...Sa sandaling ito.Nakaupo si Jiro sa reception room sa Apothecary Pharmaceutical.Sobrang taas ng production pressure na nararamdaman ni Liam dahil hinahanap nang sobra ang Apothecary Stomach Pill, at naubos agad ang produkto sa sandaling opisyal na tinala ito sa market!Pinag-uusapan ng mga Netizen ang mga mahiwagang epekto ng Apothecary Stomach Pill sa iba’t ibang platform tulad ng WeChat Moments at iba’t ibang social media platform simula kagabi. Kasama na ang sobrang kasikatan at impluwensya ni Quinn, sinasabi na sobrang ikat ng Apothecary Stomach Pill at hinahanap-hanap ito.Dahil sobrang sikat ng medisina, ang pinaka direktang pressure na kaharap nila ay ang kakulangan sa pagiging produktibo nila.Kaya, nagpasya si Liam na bayaran ang mga empleyado nang doble para makapagtrabaho nang overtime ang lahat at gumawa ng Apothecary Stomach Pill nang mas mabilis.Dahil dito, pumunta mismo si Liam sa workshop para pangunahan ang paggawa ng gamot sa umaga. Nagsagawa din siya ng
Hindi inaasahan ni Jiro na direkta siyang tatanggihan ni Liam.Dapat isinaalang-alang niya man lang ang kanyang alok o nagpanggap man lang na pag-isipan ito, tama? Hindi ba’t ito ang pangunahing paggalang ng mga tao sa isang negosasyon?Kahit na galit na galit si Jiro, pinigilan niya ang galit at inis na nararamdaman niya.Pinanatili niya ang maginoong ngiti sa kanyang mukha habang sinabi niya kay Liam, “Mr. Weaver, mangyaring patawarin mo ako sa pagsasalita nang prangka. Ang Apothecary Pharmaceutical ay hindi man lang maituturing na top pharmaceutical company sa Oskia, at ang katayuan nito ay mas hindi kapansin-pansin sa mundo. Kahit na gusto mong palawakin at pumasok sa Asia market o kahit sa global market, imposible talaga na mapaunlad mo ito ayon sa lakas ng kumpanya mo.”Habang nagsasalita siya, tinapik ni Jiro ang kanyang dibdib habang sinabi niya na may kaunting pagmamataas, “Pero, ibang kwento ito para sa Kobayashi Pharma. May kasaysayan na kami na ilang dekada, at may tiya
Ang Apothecary Pharmaceutical ay ang dating Weaver Pharmaceutical. Ang laki ng Weaver Pharmaceutical ay hindi nga talaga maikukumpara sa Kobayashi Pharma.Sa lahat ng ibang bagay, bago ito, ang lahat ng asset na pagmamay-ari ng Weaver Pharmaceutical ay nasa dalawa o tatlong bilyon lang. Pero, ang pera na kinuha ni Charlie sa Kobayashi Pharma ay nasa labing-isang bilyong dolyar na. Bukod dito, ang market value ng Kobayashi Pharma ay mahigit isang daang bilyong dolyar, nasa sampu-sampu o daang-daang beses na mas malaki kumpara sa Weaver Pharmaceutical.Kaya, kahit na gustong palawakin ng Apothecary Pharmaceutical ang production capacity ng Apothecary Stomach Pill, ang magagawa lang nila ay palawakin ang production line at pag trabahuhin ang mga empleyado nang overtime hangga’t maaari.Pero, tulad ng sinabi ni Jiro kanina, maraming manpower, material resources, financial resources, at oras ang kailangang igugol para patuloy na palawakin ang kanilang production line. Pero, ang diwa ng l
Nang marinig ito ni Charlie, hindi niya mapigilang tumawa at sabihin, “Hindi maasahan ang pagkatao ng pamilya Kobayashi. Hindi lamang na may pagkakataon kung kailan gusto nilang nakawin ang mahiwagang tableta ko, ngunit nagbayad din si Jiro ng malaki para ipapatay ang kapatid niya. Kung makikipagtulungan talaga tayo sa pamilya nila, siguradong pagtataksilan nila tayo.”Nagpatuloy si Charlie, “At saka, kahit ano pa ito, ang Japanese ang pamilya Kobayashi. Kung makikipagtulungan tayo sa kanila, kailangan nating ibahagi ang formula at reseta natin sa kanila. Sa sandaling kinopya nila ang formula ko, malaki ang posibilidad na susubukan nilang talikuran ang benepaktor nila kapag nakamit na nila ang layunin nila o kahit palayasin patayo sa sandaling wala na tayong gamit sa kanila. Kaya, kahit ano pa, hindi dapat tayo makipagtulungan sa kanila.”Nang marinig ito ni Liam, sinabi niya agad, “Master Wade, hindi ko masyadong pinag-isipan ang tungkol dito. Makasisiguro ka. Tatanggihan ko na ang
Dahil ang price war ang huling paraan niya.Kung magkatulad ang epekto ng dalawang produkto, walang masyadong pinagkaiba sa pagkatalo ng dalawang panig kapag nagkaroon sila ng price war.Pero, kung may napakalaking pagkakaiba sa epekto ng dalawang produkto, ang Kobayashi Pharma lang ang malulugi.Dahil, kahit na ang bisa ng Kobayashi Stomach Pill ay mas mababa kumpara sa Apothecary Stomach Pill, ang gastos sa paggawa ng gamot na ito ay hindi mas mababa sa paggawa ng Apothecary Stomach Pill!Bukod dito, medyo mataas ang labor cost sa Japan, at ang gastos para sa export shipping at tariffs ay hindi mababa. Kaya, mas malaki talaga ang ginagastos para sa Kobayashi Stomach Pill kaysa sa Apothecary Stomach Pill, na mas mabisang gamot.Kung bababaan nila ang presyo ng gamot sa isang daang dolyar kada kahon, mabebenta nang lugi ang Kobayashi Stomach Pill. Pero, marahil ay kumita pa rin ang Apothecary Stomach Pill ng sampu o dalawampung dolyar kada kahon ng medisina.Kaya, tinatakot lang
Tapos na ang International University Combat and Fighting Championship.May suot na gold medal si Aurora habang niyakap niya si Charlie sa sandaling pumasok siya sa backstage area ng lounge. Puno ng luha ang magandang mukha ng dalaga habang umiiyak siya.Ang dahilan kung bakit siya umiiyak ay dahil sabik na sabik siya. At isa pa, sobrang nagpapasalamat din siya.Kailanman ay hindi inisip ni Aurora na may araw kung kailan mapapanalunan niya ang isang international championship.Kaya, sabik na sabik si Aurora sa sandaling ito.Alam ni Aurora na ang dahilan kung bakit niya narasanan ang ganitong kapalaran ay dahil tinutulungan siya ng minamahal niyang si Master Wade. Sobrang laki ng tulong na binigay niya sa kanya at hindi niya ito mailarawan sa salita.Nang niyakap ni Aurora si Charlie, umalis nang hindi nag-iisip sina Graham at Adam sa lounge.Si Aurora, na may suot na sports tube top at shorts, ay niyakap nang mahigpit si Charlie. Talagang hindi niya pinansin ang katotohanan na
Sa sandaling ito, tumango nang paulit-ulit si Aurora. Patuloy na tumutulo ang luha niya habang matatag at sabik niyang sinabi, “Gusto ko!”Sinabi nang kuntento ni Mr. Luca, “Magandang balita talaga iyan. Makikipag-usap na ako sa mga tao sa Eastcliff tungkol sa pagsasaayos nito. Sa sandaling nilabas na ang training para sa national team, pupunta ako mismo sa bahay niyo para ipaalam ito sayo. Naniniwala ako na sa lakas at abilidad mo ngayon, siguradong mapapanalunan mo ang gold medal sa Olympic Games!”Pagkatapos umalis ni Mr. Luca, umiyak nang magkasama ang mag-ama ng pamilya Quinton sa lounge backstage.Sobrang lugod ni Graham. Dahil malaking tagumpay na ang panalo ni Aurora sa international championship ngayong araw at nagdala na ito ng karangalan sa pamilya nila. Sa hindi inaasahan, nagkaroon din ng pagkakataon ang anak niya na mapili sa national team para sumali sa susunod na Olympic Games.Umiyak nang matagal si Graham bago niya pinunasan ang luha sa kanyang mukha. Pagkatapos,
Nang marinig ni Charlie na sinabi ni Quinn na mukhang hindi na maganda ang pisikal na kondisyon ni Yule, tinanong niya siya nang nagmamadali, “Nana, anong problema sa kalusugan ni Tito Golding?”Sumagot nang malungkot si Quinn, “Kaugnay pa rin ito sa pancreatic cancer niya. Mukhang medyo umayos ang kondisyon niya noong bumalik siya mula sa ibang bansa. Pero, sa mga nakaraang araw, may mga bakas na kumakalat pa rin ang pancreatic cancer niya. Nagsisikap na ang mga doktor sa hospital sa Eastcliff na gamutin siya. Sinubukan na nila ang radiotherapy at chemotherapy, pati na rin ang targeted drug treatment. Pero, sobrang liit ng epekto ng mga ito…”Pagkatapos itong sabihin, hindi maiwasang mabulunan ni Quinn at sinabi, “Kuya Charlie, sinabi na sa akin ng doktor na ihanda ko na ang sarili ko para sa malalang sitwasyon. Kung wala na silang magagawa, marahil ay tatlo o apat na buwan na lang ang natitirang buhay sa ama ko…”Nagmamadaling pinagaan ni Charlie ang kalooban niya, “Nana, hindi mo
“Sa kalaunan, naisip ko rin na sa halip na tumakbo palagi, mas mabuti na iwan ko ang singsing kay Fleur para hindi na niya ako habulin at hayaan akong mabuhay nang payapa. Pero pagkatapos itong pag-isipan ulit, si Fleur ang pumatay sa aking ama. Kung magkokompromiso ako at magmamakaawa sa kanya, anong kaibahan namin ni Sanguine, na nagpapasok sa Qing dynasty? Magiging traydor kaming dalawa, kung gano’n.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi ni Vera, “Pagkatapos maintindihan ang lahat ng ito, nagpasya ako na kahit gaano pa ito kahirap, dapat ay mabuhay ako. Kahit gaano pa ito kahirap, hindi ako pwedeng magkompromiso at sumuko kay Fleur. Basta’t mabubuhay ako, siguradong mabubuhay ako nang mas matagal kay Fleur. Sa sandaling iyon, ako ang mananalo sa huli.”Sinabi nang matatag ni Charlie, “Huwag kang mag-alala, siguradong mas tatagal ang buhay mo kaysa sa kanya.”Tumango nang tapat si Vera at sinabi, “Sigurado ako na mas tatagal ang buhay mo sa akin, Young Master. Pagkatapos kong mamatay,
Sa tuwing binabanggit si Sanguine, nagngangalit si Vera sa galit. Nang binanggit niya na walang nabuhay sa apat na tito at sa mga supling nila, napaiyak si Vera.Hindi inaasahan ni Charlie na sobrang lagim ng nangyari sa pamilya ng lolo ni Vera, at hindi niya maiwasan na bumuntong hininga habang sinabi, “Sa panahon na iyon, ang mga buhay ay kasing liit ng mga damo at dahon. Maraming pamilya na tumagal ng daang-daang taon o kahit libo-libong taon ang naputol sa panahon na iyon.”Kinuyom ni Vera ang mga kamao niya at nagngalit, sinasabi, “Ang lahat ng ito ay dahil sa traydor na iyon, si Sanguine!”Nang sinabi ang mga ito, nagpakita siya ng isang mabangis na ugali na bihira niyang ipinapakita, at sinabi nang mabagal, “Naging tapat ang mga Lavor sa maraming henerasyon! Ibinuhos ng mga ninuno ko ang lahat para pagsilbihan ang bansa, at sumali pa sa militar ang aking ama, nilabanan ang Qing Dynasty sa kalahati ng buhay niya, hindi nakalimutan na suportahan ang Oskia. Pero, hindi lang pina
Tumango nang marahan si Charlie, “Okay, salamat sa pagsisikap mo.”-Nang dumating ang eroplano ni Fleur sa Melbourne, nakaalis na sa Aurous Airport ang eroplano na sinakyan nina Charlie at Vera, papunta sa malayong Londel na mahigit isang libong kilometro ang layo.Habang lumilipad ang eroplano sa kanluran, nawala na ang dating sigla at kulit ni Vera. Sumandal siya panandalian sa balikat ni Charlie, at pagkatapos ay para bang nawalan ng focus ang kanyang mga mata habang nakatingin sa labas ng bintana.Nakikita ni Charlie na may mali sa kanya, at naiintindihan niya nang mabuti ang kalagayan niya ngayon. Dahil, sa mundong ito, walang sino man ang mas angkop na mangulila sa tahanan kaysa kay Vera.Isa siyang dalaga na mahigit tatlong daang taon nang hindi nakakauwi, at sa wakas ay pauwi na siya. Ang kahit sino ay makakaramdam ng magkahalong mga emosyon.Makalipas ang mahigit dalawang oras, dumating ang eroplano sa Londel Airport. Nang bumaba si Vera sa eroplano, medyo nanghina nang
Nahiya at nabalisa si Vera, “Hindi ko pa nararanasang umibig, pero marami na akong nakitang mga romance drama! Hindi ba’t normal ang mga ganitong mapaglarong asaran sa mga romance drama?”“Oo, oo…” Tumango si Charlie nang nakangiti. Sa sandaling ito, mabagal na lumabas na ang eroplano sa gate, kaya binalk ni Charlie ang usapan sa punto habang binulong, “Dadating tayo sa Londel ng mga dalawang oras. Naaalala mo pa ba ang eksaktong lokasyon ng libingan ng iyong ama?”Tinanggal ni Vera ang kanyang ngiti at sumagot, “Nasa hilagang-silangan ng Ensel Bay ang libingan ng aking ama. Nakita ko ang mga mapa at litrato ng satellite. Tinatawag ng Stoneridge ang lugar na iyon.”Tumango si Charlie, nilabas ang kanyang cellphone para suriin ang mapa, at sinabi, “Medyo mas malapit sa Londel ang Stoneridge. Halos isa’t kalahating oras na biyahe ito mula sa airport.”“Mm-hmm…” Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Nasa isang bundok sa hilagang-silangang bahagi ng Stoneridge ang libingan ng aking
Isang sabay sa uso at mapormang mag-jowa na may suot na pang-mataas na klase ng fashion ang hawak-kamay na dumaan sa VIP passage para kumpletuhin ang proseso ng pagsakay nila. Pagkatapos ay hawak-kamay silang sumakay sa business car ng airport na para lang sa mga VIP.Sa mga tagalabas, ang dalawang ito ay isa sigurong mag-jowa na mga mayaman na tagapagmana. Hindi lang na may suot silang mga high-end na brand, ngunit marahil ay gumastos sila ng daang-daang libo sa private charter para sa biyahe nila.Pero, ito ang pinakamagandang balatkayo para kina Charlie at Vera.Sa kasalukuyang hitsura ni Charlie, walang magdududa na 20 years old lang siya. Kahit na may makita siyang kakilala, hindi nila siya makikilala.Habang papasakay ang dalawa sa eroplano, ginabayan sila ng crew sa isang maluwag na cabin. Hindi pinansin ni Vera ang unang dalawang first-class na upuan at hinawakan ang kamay ni Charlie habang naglakad siya sa likod at sinabi nang malambing, “Darling, gusto kong katabi ka.”M
Hindi maiwasan ni Vera na tanungin siya nang galit, “Hindi ba’t dapat tawagin mo rin akong ‘darling’?”Umubo nang dalawang beses si Charlie at tinanong siya, “Walang ibang tao dito. Gusto mo ba talaga na tawagin kitang ganito?”Nadismaya si Vera at sinabi, “Pinagkasunduan natin ito kanina…”Sinabi agad nang seryoso ni Charlie, “Sige, tutuparin ko ang pangako ko.”Pagkatapos ayusin ang sarili niya, sinabi niya, “Darling, darating tayo sa airport sa loob ng kalahating oras.”Ngumiti nang matamis si Vera at sinabi, “Okay. Salamat, darling!”Si Vera, na kuntento na, ay hindi maiwasan na mapansin ang kaliwang kamay ni Charlie sa manibela, at tinanong niya nang mausisa, “Darling, hindi mo ba sinuot ang singsing na binigay ko sayo nang lumabas ka?”Sumagot nang kaswal si Charlie, “Bakit ko ito isusuot? Kinilala ng singsing ang ama mo bilang may-ari nito, hindi ako. Kung malalagay tayo sa panganib, ite-teleport pa rin ako nito sayo. Kung makikita talaga natin si Fleur, hindi ba’t parang
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni