Gayunpaman, hindi ba’t may sinusundan na pangunahing tuntunin ang isang master na nagretiro sa mundo? Kaya, paano nawalan ng lakas ang isang tao dahil lang kinurot sila sa leeg?Para bang hinawakan mo lang ang isang tao at ginawa silang impotent. Salungat ito sa lohika!Nalungkot ang dalawang pamilya at naghahanap sila ng pagkakataon na turuan ng leksyon ang anak na lalaki ng pinakamatandang kapatid nila, peor hindi nila alam ang pangalan niya at wala silang ideya sa background niya.Ang pinaka importante pa ay hindi man lang siya matalo ng Warlord at ng Realm Master. Sino pa ang mahihingan nila ng tulong para tanggalin ang taong ito?Malungkot si Adrian dahil hindi lang siya nawalan ng isang Warlord at Realm Master, ngunit binali rin ni Charlie ang kanyang braso. Masasabi na malaking talo ito sa bahagi niya.Kailanman ay hindi pa naramdaman ni Adrian na wala siyang magawa. Ngayon, gusto niyang patayin ang buong pamilya ni Charlie.Sa kasamaang palad, wala siyang ideya kung paano
Habang pinagpaplanuhan nina Adrian at Rogan ang magandang hinaharap nila, nalunod din sina Wrigley at Wilhelm sa sarili nilang isipan.May walong anak ang tatlong magkakapatid na Golding.May isang anak na babae lang si Yule Golding, si Quinn Golding.Samantala, may tatlong anak si Adrian—dalawang anak na babae at isang anak na lalaki, si Wrigley Golding.Si Rogan Golding naman, ay may apat na anak—tatlong anak na babae at isang anak na lalaki, si Wilhelm Golding.Dahil sa katotohanan na bihira lang ang mga lalaki sa pamilya, sina Wrigley at Wilhelm ang magiging tagapagmana sa mga ari-arian ng mga ama nila sa hinaharap.Nakita ni Wilhelm ang malapit na relasyon sa pagitan ng kanyang ama at ng second uncle niya, at hindi niya mapigilang tumingin sa sarili niya at sa kanyang pinsan, kay Wrigley, na nakatayo sa tabi niya. Inisip niya, ‘Kpag minana ko ba ang mga asset at share ng aking ama sa hinaharap, kailangan bang maging katulad ako ng ama ko? Kailangan ko bang maghanap ng paraan
“Walang problema!” Sumagot si Wrigley nang walang pag-aalinlangan.Ininsulto siya ni Charlie ngayong araw at malungkot ang pakiramdam niya. Sa hindi inaasahan, binigyan siya ni Wilhelm ng pagkakataon na ilabas ang galit niya. Syempre papayag siya agad…Sa gabi, lumabas sina Wilhelm at Wrigley sa hospital. Nagmaneho sila sa isang high-end club sa Eastcliff, sikat ito at kilala bilang The Number One Mansion.Sa The Number One Mansion, dapat gumastos ang isang tao ng sampung milyong dolyar para maging isang VIP.Ito ay dahil may sariling luxurious suite ang mga VIP dito, kasama na ang mga restaurant, KTV, bath house, hot springs, spa services, meeting rooms, at gambling rooms.Bukod dito, may sariling butler at personal attendant ang mga VIP. Kapag pumunta sila doon, pwede silang mag-enjoy na parang isang hari!Masasabi na ang halos lahat ng miyembro na nandoon ay pwedeng kumain, uminom, at maglaro kasama na ang paggawa ng meeting at mga handaan.Bukod dito, napakaganda ng privacy
Kakaalis lang ng magpinsan sa hospital kalahating oras na ang nakalipas, at ngayon bumalik ulit sila nang nagmamadali sa hospital. Gusto nilang malaman kung ano ang kakaibang sakit na mayroon sila. Nagtitiwala lang sila sa doktor nila at para hindi rin kumalat ang mga hindi inaasahang tsismis kung magpapasuri sila sa ibang hospital.Kung maririnig ng mga tagasunod nila ang balita na impotent na ang dalawang anak na lalaki ng pamilya Golding, magdadala ito ng kahihiyan sa mga pamilya nila!Kung kakalat ang tsismis na ito, sila ang magiging usapan ng siyudad at kukutyain sila ng mga tao sa Eastcliff!Bumalik silang dalawa sa hospital, hindi na pinansan ang kanilang mga ama na nagpapagaling sa kanilang kwarto, at dumiretso agad sa opisina ng hospital director.Handa nang umalis ng director pero bigla niyang nakita ang dalawang young master ng pamilya Golding na mabilis na lumalapit sa kanya. Tinanong niya agad, “Magandang gabi, Mr. Wrigley at Mr. Wilhelm, anong magagawa ko para sa iny
Nanginginig si Adrian habang tinanong niya sa director ng andrology department, “Ano bang nangyayari? Nakita mo na ba ang sanhi ng problema?”Pinunasan ng director ang malamig na pawis niya at sumagot, “Mr. Adrian, nakakapagtaka talaga ang problemang ito. Sinubukan na namin ang iba’t ibang paraan para suriin ang problema pero sa ngayon, walang sagot kung bakit nangyari ito. Ilang dekada na akong nag-aaral ng andrology, at hindi pa ako nakakatagpo ng ganitong sitwasyon…”Nakatingin si Adrian sa dalawang humihikib na binata, pagkatapos ay sumimangot siya at tinanong, “Wala bang gamot para dito?”Sumagot nang nahihiya ang director, “Mr. Adrian, pangalawang parte ng problema ang paggamot dito. Sa ngayon, ang pangunahing problema ay malaman kung ano ang nangyayari. Nalilito talaga kami sa sitwasyon ngayon…”Naramdaman ni Adrian ang pagkulo ng kanyang dugo at naging mahamog at malabo ang isipan niya. Inisip niya, ‘Ano ba ito?!’‘Dalawang binata na nasa dalawampung taon at ang pinakabata
Hindi lang ginulat ng mga salita ni Adrian ang buong kwarto, nagulat din si Rogan at pinagdikit niya agad ang mga binti niya nang hindi nag-iisip.Kung iisipin sa lohikal na paraan at probabilidad, may problema ang kanyang anak, pamangkin, at kapatid sa kanilang pribadong parte ng katawan, kaya may napakaliit na tsansa na hindi naiiba si Rogan. Kaya, nagmamadali niyang ipinasok ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa. Sa bulsa, nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang ari at kinurot ito nang kaunto. Pagkatapos itong kurutin, natakot siya nang sobra, tila ba nawalan siya ng kaluluwa sa kanyang katawan.Dahil, wala na rin siyang maramdaman…Nataranta agad siya at umiyak. Iniyak niya, “Ako rin! Suriin niyo rin ako!!! Wala na rin akong maramdaman!!!”Napuno ng gulat at paghikbi ang buong treatment room.Ito…Masyado itong abnormal…Dalawang henerasyon ng pamilya Golding, apat na lalaki ang nawalan ng fertility?! Paano ito posible?!Hindi ito dahil sa isang sakit. Karamihan sa mga s
Si Rogan, na nakatayo sa gilid, ay nagngalit at nagmura nang pabulong. “Bakit ka gumagawa ng mga walang kwentang dahilan?! Kung hindi mo kayang lutasin ang problema, sabihin mo lang na hindi mo ito kayang lutasin! Kung hindi mo ito kayang lutasin, umalis ka! Hanapan mo ako ng tao na kaya itong lutasin kaagad!”Humarap si Adrian kay Rogan at sinubukang pigilan ang galit niya. Pagkatapos ay nag-isip nang matagal si Adrian.Napagtanto niya rin na sobrang kakaiba ng problema na ito. Natatakot siya na marahil ay hindi ito isang problema sa medisina.Sa sandaling ito, biglang sumigaw ang anak niyang si Wrigley, “Ah! Pa! Maaari ba na dahil ito sa g*go sa bahay ni Tito ngayong araw?!”Sinabi ni Adrian, “Sinasabi mo ba na may ginawa ang batang iyon sa akin?!”“Tama!” Sumagot si Wrigley. “Palagi niyang sinasabi ang remote vasectomy kanina. Sinabi niya rin na gagawin niya akong infertile. Sinabi niya pa na kung gusto kong humingi ng pabor, dapat tayong lumuhod sa harap ng bahay ni Tito at ma
Nagptanto nina Wrigley at Wilhelm ang kahalagahan ng bagay na ito. Kaya, tumango sila sa pagsang-ayon.Ang pag-freeze ng sperm nial ay parang nag-iiwan sila ng anak, iniwan sila sa nagyeyelong estado. Kaya, kung gusto nilang magkaroon ng anak sa hinaharap, madali nilang makukuha ang mga ito at gamitin para sa layunin na iyon.Dahi, tulad sa kasabihan, mas mabuting maingat kaysa magsisi!Agad ginawa ng director ng andrology department ang mga kailangan para sa painless manual extraction para sa apat na tao at naghanda rin siya ng sunod-sunod na mga test.Kapag nakuha ito, masasample agad ito at ang matitira ay patitigasin sa napakababang temperatura gamit ang liquid nitrogen. Sa sandaling makumpleto ang test at walang problema na nakuha sa sample, ligtas na maitatago ang kanilang sperm para sa mahabang panahon.Pero, habang kinukuha ang mga sample at sinusuri sa testing equipment, may nadiskubre ang mga doktor na kakaiba at nahirapan silang paniwalaan ito.Nang inulat ng mga docto
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro