Dahil sa malamig na hangin, bumaba nang sobra ang temperatura sa Eastcliff sa gabing iyon. Mabigat na snow din ang nahuhulog sa langit.Nakatanggap si Charlie ng isang push notification sa kanyang cellphone na nagsasabing naglabas na ng blizzard warning ang Eastcliff simula ngayong gabi hanggang bukas.May suot na kamiseta si Charlie habang lumabas siya sa balkonahe ng guest room. Ang iniisip niya na lang sa sandaling ito ay ang mga magulang niya.Sa wakas ay bibisitahin na niya ang libingan ng mga magulang niya bukas.Ginagambala siya ng bagay na ito sa nakaraang labing-walong taon.Habang naliligaw siya sa isipan niya, bigla niyang narinig ang boses ni Quinn, “Brother Charlie, hindi ka ba nalalamigan kahit na sobrang nipis ng suot mo?”Tumalikod si Charlie at nakita niya si Quinn. Hindi niya alam kung kailan siyang pumasok sa kwarto niya at pumunta sa balkonahe.Nagpaliwanag nang nagmamadali si Quinn, “Pasensya na, Kuya Charlie. Kumakot ako sa pinto pero walang sumagot. Kaya,
Pagkatapos niyang makita ang mga pulang sapatos ni Quinn, tinulungan niya siyang isuot ito. Pagkatapos, agad pumunta ang eksena sa kasal.Sobrang engrande ng kasal sa panaginip niya.Nandoon din ang mga magulang ni Charlie, mayroon silang sobrang saya at mabait na ngiti sa kanilang mukha.Nang tumunog ang tugtog ng kasal, hinawakan ni Yule ang kamay ni Quinn habang naglakad sila papunta sa kanya. Pagkatapos, ngumiti si Yuel bago niya ibinigay ang kamay ni Quinn sa kanya.Pagkatapos ay sinabi nila ang kanilang wedding vows at nagpalitan ng wedding rings bago nila hinalikan ang isa’t isa.Pagkatapos nito, sinabihan ng emcee si Quinn na tumalikod at ibato ang wedding bouquet sa mga bridesmaid.Pero, si Claire ang nakasalo ng bouquet!Pagkatapos masalo ni Claire ang bouquet, hindi masaya ang hitsura niya. Sa kabaliktaran, sobrang lungkot at sama ng ekspresyon sa kanyang mukha…Hindi mapigilang manginig ni Charlie nang tumingin siya sa mga mata ni Claire. Sa sandaling ito, bigla niy
Pagkatapos makinig sa paliwanag ni Yule, napagtanto na ni Charlie na ang totoong layunin at rason ng pangalawa at pangatlong anak na lalaki ng pamilya Golding ay manipulahin ang media para ilabas ang ganitong balita.Mas lalo siyang nasabik dahil dito. Hindi na siya makapaghintay na makita ang mga hitsura ng dalawang eunuch kapag dumating sila sa Golding Group mamaya.Sa sandaling ito, bumaba na rin si Quinn. Nang makita niya na nagbabasa ng dyaryo nang magkasama si Charlie at ang kanyang ama, tinanong niya nang mausisa, “Pa, Kuya Charlie, anong balita ang tinitingnan niya? Bakit parang nahuhumaling kayo dito?”Ngumiti si Yule at sinabi, “Nasa ulo ng balita ang ama mo ngayong araw.”“Gano’n ba?” Nagmadaling lumapit si Quinn sa kanila. Pagkatapos tumingin sa titulo, sumagot siya nang galit, “Sobra na ito, tama?! Kahit na mas lumala ang kondisyon mo bago ito at kailangan mo ulit pumunta sa hospital, hindi kritikal ang kondisyon mo! Paano nasabi ng media ang ganito ka-iresponsableng b
Ang sukat ng lugar na ito ay nasa one thousand square meters, at kasama na rito ang opisina ng chairman, isang lounge, isang private meeting room, pati na rin ang isang fitness at entertainment room.Walang ordinaryong tao ang makakapasok sa lugar na ito.Sa ibang salita, simula noong pumasok si Yule sa saradong garahe sa underground parking lot, pumasok siya sa isang lugar kung saan walang makakaabala sa kanya. Ang mga tao lang na makakapasok sa lugar na ito ay ang mga mapagkakatiwalaan niya.Pagkatapos dalhin ni Yule si Charlie at ang grupo ng security guards sa opisina niya, agad niyang pinulot ang telepono sa lamesa bago sinabi, “Sabihan mo si Lucius na pumunta dito.”Hindi matagal, isang di gaano katandang lalaki na nasa apatnapung taong gulang ang kumatok sa pinto bago siya pumasok sa opisina.Nang makita ng lalaki si Yule, nagulantang siya. Medyo natagalan siyang bumalik sa kanyang diwa at sinabi, “Chairman, mukhang mas mabuti ang kalagayan mo kaysa dati! At saka, nararamda
Habang nalululong si Adrian sa iniisip niya, biglang bumukas nang malakas ang pinto ng conference room.Pagkatapos, agad naglakad si Yule papasok sa conference room, at kumikinang siya na may magandang kalusugan at magandang kulay ng balat sa pisngi niya. Sobrang maharlika ng aura na nakapalibot sa kanya.Nakasunod si Charlie sa likod niya habang pumasok siya sa conference room kasama si Yule.Nagulat at nagulantang ang lahat ng tao sa conference room, kasama na sina Adrian at Rogan nang makita nila si Yule, na masigla at malusog.Tumingin agad sa isa’t isa sina Adrian at Rogan. Kahit na hindi nag-usap ang magkapatid, pareho ang iniisip nila sa sandaling iyon: ‘Sobrang sama ng kalagayan ng kuya natin kahapon. Paano siya biglang naging masigla at malusog ngayong araw? Isang gabi lang iyon. Hindi ba’t sobrang laki ng pinagkaiba nila?’Bukod dito, matagal nang hindi nakikita ng ibang board member si Yule. Pagkatapos makita ang balita ngayong araw, akala talaga nila na sobrang lala ng
Si Charlie, na nakaupo sa tabi ni Yule, ay hindi mapigilang humanga at galangin siya nang marinig ang mga sinabi niya.Para bang ipinapakita ni Yule ang kahinaan niya, pero ang totoo, ay ipinapakita niya ang lakas niya sa harap ng board of directors.Sinadya niyang sabihin kung paano niya pinangunahan ang kumpanya para patuloy itong umunlad nang sobra sa nakaraang dalawampung taon. Sa ibabaw, mukhang gusto niyang alalahanin ang nakaraan at ang dati nilang naramdaman, pero ang layunin niya ay ipaalala sa grupo ng mga tao na ito na siya ang namuno sa kumpanya para umunlad nang sobra sa nakaraang dalawampung taon. Bukod dito, siya rin ang patuloy na magpapalaki at magpapalago ng kumpanya sa susunod na dalawampung taon.Kung gusto siyang itaboy at tanggalin ng mga taong ito sa posisyon niya, kailangan nilang isaalang-alang ang pag-unlad ng kumpanya sa nakaraang dalawang dekada para maisip nila kung mayroon bang mas magaling kumpara kay Yule.Agad silang natauhan.Sa una ay balak nilan
Pagkatapos magsalita nang masigla at puno ng tapang ni Yule, nasigurado na nang tuluyan ang ibang tao. Hindi lang sila naluwagan nang sobra, ngunit mayroon din silang sabik na sabik na ngiti sa kanilang mga mukha.Pumalakpak pa ang iba nang hindi nag-iisip.Kaya, napuno ng sabik ang lahat, at sumunod sila sa pagpalakpak.Sa huli, ang dahilan kung bakit sumali ang lahat sa Golding Group ay para kumita ng pera. Ayaw nilang masangkot sa kahit anong gang o persona na grupo. Gusto lang nilang sundin ang gabay ng tao na kaya silang pamunuan para kumita ng mas maraming pera.Dahil may himalang nangyari kay Yule at gumaling na ang sakit niya, bakit hindi nila siya patuloy na susuportahan? Bakit hindi sila patuloy na tatayo sa tabi niya para patuloy silang kumita ng mas maraming pera sa ilalim ng pamumuno niya? Hindi ba’t iyon ang pinakamagandang gawin?Sobrang pangit ng ekspresyon nina Adrian at Rogan sa sandaling ito.Pagkatapos maghanda nang maingat at gumawa ng plano nang napakatagal,
Nang makita ni Adrian na pumayag nang handa ang kuya niya sa alok niya, wala na siyang mahanap na dahilan para gumawa ng kahit anong gulo para sa kanya. Kaya, nagngalit siya at sinabi, “Okay! Hihintayin natin ang resulta ng physical examination mo mamaya! Kung hindi ka pa magaling, sa tingin ko ay hindi ka karapat-dapat na patuloy na umupo sa posisyon ng chairman ng board dahil sa pisikal na kondisyon mo at kalusugan. Kaya, dapat isuko mo ang posisyon ng chairman ng board para isang malusog na tao ang papalit sa chairman!”Si Charlie, na kanina ba hindi nagsasalita, ay ngumiti lang at sinabi, “Kung kailangan ng malusog na tao para sa posisyon na chairman ng board, naniniwala ako na hindi rin kayo pwede dito ng kapatid mo.”Sumigaw nang malakas si Adrian, “Letse! Tigilan mo ang kalokohan mo! Sobrang ganda ng kalusugan ko!”“Gano’n ba?” Umirap si Charlie habang sinabi, “Kung tama ang hula ko, siguradong wala na ang potency mo, tama? Hindi ka man lang fertile at sinasabi mo pa rin na s
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl