Huminga nang malalim si Charlie, tumingin sa kanilang tatlo, at sinabi nang seryoso, “Tito Golding, Tita Golding, Nana—hangga’t buhay ako, kahit nasaan ako, hindi ko hahayaang apihin kayo ng iba.”Pagkatapos, humarap siya kay Yule at sinabi, “Tito Golding, may paraan ako para gamutin ang sakit mo at gawin kang malusog ulit!”Kugn sinabi ito ni Charlie kanina habang kumakain, hindi maniniwala si Yule sa kanya. Alam niya na hindi magagamot ang sakit niya.Pero, pagkatapos makitang tinalo ni Charlie ang Warlord at ang Realm Master gamit ang sarili niyang alkas, bigla siyang nagkaroon ng napakalakas na pagsamba at kumpiyansa kay Charlie. Naramdaman niya na sigurado si Charlie dahil sinabi niya ito.Tinanong niya nang mabilis, “Charlie, sigurado ka ba na magagamot mo ako?”Sinabi rin ni Rachel, namumula at namamaga ang mga mata niya, “Charlie, sobrang seryoso ng kondisyon ni Yule ngayon. Kinonsulta na namin ang mga pinakatanyag na eksperto sa larangan na ito, pero…”Hindi kinaya ni Ra
Ang bisa ng Rejuvenating Pill ay hindi dapat pagdudahan.Ito ang esensya na nakatala sa Apocalyptic Book, kaya nitong buhayin ang mga patay na puno sa tagsibol, pabatain ang mga matatanda, at ibalik ang kalusugan ng mga taong malapit nang mamatay.Dati, nasugatan nang malala si Albert ng mga bodyguard ng pamilya Webb. Halos mawalan na siya ng hininga, nabubuhay na lang sa huling mahingang hinga niya.Sa ganitong sitwasyon, kahit na maligtas ng pinakamagaling na doktor sa buong mundo ang buhay niya, imposible nang sagipin ang kanyang utak. Ang pinakamagandang kalalabasan ay maging vegetative state siya.Pero, pagkatapos inumin ang Rejuvenating Pill, hindi lamang gumaling si Albert ngunit mas bumata rin ng sampung taon ang pisikal na estado niya.Ipinapakita nito kung gaano kahiwaga ang Rejuvenating Pill.Kaya, naniniwala si Charlie na kayang pagalingin ng Rejuvenating Pill si Yule.Sa sandaling ito, ininom ni Yule ang Rejuvenating Pill sa harap ng kanyang asawa. Agad siyang nakar
Pagkatapos magkasakit, namiss ni Yule nang sobra ang kanyang dating kalagayan.Sa oras na iyon, hindi siya sumuko nang madali! Kahit na 45 na siya, gusto niya pa rin na maging katulad ng isang batang 30 years old.Sa totoo lang, mas maayos ang katawan niya sa oras na iyon kumpara sa ibang ordinaryong tao na nasa parehong edad dahil inaalagaan niya ito. Kahit na nahihirapan at napapagod siyang buhatin ang kabaong, nagawa niya ito!Sa sandaling ito, bumalik na ang rurok ng kasiglahan niya!Umupo si Yule sa upuan at napaiyak agad!Naramdaman niya na ang lahat ng ito ay regalo mula sa langit! Noong sobrang lala ng sakit niya, gusto niya lang mabuhay. Kailanman ay hindi niya inisip na bumalik sa ganitong estado ng kasiglahan sa buong buhay niya!Pero, ngayon, mga mahimalang bagay ang nangyayari sa kanya!Sa sandaling ito, hindi lamang nangyari sa katawan ni Yule ang isang himala, ngunit sa mga mata rin nina Rachel at Quinn!Nakikita nila ang bilis ng pagkulay ng maputla at walang ku
Sa sandaling ito, umiiyak na nang sobra sina Rachel at Quinn sa punto na hindi na nila mapigilan ang sarili nila.Ang dalawang tao—isa sa kaliwa, at isa sa kanan—ay hawak-hawak ang mainit na kamay ni Yule. Sobrang emosyonal nila sa punto na hindi na sila makapagsalita.Hindi dumaan si Yule sa kahit anong medical test. Hindi rin sila nakatanggap ng kahit anong authoritative report na gumaling na si Yule. Sa kabila ng lahat ng ito, naniniwala pa rin sila sa sarili nilang mga mata at sarili nilang panghuhusga na gumaling na nang tuluyan si Yule!Bilang isang taong naranasan ang mga epekto ng Rejuvenating Pill, alam na alam ni Yule ang sitwasyon niya. Sampung libong porsyento siyang sigurado na hindi lamang siya gumaling, ngunit bumalik din ang katawan niya sa kalagayan niya noong 40 years old siya, nasa sampung taon na ang lumipas.Naging sabik siya dahil dito.Natagalan siya bago niya napigilan ang kanyang mga emosyon. Pagkatapos, tumingala siya para tumingin kay Charlie habang puno
Paglipas ng ilang sandali, bumalik si Rachel dala-dala ang isang bote ng Maotai wine.Kinuha ni Yule ang bote ng wine. Binuksan niya ang takip, at sinabi, “Charlie, simula noong pinanganak ang anak na babae ko, gumastos ako ng maraming pera para bilhin ang pinakamagandang Maotai wine sa kaarawan niya bawat taon. Hanggang ngayon, puno pa rin ng top level Maotai ang underground storeroom ko, pwede itong ilagay sa auction. Sa una, balak kong hintayin na ikasal ang naak ko para i-serve ito sa mga kaibigan at pamilya niya, pero subukan muna natin ito ngayong araw!”Si Rachel, na nakatayo sa gilid, ay tumawa at dinagdag, “Charlie, sobrang mahalaga ng batch ng wine na ito para sa akin. Ang storeroom ay parang isang chimera, maaari lang pumasok ngunit hindi pwedeng lumabas. Wala pang nakakapaglabas ng bote dito para inumin. Ngayong araw lang talaga ang unang pagkakataon!”Humagikgik si Yule at sinabi, “Sa una ay nakahanda talaga ang wine na ito para sa kasal ni Charlie at ng anak na babae k
Nang marinig ang tanong ni Yule tungkol sa Rejuvenating Pill, ngumiti siya at sumagot, “Tito, ang medisinang ito ay tinatawag na Rejuvenating Pill. Hindi ako mangangahas na sabihin na isa itong tunay na elixir, pero masasabi ko na kalahating mahiwaga ito. Ginawa ito ng mga henyo at sinaunang doktor sa Oskia. Nagkataon lang din na nakuha ko ito.”Hindi nagduda si Yule sa kanya at sinabi, “Masyadong mahiwaga ang medisniang ito. Mukhang hindi ito galing sa mundong ito. Parang panaginip ang naramdaman ko noong ininom ko ang medisina! Mukhang marami talagang bagay mula sa mga ninuno natin ang hindi natin maintindihan!”Tumango si Charlie sa pagsang-ayon.Kahit na hindi niya alam kung sino ang nagsulat ng Apocalyptic Book, ayon sa edad ng Yuchun vase, masasabi na ginawa ito noong Tang Dynasty.Walang kahit anong bakas ang vase ng pagputol pagkatapos itong gawin. Sa ibang salita, ang kahon na gawa sa kahoy kung saan nakalagay ang Apocalyptic book ay nilagay doon nang maaga habang ginagawa
Kaya, dapat niyang tulungan si Yule na lutasin ang problema, at doon lang siya makakaalis sa Eastcliff at makakabalik sa Aurous Hill.Nang makita na pumayag si Charlie sa hiling niya, nagbuntong hininga siya nang maluwag, pinulot ang kanyang baso ng wine at sinabi, “Tara, Charlie. Mag-toast tayo!”Tumango si Charlie at pinagkalansing ang kanilang mga baso.Nang makita ang dalawang lalaki na umiinom nang masaya, binulong ni Rachel kay Quinn, “Sobrang tagal na noong ganito kasaya ang papa mo.”Tumango rin si Quinn at bumulong sa tainga ng kanyang ina, “Mukhang simula noong naaksidente si Tito Wade hanggang ngayon, hindi siya naging ganito kasaya.”Hinawakan ni Rachel ang kamay ng kanyang anak sa ilalim ng lamesa at sinabi nang malambot, “Mabuting lalaki si Charlie. Dapat mo siyang hawakan nang mahigpit!”Habang nahihiya, sumagot si Quinn, “Ma… paano ko siya mahahawakan nang mahigpit… kasal na si Charlie at hindi pa siya divorced.”Sumagot nang seryoso si Rachel, “Makulit na bata.
Walang masyadong pakialam si Charlie sa swerte at kapalaran ng pamilya Wade at ang paglipat ng ancestral grave.Hindi siya masyadong interesado sa mga miyembro at ginagawa ng pamilya Wade.Dalawa lang ang mahalaga sa kanya sa pamilya Wade.Una, kung saan nakalibing ang mga magulang niya at kung makakapagbigay pugay ba siya sa kanila.Pangalawa, sino ang pumaslang sa mga magulang niya at kung galing ba sila sa pamilya Wade.Para naman sa ibang bagay sa pamilya Wade, ayaw niya itong panatilihin sa utak niya.Kaya, pagkatapos makinig sa pakilala ni Yule sa Mount Wintry, tinanong ni Charlie, “Tito, pwede ba akong pumunta sa Mount Wintry para magbigay galang?”Sumagot si Yule, “Ang Mount Wintry ang ancestral grace ng pamilya Wade. Ito ang main spot para sa magandang swerte at kapalaran. Karaniwan, kinokontrol nang istrikto ng pamilya Wade ang lugar at hindi pwedeng pumasok ang mga tagalabas. Kahit na pumunta ako, kailangan ko munang batiin ang mga miyembro ng pamilya Wade at gumawa n
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl