Sa puntong ito, nagulantang na ang lahat sa eksena!Hindi lang sina Adrian at Rogan na nandoon para gumawa ng gulo, ngunit wala rang masabi sa sobrang gulat ang tatlong miyembro ng pamilya ni Yule.Kilala ang Warlord at ang Realm Master sa kasamaan at kalupitan nila sa Eastcliff. Marami na silang pinatay na tao at hindi pa sila natatalo. Sapat na ang banggitin ang mga pangalan nila para mamutla ang mga tao.Pero, walang saysay ang lakas nila habang pinagtulungan nila si Charlie.Karaniwan, magpapalitan muna sila ng mga atake. Parte sa pakikipaglaban ang paghahanap ng kahinaan ng kalaban gamit ang mga sipa at suntok.Pero, biglang kumilos si Charlie at sinakal ang leeg ng dalawang makapangyarihang kalaban na parang mga walang kwentang kalaban sila. Inisip ng mga tao kung gaano talaga kalakas si Charlie!Walang pakialam si Charlie sa mga gulat na bulalas na nanggagaling sa mga tao sa paligid niya. Tumingin siya nang nang hahamak sa dalawang lalaki na nasa mga kamay niya at sinabi s
“Oh.” Tumango si Charlie sa pagkilala at sinabi nang nakangiti, “Hello, Realm Master, ikinagagalak kong makilala kita. Maganda ang titulo mo. Siya nga pala, may titulo rin ako; binigay ito ng mga tao sa siyudad ko. Iniisip ko kung kaninong titulo ang mas maganda, sayo o sakin?”Tinanong ng Realm Master, “Anong titulo mo?”Ngumiti nang kaunti si Charlie. “True Dragon.”Nagbago ang ekspresyon ng Realm Master nang marinig ito.Ang True Dragon?Ano raw!Hindi ba;t sobra na ito at hambog?Hindi na nag-abala si Charlie na ipagpatuloy ang pagtatalo. Naglagay ulit siya ng puwersa sa kanyang kamay at sinabi habang blangko ang mukha, “Mabubuhay ka kung luluhod ka at mamamatay ka kung hindi. May tatlong segundo ka lang para pag-isipan ito.”Natakot ang Realm Master nang maramdaman niya ang paglakas ng sakal sa kanyang lalamunan. Tumili siya sa galit, “Sige! Gagawin ko ito! Luluhod ako!”Tumingin nang masama si Charlie sa tinatawag na Warlord at tinanong, “Ikaw naman, Brother Warlord? Lul
Ang Warlord at ang Realm Master, na nakaluhod sa sahig, ay mabilis na gumapang sa gilid, hindi nangahas na umangal.Para naman kina Adrian at Rogan, nagulat sila at nataranta nang marinig nila na gustong makipag-usap ni Charlie sa kanila.Hindi nila inaasahan na mayroong ganito kasamang demonyo sa bahay ng kuya nila.Ayon sa pagkakaalam nila, kaunting guwardiya lang ang mayroon si Yule na medyo malakas pero hindi kasing lakas ng dalawang bodyguard na dinala nila. Madaling natalo ng dalawang lalaki ang mga guwardiya ni Yule.Pero, hindi nila inaasahan na may ganito kalakas at dominanteng binata sa bahay ni Yule. Tila ba kasing lakas niya si Zeus.Habang papalapit si Charlie sa kanila sa dominanteng paraan, agad silang humakbang paatras nang takot. Tinanong ni Adrian nang takot, “Ano… anong gusto mong gawin?”“Ako?” Ngumiti si Charlie. “Sobrang yabang at hambog mo simula noong pumasok ka sa pinto, ngayon ako naman. Halika, sabihin mo sa akin, paano mo aayusin ang bagay na ito ngayo
Samantala, mayroong biglaang pagkasabik at pagkalugod sa Warlord.Ito ay dahil mayroon siyang dalang baril.Kahit na ayaw niya masyadong gumamit ng baril bilang isang martial artist, isang magandang bagay ang baril para iligtas ang kanyang buhay. Kaunti lang ang mapanganib na sitwasyon habang nagtatrabaho siya kay Adrian bilang bodyguard, pero maingat pa rin siya kung sakali.Kanina, hindi niya nakuha at nagamit ang baril habang sakal-sakal siya ni Charlie; hindi niya man lang naisip ang tungkol sa baril. Pero iba na ang sitwasyon ngayon.Hindi na nakatuon ang atensyon ni Charlie sa kanya ngayon.Kaya, hindi niya mapigilang isipin na marahil ay may pagkakataon siyang atakihin si Charlie dahil nakatuon ang kanyang atensyon kina Adrian at Rogan.Kahit gaano pa kalakas ang isang tao, ang mga bala pa rin ang pinakamalalang kalaban nila. Kung kaya niyang tamaan si Charlie gamit ang isang bala, mawawala agad ang kakayahan niyang makipaglaban. Sa sandaling iyon, babaril pa siya nang dal
Nanginginig na sa takot si Adrian ngayon.‘Ano ito?! Kinuha ko ang Warlord at ang Realm Master na may mataas na sahod pero sinakal lang sila ni Charlie at pagkatapos ay lumuhod sila at tinawag siyang papa! Hindi lamang iyon, ngayon, hindi man lang malabas ng Warlord ang kanyang baril?’Ang mga taong ito ay ginawa para laruin ang mga baril! Katawa-tawa na hindi nila kayang kumuha ng baril, para bang hindi kayang kumuha ng gunting ng isang barbero!Pero, kahit gaano kahirap pa nito paniwalaan, ang katotohanan ay katotohanan.Tumingin nang masama si Adrian sa takot na Warlord, na kasing hina ng isang duwag at hindi man lang nangangahas na magsalita. Alam niya na talagang hindi na sila maaasahan ngayong araw.‘Kung gano’n, walang kabuluhan ang sampal sa mukha ko, hindi ba?’Nang maisip ito, mas lalong sumama ang kanyang loob, pero hindi siya nangahas na labanan si Charlie sa sandaling ito. Kaya, sinabi niya nang galit, “Sige! Bata, mag-ingat ka! Pupuntiryahin na kita! Pagbabayaran mo
Tumingin ulit si Charlie kay Adrian at tinanong habang may masamang ngiti, “Sa narinig ko kanina, mukhang pinapaburan mo ang mga anak na lalaki kaysa sa mga anak na babae. Nilait mo pa si Yule dahil wala siyang anak na babae. Kaya, sa konklusyon, ang anak na lalaki mo ang dugong-buhay mo, tama ba ako?”Nakarinig ng malakas na banta si Adrian sa sinabi at tono ni Charlie, at tinanong nang balisa, “Ano… anong gusto mong gawin? Binabalaan kita, kung sasaktan mo ang anak na lalaki ko, papatayin kita!”Ngumiti si Charlie. “Hindi, hindi ko sasaktan ang anak na lalaki mo. Sasaktan ko lang ang apong lalaki mo.”“Ang apong lalaki ko?” Mas lalong nalito si Adrian. “Wala akong apo… anong ibig mong sabihin?”Tinanong ni Charlie, “Siya nga pala, kilala mo ba ang chairman ng Eastcliff Modestway Group, si Kenneth Wilson?”Kumunot ang noo ni Adrian at tinanong nang nagdududa at maingat, “Oo. Bakit?”Tinanong ulit ni Charlie, “Alam mo ba na may isang uri ng sakit siya na kailan lang niya nakuha?”
Tumingin sa isa’t isa sila Adrian at ang mga kasama niya, nalilito at nagulantang. Hindi nila alam ang gagawin nila.Sinabi si Charlei na umalis na sila, at gusto na talaga nilang umalis kaagad dito, pero walang nangahas sa kanila na kumilos, nararamdaman nila na hindi pa tapos magsalita si Charlie.Ito ay dahil hindi nila maintindihan ang ibig sabihin ni Charlie.Sa kabilang dako, hindi rin ito sasabihin ni Charlie sa kanila. Tulad noong paano ito nalaman ni Kenneth, kailangan niyang iparanas ito sa kanila.Nang makita niya na nakatayo pa rin doon ang grupo ng mga lalaki, parang mga ungas na tao, sinumbat nang nakakatakot ni Charlie, “Bibigyan ko kayo ng tatlong segundo na umalis dito, o pwede kayong manatili dito!”Tila ba pinatawad na siya, kumaway si Adrian sa mga tao at sinabi, “Tara na!”Tumalikod ang lahat para umalis, pero nakaluhod pa rin ang Warlord at ang Realm Master sa sahig.Gusto talaga nilang umalis sa lugar na ito, pero hindi sila makapaglabas ng kahit kaunting
Sa lohikal na pananalita, may 51% shares ang tatlong magkakapatid sa kanilang kumpanya, nasa linya lang ng absolute holding ratio. Hangga’t magtutulungan ang tatlong magkakapatid, mapapasailalim sa kontrol ng pamilya ang Golding Group.Pero, gustong nakawin nina Adrian at Rogan ang mga shares ni Yule, nang makita nila na malapit na siyang mamatay.Dahil nabigo ang plano ngayon ni Adrian na kunin ang mga share, naghanda siyang ipressure si Yule na isuko ang mga share niya sa board meeting bukas.Kahit na hindi pumayag si Yule sa mga sinabi niya ngayon, siguradong pupuwersahin niya si Yule na isuko ang chairmanship bukas!Tulad ng kasabihan, ang isang bansa ay hindi pwedeng mawalan ng isang pinuno nang isang araw.Ang isang business empire na kasing laki at kasing lawak ng Golding Group ay hindi pwedeng mawalan ng chairman.Kait na buhay pa si Yule, sobrang lala na ng sakit niya. Kung ipagpapatuloy niya ang treatment, mawawalan siya ng enerhiya para pamahalaan ang kumpanya, pero ku
Nahiya at nabalisa si Vera, “Hindi ko pa nararanasang umibig, pero marami na akong nakitang mga romance drama! Hindi ba’t normal ang mga ganitong mapaglarong asaran sa mga romance drama?”“Oo, oo…” Tumango si Charlie nang nakangiti. Sa sandaling ito, mabagal na lumabas na ang eroplano sa gate, kaya binalk ni Charlie ang usapan sa punto habang binulong, “Dadating tayo sa Londel ng mga dalawang oras. Naaalala mo pa ba ang eksaktong lokasyon ng libingan ng iyong ama?”Tinanggal ni Vera ang kanyang ngiti at sumagot, “Nasa hilagang-silangan ng Ensel Bay ang libingan ng aking ama. Nakita ko ang mga mapa at litrato ng satellite. Tinatawag ng Stoneridge ang lugar na iyon.”Tumango si Charlie, nilabas ang kanyang cellphone para suriin ang mapa, at sinabi, “Medyo mas malapit sa Londel ang Stoneridge. Halos isa’t kalahating oras na biyahe ito mula sa airport.”“Mm-hmm…” Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Nasa isang bundok sa hilagang-silangang bahagi ng Stoneridge ang libingan ng aking
Isang sabay sa uso at mapormang mag-jowa na may suot na pang-mataas na klase ng fashion ang hawak-kamay na dumaan sa VIP passage para kumpletuhin ang proseso ng pagsakay nila. Pagkatapos ay hawak-kamay silang sumakay sa business car ng airport na para lang sa mga VIP.Sa mga tagalabas, ang dalawang ito ay isa sigurong mag-jowa na mga mayaman na tagapagmana. Hindi lang na may suot silang mga high-end na brand, ngunit marahil ay gumastos sila ng daang-daang libo sa private charter para sa biyahe nila.Pero, ito ang pinakamagandang balatkayo para kina Charlie at Vera.Sa kasalukuyang hitsura ni Charlie, walang magdududa na 20 years old lang siya. Kahit na may makita siyang kakilala, hindi nila siya makikilala.Habang papasakay ang dalawa sa eroplano, ginabayan sila ng crew sa isang maluwag na cabin. Hindi pinansin ni Vera ang unang dalawang first-class na upuan at hinawakan ang kamay ni Charlie habang naglakad siya sa likod at sinabi nang malambing, “Darling, gusto kong katabi ka.”M
Hindi maiwasan ni Vera na tanungin siya nang galit, “Hindi ba’t dapat tawagin mo rin akong ‘darling’?”Umubo nang dalawang beses si Charlie at tinanong siya, “Walang ibang tao dito. Gusto mo ba talaga na tawagin kitang ganito?”Nadismaya si Vera at sinabi, “Pinagkasunduan natin ito kanina…”Sinabi agad nang seryoso ni Charlie, “Sige, tutuparin ko ang pangako ko.”Pagkatapos ayusin ang sarili niya, sinabi niya, “Darling, darating tayo sa airport sa loob ng kalahating oras.”Ngumiti nang matamis si Vera at sinabi, “Okay. Salamat, darling!”Si Vera, na kuntento na, ay hindi maiwasan na mapansin ang kaliwang kamay ni Charlie sa manibela, at tinanong niya nang mausisa, “Darling, hindi mo ba sinuot ang singsing na binigay ko sayo nang lumabas ka?”Sumagot nang kaswal si Charlie, “Bakit ko ito isusuot? Kinilala ng singsing ang ama mo bilang may-ari nito, hindi ako. Kung malalagay tayo sa panganib, ite-teleport pa rin ako nito sayo. Kung makikita talaga natin si Fleur, hindi ba’t parang
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni
Tinikom ni Charlie ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin, pero nagpigil pa rin siya.Kahit na halos apat na raang taon na ang pinagsama-samang edad ng apat na nakakatandang tao na ito, palagi nilang itinuturing na gabay na prinsipyo ang mga salita ni Vera. Hindi pagmamalabis na sabihin na si Vera ang gabay nila sa buhay. Naniniwala sila at ginagawa nila ang kahit anong sabihin ni Vera at pinapagawa ni Vera sa kanila.Kaya, kung taliwas ang sinabi niya sa mga sinabi ni Vera, siguradong pipiliin nila na makinig kay Vera.Walang nagawa si Charlie at hinayaan na lang ang matandang babae na lumuhod at pasalamatan siya. Pagkatapos niyang tumayo, nagsalita si Charlie at sinabi, “Siya nga pala, bumaba na ba si Miss Lavor?”Sinabi ni Logan, “Mr. Wade, inutusan kami ni Miss na pangunahan ka muna sa courtyard niya pagdating mo.”Akala ni Charlie na nagmamadali sila at bababa si Vera at pagkatapos ay magkasama silang pupunta sa airport. Hindi niya inaasahan na gusto ni Vera na paakyatin
“Anong sinabi mo?!” Sumabog sa galit si Fleur sa sandaling iyon.Dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay, hindi niya pinansin ang halos lahat sa nakaraang tatlong daang taon. Sa tatlong daang taon na ito, siya ang unang tao na nagsabi sa kanya na pupugutan niya siya ng ulo.Nang marinig ni Zekeiah, na nasa kabilang linya, ang galit na sigaw ni Fleur, agad siyang natakot nang sobra, at mabilis siyang yumuko sa kabilang dulo habang humingi ng tawad, sinasabi, “British Lord, patawarin mo ako. Inuulat ko lang ang mga sinabi niya at wala akong balak na maging bastos…”Kahit na alam ni Fleur na inuulit lang ni Zekeiah ang mga sinabi sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng galit sa puso niya.Natatakot si Zekeiah na hindi mawawala ang galit ni Fleur, kaya idinagdag niya nang mabilis, “British Lord, handa akong ibahagi ang pag-aalala mo at pumunta sa Aurous Hill sa personal para sayo. Sa sandaling iyon, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para alamin kung sino ang misteryosong tao na iy
Kahit na sobrang bilis na ng paglalakbay sa bilis ng halos isang libong kilometro kada oras, nababalisa pa rin si Fleur dito.Simula noong lumabas ang portrait ng master niya sa Aurous Hill, nabasag ang mentalidad niya. Nawalan siya ng kalma na dapat mayroon sa isang 400 years old na babae.Tumingin siya sa flight navigation chart sa harap niya nang mag-isa, tinitigan ang altitude at speed data, at hindi mapigilan na sabihin nang galit, “Kapag mas mabilis umunlad ang modernong teknolohiya, mas nagiging sakim ang mga hayop na ito. Dati, kayang lumipad ng Concorde ng mahigit dalawang libong kilometro sa isang oras. Ngayon, hindi man lang kayang umabot ng isang libo ang mga eroplano, at ang mga hindi ito kayang gawin ay walang sapat na layo! Nakakainis ito!”Nang makita ng isang crew member ang inis niya, mabilis siyang lumapit at sinabi nang magalang, “British Lord, kumalma ka po. Masyadong malayo ang distansya. Kahit na may Concorde tayo, mahihirapan ito. Ang pinakamalayong abot nito