Ngumisi nang mayabang si Wilhelm. “Hoy, Quinn, medyo mainitin ang ulo mo. Nasa parehong henerasyon tayo sa pamilya Golding, kaya ano naman kung mas matanda ka sa akin? Huwag mong kalimutan, isang babae ka lang na ikakasal sa ibang lalaki balang araw. Kapat nangyari iyon, hindi ka na miyembro ng pamilya Golding, isang tagalabas ka na lang, gets mo ba?”Binuksan ni Charlie ang kanyang bibig, sinusubukang magsalita, pero nagpigil siya.Dahil, ito ang problema ng pamilya Golding. Bilang isang tagalabas, wala siyang karapatan na sumingit. Wala siyang makatwiran na dahilan para makialam sa sandaling ito.Bukod dito, malabo pa ang pangunahing layunin ng pagbisita nina Adrian at Rogan, kaya nagpasya muna siyang manahimik at obserbahan ang sitwasyon.Sa sandaling ito, galit na sinumbat ni Yule, “Tama na! Manahimik kayo!”Tagumpay na pinakalma ng kanyang sigaw ang mga taong nandoon. Humarap siya kina Adrian at Rogan at tinanong sa malamig na boses, “Adrian, Rogan, wala akong pakialam kung b
Kahit na nakita nila Adrian at Rogan si Charlie noong pumasok siya ng bahay, hindi nila siya pinansin.Ang pangunahing target ng pagbisita nila ngayon ay sila Yule, Rachel, at Quinn, kaya tinrato nila si Charlie at ang mga kasambahay na tila ba wala sila doon.Sa hindi inaasahan, mangangahas ang binata ito na sigawan sila at tawagin pa silang g*go. Nagalit agad sila.Sa totoo lang, ang ranggo ng pamilya Golding sa Eastcliff ay pangatlo pagdating sa kanilang kayamanan na trilyon-trilyon, ang pamilya Wade at ang pamilya Schulz lang ang nasa taas nila. Kahit na may 25% lang sila Adrian at Rogan sa asset ng pamilya Golding, maituturing na top billionaire pa rin sila sa siyudad at nasa itaas sila ng listahan ng mga pinakamayamang tao.Hindi nila matanggap na sinigawan sila ng isang binata na bigla na lang sumulpot, kaya tinuro ni Adrian nang galit si Charlie at sinigaw, “Bata, kilala mo ba kung sino ako? Ang lakas ng loob mong kausapin ako nang ganito! Gusto mo bang mamatay?”Umirap si
Sa sandaling ito, isang binata na medoy mas matanda at mas kalmado kay Wilhelm ang nagsalita. “Kapatid, problema ito ng pamilya Golding, kaya huwag ka sanang makialam.”Ang taong nagsalita ay si Wrigley Golding, ang anak na lalaki ni Adrian, pati na rin ang pinakamatandang lalaking apo ni Lord Golding.Dahil babae si Quinn, maituturing na si Wrigley ang pinakamatandang apo ng pamilya.Tumingin is Charlie kay Wrigley at sinabi nang payak, “Kung may sasabihin ka, magsalita ka nang maayos. Huwag kang umasta na parang isang boss dahil lang mas marami kayo at tumahol sa bahay ng iba na parang mga masugid na aso. Maituturing na isang kagalang-galang na pamilya ang pamilya Golding sa Eastcliff, kaya kontrolin niyo sana ang sarili niyo kapag nasa labas kayo. Huwag niyong hayaan na isipin ng iba na mga wala kayong pinag-aralan at hindi kayo sibilisado!”“Ikaw…” Nang marinig iyon, nagngalit si Wilhelm sa galit at gusto nang sugurin si Charlie.Pinigilan siya ni Wrigley sa oras. Pagkatapos,
Si Adrian, na nakatayo sa gilid, ay tumawa nang nagmamadali at sinabi, “Hoy, Rogan, paano mo nagawang kausapin nang ganyan ang kuya natin? Sobrang hina na niya ngayon. Kung iinisin mo siya at mamamatay siya bago niya mabago ang will niya, kailangan talaga nating labanan ang ating hipag at pamangkin. Hindi ko kayang gawin iyon.”Humagikgik nang masama si Rogan. “Tama ka, Adrian. Sumobra na ako, pasensya na!”Pagkatapos, humarap siya kay Yule, naglabas ng pekeng ngiti, at sinabi, “Yule, pasensya na talaga. Medyo malupit ako kanina. Huwag mo sana itong isapuso.”Humahagikgik si Adrian sa gilid at snabi, “Kahit ano pa, kahit na medyo malupit ang tono ni Rogan, hindi siya mali. Pag-isipan mo, walang kayang makita na mapunta ang daang-daang bilyong asset ng pamilya sa kamay ng mga tagalabas. Kung makikipagtulungan ka sa amin, makukuha pa rin nina Rachel at Nana ang 20% kapag nawala ka…”Sa puntong ito, naging sobrang nakakatakot na ang ekspresyon ni Adrian, at mas lalong naging madilim a
Humarap si Yule kay Adrian at sinabi habang nagngangalit ang kanyang ngipin sa galit, “Adrian! Sabihan mo sila na tumigil ngayon at huwag saktan si Charlie! Pumapayag na ako sa gusto mo!”Sa opinyon ni Yule, hindi niya lang manugang si Charlei ngunit isang anak ng kanyang matagal nang namatay na matalik na kaibigan. Kahit ano pa, hindi niya panonoorin na mamatay si Charlie nang walang kabuluhan dahil sa kanya.Kung mangyayari iyon, mahihiya siyang harapin ang mga magulang ni Charlie kapag pumunta siya sa netherworld pagkatapos niyang mamatay.Hawak-hawak ang kanyang pulso, nagngalit si Adrian sa galit at sinumpa, “Oh, gusto mo nang mag-kompromiso sa amin ngayon, huh? Huli na ang lahat! Sinaktan ako ng batang iyan, kaya papatayin ko siya ngayong araw!”Pagkatapos, humarap siya sa mga bodyguard niya at sinabi, “Patayin niyo siya! Ngayon din!”Isang masama at malupit na histura ang lumitaw sa mga mukha ng dalawang bodyguard ni Adrian.Isa sa kanila ay kilalang Warlord habang ang isa
Sa puntong ito, nagulantang na ang lahat sa eksena!Hindi lang sina Adrian at Rogan na nandoon para gumawa ng gulo, ngunit wala rang masabi sa sobrang gulat ang tatlong miyembro ng pamilya ni Yule.Kilala ang Warlord at ang Realm Master sa kasamaan at kalupitan nila sa Eastcliff. Marami na silang pinatay na tao at hindi pa sila natatalo. Sapat na ang banggitin ang mga pangalan nila para mamutla ang mga tao.Pero, walang saysay ang lakas nila habang pinagtulungan nila si Charlie.Karaniwan, magpapalitan muna sila ng mga atake. Parte sa pakikipaglaban ang paghahanap ng kahinaan ng kalaban gamit ang mga sipa at suntok.Pero, biglang kumilos si Charlie at sinakal ang leeg ng dalawang makapangyarihang kalaban na parang mga walang kwentang kalaban sila. Inisip ng mga tao kung gaano talaga kalakas si Charlie!Walang pakialam si Charlie sa mga gulat na bulalas na nanggagaling sa mga tao sa paligid niya. Tumingin siya nang nang hahamak sa dalawang lalaki na nasa mga kamay niya at sinabi s
“Oh.” Tumango si Charlie sa pagkilala at sinabi nang nakangiti, “Hello, Realm Master, ikinagagalak kong makilala kita. Maganda ang titulo mo. Siya nga pala, may titulo rin ako; binigay ito ng mga tao sa siyudad ko. Iniisip ko kung kaninong titulo ang mas maganda, sayo o sakin?”Tinanong ng Realm Master, “Anong titulo mo?”Ngumiti nang kaunti si Charlie. “True Dragon.”Nagbago ang ekspresyon ng Realm Master nang marinig ito.Ang True Dragon?Ano raw!Hindi ba;t sobra na ito at hambog?Hindi na nag-abala si Charlie na ipagpatuloy ang pagtatalo. Naglagay ulit siya ng puwersa sa kanyang kamay at sinabi habang blangko ang mukha, “Mabubuhay ka kung luluhod ka at mamamatay ka kung hindi. May tatlong segundo ka lang para pag-isipan ito.”Natakot ang Realm Master nang maramdaman niya ang paglakas ng sakal sa kanyang lalamunan. Tumili siya sa galit, “Sige! Gagawin ko ito! Luluhod ako!”Tumingin nang masama si Charlie sa tinatawag na Warlord at tinanong, “Ikaw naman, Brother Warlord? Lul
Ang Warlord at ang Realm Master, na nakaluhod sa sahig, ay mabilis na gumapang sa gilid, hindi nangahas na umangal.Para naman kina Adrian at Rogan, nagulat sila at nataranta nang marinig nila na gustong makipag-usap ni Charlie sa kanila.Hindi nila inaasahan na mayroong ganito kasamang demonyo sa bahay ng kuya nila.Ayon sa pagkakaalam nila, kaunting guwardiya lang ang mayroon si Yule na medyo malakas pero hindi kasing lakas ng dalawang bodyguard na dinala nila. Madaling natalo ng dalawang lalaki ang mga guwardiya ni Yule.Pero, hindi nila inaasahan na may ganito kalakas at dominanteng binata sa bahay ni Yule. Tila ba kasing lakas niya si Zeus.Habang papalapit si Charlie sa kanila sa dominanteng paraan, agad silang humakbang paatras nang takot. Tinanong ni Adrian nang takot, “Ano… anong gusto mong gawin?”“Ako?” Ngumiti si Charlie. “Sobrang yabang at hambog mo simula noong pumasok ka sa pinto, ngayon ako naman. Halika, sabihin mo sa akin, paano mo aayusin ang bagay na ito ngayo
Walang nag-aakala na sa kalagitnaan ng sitwasyon kung saan pinatay ang mga bodyguard ng mga Acker at nakakalat ang mga bangkay nila, may maglalakas-loob pa rin na pumasok sa pinto na iyon!”Si Mr. Chardon, na sobrang yabang, ay sumabog agad sa galit nang marinig ang mapanuyang boses. Tumalikod siya, sabik makita kung sino ang mapangahas na gago na naglakas-loob na tawagin siyang alalay!Agad nakilala ni Merlin at ng mga miyembro ng pamilya Acker ang pamilyar na boses na ito. Alam ni Merlin na si Charlie ang dumating, at alam ng mga Acker na ito ang benefactor nila.Kahit na nakilala nila ang boses ni Charlie, ibang-iba ang emosyon nila.Matagal nang inaasahan ni Merlin na darating si Charlie, at iniisip niya pa, ‘Charlie, oh Charlie, sa wakas ay nagpasya ka nang magpakita! Kung nahuli ka ng ilang segundo, nawala na ang buhay ko dito…”Para naman sa mga miyembro ng pamilya Acker, sa sandaling ito, ang iniisip lang nila ay maligtas sa isang kritikal na sandali at mabuhay sa isang kr
Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng Reiki, walang duda na ang pananatili at ang pag-cultivate dito ay magkakaroon ng dobleng resulta gamit ang kalahating pagsisikap!Sabik na sabik siya at tinuro ang kanyang kahoy na ispada sa mga tao habang sinabi nang malamig, “Walang sasagot sa akin, tama? Dahil walang sasagot sa akin, pipili na lang ako ng isang tao at puputulan siya ng ulo bilang isang halimbawa!”Pagkatapos itong sabihin, napansin niya si Lulu, na may maayos na damit, at ngumisi, “Si Lulu Acker siguro ang binibini na ito, ang second young lady ng mga Acker, tama?”Tinanong nang maingat ni Lulu, “Anong kailangan mo?”Ngumisi si Mr. Chardon, “Gusto kong turuan ng leksyon ang mga magulang at kuya mo. Ang leksyon na ito ay tinatawag na ‘Ang epekto ng kawalan ng kooperasyon’.”Pagkatapos itong sabihin, iwinasiwas niya aga ang kanyang kahoy na ispada, at agad umatake ang isang invisible na patalim kay Lulu. Nakaramdam si Lulu ng isang bugso ng hangin na papunta sa kanya, at para
Minaliit niya si Mr. Chardon sa mahabang panahon, palaging iniisip na naka-focus lang sa cultivation ang matandang lalaki na ito. Pero, ngayong araw niya lang napagtanto na may malakas na pagnanasa pala ang matandang lalaki na ito sa pagkatay ng tao!Habang naramdaman niya na sobrang lupit ni Mr. Chardon, isang helicopter na lumilipad nang mababa ang lumitaw sa ere, mabilis na lumapit sa Willow Manor!Sa sandaling ito, nakaramdam ng bukol sa lalamunan nila ang mga miyembro ng pamilya Acker nang marinig ang sigawan sa labas. Hindi nila inaasahan na pagkatapos ng krisis nila kailan lang sa New York, mabilis silang susundan ng kabila sa Oskia.Ang pangatlong tito ni Charlie, si Jaxson, ay sinabi nang kinakabahan, “Pa, Ma, natatakot ako na kritikal na sitwasyon ito ngayon. Dapat mauna muna kayong umalis sa pinto sa likod!”Napagtanto rin ni Christian ang sitwasyon at sinabi nang mabilis, “Tama, Pa. Mauna muna kayo ni Mama. Mananatili kami dito at magbabantay!”Suminghal nang malamig s
Sa sandaling ito, naging isang mala-impyernong lugar ng digmaan ang paligid ng villa!May hawak si Mr. Chardon na isang kahoy na ispada na wala pang tatlumpung sentimetro sa kanyang kamay, pero ang invisible na talim nito ay may haba na halos dalawang metro!Ito ang pansamantalang mahiwagang instrumento na ipinagkatiwala ng British Lord kay Mr. Chardon.Kahit na mukhang maikli, maliit, at karaniwan ang kahoy na ispada, sa totoo lang, parang isa itong lightsaber mula sa Star Wars, na may pambihirang saklaw ng atake.Sa lohika ng pelikula na ito, may plasma ang lightsabe mula sa hawakan hanggang sa patalim. Lampas sa konsepto na ito ang kahoy na ispada ni Mr. Chardon. Kaya nitong gawing isang patalim ang Reiki, at kaya niyang kontrolin ang patalim!Ilang bodyguard ang sinubukang palibutan at atakihin si Mr. Chardon, pero kaswal niyang iwinasiwas ang ispada sa hangin gamit lang ang isang kamay. Isang invisible na enerhiya ang mabilis na lumabas sa ispada, tumagos sa dibdib ng mga nas
Ang nag-iisang anak nina Ashley at Curtis, si Charlie, ay naglaho rin dalawampung taon na ang nakalipas.Pakiramdam ng lahat ng tila ba naghahanap sila nang bulag ng dalawampung taon sa buong mundo, at sa sandaling ito, pakiramdam nila na tila ba may sa wakas ay may nakita na sila.Sinabi nang naiinip ni Christian, “Sabihin mo sa amin nang detalyado ang oras ng pagpasok ng labing-anim na tao na ito!”Mabilis na sumagot si Azure, “Sa labing-anim na tao na ito, labing-apat na tao ang pumasok sa dulo ng taglamig sa Pebrero, dalawampung taon na ang nakalipas, at ang dating dean nila, si Killian Caito, ay pumasok sa taglagas ng Nobyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Bukod sa labing-limang tao an ito, ang pinakabagong pumasok ay isang babae na pumasok sa taglamig sa Disyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Magda-dalawampung taon at tatlong buwan na simula ito.”Biglang nagkaroon ng takot na ekspresyon si Lady Acker. Napaiyak siya at humikbi habang sinabi, “Umalis sina Ashley
“Simple lang ito!” Sinabi nang sabik ni Lulu, “Pwede nating suriin ang mga social security file ng dating team! Ang welfare institute ay isang welfare organization na pinopondohan ng gobyerno at ng mga private donation. Bilang isang unit na binabantayan ng publiko, siguradong kumpleto rin ang record ng mga tauhan nila, lalo na kung nasa isang malaking misyon talaga sila, tulad ng sinabi ni Merlin. Kailangan nilang sumunod at maging walang pintas, kung hindi, kung may makakapanasin na may kakaiba sa record ng mga tauhan nila, agad itong gagawa ng pagdududa!”Pinuri ni Merlin, “Sobrang linaw ng pag-iisip ni Lulu. Marahil ay makakuha tayo ng ilang bakas kung makakahanap tayo ng paraan para suriin ang mga personnel record ng dating staff ng Aurous Hill Welfare Institute!”Sinabi ni Kaeden, “Kukuha ako ng tao para suriin agad ito!”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya agad ang kanyang cellphone at tumawag.Maraming taon nang retirado si Keith, at sa mga nagdaang panahon, nabawasan ang
Sinabi ni Lady Acker, “Sige at sabihin mo, Lulu.”Sinabi ni Luu, “Inimbestigahan ko ang sitwasyon sa Aurous Hill Welfare Institute ngayong araw. Gusto kong makita kung may kahit anong impormasyon kaugnay kay Charlie sa mga ulila na niligtas nila sa mga nagdaang taon. Sa ngayon, walang bakas na ipinapakita ang mga tala ng institute na kaugnay kay Charlie, pero ang kakaiba ay dumaan sa malaking pagbabago sa mga tauhan ang Aurous Hill Welfare Institute noong nakaraang taon. Mula sa director ng institute hanggang sa staff at kahit ang mga chef na nagluluto para sa mga ulila, lahat sila ay nagbago. Wala sa mga dating empleyado ang natira. Nakita ko na kakaiba ito. Hindi bihira na magpalit ng mga tao sa mga welfare organization, pero parang kakaiba ang lahat at biglaan na pagbabago. Ano sa tingin niyo?”Kumunot ang noo ni Keith at sinabi, “May sampu o dalawampung tao siguro sa panig ng pamamahala at pagpapatupad ng isang bahay ampunan. Kahit na magbago ang mga namamahala, hindi dapat map
Bandang 9:00 p.m. ng gabi sa Willow Manor.Katatapos lang kumain ng mga Acker at hinihiling kay Merlin na analisahin ang mga bakas na nakuha nila sa nakaraang ilang araw sa sala.Si Keith, ang head ng mga Acker, ay nananatili sa villa sa mga nagdaang araw at may malaking pag-unlad sa kalusugan niya. Hindi lang na hindi na lumala ang memorya niya, ngunit unti-unti niya ring naalala ang mga memorya na nakalimutan niya.Ang mas mahalaga, pagkatapos gumaling, umunlad nang sobra ang kabuuang lohikal na pag-iisip niya, bumalik ang istilo ng pag-uutos at lakasa niya dati.Sa pagpupulong ng pamilya, binigyan muna ng buod ni Christian ang lahat tungkol sa progreso ng kolaborasyon nila ng Moore Group.Sinabi ni Christian, “Opisyal na pumasok na sa proseso ng negosasyon ang kolaborasyon natin sa Moore Group. Simula ngayong araw, pinag-uusapan na ng mga legal team ng dalawa ang mga detalye ng kooperasyon, inaayos ang mga tiyak na termino. Dahil sa tapat na kilos ng mga Acker, maayos ang negos
Pagkatapos ay nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at tinawagan si Merlin. Samantala, kumakain si Merlin kasama ang mga Acker, ilang kilometro ang layo sa Willow Manor.Nag-iimbestiga ang mga Acker sa Aurous Hill sa nakaraang ilang araw pero wala pa silang nahahanap na bakas na kaugnay kay Charlie. Ang tito ni Charlie, si Christian, ay tatanungin na sana si Merlin para manghingi ng payo habang kumakain nang tumunog ang cellphone ni Merlin.Tumayo nang mabilis si Merlin at sinabi sa mga Acker, “Pakituloy muna ang pag-uusap niyo. Lalabas ako at sasagutin ang tawag.”Pagkatapos ay pumunta siya sa courtyard at sinigurado na walang mga nakatingin bago sinagot ang tawag. “Hello, Mr. Wade,” sinabi niya sa magalang na tono.Dumiretso sa punto si Charlie, “Chief Lammy, nasa Willow Manor ba ngayon ang lolo ko at ang pamilya niya?”“Oo, nandito sila.” Tinanong nang mausisa ni Merlin, “Anong problema, Mr. Wade? May mali ba?”Kinumpirma ni Charlie sa seryosong tono, “Marahil ay may maglag