Nang makita ni Adrian na pumayag nang handa ang kuya niya sa alok niya, wala na siyang mahanap na dahilan para gumawa ng kahit anong gulo para sa kanya. Kaya, nagngalit siya at sinabi, “Okay! Hihintayin natin ang resulta ng physical examination mo mamaya! Kung hindi ka pa magaling, sa tingin ko ay hindi ka karapat-dapat na patuloy na umupo sa posisyon ng chairman ng board dahil sa pisikal na kondisyon mo at kalusugan. Kaya, dapat isuko mo ang posisyon ng chairman ng board para isang malusog na tao ang papalit sa chairman!”Si Charlie, na kanina ba hindi nagsasalita, ay ngumiti lang at sinabi, “Kung kailangan ng malusog na tao para sa posisyon na chairman ng board, naniniwala ako na hindi rin kayo pwede dito ng kapatid mo.”Sumigaw nang malakas si Adrian, “Letse! Tigilan mo ang kalokohan mo! Sobrang ganda ng kalusugan ko!”“Gano’n ba?” Umirap si Charlie habang sinabi, “Kung tama ang hula ko, siguradong wala na ang potency mo, tama? Hindi ka man lang fertile at sinasabi mo pa rin na s
“Alamin muna ang pagkakakilanlan mo?!”Kahit na medyo duwag si Adrian dahil natatakot siya sa lakas ni Charlie, nang marinig niya ang mga sinabi ni Charlie, napuno ng panghahamak ang mukha niya.Tumingin siya kay Charlie bago niya sinabi nang sarkastiko, “Sinabi ko na sayo na inimbestigahan ko na ang background mo. Hindi ba’t isa ka lang walang kwentang manugang ng pamilya Wilson sa Aurous Hill? Isa lang itong mababang pamilya sa isang maliit na siyudad. Kaya, bakit nagpapasikat ka sa harap ko?”“Tama!” Sumagot nang malamig si Rogan, “May kailangan kang maintindihan. Kahit na pagsama-samahin mo ang lahat ng malaki at makapangyarihang pamilya sa Aurous Hill para harapin kami, hindi man lang nila marerepresnta ang kalahati ng pamilya Golding!”Medyo mayabang at pinagrabe ang mga sinabi ni Rogan. Pero, kung iisipin, walang mali sa mga sinabi niya.Maliit na siyudad nga lang ang Aurous Hill kumpara sa Eastcliff.Bukod dito, ang pamilya Moore, ang top family ng Aurous Hill, ay may ass
Sa sandaling narinig niya ang huling tanong ng kanyang kuya, sumagot siya nang hindi nag-iisip, “Naalala ko siya. Wade ang apelyido niya. Siya ang pinakamagaling at ang top figure sa pamilya Wade…”Habang sinasabi niya ito, bigla siyang natauhan. Lumaki ang mga mata niya sa gula habang tinitigan niya si Charlie!Sa sandaling ito, dalawang tao na mukhang dalawampung taon ang layo ang biglang nagsanib sa isipan niya.Doon niya lang napagtanto na ang binatang nasa harap niya na puno ng sigla ay kamukhang-kamukha ng isang lalaki na puno rin ng sigla dati!Nang maisip niya ang katotohanan na Wade din ang apelyido ni Charlie, nagulat siya. Nanginig siya habang tinuro niya si Charlie at tinanong si Yule sa nanginginig na boses, “Kuya, siya… siya… siya ba talaga ang anak ni Curtis, ang pangalawang anak na lalaki ng pamilya Wade?!”Ang pangalawang anak na lalaki ng pamilya Wade na binanggit niya ay walang iba kundi ang ama ni Charlie, si Curtis Wade!Si Curtis ang pangalawang anak na lala
Sa sandaling binanggit ng kahit sino ang dakilang pangalan ni Curtis, lahat ng di gaano katandang lalaki mula sa mayaman at makapangyarihang pamilya sa Eastcliff ang mapapabuntong hininga na lang.Ito ay dahil para sa mga mayaman at makapangyarihang pamilya, walang anumang kayamanan ang kasing halaga ng isang makapangyarihan at magaling na lalaking supling na kayang iangat nang sobra ang pamilya nila!Ang business industry ay parang isang larangan ng digmaan. Minsan, ang kaunting paglihis ay madaling hanatong sa pagkamatay ng buong hukbo, at habang buhay sila mapapahamak doon. Kaya, ito ang dahilan kung bakit maraming mayaman at makapangyarihang pamilya ang taas-baba sa larangan na ito, at marami sa kanila ang pinili na umatras sa labanan.Kung gustong maging mayaman ng isang pamilya, hindi importante ang dami ng pera o asset sa kamay nila. Ang pinakamahalaga ay kung maipagpapatuloy ng kanilang supling ang paggawa ng mga talentado at magaling na tagapagmana.Hindi mahihiwalay ang k
Ang pangatlong anak, si Rogan, ay nagmamadali ring inamin ang kanyang pagkakamali.“Kuya, pareho ang nararamdaman ko kay Second Brother! Gusto kong humingi ng tawad sa iyo! Huwag kang mag-alangan na utusan ako sa hinaharap. Siguradong susundin ko ang utos mo nang walang pag-aalinlangan!”Mayroong nagulat at mapanglaw na hitsura si Yule sa kanyang mukha.Sa totoo lang, hindi niya inaasahan na susuko nang napakabilis ang kanyang pangalawa at pangatlong kapatid.Sa una ay akala niya na patuloy silang lalaban at magiging matigas ang ulo. Hinding-hindi niya inaakala na tatakutin sila nang sobra ng pagkakakilanlan ni Charlie at ng kanyang ama, ni Curtis.Nakuha niya agad ang buong tagumpay. Kaya, hindi niya pa iniisip kung ano ang gagawin niya sa mga kapatid niya ngayong tapat na umamin na sila ng pagkakamali at kasalanan nila.Sa sandaling ito, sinabi ni Charlie, “Dahil handa kayong aminin ang mga pagkakamali niya, dapat patunayan niyo na nagsisisi talaga kayo. Kahit na tagalabas lang
Sa sandaling ito, biglang nakaramdam si Adrian ng sakit sa kanyang puso.Napagtanto niya sa mga sinabi ni charlie na tinutulungan niya ang kanyang kuya na alisin ang sandata niya.Sa isang kumpanya, hindi mahalaga kung gaano karaming empleyado o department ang mayroon ang isang tao sa mga kamay niya. Ang pinakamahalaga ay ang voting rights, ang karapatan ng tao na magsalita sa kumpanya.Ang mga voting right ay katumbas ng shares ay parang mga baril na magagamit ng mga tao para patuloy na makipaglaban para sa kapangyarihan sa kumpanya.Kung isusuko niya ang lahat ng voting right niya ngayon, para bang sinuko na niya ang lahat ng sandata niya at tuluyan nang sumuko na lumaban sa hinaharap.Sa totoo lang, ayaw niya talagang kontrolin siya ng iba.Pero, nang inisip niya ito, wala na siyang magagawa.Tumanggi dito?Hindi siya makakatanggi! Dahil, gumaling na ang kuya niya, at sinusuportahan pa siya ni Young Master Wade. Kaya, hindi niya siya katapat.Ngayon, nagtutulungan pa rin si
Kung gano’n, patuloy bang mabubuhay silang apat na parang isang eunuch?!Kailan nila malalampasan ang ganitong miserableng mga araw?!Pero, dahil nagsalita na si Charlie, walang nangahas sa kanila na suwayin siya.Kung hindi, kung hindi magiging masaya si Charlie, hinding-hindi sila gagaling sa buhay na ito. Hindi ba’t tapos na ang buhay nila kung gano’n?Kaya, sinabi lang nang magalang ni Adrian, “Mangyaring makasisiguro ka, Mr. Wade. Siguradong gagawin naming lahat ang pinakamahusay namin!”Tumango nang kaunti si Charlie bago sinabi nang magaan, “Tumayo kayo. Kung papasok ang mga tao mula sa legal department at makikita ito, siguradong mararamdaman nila na sobrang kakaiba nito.”Tumayo ang apat pagkatapos marinig ang mga sinabi niya.Pagkatapos, sinabi nang malamig ni Charlie, “Bago ko ilabas ang pagkakakilanlan ko sa publiko, hindi niyo dapat sabihin ang tungkol dito sa kahit sino. Kung hindi, hindi ko kayo pagbibigyan!”Alam ni Adrian na hindi niya pwedeng galitin si Charli
Namula ang mukha ni Adrian sa sandaling narinig niya na pupunta na sila sa reception hall ngayon.Karamihan sa mga reporter na naghihintay sa reception hall ay nandito ngayon dahil naglabas siya ng balita na may meeting ng board of directors sila dito ngayong araw. Bukod dito, pinagsamantalahan niya ang media para maglabas at magpakalat ng balita na kritikal na ang kondisyon ng kanyang kuya. Ito ang dahilan kung bakit sobrang aga nilang dumating.Gusto nilang makuha ang malaking balita na napalitan na ang chairman ng Golding Group. Sa ganitong paraan, mapagsasamantalahan ni Adrian ang atensyon ng mga reporter at media para pataasin ang kasikatan at katanyagajn niya..Sa una ay balak ni Adrian na ireport nila ang malaking tagumpay niya sa meeting ng mga board of director. Doon i-aanunsyo ng media na napalitan na ang chairman ng Golding Group at siya na ang sunod na chairman ng Golding Group.Pero, sa hindi inasaahan, ang lahat ng ginawa niya ay para lang padaliin ang buhay ng kuya n
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl