kinuha ni Yule ang bote ng wine. Binuksan niya ang takip, at sinabi, “Charlie, simula noong pinanganak ang anak na babae ko, gumastos ako ng maraming pera para bilhin ang pinakamagandang Maotai wine sa kaarawan niya bawat taon. Hanggang ngayon, puno pa rin ng top level Maotai ang underground storeroom ko, pwede itong ilagay sa auction. Sa una, balak kong hintayin na ikasal ang naak ko para i-serve ito sa mga kaibigan at pamilya niya, pero subukan muna natin ito ngayong araw!”Si Rachel, na nakatayo sa gilid, ay tumawa at dinagdag, “Charlie, sobrang mahalaga ng batch ng wine na ito para sa akin. Ang storeroom ay parang isang chimera, maaari lang pumasok ngunit hindi pwedeng lumabas. Wala pang nakakapaglabas ng bote dito para inumin. Ngayong araw lang talaga ang unang pagkakataon!”Humagikgik si Yule at sinabi, “Sa una ay nakahanda talaga ang wine na ito para sa kasal ni Charlie at ng anak na babae k
Read more

Kabanata 1527

Nang marinig ang tanong ni Yule tungkol sa Rejuvenating Pill, ngumiti siya at sumagot, “Tito, ang medisinang ito ay tinatawag na Rejuvenating Pill. Hindi ako mangangahas na sabihin na isa itong tunay na elixir, pero masasabi ko na kalahating mahiwaga ito. Ginawa ito ng mga henyo at sinaunang doktor sa Oskia. Nagkataon lang din na nakuha ko ito.”Hindi nagduda si Yule sa kanya at sinabi, “Masyadong mahiwaga ang medisniang ito. Mukhang hindi ito galing sa mundong ito. Parang panaginip ang naramdaman ko noong ininom ko ang medisina! Mukhang marami talagang bagay mula sa mga ninuno natin ang hindi natin maintindihan!”Tumango si Charlie sa pagsang-ayon.Kahit na hindi niya alam kung sino ang nagsulat ng Apocalyptic Book, ayon sa edad ng Yuchun vase, masasabi na ginawa ito noong Tang Dynasty.Walang kahit anong bakas ang vase ng pagputol pagkatapos itong gawin. Sa ibang salita, ang kahon na gawa sa kahoy kung saan nakalagay ang Apocalyptic book ay nilagay doon nang maaga habang ginagawa
Read more

Kabanata 1528

Kaya, dapat niyang tulungan si Yule na lutasin ang problema, at doon lang siya makakaalis sa Eastcliff at makakabalik sa Aurous Hill.Nang makita na pumayag si Charlie sa hiling niya, nagbuntong hininga siya nang maluwag, pinulot ang kanyang baso ng wine at sinabi, “Tara, Charlie. Mag-toast tayo!”Tumango si Charlie at pinagkalansing ang kanilang mga baso.Nang makita ang dalawang lalaki na umiinom nang masaya, binulong ni Rachel kay Quinn, “Sobrang tagal na noong ganito kasaya ang papa mo.”Tumango rin si Quinn at bumulong sa tainga ng kanyang ina, “Mukhang simula noong naaksidente si Tito Wade hanggang ngayon, hindi siya naging ganito kasaya.”Hinawakan ni Rachel ang kamay ng kanyang anak sa ilalim ng lamesa at sinabi nang malambot, “Mabuting lalaki si Charlie. Dapat mo siyang hawakan nang mahigpit!”Habang nahihiya, sumagot si Quinn, “Ma… paano ko siya mahahawakan nang mahigpit… kasal na si Charlie at hindi pa siya divorced.”Sumagot nang seryoso si Rachel, “Makulit na bata.
Read more

Kabanata 1529

Walang masyadong pakialam si Charlie sa swerte at kapalaran ng pamilya Wade at ang paglipat ng ancestral grave.Hindi siya masyadong interesado sa mga miyembro at ginagawa ng pamilya Wade.Dalawa lang ang mahalaga sa kanya sa pamilya Wade.Una, kung saan nakalibing ang mga magulang niya at kung makakapagbigay pugay ba siya sa kanila.Pangalawa, sino ang pumaslang sa mga magulang niya at kung galing ba sila sa pamilya Wade.Para naman sa ibang bagay sa pamilya Wade, ayaw niya itong panatilihin sa utak niya.Kaya, pagkatapos makinig sa pakilala ni Yule sa Mount Wintry, tinanong ni Charlie, “Tito, pwede ba akong pumunta sa Mount Wintry para magbigay galang?”Sumagot si Yule, “Ang Mount Wintry ang ancestral grace ng pamilya Wade. Ito ang main spot para sa magandang swerte at kapalaran. Karaniwan, kinokontrol nang istrikto ng pamilya Wade ang lugar at hindi pwedeng pumasok ang mga tagalabas. Kahit na pumunta ako, kailangan ko munang batiin ang mga miyembro ng pamilya Wade at gumawa n
Read more

Kabanata 1530

Kung titingnan ang mga magulang ni Charlie, iba nga talaga sila sa mga ordinaryong tao.Sobrang gwapo ng ama ni Charlie, habang sobrang elegante ng ina ni Charie. Sobrang ganda ng mga katangian niya at hindi siya kayang tapatan ni Rachel. Kahit sa anong kapanahunan, siya lang ang magkakaroon ng napakagandang mga katangian.Sayang lang at matagal nang wala ang talentado at magaling na mag-asawa ng Eastcliff. Ang natitira na lamang ay ang mga lumang imahe at mga ala-ala nila.Sa oras na iyon, hindi pa kasal si Yule. Kaya, sa wedding ceremony, mag-isa lang siyang nakatayo sa tabi ng ama ni Charlie at kumuha ng litrato kasama ang mga magulang ni Charlie.Pagkatapos, ang litrato na ng kasal nina Yule at Rachel.Nandoon ang mga magulang ni Charlie para batiin siya.Kaya, kumuha ng group photo ang apat.Sunod, pinanganak si Charlie. Naging lima ang apat na tao. Buhat-buhay siya ng kanyang mama.Pagkatapos, pinanganak si Quinn.Bilang resulta, naging anim ang tao sa litrato.Sa anim
Read more
PREV
1
...
151152153154155
...
563
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status