Namula ang mukha ni Adrian sa sandaling narinig niya na pupunta na sila sa reception hall ngayon.Karamihan sa mga reporter na naghihintay sa reception hall ay nandito ngayon dahil naglabas siya ng balita na may meeting ng board of directors sila dito ngayong araw. Bukod dito, pinagsamantalahan niya ang media para maglabas at magpakalat ng balita na kritikal na ang kondisyon ng kanyang kuya. Ito ang dahilan kung bakit sobrang aga nilang dumating.Gusto nilang makuha ang malaking balita na napalitan na ang chairman ng Golding Group. Sa ganitong paraan, mapagsasamantalahan ni Adrian ang atensyon ng mga reporter at media para pataasin ang kasikatan at katanyagajn niya..Sa una ay balak ni Adrian na ireport nila ang malaking tagumpay niya sa meeting ng mga board of director. Doon i-aanunsyo ng media na napalitan na ang chairman ng Golding Group at siya na ang sunod na chairman ng Golding Group.Pero, sa hindi inasaahan, ang lahat ng ginawa niya ay para lang padaliin ang buhay ng kuya n
Nang umupo si Charlie sa reception hall, puno na ng tao ang buong hall sa sandaling ito.Karamihan sa mga media ay isa-isa nang ipinadala ang kanilang mga reporter. Nag-ayos na sila ng iba’t ibang camera dito, tila ba hinihintay nila na ilabas ng Golding Group ang kanilang mahalagang balita.Sa ngayon, hindi alam ng publiko ang paggaling ni Yule.Akala ng lahat na malapit nang mamatay si Yule at marahil ay hindi pa siya makapunta sa meeting ng mga board of directors ngayong araw.Pero, umaasa rin sila na makakapunta si Yule.Ito ay dahil bilang mga miyembro ng media, mahilig silang kumuha ng importanteng paksa at headline na makakapukaw at makukuha ang atensyon ng publiko.Kaya, umaasa sila na makakakuha sila ng litrato ni Yule, na lampas na sa kanyang rurok, at magdadagdag sila ng mga nakakagulat na mga salita sa kanilang artikulo. Siguradong magiging angkop na headline ito ng balita.Nakaisip pa ng headline ang ibang tao para sa balita.Halimbawa, ‘The End of an Era’, o ‘Mata
Nang marinig ito ng ibang reporter, tumingin sila nang seryoso kay Yule.Nang tumingin sila nang mabuti, nakita nila na si Yule talaga ito. Nasa kanya ang parehong katangian ng mukha at kilos na mayroon siya.Kaya, sigurado ang lahat na ang lalaking ito, na mukhang nasa apatnapung taon, ay walang iba kundi si Yule!Nagkagulo ang buong eksena!Walang makaintidni kung bakit si Yule, na sinabing krikital ang kondisyon kaninang umaga, ay mukhang sobrang sigla at liwanag sa sandaling ito.Kaya, ang bawat photographer at cameraman na nandoon ay nakatutok ang mga lense nila nang matatag kay Yule habang tuloy-tuloy ang pagtunog ng mga shutter nila!Sa sandaling ito, live na nag-broadcast ang network media sa press conference sa internet gamit ang kanilang on-site equipment.Nang makita ng karamihan ng netizen ang mamula-mulang kulay ng mukha ni Yule, biglang lumuwag ang shares ng maraming listed company na nasa ilalim ng Golding Group na bumagsak na sa drop limit.Ang tinatawag na drop
Pero, ayon sa mamula-mulang kulay ng mukha ni Yule, mukhang hindi rin naman mukhang may sakit siya. May isang uri ba talaga ng mahimalang gamot?Sa sandaling ito, nagpatuloy si Yule, “Ang pangalawang issue na gustong sabihin na kung hindi naniniwala ang lahat na gumaling na ako, pupunta agad ako sa Fairview Hospital pagkatapos ng press conference. Kukuha ako ng full-body CT scan, at sisiguraduhin ko na ilalabas ko ang resulta ng medical checkup ko sa median at sa general public.”Sa sandaling sinabi ni Yule ang mga salitang ito, wala nang nagduda sa katotohanan na tuluyan nang gumaling ang kanyang sakit.Ito ay dahil kung magpapa full-body CT scan siya, madidiskubro nila ang kahit anong tumor sa kanyang katawan. Kahit ang pinakamaliit na tumor o cancer sa early stages ay madali ring madidiskubre dito.Kung hindi gumaling nang tuluyan si Yule, siguradong matatakot siya na tanggapin ang ganitong medical examination.Sa sandaling ito, hindi maiwasang mag-isip ng lahat. Hindi talaga s
Halos pagkatapos agad ng dominenteng mga sinabi ni Yule, ang mga share price, na tuloy-tuloy na tumataas pagkatapos ng limit ay nagbukas, at biglang para bang isa itong rocket na direktang tumama sa up limit.Maraming institution at investor ang nakabantay sa press conference. Nang marinig nila ang mga sinabi ni Yule, agad silang napuno ng kumpiyansa kay Yule, at optimistiko sila sa hinaharap ng Golding Group. Mas may kumpiyansa pa sila sa Golding Group kaysa noong bago siyang magkasakit!Kaya, desperadong binili ng lahat ang mga share ng listed company na nasa ilalim ng Golding Group na nasa stock market pa rin, at biglang umabot ang share price sa up limit sa araw na iyon.Sa isang iglap, bumaliktad agad ang share prices, at ang buong financial circle ay sumabog agad.Ang dahilan kung bakit sobrang optimistiko ng lahat sa kumpiyansa sa Golding Group ay hindi lang dahil mukhang sobrang lusog ni Yule. Ito rin ay dahil nakuha na ni Yule ang ganap na 51% voting rights sa buong Goldin
Sa tingin ni Yule, ang pamilya Wade at ang pamilya Schulz ay dalawang dragon na nakikipag kompetensya sa isa’t isa.Hindi malaki ang pagkakaiba sa lakas ng dalawang pamilya, pero mas malakas nang kaunti ang pamilya Schulz kumpara sa pamilya Wade.Sa totoo lang, dati, halos pareho lang ang lakas ng pamilya Wade at pamilya Schulz.Kung hindi namatay si Curtis sa batang edad, siguradong matagal nang napag-iwanan ng pamilya Wade ang pamilya Schulz sa ilalim ng pamumuno niya.Pero, dahil maagang namatay ang henyong si Curtis, walang ibang tagapagmana ang pamilya Wade sa oras na iyon at unti-unting napalaki ng pamilya Schulz ang puwang sa pagitan ng dalawang pamilya.Naniniwala si Yule na kung mamanahin ni Charlie ang pamilya Wade at papakasalan niya ang kanyang anak na babae, magiging kontrolado ni Charlie ang pamilya Wade at ang pamilya Golding.Sa ganitong paraan, marahil ay mapagsanib pa ang dalawang pamilya.Kung gano’n, siguradong magwawagi si Charlie sa buong mundo ng negosyo.
Sa Mount Wintry.Masasabi na isang Feng Shui treasure lang and bundok na ito dahil may magandang lupain ito at maraming kayamanan. Hindi lang ito mukhang isang ingot na hugis sapatos, ang mas maganda pa ay napapalibutan ito ng tuloy-tuloy na daloy ng ilog, at sobrang mapalad nito.Mahal ng mga sinaunang tao ang mga bundok at tubig. Hindi lamang nililinis at ginagawang dalisay ng tubig ang lahat, ngunit ito rin ang pinagmulan ng buhay. Kaya, hindi dapat kulang sa tubig ang Feng Shui treasure land na ito.Totoo nga na malago ang tubig sa Mount Wintry at perpekto ang layout nito. Sa bundok na ito, tila ba nakabukas ang mga heavenly gates, at nakasara ang gate papunta sa mundong ito. Kaya, perpekto ang pagkakatugma nito sa Feng Shui ng malagong tubig at oryentasyon ng mismong bundok. Gumawa ito ng isang perpektong ‘waterworks dragon formation’.Ang ganitong uri ng Feng Shui formation ay kayang siguraduhin ang kasaganaan ng pamilya at ang henerasyon nito sa hinaharap. Ang pinakamahalaga
