Sa takipsilim ng Eastcliff, nakaupo si Kenneth sa kanyang Rolls-Royce habang nagmamaneho siya nang nagmamadali sa kalye sa gabi.Sabik na sabik siya at puno siya ng emosyon sa sandaling ito.Dahil, nakatanggap siya ng imbitasyon mula kay Rogan, ang pangatlong anak na lalaki ng pamilya Golding.Kahit na si Rogan ang panghuli sa pamilya at wala siya masyadong totoong kapangyarihan, isa pa rin siyang tagapagmana ng pamilya Golding. Ang katayuan at asset ni Rogan ay mas malakas kumpara kay Kenneth.Kaya, desperadong sinubukan ni Kenneth na sumipsip sa kanya, umaasa na makukuha niya ang pabor niya at magagamit niya ang koneksyon niya sa kanya para gumawa ng direktang relasyon sa pamilya Golding.Kahit na hindi alam ni Kenneth kung bakit siya hinahanap ni Rogan, malaking pagsulong na ang pagkukusa ni Rogan na hanapin siya.Makalipas ang dalawampung minuto, nang dumating si Kenneth sa Golding Group Hospital, ang anak ni Rogan, si Wilhelm, ay hinihintay na siya sa entrance.Sa sandaling
Tumingin sa isa’t isa sina Rogan at ang kanyang kapatid, si Adrian. Pagkatapos, tinanong niya nang nagmamadali, “Kenneth, pwede mo bang sabihin sa akin kung paano nawala ang potency mo at naging impotent ka? Anong nangyari sayo?”Sumagot nang hindi mapakali si Kenneth, “Mr. Golding… ikaw… ikaw… bakit sobrang nag-aalala ka sa bagay na ito? Sa totoo lang, hindi naman sa ayaw ko itong sabihin sayo. Pero, masyado talagang nakakahiya at kahiya-hiya ang bagay na ito para pag-usapan!”Biglang sinabi ni Adrian na kanina pa hindi nagsasalita, “Mr. Wilson, huwag ka sanang makaramdam ng kahit anong psychological burden. Sa totoo lang, hinanap ka namin ngayong araw para lang sa tapat na pagpapalitan ng impormasyon sa mga pasyente. Mas madali para sa atin na makakuha ng bakas kung magpapalitan tayo ng impormasyon, tama?”“Huh?!”Nagulantang si Kenneth.Palitan ng impormasyon sa mga pasyente?Anong ibig sabihin niya?Sinasabi niya ba na nawala rin ang potency ng magkapatid na ito at impotent
Nagulat din nang sobra at nasorpresa si Kenneth. Hindi niya mapigilang magbuntong hininga habang sinabi, “Siya nga pala, sobrang misteryosong tao talaga ni Charlie. Ilang salita lang ang sinabi niya sa araw na iyon, at nalito ako at hindi ko na alam ang nangyayari pagkatapos nito…”Pagkasabi nito, hindi naiwasan ni Kenneth na maalala ang masamang karanasan niya sa Aurous Hill.Una, binugbog siya ni Charlie. Pagkatapos, nawalan siya ng abilidad na maging lalaki at hindi pa ito ang pinakamalala!Ang pinakamalalang bagay ay noong nagkamali siya at naniwala siya sa matandang lalaki na may apelyidong Weaver at kinain niya ang tinatawag na mahiwagang medisina na ginawa ng pamilya Weaver. Hindi lang siya hindi pinagaling ng medisina, ngunit nabulok pa ang ari niya nang tuluyan dahil doon.Sa huli, napanatili niya ang kanyang ari pagkatapos siyang gamutin ni Charlie.Para naman sa paggamot ni Charlie para mapanatili ang kanyang ari, ibang uri ng paghihirap din iyon.Sa oras na iyon, kail
Sumagot si Kenneth, “Nag-isip ako at naramdaman ko na kahit na marahil ay totoo ang metaphysical theory, mas holistic approach ito. Halimbawa, marahil ay unti-unti nitong mabago ang swerte ng isang bagay pero hindi posible na maapektuhan nito ang potency ng isang tao nang biglaan. Kaya, may pakiramdam ako na siguradong gumamit ang binatang iyon ng isang feint attack sa atin.”Tinanong ni Adrian, “fent attack? Anong ibig mong sabihin? Bakit mo sinabi iyan?”Nagpaliwanag si Kenneth, “Para bang isang magic trick. Kapag may magic trick ang isang magician, bukod sa karaniwang ginagamit na camouflage method, palaging gumagamit ang magician ng isang feint attack sa mga manonood. Kung nakaturo siya sa kanang kamay niya para ipakita ang isang bagay sa iyo, tinatago niya ang kaliwang kamay niya. Kung nakaturo siya sa sombrero para ipakita ang laman nito, karaniwan ay may tinatago siya sa manggas niya.”Tumango nang taimtim si Adrian habang sinabi, “Magpatuloy ka.”Nagpatuloy si Kenneth, “Tin
Dahil sa malamig na hangin, bumaba nang sobra ang temperatura sa Eastcliff sa gabing iyon. Mabigat na snow din ang nahuhulog sa langit.Nakatanggap si Charlie ng isang push notification sa kanyang cellphone na nagsasabing naglabas na ng blizzard warning ang Eastcliff simula ngayong gabi hanggang bukas.May suot na kamiseta si Charlie habang lumabas siya sa balkonahe ng guest room. Ang iniisip niya na lang sa sandaling ito ay ang mga magulang niya.Sa wakas ay bibisitahin na niya ang libingan ng mga magulang niya bukas.Ginagambala siya ng bagay na ito sa nakaraang labing-walong taon.Habang naliligaw siya sa isipan niya, bigla niyang narinig ang boses ni Quinn, “Brother Charlie, hindi ka ba nalalamigan kahit na sobrang nipis ng suot mo?”Tumalikod si Charlie at nakita niya si Quinn. Hindi niya alam kung kailan siyang pumasok sa kwarto niya at pumunta sa balkonahe.Nagpaliwanag nang nagmamadali si Quinn, “Pasensya na, Kuya Charlie. Kumakot ako sa pinto pero walang sumagot. Kaya,
Pagkatapos niyang makita ang mga pulang sapatos ni Quinn, tinulungan niya siyang isuot ito. Pagkatapos, agad pumunta ang eksena sa kasal.Sobrang engrande ng kasal sa panaginip niya.Nandoon din ang mga magulang ni Charlie, mayroon silang sobrang saya at mabait na ngiti sa kanilang mukha.Nang tumunog ang tugtog ng kasal, hinawakan ni Yule ang kamay ni Quinn habang naglakad sila papunta sa kanya. Pagkatapos, ngumiti si Yuel bago niya ibinigay ang kamay ni Quinn sa kanya.Pagkatapos ay sinabi nila ang kanilang wedding vows at nagpalitan ng wedding rings bago nila hinalikan ang isa’t isa.Pagkatapos nito, sinabihan ng emcee si Quinn na tumalikod at ibato ang wedding bouquet sa mga bridesmaid.Pero, si Claire ang nakasalo ng bouquet!Pagkatapos masalo ni Claire ang bouquet, hindi masaya ang hitsura niya. Sa kabaliktaran, sobrang lungkot at sama ng ekspresyon sa kanyang mukha…Hindi mapigilang manginig ni Charlie nang tumingin siya sa mga mata ni Claire. Sa sandaling ito, bigla niy
Pagkatapos makinig sa paliwanag ni Yule, napagtanto na ni Charlie na ang totoong layunin at rason ng pangalawa at pangatlong anak na lalaki ng pamilya Golding ay manipulahin ang media para ilabas ang ganitong balita.Mas lalo siyang nasabik dahil dito. Hindi na siya makapaghintay na makita ang mga hitsura ng dalawang eunuch kapag dumating sila sa Golding Group mamaya.Sa sandaling ito, bumaba na rin si Quinn. Nang makita niya na nagbabasa ng dyaryo nang magkasama si Charlie at ang kanyang ama, tinanong niya nang mausisa, “Pa, Kuya Charlie, anong balita ang tinitingnan niya? Bakit parang nahuhumaling kayo dito?”Ngumiti si Yule at sinabi, “Nasa ulo ng balita ang ama mo ngayong araw.”“Gano’n ba?” Nagmadaling lumapit si Quinn sa kanila. Pagkatapos tumingin sa titulo, sumagot siya nang galit, “Sobra na ito, tama?! Kahit na mas lumala ang kondisyon mo bago ito at kailangan mo ulit pumunta sa hospital, hindi kritikal ang kondisyon mo! Paano nasabi ng media ang ganito ka-iresponsableng b
Ang sukat ng lugar na ito ay nasa one thousand square meters, at kasama na rito ang opisina ng chairman, isang lounge, isang private meeting room, pati na rin ang isang fitness at entertainment room.Walang ordinaryong tao ang makakapasok sa lugar na ito.Sa ibang salita, simula noong pumasok si Yule sa saradong garahe sa underground parking lot, pumasok siya sa isang lugar kung saan walang makakaabala sa kanya. Ang mga tao lang na makakapasok sa lugar na ito ay ang mga mapagkakatiwalaan niya.Pagkatapos dalhin ni Yule si Charlie at ang grupo ng security guards sa opisina niya, agad niyang pinulot ang telepono sa lamesa bago sinabi, “Sabihan mo si Lucius na pumunta dito.”Hindi matagal, isang di gaano katandang lalaki na nasa apatnapung taong gulang ang kumatok sa pinto bago siya pumasok sa opisina.Nang makita ng lalaki si Yule, nagulantang siya. Medyo natagalan siyang bumalik sa kanyang diwa at sinabi, “Chairman, mukhang mas mabuti ang kalagayan mo kaysa dati! At saka, nararamda
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni
Tinikom ni Charlie ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin, pero nagpigil pa rin siya.Kahit na halos apat na raang taon na ang pinagsama-samang edad ng apat na nakakatandang tao na ito, palagi nilang itinuturing na gabay na prinsipyo ang mga salita ni Vera. Hindi pagmamalabis na sabihin na si Vera ang gabay nila sa buhay. Naniniwala sila at ginagawa nila ang kahit anong sabihin ni Vera at pinapagawa ni Vera sa kanila.Kaya, kung taliwas ang sinabi niya sa mga sinabi ni Vera, siguradong pipiliin nila na makinig kay Vera.Walang nagawa si Charlie at hinayaan na lang ang matandang babae na lumuhod at pasalamatan siya. Pagkatapos niyang tumayo, nagsalita si Charlie at sinabi, “Siya nga pala, bumaba na ba si Miss Lavor?”Sinabi ni Logan, “Mr. Wade, inutusan kami ni Miss na pangunahan ka muna sa courtyard niya pagdating mo.”Akala ni Charlie na nagmamadali sila at bababa si Vera at pagkatapos ay magkasama silang pupunta sa airport. Hindi niya inaasahan na gusto ni Vera na paakyatin
“Anong sinabi mo?!” Sumabog sa galit si Fleur sa sandaling iyon.Dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay, hindi niya pinansin ang halos lahat sa nakaraang tatlong daang taon. Sa tatlong daang taon na ito, siya ang unang tao na nagsabi sa kanya na pupugutan niya siya ng ulo.Nang marinig ni Zekeiah, na nasa kabilang linya, ang galit na sigaw ni Fleur, agad siyang natakot nang sobra, at mabilis siyang yumuko sa kabilang dulo habang humingi ng tawad, sinasabi, “British Lord, patawarin mo ako. Inuulat ko lang ang mga sinabi niya at wala akong balak na maging bastos…”Kahit na alam ni Fleur na inuulit lang ni Zekeiah ang mga sinabi sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng galit sa puso niya.Natatakot si Zekeiah na hindi mawawala ang galit ni Fleur, kaya idinagdag niya nang mabilis, “British Lord, handa akong ibahagi ang pag-aalala mo at pumunta sa Aurous Hill sa personal para sayo. Sa sandaling iyon, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para alamin kung sino ang misteryosong tao na iy
Kahit na sobrang bilis na ng paglalakbay sa bilis ng halos isang libong kilometro kada oras, nababalisa pa rin si Fleur dito.Simula noong lumabas ang portrait ng master niya sa Aurous Hill, nabasag ang mentalidad niya. Nawalan siya ng kalma na dapat mayroon sa isang 400 years old na babae.Tumingin siya sa flight navigation chart sa harap niya nang mag-isa, tinitigan ang altitude at speed data, at hindi mapigilan na sabihin nang galit, “Kapag mas mabilis umunlad ang modernong teknolohiya, mas nagiging sakim ang mga hayop na ito. Dati, kayang lumipad ng Concorde ng mahigit dalawang libong kilometro sa isang oras. Ngayon, hindi man lang kayang umabot ng isang libo ang mga eroplano, at ang mga hindi ito kayang gawin ay walang sapat na layo! Nakakainis ito!”Nang makita ng isang crew member ang inis niya, mabilis siyang lumapit at sinabi nang magalang, “British Lord, kumalma ka po. Masyadong malayo ang distansya. Kahit na may Concorde tayo, mahihirapan ito. Ang pinakamalayong abot nito
Medyo nalito si Ruby. Tumingin siya nang namamangha kay Charlie, at tinanong, “Young Master Wade, bakit gusto niyang kunin ni Miss Lavor ang panganib na lumapit kay Fleur? Hindi ba’t masyado itong mapanganib?”Kalmadong sumagot si Charlie, “Mukhang medyo mapanganib ito, pero ang totoo lang ay hindi namin balak ni Miss Lavor na lumapit nang totoo kay Fleur. Ang ideya ni Miss Lavor ay gumawa ng agwat sa oras. Ayon sa pagsusuri niya, kung saan pupunta si Fleur, marahil ay umatras na ang mga miyembro ng Qing Eliminating Society, lalo na ngayong pumasok sa tahimik na yugto ang buong Qing Eliminating Society. Kaya, basta’t maayos na magagamit ang agwat ng oras na ito, mas ligtas talaga para sa amin kung saan man siya pumunta.”Sa puntong ito, hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Siya ang pinakamalaking kalaban na nakaharap ko sa buhay ko, kaya kailangan kong malaman kung ano ang hitsura ng taong ito. At saka, ang layunin niya siguro sa pagpunta sa Oskia ngayon ay pa
Pagkatapos itong sabihin, humikab si Zekeiah at sinabi, “Ah, hindi ako makatulog ng dalawa o tatlong araw. Pagkatapos marinig na ayos ka lang, bigla akong inantok at hindi ko na mabuksan ang mga mata ko. Honey, matutulog muna ako sandali. Hindi ko na talaga ito kaya.”Tinikom ni Lulu ang mga labi niya. May pagod na ekspresyon niya, pero sobrang mapag-alaga ang boses niya habang sinabi, “Okay, Honey, magpahinga ka na ngayon. Tandaan mo na buksan mo ang ‘Do Not Disturb’ mode sa cellphone mo.”“Okay!” Sumang-ayon si Zekeiah, at sinabi kay Lulu, “Honey, ibababa ko na ngayon ang tawag.”“Okay, sige.”Nang natapos ang tawag, sinabi ni Keith nang may seryosong ekspresyon, “Hindi na ito kailangan pag-isipan. Siguradong may problema kay Zekeiah.”Sinabi nang hindi nag-iisip ni Lulu, “Pa, hindi ba’t ayos lang na mag-alala si Zekeiah sa atin at gusto niyang malaman kung anong nangyayari? Hindi problema siguro na magtanong pa, tama?”Sinabi nang malamig ni Keith, “Hindi problema na magtanong
Sa kabilang dulo ng tawag, ang asawa ni Lulu, si Zekeiah, ay halos agarang sinagot ang tawag. Mukhang balisa ang boses niya habang tinanong, “Lulu, ikaw ba ito?”Humuni si Lulu bilang sagot, “Oo, ako ito.”Sa sandaling narinig niya ang boses ni Lulu, tuwang-tuwa siya at sinabi, “Lulu, ang laking ginhawa na ayos ka lang! Sinusubukan kitang tawagan sa nakaraang dalawang araw, pero hindi ako makakonekta. Nag-aalala ako nang sobra!”Sobrang kumplikado ng mga pakiramdam ni Lulu sa sandaling ito. Hindi niya man lang alam kung ang asawa niya ay isang undercover agent na nilagay ng Qing Eliminating Society sa sarili nilang bahay.Natural na hindi siya umaasa na totoo ito, pero dahil kaugnay ang buhay at kamatayan ng buong pamilya Acker, hindi siya nangahas na hindi ito seryosohin. Kaya, nagpatuloy siya ayon sa mga utos ni Charlie at sinabi, “Honey, halos hindi mo na narinig ang boses ko…”Sinabi ni Zekeiah, “May nangyari ba?!”Sumagot si Lulu, “Ilang araw lang ang nakalipas, isang napaka