Si Rogan, na nakatayo sa gilid, ay nagngalit at nagmura nang pabulong. “Bakit ka gumagawa ng mga walang kwentang dahilan?! Kung hindi mo kayang lutasin ang problema, sabihin mo lang na hindi mo ito kayang lutasin! Kung hindi mo ito kayang lutasin, umalis ka! Hanapan mo ako ng tao na kaya itong lutasin kaagad!”Humarap si Adrian kay Rogan at sinubukang pigilan ang galit niya. Pagkatapos ay nag-isip nang matagal si Adrian.Napagtanto niya rin na sobrang kakaiba ng problema na ito. Natatakot siya na marahil ay hindi ito isang problema sa medisina.Sa sandaling ito, biglang sumigaw ang anak niyang si Wrigley, “Ah! Pa! Maaari ba na dahil ito sa g*go sa bahay ni Tito ngayong araw?!”Sinabi ni Adrian, “Sinasabi mo ba na may ginawa ang batang iyon sa akin?!”“Tama!” Sumagot si Wrigley. “Palagi niyang sinasabi ang remote vasectomy kanina. Sinabi niya rin na gagawin niya akong infertile. Sinabi niya pa na kung gusto kong humingi ng pabor, dapat tayong lumuhod sa harap ng bahay ni Tito at ma
Nagptanto nina Wrigley at Wilhelm ang kahalagahan ng bagay na ito. Kaya, tumango sila sa pagsang-ayon.Ang pag-freeze ng sperm nial ay parang nag-iiwan sila ng anak, iniwan sila sa nagyeyelong estado. Kaya, kung gusto nilang magkaroon ng anak sa hinaharap, madali nilang makukuha ang mga ito at gamitin para sa layunin na iyon.Dahi, tulad sa kasabihan, mas mabuting maingat kaysa magsisi!Agad ginawa ng director ng andrology department ang mga kailangan para sa painless manual extraction para sa apat na tao at naghanda rin siya ng sunod-sunod na mga test.Kapag nakuha ito, masasample agad ito at ang matitira ay patitigasin sa napakababang temperatura gamit ang liquid nitrogen. Sa sandaling makumpleto ang test at walang problema na nakuha sa sample, ligtas na maitatago ang kanilang sperm para sa mahabang panahon.Pero, habang kinukuha ang mga sample at sinusuri sa testing equipment, may nadiskubre ang mga doktor na kakaiba at nahirapan silang paniwalaan ito.Nang inulat ng mga docto
Sa mga ito, malaki mababawas na puntos sa mga lalaki kung may anak sila sa labas.Sa kasal sa isang malaking pamilya, simula bata pa lang, ang mga lalaki at babae sa mga mayayaman at prestihiyosong pamilya ay pinalaki sa layaw ng mga magulang nila. Sinong young lady ang gustong pakasalan ang isang tao na may anak sa labas at maging isang stepmother siya? Imposible iyon.Kahit si Quinn, noong nakita niya ulit si Charlie, ay binigyan ito ng malaking kahalagahan. Paano niya gustong maging isang stepmother sa batang edad kahit na siya ang young lady ng isang malaki at prestihiyosong pamilya?Dahil gusto ni Adrian na mapanatili ng kanyang anak ang kanyang reputasyon, paulit-ulit niya siyang binalaan na pwede siyang magloko sa labas, pero hindi dapat siya magkaroon ng anak sa labas.Sa panahong iyon, hinding-hindi niya inisip na mawawala ang fertility ng kanyang anak balang araw!Magaling. Hindi lang siya infertile at ang sperm survival rate niya ay zero, ngunit pinalaglag na rin ang an
Dahil hindi na siya nangahas na gumawa ng kahit anong alintana sa plano nila na kunin ang kapangyarihan sa meeting ng board of directors bukas, nagpasya si Adrian na kahit ano pa man, kailangan niya itong tiisin ngayong gabi.Sa parehong oras, nag-alok agad siya ng maraming pera sa dean ng hospital para maghanap ng ilang top expert na dalubhasa sa larangan na ito sa United States. Gusto niyang makita kung makakapunta sila at masusubukan nila silang gamitan gamit ang kahit anong paraan ng medisina.Mas mabuti kung magagawa nila ito. Kung gano’n, hindi na nila kailangan humingi ng tulong sa binatang iyon. Pwede nilang patayin na lang siya!Kung hindi nila sila kayang gamutin…Medyo mahirap na iyon. Para siguraduhin ang pagpapatuloy ng lahi nila, marahil ay handa pa siyang lumuhod sa harap ng binatang iyon at magmakaawa!Hindi naging komportable nang sobra si Adrian nang maisip niya ang mayabang na hitsura ni Charlie.Tinanong ni Rogan sa mahinang boses, “Adrian, sa tingin mo ba ay
“Okay. Hihintayin kita dito!”***Sa sandaling ito, katatapos lang maghapunan ni Charlie at ng pamilya ni Yule. Pagkatapos, sinabihan ni Yule si Charlie na samahan siyang uminom ng alak bago siya pinabalik sa guest room na hinanda sa kanya ni Rachel. Pagkatapos maligo ni Charlie, humiga siya sa kama niya para magpahinga.Sa sandaling ito, tinawagan siya ni Claire at tinanong, “Mahal, may progreso ba sa trabaho mo sa Eastcliff?”Ngumiti si Charlie habang sinabi, “Ayos lang. Maayos naman ang lahat at matatapos ko ang lahat sa loob ng tatlong araw.”“Mabuti naman.” Humuni si Claire at sinabi nang nag-aalala, “Kailangan mong alagaan ang sarili mo kapag nasa labas ka. Dahil, sobrang layo mo sa bahay.”Naantig nang kaunti si Charlie sa kailaliman ng puso niya at ngumiti siya habang sinabi, “Huwag kang mag-alala, mahal kong asawa. Matanda na ako at alam ko kung paano alagaan ang sarili ko. Uuwi agad ako pagkatapos ng trabaho ko dito.”“Okay.” Ngumiti si Claire bago sinabi, “Siya nga pa
Sa takipsilim ng Eastcliff, nakaupo si Kenneth sa kanyang Rolls-Royce habang nagmamaneho siya nang nagmamadali sa kalye sa gabi.Sabik na sabik siya at puno siya ng emosyon sa sandaling ito.Dahil, nakatanggap siya ng imbitasyon mula kay Rogan, ang pangatlong anak na lalaki ng pamilya Golding.Kahit na si Rogan ang panghuli sa pamilya at wala siya masyadong totoong kapangyarihan, isa pa rin siyang tagapagmana ng pamilya Golding. Ang katayuan at asset ni Rogan ay mas malakas kumpara kay Kenneth.Kaya, desperadong sinubukan ni Kenneth na sumipsip sa kanya, umaasa na makukuha niya ang pabor niya at magagamit niya ang koneksyon niya sa kanya para gumawa ng direktang relasyon sa pamilya Golding.Kahit na hindi alam ni Kenneth kung bakit siya hinahanap ni Rogan, malaking pagsulong na ang pagkukusa ni Rogan na hanapin siya.Makalipas ang dalawampung minuto, nang dumating si Kenneth sa Golding Group Hospital, ang anak ni Rogan, si Wilhelm, ay hinihintay na siya sa entrance.Sa sandaling
Tumingin sa isa’t isa sina Rogan at ang kanyang kapatid, si Adrian. Pagkatapos, tinanong niya nang nagmamadali, “Kenneth, pwede mo bang sabihin sa akin kung paano nawala ang potency mo at naging impotent ka? Anong nangyari sayo?”Sumagot nang hindi mapakali si Kenneth, “Mr. Golding… ikaw… ikaw… bakit sobrang nag-aalala ka sa bagay na ito? Sa totoo lang, hindi naman sa ayaw ko itong sabihin sayo. Pero, masyado talagang nakakahiya at kahiya-hiya ang bagay na ito para pag-usapan!”Biglang sinabi ni Adrian na kanina pa hindi nagsasalita, “Mr. Wilson, huwag ka sanang makaramdam ng kahit anong psychological burden. Sa totoo lang, hinanap ka namin ngayong araw para lang sa tapat na pagpapalitan ng impormasyon sa mga pasyente. Mas madali para sa atin na makakuha ng bakas kung magpapalitan tayo ng impormasyon, tama?”“Huh?!”Nagulantang si Kenneth.Palitan ng impormasyon sa mga pasyente?Anong ibig sabihin niya?Sinasabi niya ba na nawala rin ang potency ng magkapatid na ito at impotent
Nagulat din nang sobra at nasorpresa si Kenneth. Hindi niya mapigilang magbuntong hininga habang sinabi, “Siya nga pala, sobrang misteryosong tao talaga ni Charlie. Ilang salita lang ang sinabi niya sa araw na iyon, at nalito ako at hindi ko na alam ang nangyayari pagkatapos nito…”Pagkasabi nito, hindi naiwasan ni Kenneth na maalala ang masamang karanasan niya sa Aurous Hill.Una, binugbog siya ni Charlie. Pagkatapos, nawalan siya ng abilidad na maging lalaki at hindi pa ito ang pinakamalala!Ang pinakamalalang bagay ay noong nagkamali siya at naniwala siya sa matandang lalaki na may apelyidong Weaver at kinain niya ang tinatawag na mahiwagang medisina na ginawa ng pamilya Weaver. Hindi lang siya hindi pinagaling ng medisina, ngunit nabulok pa ang ari niya nang tuluyan dahil doon.Sa huli, napanatili niya ang kanyang ari pagkatapos siyang gamutin ni Charlie.Para naman sa paggamot ni Charlie para mapanatili ang kanyang ari, ibang uri ng paghihirap din iyon.Sa oras na iyon, kail
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni
Tinikom ni Charlie ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin, pero nagpigil pa rin siya.Kahit na halos apat na raang taon na ang pinagsama-samang edad ng apat na nakakatandang tao na ito, palagi nilang itinuturing na gabay na prinsipyo ang mga salita ni Vera. Hindi pagmamalabis na sabihin na si Vera ang gabay nila sa buhay. Naniniwala sila at ginagawa nila ang kahit anong sabihin ni Vera at pinapagawa ni Vera sa kanila.Kaya, kung taliwas ang sinabi niya sa mga sinabi ni Vera, siguradong pipiliin nila na makinig kay Vera.Walang nagawa si Charlie at hinayaan na lang ang matandang babae na lumuhod at pasalamatan siya. Pagkatapos niyang tumayo, nagsalita si Charlie at sinabi, “Siya nga pala, bumaba na ba si Miss Lavor?”Sinabi ni Logan, “Mr. Wade, inutusan kami ni Miss na pangunahan ka muna sa courtyard niya pagdating mo.”Akala ni Charlie na nagmamadali sila at bababa si Vera at pagkatapos ay magkasama silang pupunta sa airport. Hindi niya inaasahan na gusto ni Vera na paakyatin
“Anong sinabi mo?!” Sumabog sa galit si Fleur sa sandaling iyon.Dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay, hindi niya pinansin ang halos lahat sa nakaraang tatlong daang taon. Sa tatlong daang taon na ito, siya ang unang tao na nagsabi sa kanya na pupugutan niya siya ng ulo.Nang marinig ni Zekeiah, na nasa kabilang linya, ang galit na sigaw ni Fleur, agad siyang natakot nang sobra, at mabilis siyang yumuko sa kabilang dulo habang humingi ng tawad, sinasabi, “British Lord, patawarin mo ako. Inuulat ko lang ang mga sinabi niya at wala akong balak na maging bastos…”Kahit na alam ni Fleur na inuulit lang ni Zekeiah ang mga sinabi sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng galit sa puso niya.Natatakot si Zekeiah na hindi mawawala ang galit ni Fleur, kaya idinagdag niya nang mabilis, “British Lord, handa akong ibahagi ang pag-aalala mo at pumunta sa Aurous Hill sa personal para sayo. Sa sandaling iyon, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para alamin kung sino ang misteryosong tao na iy
Kahit na sobrang bilis na ng paglalakbay sa bilis ng halos isang libong kilometro kada oras, nababalisa pa rin si Fleur dito.Simula noong lumabas ang portrait ng master niya sa Aurous Hill, nabasag ang mentalidad niya. Nawalan siya ng kalma na dapat mayroon sa isang 400 years old na babae.Tumingin siya sa flight navigation chart sa harap niya nang mag-isa, tinitigan ang altitude at speed data, at hindi mapigilan na sabihin nang galit, “Kapag mas mabilis umunlad ang modernong teknolohiya, mas nagiging sakim ang mga hayop na ito. Dati, kayang lumipad ng Concorde ng mahigit dalawang libong kilometro sa isang oras. Ngayon, hindi man lang kayang umabot ng isang libo ang mga eroplano, at ang mga hindi ito kayang gawin ay walang sapat na layo! Nakakainis ito!”Nang makita ng isang crew member ang inis niya, mabilis siyang lumapit at sinabi nang magalang, “British Lord, kumalma ka po. Masyadong malayo ang distansya. Kahit na may Concorde tayo, mahihirapan ito. Ang pinakamalayong abot nito
Medyo nalito si Ruby. Tumingin siya nang namamangha kay Charlie, at tinanong, “Young Master Wade, bakit gusto niyang kunin ni Miss Lavor ang panganib na lumapit kay Fleur? Hindi ba’t masyado itong mapanganib?”Kalmadong sumagot si Charlie, “Mukhang medyo mapanganib ito, pero ang totoo lang ay hindi namin balak ni Miss Lavor na lumapit nang totoo kay Fleur. Ang ideya ni Miss Lavor ay gumawa ng agwat sa oras. Ayon sa pagsusuri niya, kung saan pupunta si Fleur, marahil ay umatras na ang mga miyembro ng Qing Eliminating Society, lalo na ngayong pumasok sa tahimik na yugto ang buong Qing Eliminating Society. Kaya, basta’t maayos na magagamit ang agwat ng oras na ito, mas ligtas talaga para sa amin kung saan man siya pumunta.”Sa puntong ito, hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Siya ang pinakamalaking kalaban na nakaharap ko sa buhay ko, kaya kailangan kong malaman kung ano ang hitsura ng taong ito. At saka, ang layunin niya siguro sa pagpunta sa Oskia ngayon ay pa
Pagkatapos itong sabihin, humikab si Zekeiah at sinabi, “Ah, hindi ako makatulog ng dalawa o tatlong araw. Pagkatapos marinig na ayos ka lang, bigla akong inantok at hindi ko na mabuksan ang mga mata ko. Honey, matutulog muna ako sandali. Hindi ko na talaga ito kaya.”Tinikom ni Lulu ang mga labi niya. May pagod na ekspresyon niya, pero sobrang mapag-alaga ang boses niya habang sinabi, “Okay, Honey, magpahinga ka na ngayon. Tandaan mo na buksan mo ang ‘Do Not Disturb’ mode sa cellphone mo.”“Okay!” Sumang-ayon si Zekeiah, at sinabi kay Lulu, “Honey, ibababa ko na ngayon ang tawag.”“Okay, sige.”Nang natapos ang tawag, sinabi ni Keith nang may seryosong ekspresyon, “Hindi na ito kailangan pag-isipan. Siguradong may problema kay Zekeiah.”Sinabi nang hindi nag-iisip ni Lulu, “Pa, hindi ba’t ayos lang na mag-alala si Zekeiah sa atin at gusto niyang malaman kung anong nangyayari? Hindi problema siguro na magtanong pa, tama?”Sinabi nang malamig ni Keith, “Hindi problema na magtanong
Sa kabilang dulo ng tawag, ang asawa ni Lulu, si Zekeiah, ay halos agarang sinagot ang tawag. Mukhang balisa ang boses niya habang tinanong, “Lulu, ikaw ba ito?”Humuni si Lulu bilang sagot, “Oo, ako ito.”Sa sandaling narinig niya ang boses ni Lulu, tuwang-tuwa siya at sinabi, “Lulu, ang laking ginhawa na ayos ka lang! Sinusubukan kitang tawagan sa nakaraang dalawang araw, pero hindi ako makakonekta. Nag-aalala ako nang sobra!”Sobrang kumplikado ng mga pakiramdam ni Lulu sa sandaling ito. Hindi niya man lang alam kung ang asawa niya ay isang undercover agent na nilagay ng Qing Eliminating Society sa sarili nilang bahay.Natural na hindi siya umaasa na totoo ito, pero dahil kaugnay ang buhay at kamatayan ng buong pamilya Acker, hindi siya nangahas na hindi ito seryosohin. Kaya, nagpatuloy siya ayon sa mga utos ni Charlie at sinabi, “Honey, halos hindi mo na narinig ang boses ko…”Sinabi ni Zekeiah, “May nangyari ba?!”Sumagot si Lulu, “Ilang araw lang ang nakalipas, isang napaka