Kahit pa ito ay isang ordinaryong kotse ng pamilya o isang marangyang kotse, kung mas mababa sa 2,500 rpm ang bilis ng makina, hindi ito masyadong gagawa ng ingay. Pero, kung nasa tatlo o apat na libong rpm o kahit apat o limang libong rpm ito, ilang beses na tataas ang ingay ng makina.Kaya, bilang isang driver, kailangan mong maging marahan kapag nakatapak ka sa accelerator.Sa sandaling ito, dinala na ng mga bodyguard ang ibang kotse sa parking lot sa tabi ng gate.Dalawang itim na Rolls Royce na lang ang natira sa harap ng gate sa sandaling ito. Ang kotseng nasa harap ay minamaneho ni Charlie, at ang kotseng nasa likod ay minamaneho ng isa pang driver na nagtatrabaho para sa pamilya Golding.Bumukas ang electric gate sa magkabilang bahagi habang sumenyas ang security personnel at inimbita sila paloob. Marahan na tinapakan ni Charlie ang accelerator habang mabagal siyang pumasok sa gate papasok sa building.Habang minamaneho ni Charlie ang kotse paakyat sa paikot-ikot na kalsad
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni
Tinikom ni Charlie ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin, pero nagpigil pa rin siya.Kahit na halos apat na raang taon na ang pinagsama-samang edad ng apat na nakakatandang tao na ito, palagi nilang itinuturing na gabay na prinsipyo ang mga salita ni Vera. Hindi pagmamalabis na sabihin na si Vera ang gabay nila sa buhay. Naniniwala sila at ginagawa nila ang kahit anong sabihin ni Vera at pinapagawa ni Vera sa kanila.Kaya, kung taliwas ang sinabi niya sa mga sinabi ni Vera, siguradong pipiliin nila na makinig kay Vera.Walang nagawa si Charlie at hinayaan na lang ang matandang babae na lumuhod at pasalamatan siya. Pagkatapos niyang tumayo, nagsalita si Charlie at sinabi, “Siya nga pala, bumaba na ba si Miss Lavor?”Sinabi ni Logan, “Mr. Wade, inutusan kami ni Miss na pangunahan ka muna sa courtyard niya pagdating mo.”Akala ni Charlie na nagmamadali sila at bababa si Vera at pagkatapos ay magkasama silang pupunta sa airport. Hindi niya inaasahan na gusto ni Vera na paakyatin
“Anong sinabi mo?!” Sumabog sa galit si Fleur sa sandaling iyon.Dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay, hindi niya pinansin ang halos lahat sa nakaraang tatlong daang taon. Sa tatlong daang taon na ito, siya ang unang tao na nagsabi sa kanya na pupugutan niya siya ng ulo.Nang marinig ni Zekeiah, na nasa kabilang linya, ang galit na sigaw ni Fleur, agad siyang natakot nang sobra, at mabilis siyang yumuko sa kabilang dulo habang humingi ng tawad, sinasabi, “British Lord, patawarin mo ako. Inuulat ko lang ang mga sinabi niya at wala akong balak na maging bastos…”Kahit na alam ni Fleur na inuulit lang ni Zekeiah ang mga sinabi sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng galit sa puso niya.Natatakot si Zekeiah na hindi mawawala ang galit ni Fleur, kaya idinagdag niya nang mabilis, “British Lord, handa akong ibahagi ang pag-aalala mo at pumunta sa Aurous Hill sa personal para sayo. Sa sandaling iyon, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para alamin kung sino ang misteryosong tao na iy
Kahit na sobrang bilis na ng paglalakbay sa bilis ng halos isang libong kilometro kada oras, nababalisa pa rin si Fleur dito.Simula noong lumabas ang portrait ng master niya sa Aurous Hill, nabasag ang mentalidad niya. Nawalan siya ng kalma na dapat mayroon sa isang 400 years old na babae.Tumingin siya sa flight navigation chart sa harap niya nang mag-isa, tinitigan ang altitude at speed data, at hindi mapigilan na sabihin nang galit, “Kapag mas mabilis umunlad ang modernong teknolohiya, mas nagiging sakim ang mga hayop na ito. Dati, kayang lumipad ng Concorde ng mahigit dalawang libong kilometro sa isang oras. Ngayon, hindi man lang kayang umabot ng isang libo ang mga eroplano, at ang mga hindi ito kayang gawin ay walang sapat na layo! Nakakainis ito!”Nang makita ng isang crew member ang inis niya, mabilis siyang lumapit at sinabi nang magalang, “British Lord, kumalma ka po. Masyadong malayo ang distansya. Kahit na may Concorde tayo, mahihirapan ito. Ang pinakamalayong abot nito
Medyo nalito si Ruby. Tumingin siya nang namamangha kay Charlie, at tinanong, “Young Master Wade, bakit gusto niyang kunin ni Miss Lavor ang panganib na lumapit kay Fleur? Hindi ba’t masyado itong mapanganib?”Kalmadong sumagot si Charlie, “Mukhang medyo mapanganib ito, pero ang totoo lang ay hindi namin balak ni Miss Lavor na lumapit nang totoo kay Fleur. Ang ideya ni Miss Lavor ay gumawa ng agwat sa oras. Ayon sa pagsusuri niya, kung saan pupunta si Fleur, marahil ay umatras na ang mga miyembro ng Qing Eliminating Society, lalo na ngayong pumasok sa tahimik na yugto ang buong Qing Eliminating Society. Kaya, basta’t maayos na magagamit ang agwat ng oras na ito, mas ligtas talaga para sa amin kung saan man siya pumunta.”Sa puntong ito, hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Siya ang pinakamalaking kalaban na nakaharap ko sa buhay ko, kaya kailangan kong malaman kung ano ang hitsura ng taong ito. At saka, ang layunin niya siguro sa pagpunta sa Oskia ngayon ay pa
Pagkatapos itong sabihin, humikab si Zekeiah at sinabi, “Ah, hindi ako makatulog ng dalawa o tatlong araw. Pagkatapos marinig na ayos ka lang, bigla akong inantok at hindi ko na mabuksan ang mga mata ko. Honey, matutulog muna ako sandali. Hindi ko na talaga ito kaya.”Tinikom ni Lulu ang mga labi niya. May pagod na ekspresyon niya, pero sobrang mapag-alaga ang boses niya habang sinabi, “Okay, Honey, magpahinga ka na ngayon. Tandaan mo na buksan mo ang ‘Do Not Disturb’ mode sa cellphone mo.”“Okay!” Sumang-ayon si Zekeiah, at sinabi kay Lulu, “Honey, ibababa ko na ngayon ang tawag.”“Okay, sige.”Nang natapos ang tawag, sinabi ni Keith nang may seryosong ekspresyon, “Hindi na ito kailangan pag-isipan. Siguradong may problema kay Zekeiah.”Sinabi nang hindi nag-iisip ni Lulu, “Pa, hindi ba’t ayos lang na mag-alala si Zekeiah sa atin at gusto niyang malaman kung anong nangyayari? Hindi problema siguro na magtanong pa, tama?”Sinabi nang malamig ni Keith, “Hindi problema na magtanong
Sa kabilang dulo ng tawag, ang asawa ni Lulu, si Zekeiah, ay halos agarang sinagot ang tawag. Mukhang balisa ang boses niya habang tinanong, “Lulu, ikaw ba ito?”Humuni si Lulu bilang sagot, “Oo, ako ito.”Sa sandaling narinig niya ang boses ni Lulu, tuwang-tuwa siya at sinabi, “Lulu, ang laking ginhawa na ayos ka lang! Sinusubukan kitang tawagan sa nakaraang dalawang araw, pero hindi ako makakonekta. Nag-aalala ako nang sobra!”Sobrang kumplikado ng mga pakiramdam ni Lulu sa sandaling ito. Hindi niya man lang alam kung ang asawa niya ay isang undercover agent na nilagay ng Qing Eliminating Society sa sarili nilang bahay.Natural na hindi siya umaasa na totoo ito, pero dahil kaugnay ang buhay at kamatayan ng buong pamilya Acker, hindi siya nangahas na hindi ito seryosohin. Kaya, nagpatuloy siya ayon sa mga utos ni Charlie at sinabi, “Honey, halos hindi mo na narinig ang boses ko…”Sinabi ni Zekeiah, “May nangyari ba?!”Sumagot si Lulu, “Ilang araw lang ang nakalipas, isang napaka