Nang marinig ito ni Charlie, hindi niya mapigilang tumawa at sabihin, “Hindi maasahan ang pagkatao ng pamilya Kobayashi. Hindi lamang na may pagkakataon kung kailan gusto nilang nakawin ang mahiwagang tableta ko, ngunit nagbayad din si Jiro ng malaki para ipapatay ang kapatid niya. Kung makikipagtulungan talaga tayo sa pamilya nila, siguradong pagtataksilan nila tayo.”Nagpatuloy si Charlie, “At saka, kahit ano pa ito, ang Japanese ang pamilya Kobayashi. Kung makikipagtulungan tayo sa kanila, kailangan nating ibahagi ang formula at reseta natin sa kanila. Sa sandaling kinopya nila ang formula ko, malaki ang posibilidad na susubukan nilang talikuran ang benepaktor nila kapag nakamit na nila ang layunin nila o kahit palayasin patayo sa sandaling wala na tayong gamit sa kanila. Kaya, kahit ano pa, hindi dapat tayo makipagtulungan sa kanila.”Nang marinig ito ni Liam, sinabi niya agad, “Master Wade, hindi ko masyadong pinag-isipan ang tungkol dito. Makasisiguro ka. Tatanggihan ko na ang
Dahil ang price war ang huling paraan niya.Kung magkatulad ang epekto ng dalawang produkto, walang masyadong pinagkaiba sa pagkatalo ng dalawang panig kapag nagkaroon sila ng price war.Pero, kung may napakalaking pagkakaiba sa epekto ng dalawang produkto, ang Kobayashi Pharma lang ang malulugi.Dahil, kahit na ang bisa ng Kobayashi Stomach Pill ay mas mababa kumpara sa Apothecary Stomach Pill, ang gastos sa paggawa ng gamot na ito ay hindi mas mababa sa paggawa ng Apothecary Stomach Pill!Bukod dito, medyo mataas ang labor cost sa Japan, at ang gastos para sa export shipping at tariffs ay hindi mababa. Kaya, mas malaki talaga ang ginagastos para sa Kobayashi Stomach Pill kaysa sa Apothecary Stomach Pill, na mas mabisang gamot.Kung bababaan nila ang presyo ng gamot sa isang daang dolyar kada kahon, mabebenta nang lugi ang Kobayashi Stomach Pill. Pero, marahil ay kumita pa rin ang Apothecary Stomach Pill ng sampu o dalawampung dolyar kada kahon ng medisina.Kaya, tinatakot lang
Tapos na ang International University Combat and Fighting Championship.May suot na gold medal si Aurora habang niyakap niya si Charlie sa sandaling pumasok siya sa backstage area ng lounge. Puno ng luha ang magandang mukha ng dalaga habang umiiyak siya.Ang dahilan kung bakit siya umiiyak ay dahil sabik na sabik siya. At isa pa, sobrang nagpapasalamat din siya.Kailanman ay hindi inisip ni Aurora na may araw kung kailan mapapanalunan niya ang isang international championship.Kaya, sabik na sabik si Aurora sa sandaling ito.Alam ni Aurora na ang dahilan kung bakit niya narasanan ang ganitong kapalaran ay dahil tinutulungan siya ng minamahal niyang si Master Wade. Sobrang laki ng tulong na binigay niya sa kanya at hindi niya ito mailarawan sa salita.Nang niyakap ni Aurora si Charlie, umalis nang hindi nag-iisip sina Graham at Adam sa lounge.Si Aurora, na may suot na sports tube top at shorts, ay niyakap nang mahigpit si Charlie. Talagang hindi niya pinansin ang katotohanan na
Sa sandaling ito, tumango nang paulit-ulit si Aurora. Patuloy na tumutulo ang luha niya habang matatag at sabik niyang sinabi, “Gusto ko!”Sinabi nang kuntento ni Mr. Luca, “Magandang balita talaga iyan. Makikipag-usap na ako sa mga tao sa Eastcliff tungkol sa pagsasaayos nito. Sa sandaling nilabas na ang training para sa national team, pupunta ako mismo sa bahay niyo para ipaalam ito sayo. Naniniwala ako na sa lakas at abilidad mo ngayon, siguradong mapapanalunan mo ang gold medal sa Olympic Games!”Pagkatapos umalis ni Mr. Luca, umiyak nang magkasama ang mag-ama ng pamilya Quinton sa lounge backstage.Sobrang lugod ni Graham. Dahil malaking tagumpay na ang panalo ni Aurora sa international championship ngayong araw at nagdala na ito ng karangalan sa pamilya nila. Sa hindi inaasahan, nagkaroon din ng pagkakataon ang anak niya na mapili sa national team para sumali sa susunod na Olympic Games.Umiyak nang matagal si Graham bago niya pinunasan ang luha sa kanyang mukha. Pagkatapos,
Nang marinig ni Charlie na sinabi ni Quinn na mukhang hindi na maganda ang pisikal na kondisyon ni Yule, tinanong niya siya nang nagmamadali, “Nana, anong problema sa kalusugan ni Tito Golding?”Sumagot nang malungkot si Quinn, “Kaugnay pa rin ito sa pancreatic cancer niya. Mukhang medyo umayos ang kondisyon niya noong bumalik siya mula sa ibang bansa. Pero, sa mga nakaraang araw, may mga bakas na kumakalat pa rin ang pancreatic cancer niya. Nagsisikap na ang mga doktor sa hospital sa Eastcliff na gamutin siya. Sinubukan na nila ang radiotherapy at chemotherapy, pati na rin ang targeted drug treatment. Pero, sobrang liit ng epekto ng mga ito…”Pagkatapos itong sabihin, hindi maiwasang mabulunan ni Quinn at sinabi, “Kuya Charlie, sinabi na sa akin ng doktor na ihanda ko na ang sarili ko para sa malalang sitwasyon. Kung wala na silang magagawa, marahil ay tatlo o apat na buwan na lang ang natitirang buhay sa ama ko…”Nagmamadaling pinagaan ni Charlie ang kalooban niya, “Nana, hindi mo
Bahagyang ngumiti si Charlie bago sinabi, “Mabuti ito kung epektibo ito.”Ngumiti si Elaine sa nambobolang paraan bago sinabi, “Mabuti kong manugang, maaari bang makipag-usap ako sayo?”Tumango si Charlie bago sinabi, “Sige lang at magsalita ka.”Sumagot nang nagmamadali si Elaine, “Ganito kasi. Mabuti kong manugang, kahit na sobrang laking set ng caviar skin care product ito, sa huli ay mauubos din ito. Natatakot ako na kung hindi ko na magagamit ang mga ganitong produkto pagkatapos nitong maubos, mawawala ang anti-aging effect nito sa mukha ko at baka bumalik sa dati ang mukha ko. Kaya, pwede mo ba akong bilhan ng isa pang set ng caviar skin care products bago ako maubusan?”Naintindihan agad ni Charlie ang sinusubukan niyang sabihin.Natatakot si Elaine na na mawawalan ng saysay ang mga epekto ng skin care product na ito kapag huminto siya pagkatapos nitong maubos. Kaya, gusto niyang ipareserba ang susunod na set ng caviar skin care product.Sa totoo lang, wala talaga sa kanya
Ginawa ni Charlie ang pinangako niya at nagpadala agad ng apatnapung libong dolyar kay Elaine.Dahil madaling napadala ni Charlie ang pera sa kanya, mas nakumbinsi si Elaine na hindi nagbibiro ang kanyang manugang noong nangako siya dati!Kung manganganak si Claire, siguradong bibigyan siya ni Charlie ng pera nang hindi nag-aalangan.Nang maisip niya ito, nagpasya si Elaine. ‘Hindi! Kailangan kong humanap ng magandang pagkakataon para makipag-usap kay Claire mamayang gabi. Hindi na siya bata, kaya anong sinusubukan niyang gawin kung hindi siya nagmamadaling magkaroon ng anak? Kung magkakaroon siya ng anak sa lalong madaling panahon, magiging handa agad siyang magkaroon ng pangalawa o pangatlong anak! Kung maghihintay siya na maging tatlumpung taon muna siya bago siya magkaroon ng anak, marahil ay hindi na siya magiging handa agad na magkaroon ng pangalawa, lalo na ang pangatlo o pang-apat na anak, tama?’‘Syempre, mas maganda kung ang anak kong babae ay magkakaroon ng maraming anak
Sumagot nang nagmamadali si Claire, “Alam ko, Pa. Huwag ka nang mag-alala tungkol dito. Bilisan mo na at kainin mo na ang hapunan mo!”Sumagot nang tapat si Jacob, “Ibinabahagi ko lang ang ilang karanasan ko sa buhay. Lalo na para sayo, Claire. Sobrang abala ka sa trabaho araw-araw. Dapat matuto ka kay Charlie. Dapat abala ka sa trabaho mo kapag may kailangan kang gawin, pero dapat matuto ka ring magpahinga. Dapat bigyan atensyon mo ang sarili mong pamilya. Para sa akin, dapat mag day off muna ng ilang araw. Pagkatapos, pwede kayong bumiyahe ni Charlie o kahit ano.”Nagsalita si Charlie sa sandaling ito, “Ay, Pa, baka umalis ako sa Aurous Hill sa susunod na dalawang araw.”“Aalis ka sa Aurous Hill?” Tinanong nang mausisa ni Jacob, “Mabuti kong manugang, saan ka pupunta?”Sumagot si Charlie, “Kailangan kong pumunta sa Eastcliff.”“Pupunta ka sa Eastcliff?” Tinanong ni Jacob sa sorpresa. “Anong gagawin mo sa Eastcliff?”Medyo nalito rin si Claire.Para sa kanya, hindi pa umaalis s
Walang nag-aakala na sa kalagitnaan ng sitwasyon kung saan pinatay ang mga bodyguard ng mga Acker at nakakalat ang mga bangkay nila, may maglalakas-loob pa rin na pumasok sa pinto na iyon!”Si Mr. Chardon, na sobrang yabang, ay sumabog agad sa galit nang marinig ang mapanuyang boses. Tumalikod siya, sabik makita kung sino ang mapangahas na gago na naglakas-loob na tawagin siyang alalay!Agad nakilala ni Merlin at ng mga miyembro ng pamilya Acker ang pamilyar na boses na ito. Alam ni Merlin na si Charlie ang dumating, at alam ng mga Acker na ito ang benefactor nila.Kahit na nakilala nila ang boses ni Charlie, ibang-iba ang emosyon nila.Matagal nang inaasahan ni Merlin na darating si Charlie, at iniisip niya pa, ‘Charlie, oh Charlie, sa wakas ay nagpasya ka nang magpakita! Kung nahuli ka ng ilang segundo, nawala na ang buhay ko dito…”Para naman sa mga miyembro ng pamilya Acker, sa sandaling ito, ang iniisip lang nila ay maligtas sa isang kritikal na sandali at mabuhay sa isang kr
Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng Reiki, walang duda na ang pananatili at ang pag-cultivate dito ay magkakaroon ng dobleng resulta gamit ang kalahating pagsisikap!Sabik na sabik siya at tinuro ang kanyang kahoy na ispada sa mga tao habang sinabi nang malamig, “Walang sasagot sa akin, tama? Dahil walang sasagot sa akin, pipili na lang ako ng isang tao at puputulan siya ng ulo bilang isang halimbawa!”Pagkatapos itong sabihin, napansin niya si Lulu, na may maayos na damit, at ngumisi, “Si Lulu Acker siguro ang binibini na ito, ang second young lady ng mga Acker, tama?”Tinanong nang maingat ni Lulu, “Anong kailangan mo?”Ngumisi si Mr. Chardon, “Gusto kong turuan ng leksyon ang mga magulang at kuya mo. Ang leksyon na ito ay tinatawag na ‘Ang epekto ng kawalan ng kooperasyon’.”Pagkatapos itong sabihin, iwinasiwas niya aga ang kanyang kahoy na ispada, at agad umatake ang isang invisible na patalim kay Lulu. Nakaramdam si Lulu ng isang bugso ng hangin na papunta sa kanya, at para
Minaliit niya si Mr. Chardon sa mahabang panahon, palaging iniisip na naka-focus lang sa cultivation ang matandang lalaki na ito. Pero, ngayong araw niya lang napagtanto na may malakas na pagnanasa pala ang matandang lalaki na ito sa pagkatay ng tao!Habang naramdaman niya na sobrang lupit ni Mr. Chardon, isang helicopter na lumilipad nang mababa ang lumitaw sa ere, mabilis na lumapit sa Willow Manor!Sa sandaling ito, nakaramdam ng bukol sa lalamunan nila ang mga miyembro ng pamilya Acker nang marinig ang sigawan sa labas. Hindi nila inaasahan na pagkatapos ng krisis nila kailan lang sa New York, mabilis silang susundan ng kabila sa Oskia.Ang pangatlong tito ni Charlie, si Jaxson, ay sinabi nang kinakabahan, “Pa, Ma, natatakot ako na kritikal na sitwasyon ito ngayon. Dapat mauna muna kayong umalis sa pinto sa likod!”Napagtanto rin ni Christian ang sitwasyon at sinabi nang mabilis, “Tama, Pa. Mauna muna kayo ni Mama. Mananatili kami dito at magbabantay!”Suminghal nang malamig s
Sa sandaling ito, naging isang mala-impyernong lugar ng digmaan ang paligid ng villa!May hawak si Mr. Chardon na isang kahoy na ispada na wala pang tatlumpung sentimetro sa kanyang kamay, pero ang invisible na talim nito ay may haba na halos dalawang metro!Ito ang pansamantalang mahiwagang instrumento na ipinagkatiwala ng British Lord kay Mr. Chardon.Kahit na mukhang maikli, maliit, at karaniwan ang kahoy na ispada, sa totoo lang, parang isa itong lightsaber mula sa Star Wars, na may pambihirang saklaw ng atake.Sa lohika ng pelikula na ito, may plasma ang lightsabe mula sa hawakan hanggang sa patalim. Lampas sa konsepto na ito ang kahoy na ispada ni Mr. Chardon. Kaya nitong gawing isang patalim ang Reiki, at kaya niyang kontrolin ang patalim!Ilang bodyguard ang sinubukang palibutan at atakihin si Mr. Chardon, pero kaswal niyang iwinasiwas ang ispada sa hangin gamit lang ang isang kamay. Isang invisible na enerhiya ang mabilis na lumabas sa ispada, tumagos sa dibdib ng mga nas
Ang nag-iisang anak nina Ashley at Curtis, si Charlie, ay naglaho rin dalawampung taon na ang nakalipas.Pakiramdam ng lahat ng tila ba naghahanap sila nang bulag ng dalawampung taon sa buong mundo, at sa sandaling ito, pakiramdam nila na tila ba may sa wakas ay may nakita na sila.Sinabi nang naiinip ni Christian, “Sabihin mo sa amin nang detalyado ang oras ng pagpasok ng labing-anim na tao na ito!”Mabilis na sumagot si Azure, “Sa labing-anim na tao na ito, labing-apat na tao ang pumasok sa dulo ng taglamig sa Pebrero, dalawampung taon na ang nakalipas, at ang dating dean nila, si Killian Caito, ay pumasok sa taglagas ng Nobyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Bukod sa labing-limang tao an ito, ang pinakabagong pumasok ay isang babae na pumasok sa taglamig sa Disyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Magda-dalawampung taon at tatlong buwan na simula ito.”Biglang nagkaroon ng takot na ekspresyon si Lady Acker. Napaiyak siya at humikbi habang sinabi, “Umalis sina Ashley
“Simple lang ito!” Sinabi nang sabik ni Lulu, “Pwede nating suriin ang mga social security file ng dating team! Ang welfare institute ay isang welfare organization na pinopondohan ng gobyerno at ng mga private donation. Bilang isang unit na binabantayan ng publiko, siguradong kumpleto rin ang record ng mga tauhan nila, lalo na kung nasa isang malaking misyon talaga sila, tulad ng sinabi ni Merlin. Kailangan nilang sumunod at maging walang pintas, kung hindi, kung may makakapanasin na may kakaiba sa record ng mga tauhan nila, agad itong gagawa ng pagdududa!”Pinuri ni Merlin, “Sobrang linaw ng pag-iisip ni Lulu. Marahil ay makakuha tayo ng ilang bakas kung makakahanap tayo ng paraan para suriin ang mga personnel record ng dating staff ng Aurous Hill Welfare Institute!”Sinabi ni Kaeden, “Kukuha ako ng tao para suriin agad ito!”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya agad ang kanyang cellphone at tumawag.Maraming taon nang retirado si Keith, at sa mga nagdaang panahon, nabawasan ang
Sinabi ni Lady Acker, “Sige at sabihin mo, Lulu.”Sinabi ni Luu, “Inimbestigahan ko ang sitwasyon sa Aurous Hill Welfare Institute ngayong araw. Gusto kong makita kung may kahit anong impormasyon kaugnay kay Charlie sa mga ulila na niligtas nila sa mga nagdaang taon. Sa ngayon, walang bakas na ipinapakita ang mga tala ng institute na kaugnay kay Charlie, pero ang kakaiba ay dumaan sa malaking pagbabago sa mga tauhan ang Aurous Hill Welfare Institute noong nakaraang taon. Mula sa director ng institute hanggang sa staff at kahit ang mga chef na nagluluto para sa mga ulila, lahat sila ay nagbago. Wala sa mga dating empleyado ang natira. Nakita ko na kakaiba ito. Hindi bihira na magpalit ng mga tao sa mga welfare organization, pero parang kakaiba ang lahat at biglaan na pagbabago. Ano sa tingin niyo?”Kumunot ang noo ni Keith at sinabi, “May sampu o dalawampung tao siguro sa panig ng pamamahala at pagpapatupad ng isang bahay ampunan. Kahit na magbago ang mga namamahala, hindi dapat map
Bandang 9:00 p.m. ng gabi sa Willow Manor.Katatapos lang kumain ng mga Acker at hinihiling kay Merlin na analisahin ang mga bakas na nakuha nila sa nakaraang ilang araw sa sala.Si Keith, ang head ng mga Acker, ay nananatili sa villa sa mga nagdaang araw at may malaking pag-unlad sa kalusugan niya. Hindi lang na hindi na lumala ang memorya niya, ngunit unti-unti niya ring naalala ang mga memorya na nakalimutan niya.Ang mas mahalaga, pagkatapos gumaling, umunlad nang sobra ang kabuuang lohikal na pag-iisip niya, bumalik ang istilo ng pag-uutos at lakasa niya dati.Sa pagpupulong ng pamilya, binigyan muna ng buod ni Christian ang lahat tungkol sa progreso ng kolaborasyon nila ng Moore Group.Sinabi ni Christian, “Opisyal na pumasok na sa proseso ng negosasyon ang kolaborasyon natin sa Moore Group. Simula ngayong araw, pinag-uusapan na ng mga legal team ng dalawa ang mga detalye ng kooperasyon, inaayos ang mga tiyak na termino. Dahil sa tapat na kilos ng mga Acker, maayos ang negos
Pagkatapos ay nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at tinawagan si Merlin. Samantala, kumakain si Merlin kasama ang mga Acker, ilang kilometro ang layo sa Willow Manor.Nag-iimbestiga ang mga Acker sa Aurous Hill sa nakaraang ilang araw pero wala pa silang nahahanap na bakas na kaugnay kay Charlie. Ang tito ni Charlie, si Christian, ay tatanungin na sana si Merlin para manghingi ng payo habang kumakain nang tumunog ang cellphone ni Merlin.Tumayo nang mabilis si Merlin at sinabi sa mga Acker, “Pakituloy muna ang pag-uusap niyo. Lalabas ako at sasagutin ang tawag.”Pagkatapos ay pumunta siya sa courtyard at sinigurado na walang mga nakatingin bago sinagot ang tawag. “Hello, Mr. Wade,” sinabi niya sa magalang na tono.Dumiretso sa punto si Charlie, “Chief Lammy, nasa Willow Manor ba ngayon ang lolo ko at ang pamilya niya?”“Oo, nandito sila.” Tinanong nang mausisa ni Merlin, “Anong problema, Mr. Wade? May mali ba?”Kinumpirma ni Charlie sa seryosong tono, “Marahil ay may maglag