Pagkatapos magkasakit, namiss ni Yule nang sobra ang kanyang dating kalagayan.Sa oras na iyon, hindi siya sumuko nang madali! Kahit na 45 na siya, gusto niya pa rin na maging katulad ng isang batang 30 years old.Sa totoo lang, mas maayos ang katawan niya sa oras na iyon kumpara sa ibang ordinaryong tao na nasa parehong edad dahil inaalagaan niya ito. Kahit na nahihirapan at napapagod siyang buhatin ang kabaong, nagawa niya ito!Sa sandaling ito, bumalik na ang rurok ng kasiglahan niya!Umupo si Yule sa upuan at napaiyak agad!Naramdaman niya na ang lahat ng ito ay regalo mula sa langit! Noong sobrang lala ng sakit niya, gusto niya lang mabuhay. Kailanman ay hindi niya inisip na bumalik sa ganitong estado ng kasiglahan sa buong buhay niya!Pero, ngayon, mga mahimalang bagay ang nangyayari sa kanya!Sa sandaling ito, hindi lamang nangyari sa katawan ni Yule ang isang himala, ngunit sa mga mata rin nina Rachel at Quinn!Nakikita nila ang bilis ng pagkulay ng maputla at walang ku
Sa sandaling ito, umiiyak na nang sobra sina Rachel at Quinn sa punto na hindi na nila mapigilan ang sarili nila.Ang dalawang tao—isa sa kaliwa, at isa sa kanan—ay hawak-hawak ang mainit na kamay ni Yule. Sobrang emosyonal nila sa punto na hindi na sila makapagsalita.Hindi dumaan si Yule sa kahit anong medical test. Hindi rin sila nakatanggap ng kahit anong authoritative report na gumaling na si Yule. Sa kabila ng lahat ng ito, naniniwala pa rin sila sa sarili nilang mga mata at sarili nilang panghuhusga na gumaling na nang tuluyan si Yule!Bilang isang taong naranasan ang mga epekto ng Rejuvenating Pill, alam na alam ni Yule ang sitwasyon niya. Sampung libong porsyento siyang sigurado na hindi lamang siya gumaling, ngunit bumalik din ang katawan niya sa kalagayan niya noong 40 years old siya, nasa sampung taon na ang lumipas.Naging sabik siya dahil dito.Natagalan siya bago niya napigilan ang kanyang mga emosyon. Pagkatapos, tumingala siya para tumingin kay Charlie habang puno
Paglipas ng ilang sandali, bumalik si Rachel dala-dala ang isang bote ng Maotai wine.Kinuha ni Yule ang bote ng wine. Binuksan niya ang takip, at sinabi, “Charlie, simula noong pinanganak ang anak na babae ko, gumastos ako ng maraming pera para bilhin ang pinakamagandang Maotai wine sa kaarawan niya bawat taon. Hanggang ngayon, puno pa rin ng top level Maotai ang underground storeroom ko, pwede itong ilagay sa auction. Sa una, balak kong hintayin na ikasal ang naak ko para i-serve ito sa mga kaibigan at pamilya niya, pero subukan muna natin ito ngayong araw!”Si Rachel, na nakatayo sa gilid, ay tumawa at dinagdag, “Charlie, sobrang mahalaga ng batch ng wine na ito para sa akin. Ang storeroom ay parang isang chimera, maaari lang pumasok ngunit hindi pwedeng lumabas. Wala pang nakakapaglabas ng bote dito para inumin. Ngayong araw lang talaga ang unang pagkakataon!”Humagikgik si Yule at sinabi, “Sa una ay nakahanda talaga ang wine na ito para sa kasal ni Charlie at ng anak na babae k
Nang marinig ang tanong ni Yule tungkol sa Rejuvenating Pill, ngumiti siya at sumagot, “Tito, ang medisinang ito ay tinatawag na Rejuvenating Pill. Hindi ako mangangahas na sabihin na isa itong tunay na elixir, pero masasabi ko na kalahating mahiwaga ito. Ginawa ito ng mga henyo at sinaunang doktor sa Oskia. Nagkataon lang din na nakuha ko ito.”Hindi nagduda si Yule sa kanya at sinabi, “Masyadong mahiwaga ang medisniang ito. Mukhang hindi ito galing sa mundong ito. Parang panaginip ang naramdaman ko noong ininom ko ang medisina! Mukhang marami talagang bagay mula sa mga ninuno natin ang hindi natin maintindihan!”Tumango si Charlie sa pagsang-ayon.Kahit na hindi niya alam kung sino ang nagsulat ng Apocalyptic Book, ayon sa edad ng Yuchun vase, masasabi na ginawa ito noong Tang Dynasty.Walang kahit anong bakas ang vase ng pagputol pagkatapos itong gawin. Sa ibang salita, ang kahon na gawa sa kahoy kung saan nakalagay ang Apocalyptic book ay nilagay doon nang maaga habang ginagawa
Kaya, dapat niyang tulungan si Yule na lutasin ang problema, at doon lang siya makakaalis sa Eastcliff at makakabalik sa Aurous Hill.Nang makita na pumayag si Charlie sa hiling niya, nagbuntong hininga siya nang maluwag, pinulot ang kanyang baso ng wine at sinabi, “Tara, Charlie. Mag-toast tayo!”Tumango si Charlie at pinagkalansing ang kanilang mga baso.Nang makita ang dalawang lalaki na umiinom nang masaya, binulong ni Rachel kay Quinn, “Sobrang tagal na noong ganito kasaya ang papa mo.”Tumango rin si Quinn at bumulong sa tainga ng kanyang ina, “Mukhang simula noong naaksidente si Tito Wade hanggang ngayon, hindi siya naging ganito kasaya.”Hinawakan ni Rachel ang kamay ng kanyang anak sa ilalim ng lamesa at sinabi nang malambot, “Mabuting lalaki si Charlie. Dapat mo siyang hawakan nang mahigpit!”Habang nahihiya, sumagot si Quinn, “Ma… paano ko siya mahahawakan nang mahigpit… kasal na si Charlie at hindi pa siya divorced.”Sumagot nang seryoso si Rachel, “Makulit na bata.
Walang masyadong pakialam si Charlie sa swerte at kapalaran ng pamilya Wade at ang paglipat ng ancestral grave.Hindi siya masyadong interesado sa mga miyembro at ginagawa ng pamilya Wade.Dalawa lang ang mahalaga sa kanya sa pamilya Wade.Una, kung saan nakalibing ang mga magulang niya at kung makakapagbigay pugay ba siya sa kanila.Pangalawa, sino ang pumaslang sa mga magulang niya at kung galing ba sila sa pamilya Wade.Para naman sa ibang bagay sa pamilya Wade, ayaw niya itong panatilihin sa utak niya.Kaya, pagkatapos makinig sa pakilala ni Yule sa Mount Wintry, tinanong ni Charlie, “Tito, pwede ba akong pumunta sa Mount Wintry para magbigay galang?”Sumagot si Yule, “Ang Mount Wintry ang ancestral grace ng pamilya Wade. Ito ang main spot para sa magandang swerte at kapalaran. Karaniwan, kinokontrol nang istrikto ng pamilya Wade ang lugar at hindi pwedeng pumasok ang mga tagalabas. Kahit na pumunta ako, kailangan ko munang batiin ang mga miyembro ng pamilya Wade at gumawa n
Kung titingnan ang mga magulang ni Charlie, iba nga talaga sila sa mga ordinaryong tao.Sobrang gwapo ng ama ni Charlie, habang sobrang elegante ng ina ni Charie. Sobrang ganda ng mga katangian niya at hindi siya kayang tapatan ni Rachel. Kahit sa anong kapanahunan, siya lang ang magkakaroon ng napakagandang mga katangian.Sayang lang at matagal nang wala ang talentado at magaling na mag-asawa ng Eastcliff. Ang natitira na lamang ay ang mga lumang imahe at mga ala-ala nila.Sa oras na iyon, hindi pa kasal si Yule. Kaya, sa wedding ceremony, mag-isa lang siyang nakatayo sa tabi ng ama ni Charlie at kumuha ng litrato kasama ang mga magulang ni Charlie.Pagkatapos, ang litrato na ng kasal nina Yule at Rachel.Nandoon ang mga magulang ni Charlie para batiin siya.Kaya, kumuha ng group photo ang apat.Sunod, pinanganak si Charlie. Naging lima ang apat na tao. Buhat-buhay siya ng kanyang mama.Pagkatapos, pinanganak si Quinn.Bilang resulta, naging anim ang tao sa litrato.Sa anim
Sa sandaling ito, sa top ward ng Golding Group Hospital, katatapos lang ng first stage ng treatment ng pangalawa at pangatlong kapatid ng pamilya ni Yule, sina Adrian at Yule, pagkatapos kunin ang CT ng apektadong lugar.Pinakita sa CT na bali ang pulso ni Adrian, habang napinsala nang sobra ang bladder ni Rogan. Kahit na hindi ito nakamamatay, kailangan nila itong ipagamot nang medyo matagal.Ang lahat ng ito ay dahil kay Charlie.Ang Golding Group Hospital ay isang top private hospital kung saan nag-invest ang pamilya Golding.Kahit na ang kabuuang abilidad ay hindi kasing galing ng mga top tier hospital tulad ng Fairview, siguradong isa itong pinuno sa mga private hospital.Ang lahat ng top family sa Eastcliff ay may sari-sariling hospital.Kahit na ang mga hospital na ito ay sinasabing bukas sa publiko, karaniwan, hindi sila tumatanggap ng isang pasyente na tagalabas.Sa ibang salita, para lang ito sa pamilya nila.Ngayon, bukod kina Adrian at Rogan, nandoon din ang mga tao
Walang nag-aakala na sa kalagitnaan ng sitwasyon kung saan pinatay ang mga bodyguard ng mga Acker at nakakalat ang mga bangkay nila, may maglalakas-loob pa rin na pumasok sa pinto na iyon!”Si Mr. Chardon, na sobrang yabang, ay sumabog agad sa galit nang marinig ang mapanuyang boses. Tumalikod siya, sabik makita kung sino ang mapangahas na gago na naglakas-loob na tawagin siyang alalay!Agad nakilala ni Merlin at ng mga miyembro ng pamilya Acker ang pamilyar na boses na ito. Alam ni Merlin na si Charlie ang dumating, at alam ng mga Acker na ito ang benefactor nila.Kahit na nakilala nila ang boses ni Charlie, ibang-iba ang emosyon nila.Matagal nang inaasahan ni Merlin na darating si Charlie, at iniisip niya pa, ‘Charlie, oh Charlie, sa wakas ay nagpasya ka nang magpakita! Kung nahuli ka ng ilang segundo, nawala na ang buhay ko dito…”Para naman sa mga miyembro ng pamilya Acker, sa sandaling ito, ang iniisip lang nila ay maligtas sa isang kritikal na sandali at mabuhay sa isang kr
Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng Reiki, walang duda na ang pananatili at ang pag-cultivate dito ay magkakaroon ng dobleng resulta gamit ang kalahating pagsisikap!Sabik na sabik siya at tinuro ang kanyang kahoy na ispada sa mga tao habang sinabi nang malamig, “Walang sasagot sa akin, tama? Dahil walang sasagot sa akin, pipili na lang ako ng isang tao at puputulan siya ng ulo bilang isang halimbawa!”Pagkatapos itong sabihin, napansin niya si Lulu, na may maayos na damit, at ngumisi, “Si Lulu Acker siguro ang binibini na ito, ang second young lady ng mga Acker, tama?”Tinanong nang maingat ni Lulu, “Anong kailangan mo?”Ngumisi si Mr. Chardon, “Gusto kong turuan ng leksyon ang mga magulang at kuya mo. Ang leksyon na ito ay tinatawag na ‘Ang epekto ng kawalan ng kooperasyon’.”Pagkatapos itong sabihin, iwinasiwas niya aga ang kanyang kahoy na ispada, at agad umatake ang isang invisible na patalim kay Lulu. Nakaramdam si Lulu ng isang bugso ng hangin na papunta sa kanya, at para
Minaliit niya si Mr. Chardon sa mahabang panahon, palaging iniisip na naka-focus lang sa cultivation ang matandang lalaki na ito. Pero, ngayong araw niya lang napagtanto na may malakas na pagnanasa pala ang matandang lalaki na ito sa pagkatay ng tao!Habang naramdaman niya na sobrang lupit ni Mr. Chardon, isang helicopter na lumilipad nang mababa ang lumitaw sa ere, mabilis na lumapit sa Willow Manor!Sa sandaling ito, nakaramdam ng bukol sa lalamunan nila ang mga miyembro ng pamilya Acker nang marinig ang sigawan sa labas. Hindi nila inaasahan na pagkatapos ng krisis nila kailan lang sa New York, mabilis silang susundan ng kabila sa Oskia.Ang pangatlong tito ni Charlie, si Jaxson, ay sinabi nang kinakabahan, “Pa, Ma, natatakot ako na kritikal na sitwasyon ito ngayon. Dapat mauna muna kayong umalis sa pinto sa likod!”Napagtanto rin ni Christian ang sitwasyon at sinabi nang mabilis, “Tama, Pa. Mauna muna kayo ni Mama. Mananatili kami dito at magbabantay!”Suminghal nang malamig s
Sa sandaling ito, naging isang mala-impyernong lugar ng digmaan ang paligid ng villa!May hawak si Mr. Chardon na isang kahoy na ispada na wala pang tatlumpung sentimetro sa kanyang kamay, pero ang invisible na talim nito ay may haba na halos dalawang metro!Ito ang pansamantalang mahiwagang instrumento na ipinagkatiwala ng British Lord kay Mr. Chardon.Kahit na mukhang maikli, maliit, at karaniwan ang kahoy na ispada, sa totoo lang, parang isa itong lightsaber mula sa Star Wars, na may pambihirang saklaw ng atake.Sa lohika ng pelikula na ito, may plasma ang lightsabe mula sa hawakan hanggang sa patalim. Lampas sa konsepto na ito ang kahoy na ispada ni Mr. Chardon. Kaya nitong gawing isang patalim ang Reiki, at kaya niyang kontrolin ang patalim!Ilang bodyguard ang sinubukang palibutan at atakihin si Mr. Chardon, pero kaswal niyang iwinasiwas ang ispada sa hangin gamit lang ang isang kamay. Isang invisible na enerhiya ang mabilis na lumabas sa ispada, tumagos sa dibdib ng mga nas
Ang nag-iisang anak nina Ashley at Curtis, si Charlie, ay naglaho rin dalawampung taon na ang nakalipas.Pakiramdam ng lahat ng tila ba naghahanap sila nang bulag ng dalawampung taon sa buong mundo, at sa sandaling ito, pakiramdam nila na tila ba may sa wakas ay may nakita na sila.Sinabi nang naiinip ni Christian, “Sabihin mo sa amin nang detalyado ang oras ng pagpasok ng labing-anim na tao na ito!”Mabilis na sumagot si Azure, “Sa labing-anim na tao na ito, labing-apat na tao ang pumasok sa dulo ng taglamig sa Pebrero, dalawampung taon na ang nakalipas, at ang dating dean nila, si Killian Caito, ay pumasok sa taglagas ng Nobyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Bukod sa labing-limang tao an ito, ang pinakabagong pumasok ay isang babae na pumasok sa taglamig sa Disyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Magda-dalawampung taon at tatlong buwan na simula ito.”Biglang nagkaroon ng takot na ekspresyon si Lady Acker. Napaiyak siya at humikbi habang sinabi, “Umalis sina Ashley
“Simple lang ito!” Sinabi nang sabik ni Lulu, “Pwede nating suriin ang mga social security file ng dating team! Ang welfare institute ay isang welfare organization na pinopondohan ng gobyerno at ng mga private donation. Bilang isang unit na binabantayan ng publiko, siguradong kumpleto rin ang record ng mga tauhan nila, lalo na kung nasa isang malaking misyon talaga sila, tulad ng sinabi ni Merlin. Kailangan nilang sumunod at maging walang pintas, kung hindi, kung may makakapanasin na may kakaiba sa record ng mga tauhan nila, agad itong gagawa ng pagdududa!”Pinuri ni Merlin, “Sobrang linaw ng pag-iisip ni Lulu. Marahil ay makakuha tayo ng ilang bakas kung makakahanap tayo ng paraan para suriin ang mga personnel record ng dating staff ng Aurous Hill Welfare Institute!”Sinabi ni Kaeden, “Kukuha ako ng tao para suriin agad ito!”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya agad ang kanyang cellphone at tumawag.Maraming taon nang retirado si Keith, at sa mga nagdaang panahon, nabawasan ang
Sinabi ni Lady Acker, “Sige at sabihin mo, Lulu.”Sinabi ni Luu, “Inimbestigahan ko ang sitwasyon sa Aurous Hill Welfare Institute ngayong araw. Gusto kong makita kung may kahit anong impormasyon kaugnay kay Charlie sa mga ulila na niligtas nila sa mga nagdaang taon. Sa ngayon, walang bakas na ipinapakita ang mga tala ng institute na kaugnay kay Charlie, pero ang kakaiba ay dumaan sa malaking pagbabago sa mga tauhan ang Aurous Hill Welfare Institute noong nakaraang taon. Mula sa director ng institute hanggang sa staff at kahit ang mga chef na nagluluto para sa mga ulila, lahat sila ay nagbago. Wala sa mga dating empleyado ang natira. Nakita ko na kakaiba ito. Hindi bihira na magpalit ng mga tao sa mga welfare organization, pero parang kakaiba ang lahat at biglaan na pagbabago. Ano sa tingin niyo?”Kumunot ang noo ni Keith at sinabi, “May sampu o dalawampung tao siguro sa panig ng pamamahala at pagpapatupad ng isang bahay ampunan. Kahit na magbago ang mga namamahala, hindi dapat map
Bandang 9:00 p.m. ng gabi sa Willow Manor.Katatapos lang kumain ng mga Acker at hinihiling kay Merlin na analisahin ang mga bakas na nakuha nila sa nakaraang ilang araw sa sala.Si Keith, ang head ng mga Acker, ay nananatili sa villa sa mga nagdaang araw at may malaking pag-unlad sa kalusugan niya. Hindi lang na hindi na lumala ang memorya niya, ngunit unti-unti niya ring naalala ang mga memorya na nakalimutan niya.Ang mas mahalaga, pagkatapos gumaling, umunlad nang sobra ang kabuuang lohikal na pag-iisip niya, bumalik ang istilo ng pag-uutos at lakasa niya dati.Sa pagpupulong ng pamilya, binigyan muna ng buod ni Christian ang lahat tungkol sa progreso ng kolaborasyon nila ng Moore Group.Sinabi ni Christian, “Opisyal na pumasok na sa proseso ng negosasyon ang kolaborasyon natin sa Moore Group. Simula ngayong araw, pinag-uusapan na ng mga legal team ng dalawa ang mga detalye ng kooperasyon, inaayos ang mga tiyak na termino. Dahil sa tapat na kilos ng mga Acker, maayos ang negos
Pagkatapos ay nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at tinawagan si Merlin. Samantala, kumakain si Merlin kasama ang mga Acker, ilang kilometro ang layo sa Willow Manor.Nag-iimbestiga ang mga Acker sa Aurous Hill sa nakaraang ilang araw pero wala pa silang nahahanap na bakas na kaugnay kay Charlie. Ang tito ni Charlie, si Christian, ay tatanungin na sana si Merlin para manghingi ng payo habang kumakain nang tumunog ang cellphone ni Merlin.Tumayo nang mabilis si Merlin at sinabi sa mga Acker, “Pakituloy muna ang pag-uusap niyo. Lalabas ako at sasagutin ang tawag.”Pagkatapos ay pumunta siya sa courtyard at sinigurado na walang mga nakatingin bago sinagot ang tawag. “Hello, Mr. Wade,” sinabi niya sa magalang na tono.Dumiretso sa punto si Charlie, “Chief Lammy, nasa Willow Manor ba ngayon ang lolo ko at ang pamilya niya?”“Oo, nandito sila.” Tinanong nang mausisa ni Merlin, “Anong problema, Mr. Wade? May mali ba?”Kinumpirma ni Charlie sa seryosong tono, “Marahil ay may maglag