Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1461 - Chapter 1470

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1461 - Chapter 1470

5630 Chapters

Kabanata 1461

Mahilig sumunod sa uso ang mga batang tao.Kung ikukumpara mo ang mga usong trend at fashion, hinding-hindi magpapatalo ang Japan sa Oskia.Masasabi pa na ang mga trends at fashion sa Japan ay mas mataas kumpara sa Oskia.Iyon ang dahilan kung bakit mayroong Japanese pop culture, at iyon din ang dahilan kung bakit may mga hairstyle, manicure, makeup, at iba pa ang mga Japanese.Masasabi na ang mga Japanese na babae ay sobrang fashionable. Iyon ang dahilan kung bakit karamihan sa kanila ay gustong tumira sa isang fashionable na metropolis tulad ng Tokyo.Pero, iba si Nanako.Kailanman ay ayaw niya sa uso o modernong bagay.Sa kabaliktaran, palagi niyang pinapahalagahan ang mga klasikong kultura.Halimbawa, mahilig siyang mag-aral sa sining ng paggawa ng tsaa, sinaunang Oskian, sinaunang mga tula, at kahit ang mga sinaunang arkitektura at pananamit.Kaya, noon pa man ay bagay na bagay na ang Kyoto sa kanyang aura at pagkatao.Alam niya rin na walang magandang kalalabasan ang la
Read more

Kabanata 1462

Para naman sa kanilang dalawa, hindi sila nakatingin sa referee o sa isa’t isa. Sa halip, nakatingin silang dalawa kay Charlie, na nakaupo kasama ang mga manonood.Medyo nabalisa rin si Charlie.Hindi niya inaasahan na hindi maghahanda ang dalawang babaeng ito sa laban. Sa halip, nakatitig lang silang dalawa sa kanya sa sandaling tumuntong sila sa ring.Gano’n ba kaakit-akit ang hitsura niya? Hindi ba’t dapat mag-abala sila sa mga importanteng bagay?!Habang iniisip niya ito, ang referee, na nakatayo sa arena, ay nahiya rin nang sobra. Umubo siya nang dalawang beses bago sinabi, “Nakikinig ba kayong dalawa sa akin?”Si Aurora ang unang natauhan, at namula siya habang sinabi nang nagmamadali, “Pasensya na, referee. Naligaw ako sa iniisip ko nang ilang sandali.”Walang nagawa ang referee, at tumingin siya kay Nanako at sinabi, “Ikaw naman, Miss Ito?”Namula agad ang mukha ni Nanako, at sinabi niya nang nagmamadali sa mahinang boses, “Pasensya na, referee. Medyo natulala rin ako.”
Read more

Kabanata 1463

Dahil wala sa isip ang dalawang babae kanina, nang inanunsyo ng referee na opisyal nang nagsimula ang laban, ni isa sa kanila ay wala sa kalagayan na makipaglaban.Kaya, medyo kakaiba ang kapaligiran sa ring.Sa sandaling sinimulan ng referee ang laban at mabilis na umatras sa kanilang dalawa, inisip niya na agad papasok sa ritmo ang dalawa at aatake na sila. Pero, tulala pa rin sila habang nakatayo sila sa ring nang ilang segundo.Sa oras na ito, sumigaw ang isang lalaki audience, “Aurora! Anong ginagawa mo?! Bakit tulala ka?! Bilisan mo at talunin mo ang babaeng Japanese na iyan!”"Oo, Aurora! Panahon na para manalo ka at magbigay ng karangalan sa ating bansa!”“Oh! Aurora, ang babaeng medyo maganda talaga ang Japanese na babae. Ipangako mo sa akin na hindi mo aatakihin ang mukha niya, okay?"Biglang nakaramdam ng kaba si Aurora.Ang laban na ito ay ang pinakamataas na antas ng laban na sinalihan niya pagkatapos ng mahabang panahon.Gayunpaman, ito rin ang tanging laban na ku
Read more

Kabanata 1464

Namangha rin nang sobra si Charlie sa perpektong kilos ni Nanako.Oo naman, ang karanasan ay hindi kailanman matatalo ng purong lakas lamang.Sa ngayon, si Aurora ay driver ng isang supercar. Ang kanyang sasakyan ay napaka-dynamic at mabilis. Gayunpaman, hindi niya alam o naiintindihan ang kalagayan ng kalsada, at hindi niya alam kung nasaan ang lahat ng mga liko, lubak, o mga shortcut.Kahit na ang kotse ni Nanako ay hindi kasing lakas ng supercar ni Aurora, pamilyar siya sa mga kondisyon ng kalsada, at naiintindihan niya ang bawat maliliit na detalye.Samakatuwid, kahit na magkarera ang dalawang driver na ito, kahit na nanalo ang supercar sa karera, maaaring hindi ito isang madaling karera.Kahit na naiwasan ni Nanako ang atake ni Aurora, hindi siya nangahas na maliitin ang kalaban niya.Ito ay dahil ayon sa isang atake, malinaw na naramdaman ni Nanako ang lakas ni Aurora, at alam niya na talagang napakalakas ni Aurora!Sa kabutihang palad, ginamit niya ang kanyang mga palad u
Read more

Kabanata 1465

Sa sandaling ito, nainis nang sobra si Aurora sa kapabayaan niya!Ang iniisip niya lang ay atakihin si Nanako. Pero, talagang nakalimutan niya na si Nanako, ay isang master sa combat and fighting, at talagang iba siya sa lahat ng nakalaban niya dati.Kaya, kahit na ang ganitong pag-atake ay masama para kay Nanako, naiwanan din siyang walang depensa sa biglaang atake ni Nanako.Sa sandaling ito, sinuntok nang napakabilis ni Nanako ang kneecap ni Aurora mula sa gilid.Kasama ang isang tunog, naramdaman ni Nanako na tila ba sinuntok niya ang isang bakal, at naramdaman niya na naging manhid ang kanyang buong pulso at kamao!Para naman kay Aurora, akala niya na siguradong masusugatan siya nang sobra pagkatapos ng atake ni Nanako. Pero, hindi niya inaasahan na kaunting sakit lang ang mararamdaman niya sa kanyang tuhod.Ang ganitong antas ng sakit ay katanggap-tanggap pa. Bukod sa kaunting sakit, halos walang malaking epekto ang atake ni Nanako sa katawan ni Aurora.Nasorpresa rin nang
Read more

Kabanata 1466

Sumuntok nang dalawang magkasunod si Aurora, pero tagumpay na naiwasan ni Nanako ang dalawang suntok. Sa sandaling ito, nakita ni Nanako ang isang napakagandang pagkakataon. Agad siyang nag-squat at pinuntirya ang mga take niya sa harap ng katawan ni Aurora. Sa parehong oras, inilagay niya ang kanyang kaliwang kamay sa harap ng kanyang kanang kamay na may injury. Pagkatapos, ginamit niya ang dalawang kamay niya para atakihin ang baywang ni Aurora.Napabulalas nang malakas ang mga Oskian na manonood. Sa opinyon nila, matatabunan ulit si Aurora ng tagumpay na kontra-atake ng kalaban.Sa sandaling ito, hinanda ni Aurora ang kanyang kaliwang palad habang ginalaw niya ang kanyang braso at ginawang kamao ang kanyang kanang kamay. Pagkatapos, ginamit niya ang kanyang kaliwang palad para itulak paabante ang kanyang kanang kamao, binigyan ng malaking pwersa ang kanyang kanang siko, habang mabilis niyang inatake ang dibdib ni Nanako gamit ang kanyang kanang siko!Napakabilis at napakalakas ng
Read more

Kabanata 1467

Pero, hindi na masuportahan ni Nanako ang kanyang sarili at tumayo ulit dahil sa kasalukuyang kondisyon niya.Nahihirapan siya dahil sa sakit, at mayroon siyang labis na nasasaktan at ayaw na ekspresyon sa kanyang mukha habang patuloy na nagbibilang ang referee sa gilid.Nagpumilit si Nanako nang ilang beses, pero hindi siya makatayo. Tila ba tuluyan lang naubusan ng lakas ang katawan ni Nanako sa sandaling natapos magbilang ang referee at opisyal na pumito para ipahiwatig ang pagtatapos ng laban. Tuluyan siyang bumagsak habang nakahiga siya sa ring.Sa sandaling ito, nakabibinging hiyawan ang sumabog mula sa mga manonood.Ito ay dahil alam nila na nanalo na si Aurora sa huling laban, at siya na ang champion sa International University Combat and Fighting Championship.Itinaas din ng referee ang braso ni Aurora sa sandaling ito at sinabi nang malakas, “Ngayon, idinedekalara ko na ang champion ng International University Combat and Fighting Championship ay ang Oskian local athlete,
Read more

Kabanata 1468

...Sa sandaling ito.Nakaupo si Jiro sa reception room sa Apothecary Pharmaceutical.Sobrang taas ng production pressure na nararamdaman ni Liam dahil hinahanap nang sobra ang Apothecary Stomach Pill, at naubos agad ang produkto sa sandaling opisyal na tinala ito sa market!Pinag-uusapan ng mga Netizen ang mga mahiwagang epekto ng Apothecary Stomach Pill sa iba’t ibang platform tulad ng WeChat Moments at iba’t ibang social media platform simula kagabi. Kasama na ang sobrang kasikatan at impluwensya ni Quinn, sinasabi na sobrang ikat ng Apothecary Stomach Pill at hinahanap-hanap ito.Dahil sobrang sikat ng medisina, ang pinaka direktang pressure na kaharap nila ay ang kakulangan sa pagiging produktibo nila.Kaya, nagpasya si Liam na bayaran ang mga empleyado nang doble para makapagtrabaho nang overtime ang lahat at gumawa ng Apothecary Stomach Pill nang mas mabilis.Dahil dito, pumunta mismo si Liam sa workshop para pangunahan ang paggawa ng gamot sa umaga. Nagsagawa din siya ng
Read more

Kabanata 1469

Hindi inaasahan ni Jiro na direkta siyang tatanggihan ni Liam.Dapat isinaalang-alang niya man lang ang kanyang alok o nagpanggap man lang na pag-isipan ito, tama? Hindi ba’t ito ang pangunahing paggalang ng mga tao sa isang negosasyon?Kahit na galit na galit si Jiro, pinigilan niya ang galit at inis na nararamdaman niya.Pinanatili niya ang maginoong ngiti sa kanyang mukha habang sinabi niya kay Liam, “Mr. Weaver, mangyaring patawarin mo ako sa pagsasalita nang prangka. Ang Apothecary Pharmaceutical ay hindi man lang maituturing na top pharmaceutical company sa Oskia, at ang katayuan nito ay mas hindi kapansin-pansin sa mundo. Kahit na gusto mong palawakin at pumasok sa Asia market o kahit sa global market, imposible talaga na mapaunlad mo ito ayon sa lakas ng kumpanya mo.”Habang nagsasalita siya, tinapik ni Jiro ang kanyang dibdib habang sinabi niya na may kaunting pagmamataas, “Pero, ibang kwento ito para sa Kobayashi Pharma. May kasaysayan na kami na ilang dekada, at may tiya
Read more

Kabanata 1470

Ang Apothecary Pharmaceutical ay ang dating Weaver Pharmaceutical. Ang laki ng Weaver Pharmaceutical ay hindi nga talaga maikukumpara sa Kobayashi Pharma.Sa lahat ng ibang bagay, bago ito, ang lahat ng asset na pagmamay-ari ng Weaver Pharmaceutical ay nasa dalawa o tatlong bilyon lang. Pero, ang pera na kinuha ni Charlie sa Kobayashi Pharma ay nasa labing-isang bilyong dolyar na. Bukod dito, ang market value ng Kobayashi Pharma ay mahigit isang daang bilyong dolyar, nasa sampu-sampu o daang-daang beses na mas malaki kumpara sa Weaver Pharmaceutical.Kaya, kahit na gustong palawakin ng Apothecary Pharmaceutical ang production capacity ng Apothecary Stomach Pill, ang magagawa lang nila ay palawakin ang production line at pag trabahuhin ang mga empleyado nang overtime hangga’t maaari.Pero, tulad ng sinabi ni Jiro kanina, maraming manpower, material resources, financial resources, at oras ang kailangang igugol para patuloy na palawakin ang kanilang production line. Pero, ang diwa ng l
Read more
PREV
1
...
145146147148149
...
563
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status