Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1261 - Chapter 1270

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1261 - Chapter 1270

5660 Chapters

Kabanata 1261

Biglang nagselos si Claire sa sandaling ito.Hula niya na siguradong may napakagandang impresyon si Jasmine sa kanyang asawa, kay Charlie.Kung hindi, hindi siya titingin nang ganito sa kanyang asawa.Dito napagtanto ni Claire na hindi pa sila masyadong malapit at malambing ng asawa niya. Iyon ang dahilan kung bakit may tiyak na distansya pa rin sa pagitan nila.Ang distansya na ito ay madaling magagamit ng pangatlong partido para makigulo sa relasyon nila.Kung sobrang lapit nila at may malalim silang nararamdaman para sa isa’t isa at kung malapit ang puso nila sa isa’t isa, natural na imposibleng mag-iwan sila ng kahit anong puwang para makigulo ang isang pangatlong partido sa relasyon nila.Nang maisip niya ito, biglang nakaramdam si Claire ng hindi inaasahang udyok.Sa sandaling ito, nakita ni Charlie na nakatulala pa rin si Claire at sinabi niya sa kanya nang mabilis, “Mahal, kailangan na nating umalis nang mabilis o mahuhuli tayo.”Doon lang bumalik sa diwa si Claire bago
Read more

Kabanata 1262

Sa sandaling ito, sinabi rin ng ama ni Draco na nakatayo sa gilid, “Draco, dapat ka talagang makinig sa mga magulang mo tungkol dito. Ang pinakamahalagang bagay kapag kinakasal ka ay makahanap ng isang asawa mula sa pamilya na bagay sa atin pagdating sa social status. Marahil ay hindi masyadong mayaman o makapangyarihang pamilya ang pamilya Scotson pero may net worth tayo na sampu-sampung milyong dolyar. Sa mga pamilya natin, kamag-anak, at kaibigan, ang pamilya natin ang maituturing na pinakamayaman sa lahat. Kung makikinig ka sa akin at maghahanap ka ng ibang young lady na tugma o mas mayaman sa pamilya natin, mas mamumukod-tangi ang lakas ng pamilya Scotson.Pagkatapos niya itong sabihin, nagbuntong hininga ang kanyang ama habang sinabi, “Napakatigas ng ulo mo. Pwede ka namang maghanap ng kahit sinong dalaga pero naghanap ka ng isang babae na galing sa isang napakahirap na pamilya. Hindi ba’t gagawin tayong katatawanan ng mga kamag-anak at kaibigan natin kung gano’n?”Nakaramdam s
Read more

Kabanata 1263

Hindi man lang alam ng nakakaawang si Draco ang plano na ginagawa ng mga magulang niya sa sandaling ito.Hinihintay niya pa ring lumitaw ang pinakamahal na babae niya.Gayunpaman, habang lumilipas ang oras, nag-aalala na rin siya nang kaunti.Hindi siya natatakot na magbabago ang isip ni Magnolia. Pero, natatakot lang siya na hindi papayag ang mga magulang ni Magnolia na pakasalan siya ngayong araw.Sa sandaling ito, mayroong umaatungal na tunog ng isang super sports car sa kalsada.Naakit ang lahat ng mga kamag-anak at kaibigan ng pamilya Scotson sa mabangis na tunog.Pagkatapos, sumigaw ang isa, “P*ta! Bugatti Veyron pala ito!”“Seryoso!” Ang pinsan ni Draco, si Hans Scotson, ay tumingin sa Bugatti Veyron na papalapit sa malayo habang sinabi niya sa paghanga, “Ito ang Hermes limited edition na Bugatti Veyron at mayroon lang isang kotse na ganito sa buong bansa! Nakita ko ang kotseng ito sa Aurous Hill International Automobile Show dati. Sinasabi na isang misteryoso at mayamang
Read more

Kabanata 1264

Mas lalong nasorpresa ang lahat sa sandaling ito.Papunta talaga ang dalawang kotse na ito sa banquet hall?Isang pamilya lang ang nagdiriwang ng kasal sa banquet hall ngayong araw. Nandito ba talaga sila para sa kasal?Gayunpaman, may naiintindihan ang bawat miyembro ng pamilya Scotson sa puso nila. Sa buong pamilya Scotson, ang ama ni Draco nga ang pinakamayaman sa kanila. Pero, nasa sampu-sampung milyon lang ang mga asset niya. Para naman sa iba, marahil ay nasa sampung milyon lang sila, at ang mga hindi gano’n kayaman ay nasa isang milyong dolyar lang. Sa pinakamataas, maituturing na middle class lang sila sa Aurous Hill at hindi sila maituturing na bahagi ng upper class.Kaya, sa social status ng pamilya nila, paano sila magkakaroon ng isang makapangyarihan na kaibigan?Habang nalilito pa rin ang lahat, nagkusa si Charlie na buksan ang pinto ng Bugatti Veyron habang lumabas siya sa kotse.Nagulat ang mga tao at walang masabi nang makita nila siya.Sobrang bata pa talaga ni
Read more

Kabanata 1265

Habang nagulantang ang lahat sa pamilya Scotson, lumabas din si Claire sa driver seat ng Aston Martin.Tumingin si Claire kay Draco bago siya ngumiti nang magalang at sinabi, “Draco, medyo matagal na tayong hindi nagkita. Binabati ko kayo ni Magnolia! Sana ay magkaroon kayong dalawa ng isang masayang kasal!”Nagulat din si Draco nang makita niya si Claire.Si Claire ay kaklase ni Magnolia sa high school na isa rin sa mga malapit na kaibigan ni Magnolia. Kaya, nakilala na niya si Calire nang ilang beses dahil kay Magnolia at maituturing na magkakilala silang dalawa.Bukod dito, narinig na rin ni Draco ang tungkol sa sitwasyon ng pamilya ni Claire. Narinig niya na may kumpanya ang pamilya ni Claire na bihasa sa renovation at refurbishment na mga trabaho. Pero, isa lang itong maliit ng kumpanya at hindi ito isang malaking kumpanya. Nagpakasal din siya sa isang manugang na nakatira sa bahay nila at mukhang tila ba hindi magaling ang manugang na ito.Pero, sa isipan niya, ang Wilson Gr
Read more

Kabanata 1266

Tumingin nang mapanghamak si Charlie kay Turk bago niya sinabi nang mapangmata, “Tawagin mo na lang akong Master Wade.”Medyo nasorpresa si Turk. Anong era ba ito? Bakit may mga tao pa rin na tinatawag ang sarili nila bilang young master sa panahon ngayon?Maaari ba na isa siyang young master na galing sa isang napakalakas, makapangyarihan, at malaking pamilya?Kung gano’n, nakatagpo talaga siya ng isang napaka makapangyarihang tao!Kaya, sobrang sabik ni Turk habang sinabi, “Ah, Young Master Wade, ang pamilya ko ay nasa negosyo kami ng harina. Mayroon kaming flour mill sa Aurous Hill. Marahil ay nasubukan mo na ang harina na ginawa ng pamilya namin dati. Ang brand ng harina ay ‘The Golden Family’.”Kumunot ang noo ni Charlie at tinanong, “The Golden Family? Hindi ba’t iyan ang pangalan ng isang teleserye?”Medyo nahiya si Turk habang sumagot siya, “Ah, sinusubukan lang naming sumabay sa uso. Ang teleserye ay nakatuon sa ginintuang pulbura, pero sa halip, harina ang ginagawa ng p
Read more

Kabanata 1267

Si Lilian ay isang tipikal na egoista.Kahit ano pa ito, isa lang ang iniisip niya, at iyon ay kung magkakaroon ba siya ng benepisyo dito.Kung may makapagbibigay ng benepisyo sa sarili niya, kahit na taga kolekta pa ito ng basura sa tabi ng kalsada, tatanggapin niya siya nang nakangiti at babatiin.Pero, kung wala siyang matatanggap na benepisyo, hindi na siya mag-aabala na respetuhin sila, kahit na siya pa ang presidente ng United States.Kaya, kahit na may top luxury car si Charlie at ang asawa niya na mahigit isang daang milyong dolyar para ipakasal si Magnolia, hindi nagbago ang opinyon ni Lilian kay Magnolia.Alam niya na panlabas lang ang pagbibigay ng respeto at ang mga benepisyo lang na makukuha niya sa pisikal ang totoo.Kaya, ano naman kung may sobrang yaman at sobrang makapangyarihan na kaibigan si Magnolia? Mabibigyan niya ba siya ng kahit sentimo ng pera niya? Maaayos niya ba ang negosyo ng pamilya nila sa hinaharap? Maaangat niya ba ang buong pamilya nila sa susuno
Read more

Kabanata 1268

Nang marinig ni Magnolia ang mga sinabi ni Lilian, dumaloy agad ang mga luha sa kanyang pisngi.Nang makita ni Draco na pinapagalitan at pinapahiya ang kanyang nobya ng kanyang ina, hindi na niya ito natiis. Kaya, sinabi niya nang nagmamadali, “Ma! Mabubuhay kami nang magkasama ni Magnolia pagkatapos naming ikasal. Wala kaming pakialam sa ibang bagay basta’t mabubuhay kami nang mabuti at masaya. Kaya, hindi mo na dapat ito masyadong isipin pa. Hindi na maaga. Pwede bang ipagpatuloy na natin ang kasal ngayon?”“Imposible!” Tumingin nang nandidiri si Lilian kay Magnolia bago niya sinabi nang mapanghamak, “Hindi ko maisantabi ang galit na nararamdaman ko ngayon. Simula noong ikinasal ako sa ama mo, hindi pa ako nakakaranas ng malaking daing sa buhay ko. Malinaw na ang pamilya niya ang nakikinabang at umaakyat sa social ladder kung pakakasalan ka niya. Kaya, bakit parang tayo ang makikinabang sa kasal na ito? Kaninang umaga pa kami ng ama mo dito. Maaga ring dumating ang mga kamag-anak a
Read more

Kabanata 1269

Noon pa man ay hindi na sang-ayon si Lilian sa kasal ng kanyang anak at ni Magnolia.Pero, ang dahilan kung bakit siya pumayag na magdaos ng kasal ngayong araw ay dahil ayaw niyang masisi hangga’t maaari.Kaya, nagpasya siya na ipahiya si Magnolia at ang pamilya niya ngayong araw. Gusto niyang ipagmukhang hindi niya maitingala ang kanyang ulo sa harap ng mga kamag-anak at kaibigan niya dahil sa mga magulang ni Magnolia. Gamit ito, mapupunta sa kanya ang mataas na moralidad at tatangging ikasal si Magnolia sa pamilya niya ngayong araw.Ito rin ay isang kinatawan ng kung anong ginagawa ng mga matatalinong magulang sa pang araw-araw na buhay nila.Hinding-hindi ibibigay ng mga matatalinong magulang ang huling salita sa mga anak nila sa tuwing nagtatalo sila ng mga anak nila.Kung gagawa sila ng isang determinadong desisyon an tanggihan ang desisyon ng kanyang anak nang walang duda, kung hindi ito makakalimutan o papalampasin ng mga anak nila sa hinaharap, siguradong kamumuhian o sisi
Read more

Kabanata 1270

May dalawang malaking sales channel para sa harina niya. Ang isa ay ang mga malalaking supermarket, tulad ng Carrefour at Walmart. Ang isa naman ay ang mga medium-size na chain supermarket tulad ng mga supermarket na pagmamay-ari ng pamilya Morningstar.Ang industriya ng flour mill ay may medyo mababang teknolohiya at mabangis din ang kompetisyon dito.Maraming malalaking grain at oil brand tulad ng Bertolli at Adolphus sa Oskia. Medyo malalakas ang mga brand nila, kaya, medyo mabenta rin ang mga produkto nila.Bukod dito, may ilang lokal na flour brand sa bawat siyudad.Kaya, ang isang maliit na brand tulad ng sa kanya ay may tiyak na benta sa lokal at sobrang nakadepende ang benta niya sa mga sales channel.Kung bibigyan siya ng mga sales channel ng mas maraming display position at bibili ng mas maraming produkto niya, mas malaki ang kikitain niya.Pero, kung hindi siya bibigyan ng mga sales channel ng display position o bibili ng produkto niya, hindi niya mabebenta ang harina
Read more
PREV
1
...
125126127128129
...
566
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status