May dalawang malaking sales channel para sa harina niya. Ang isa ay ang mga malalaking supermarket, tulad ng Carrefour at Walmart. Ang isa naman ay ang mga medium-size na chain supermarket tulad ng mga supermarket na pagmamay-ari ng pamilya Morningstar.Ang industriya ng flour mill ay may medyo mababang teknolohiya at mabangis din ang kompetisyon dito.Maraming malalaking grain at oil brand tulad ng Bertolli at Adolphus sa Oskia. Medyo malalakas ang mga brand nila, kaya, medyo mabenta rin ang mga produkto nila.Bukod dito, may ilang lokal na flour brand sa bawat siyudad.Kaya, ang isang maliit na brand tulad ng sa kanya ay may tiyak na benta sa lokal at sobrang nakadepende ang benta niya sa mga sales channel.Kung bibigyan siya ng mga sales channel ng mas maraming display position at bibili ng mas maraming produkto niya, mas malaki ang kikitain niya.Pero, kung hindi siya bibigyan ng mga sales channel ng display position o bibili ng produkto niya, hindi niya mabebenta ang harina
Naligaw nang sobra at nalito si Lilian sa sandaling ito.Nakakaakit nga talaga nang sobra ang tatlumpung milyong dolyar. Pero, ang punto ay kailangan niyang sabihan ang anak niya na pakasalan ang isang buntis na babae.Hindi ba’t ito ang tinatawag na pagiging ama sa anak ng iba?Kahit na hindi na siya bata, may pang-unawa pa rin siya sa mga parirala na ito.Pero, nang maisip niya ang katotohanan na nag-alok na si Mr. Morningstar ng tatlumpung milyong dolyar na dowry at nag-alok din siya ng iba’t ibang paraan para suportahan ang pamilya nila, nasabik si Lilian sa kailaliman ng puso niya.Sa opinyon niya, basta’t handa siyang bigyan sila ng maraming pera, hindi malaking problema na maging ama ng ibang anak ang kanyang anak na lalaki.Pero, ang mahalagang punto ay madali niya lang maipapaliwanag sa mga kamag-anak at kaibigan niya ang mga bagay-bagay kung nabuntis ang babae ng isang Oskian. Sasabihin niya lang sa mga kamag-anak at kaibigan niya na nabuntis siya ng anak niya bago ito
”Para naman sa flour resources sa supermarket, halos lahat ito ay mapupunta sa pamilya ko. Kung papayag sila sa kondisyon ko, hindi na natin kailangan magpasya sa kahit anong petsa. Dahil, naghanda na ako ng handaan dito ngayong araw at wala pang pangalan na nakasulat sa wedding arch. Pwede mong hilingin kay Mr. Morningstar na ipadala dito ang anak na babae niya at ipagdaos ang kasal dito ngayong araw.”Pagkatapos niyang magsalita, ngumiti si Lilian at sinabi, “Madeline, buntis na ang anak nila kay mas mabuti para sa kanila na huwag nang patagalin ang bagay na ito. Mas maganda kung mas maaga. Bukod dito, Medline, kung tutulungan mo ako tungkol dito, bibigyan din kita ng dalawang milyong dolyar bilang pabuya!”Ang dahilan kung bakit sabik na sabik si Madeline sa bagay na ito ay dahil nangako na si Mr. Morningstar sa kanya na kung makakahanap siya ng taong handang tanggapin ang kanyang anak at ang sanggol sa tiyan niya, bibigyan niya si Madeline ng limang milyong dolyar bilang pabuya.
Nakaramdam ng kaunting ginhawa si Mr. Morningstar pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Ang lahat ng pag-aalala niya ay dahil sa takot na madumihan ang pangalan ng anak na babae niya, na sa huli ay maaapektuhan ang kasiyahan niya sa hinaharap.Ngayon, nasa harap niya ang isang magandang kandidato na maging manugang niya. Ang pinaka nakakagulat pa ay ayos lang sa kanya na ikasal agad at may nakaayos agad ng handaan para dito. Mahirap makahanap ng ganitong klaseng lalake.Kaya, pinag-isipan niya ito nang ilang sandali bago siya sumagot kaagad, “Walang problema! Bumalik ka at sabihin mo sa pamilya mo, limampung milyong dolyar! Walang kulang na dolyar, huwag kang mag-alala. Dadalhin ko agad ang anak ko. Pwede nating ayusin muna ang wedding ceremony sa panig ng groom, at pagkatapos ay iimbitahin ko ang pamilya at mga kaibigan ko bukas para mag-ayos ng kasal sa panig ko. Sa sandaling natapos ang mga seremonya, maituturing na kumpleto na ang kasal.”Sabik na sinabi ni Madeline, “Si M
Kumaway si Lilian. “Kung mangangahas siyang tumanggi, puputulin namin ng ama niya ang lahat ng relasyon namin sa kanya! Hindi ito ang oras para tumanggi siya!”Pagkatapos itong sabihin, naglakad si Lilian papunta kina Draco at Magnolia. Gamit ang malamig at madilim na boses, sinabi niya, “Draco, sasabihin ko lang ito. Kung hindi makakapaglabas si Magnolia ng tatlumpung milyong dolyar na dowry, wala man lang akong ganang isipin ang kasal!”“Tatlumpung milyong dolyar?!” Sinigaw ni Draco at Magnolia sa gulat!Hindi na napigilan ni Draco ang kanyang galit, at sinabi, “Ma, gano’n ka ba kahirap at nawala ka na sa pag-iisip mo? Kasasabi mo lang na sampung milyon, at sa isang iglap, binago mo ito sa tatlumpung milyon. Saan makukuha ng pamilya ni Magnolia ang gano’ng pera?! Kahit ang pamilya natin ay hindi kayang maglabas ng gano’n kalaki!”Sinunggaban ni Lilian ang manggas ni Draco at sinabi, “Sumama ka sakin, may sasabihin ako sayo.” Pagkatapos ay tumingin siya sa kanyang asawa at sumigaw
Pagkatapos makinig sa kalkulasyon, nagpasya agad si Mr. Scotson.Humarap siya sa kanyang anak at sinabi, “Draco, sayang kung hindi mo pipiliin ang asawang ito. Hindi lang na hindi sila nanghingi ng dowry, pero sa halip, inaalok ka pa nila ng sampu-sampung milyong dowry. Magandang pagkakataon ito!”Sumagot nang malamig si Draco, “Oo. Maganda nga ito. Mukhang ayos lang sa inyo na magkaroon ng apo na may ibang dugo.”Sinabi ni Turk nang walang bakas ng hiya, “Pagkatapos akong bigyan ng limampung milyong dolyar? Ayos lang! Ano naman kung may halong dugo na apo ito? Para sa limampung milyong dolyar, ayos lang sa akin kahit na may halong dugo ang anak ko!”Sinumbat ni Draco, “Huwag mo nang sayangin ang laway mo. Hindi ako papayag sa kasal.”Nagbuntong hininga si Turk. Mahigpit ang kanyang hitsura at matatag ang kanyang tono. “Anak. Kulang talaga ang karanasan mo. Hindi mo pa rin naiintindihan kung paano gumagana ang mga bagay. Hindi mo pa nararanasan ang sakit ng pagiging walang pera. D
Hindi mahalaga kahit na sirain ni Lilian ang relasyon niya sa kanyang anak, o kung sisirain ni Turk ang relasyon niya sa sarili niyang alman at dugo. Basta’t mapupuwersa nila siyang gawin ang gusto nilang gawin, sulit ang lahat ng sakripisyo.Sinabi nang malakas ni Draco, “Dahil lahat kayo ay walang respeto sa akin, wala na akong sasabihin sa inyong lahat. Kung gusto niyang sirain ang lahat ng relasyon sa akin, gawin niyo!”Nagalit si Lilian nang sinabi ng anak niya ang mga ito. Galit na sinabi niya, “Ang walang awa at g*gong anak na ito! Mukhang mas mabuti pang magpalaki ng aso kaysa palakihin ang walang utang na loob na anak na tulad mo! Handa kang iwan ang sarili mong apmilya para sa… sa mababang babae na iyan! Hindi ako makapaniwala na nagsayang ako ng napakaraming taon para palakihin ang isang walang kwentang anak!”Sumagot si Draco, “Pasensya na, ma. Ayokong manipulahin mo ako sa buong buhay ko.”Galit na sinabi ni Turk, “Ikaw walang kwentang anak! Kung aalis ka dito ngayong
Tumawa si Charlie pagkatapos marinig ang sinabi ni Turk.Aalis sa Hilton gamit ang stretcher?Wala talagang alam ang Turk na ito sa mundong ito.Gayunpaman, para sa kanya, si Charlie Wade ng pamilya Wade, na atakihin itong… itong mababang hampaslupa… medyo walang puri nga ito.Kaya, pagkatapos niya itong pag-isipan, ang pinakamagandang paraan para ayusin ito ay tawagan si Albert Rhodes. Hayaan niyang magdala siya ng ilang tao tulad noon kay Kevin White. Pagkatapos, hahayaan niya lang na turuan ng leksyon mga tauhan ni Albert ang mag-asawang ito.Biglaan, isang Rolls Royce ang dumating.Si Madeline, na kanina pa tahimik, ay biglang tumalong. “Oh! Nandito na si Mr. Morningstar!”Sa isipan nila, umaasa sila na magtagal pa si Mr. Morningstar papunta sa Hilton. Habang papunta siya, umaasa sila na malulutas nila ang problema kay Magnolia. Kung kailangan, babayaran pa nila si Magnolia ng ilang daang libong dolyar bilang pabuya kapag hiniwalayan niya ang kanyang anak.Ang hindi nila in
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro
Pagkatapos niyang magsalita, tahimik niyang tinanong si Charlie, “Charlie, bakit ka tinatawag ni Miss Lavor na ‘Young Master’?”Nag-isip sandali si Charlie, saka ngumiti at sinabi, “Mahilig siya sa ancient culture. Huwag ka nang magulat kung tawagin pa niya ang sarili niya bilang 'ang aba'.”Umiling si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Matanda na ako, hindi ko na talaga maintindihan ang hilig ng mga kabataan ngayon.”Pagkatapos ay hininaan niya ulit ang boses niya at sinabi kay Charlie, “Pero may tindig talaga si Miss Lavor na parang isang maharlikang babae. Medyo bata lang siya. Kung hindi, bagay sana siya sayo.”“Oo nga, bata pa talaga siya…” Tumango si Charlie habang nakangiti, pero sa isip niya, ‘Kung alam mo lang na mahigit tatlong daan taon na si Vera, baka magulat ka nang sobra.’Pagkatapos nito, sabay na silang pumunta ni Jeremiah sa dining room.Binubuksan ni Vera ang mga biniling almusal nang inabot ni Charlie ang photo album kay Jeremiah at tinanong siya, “Lolo, naa
Hatinggabi na nang lumayag ang isang cargo ship mula sa Blue Bay, sakay si Stephen papuntang Tahiti sa South Pacific.Nakatayo si Stephen sa hulihan ng barko at nilamon ng emosyon habang pinapanood ang lungsod na unti-unting nawawala sa dilim ng gabi. Dati siyang pinagkakatiwalaang tauhan ni Curtis, ang ama ni Charlie. Dalawampung taon na ang nakalipas nang ibigay sa kanya ni Curtis ang dalawang misyon: una, protektahan ang kaligtasan ni Charlie pagkatapos ng mangyayari sa kanya, at pangalawa, sundin ang lahat ng utos ni Ashley. Sa paglipas ng mga taon, kahit nanatili siyang butler ng pamilya Wade, ang lahat ng ginawa niya ay ayon talaga sa mga utos ni Ashley.Sa mahigit sampung taon, kahit si Jeremiah ay walang alam kung buhay pa ba o patay na si Charlie. Dahil hindi inatasan ni Curtis si Stephen na ipaalam ang sitwasyon ni Charlie kay Jeremiah. Si Ashley pa rin ang may hawak ng lahat sa likod ng mga pangyayari.Nang maramdaman lang ni Ashley na dumating na ang tamang panahon, saka
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Posible nga. Sa biglaan niyang pag-alis, parang pakiramdam ko na mahihirapan na akong makita siya ulit. Matalinong tao siya, at alam niyang hindi siya pwedeng magtago habambuhay. Kaya hindi niya gagawin na patayin lang ang cellphone niya ngayong gabi tapos babalik lang bukas sa Wade Mansion na parang walang nangyari, maliban na lang kung disidido na siyang hindi na muling magpakita pagkatapos niyang umalis.”Nagulat si Vera at nagtanong, “Sa puntong ito, ano pa bang itinatago ni Mr. Thompson sa iyo? Hindi ba’t matagal na niyang tinutupad ang mga utos ng iyong ama? Bakit bigla na lang siyang aalis ngayon? Alam ba niyang tatanungin mo siya tungkol sa mga larawan na ito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, tapat siya sa pamilya Wade. Baka may sarili siyang dahilan kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam, o baka ito rin ay bahagi ng mga plano ng aking ama.”Sinabi
Alam ni Charlie na si Stephen ang dating pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ng kanyang ama, at sigurado siyang maraming masusing plano ang iniwan ng ama niya noon. Kahit matagal nang nagsisilbi si Stephen sa pamilya Wade, ang totoo, halos lahat ng oras at lakas niya ay nakatuon sa pagtupad ng mga misyon na binigay sa kanya ng kanyang ama.Nang maalala ni Charlie na bahagi rin si Raymond ng plano ng kanyang ama, naisip niyang malamang ay may alam din si Stephen tungkol sa kanya. Kaya sinabi niya kay Vera, “Hindi ko pa masyadong natanong si Mr. Thompson ng mga detalye dati, pero mukhang kailangan ko na talagang kausapin siya ngayon at hingan siya ng malinaw na sagot.”Sa sandaling iyon, nakatuon ang isip ni Charlie sa pagbubunyag ng lahat ng nangyari noon at ng mga planong iniwan ng kanyang ama. Kahit pa kailangan niyang gumamit ng psychological hints kay Stephen, determinado siyang makuha ang lahat ng impormasyon na alam ni Stephen.Dahil doon, sinabi niya kay Vera, “Hahanapin ko na si
Sinabi ni Charlie, “Makakauwi rin ako agad, siguro mga isa o dalawang araw pa.”Sagot ni Jacob, “Ayos! Pagbalik mo, maghanap tayo ng lugar na pwedeng mag-barbecue at mag-beer!”“Sige.”Pagkatapos pumayag sa hiling ni Jacob, nagpaalam si Charlie sa kanya sa tawag. Pagkababa niya ng tawag, tinanong niya si Vera na nasa harapan niya, “Miss Lavor, ano sa tingin mo?”Sagot ni Vera, “Sa tingin ko, hindi nagsinungaling ang biyenan na lalaki mo, at tugma ang kwento niya sa hinala ko.”Nagpatuloy si Vera, “Naniniwala ako na posibleng matagal nang pinaghandaan ng ama mo, halos dalawampung taon na, ang pagkuha mo sa Apocalyptic Book. Base sa kwento ng biyenan na lalaki mo, kusa talagang nabasag ang vase, at yung vibration na binanggit niya, baka galing talaga iyon sa mismong Apocalyptic Book.”“Kaya ang hinala ko, hindi lang kung sino-sino ang pwedeng makakuha ng Apocalyptic Book sa pamamagitan ng vase. Dapat ang tao ay pasok sa mga requirements ng libro at karapat-dapat para mabuksan ito. S
Sinabi ni Jacob nang hindi nasisiyahan, “Syempre hindi ako malamya. Alam mo naman ang kalagayan ko sa pera. Si Elaine ang humahawak ng lahat ng pera sa bahay, at halos wala akong naitatabi, baka ilang libo lang. Kaya kahit anong antique ang tinitingnan ko, doble-ingat ako palagi. Baka mabitawan ko, mahawakan nang mali, o mapagbintangan pa akong may ginagawang kalokohan…”Sa puntong ito, nagpatuloy si Jacob nang naiinis, “Sa araw na iyon, parang may sumpa rin yung jade vase na iyon. Pagkahawak ko, parang may langis, at dumulas agad ito mula sa kamay ko. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Baka sinadya talaga ni Mr. Cole na pagbintangan ako.”Napaisip si Charlie, “Pa, noong nabasag yung jade vase, ako ang nag-ayos noon gamit ang egg whites. Hindi ko naman maalalang parang may langis iyon. Ang pagkakaalala ko, medyo magaspang ang vase dahil galing pa iyon sa Tang Dynasty. Hindi makinis ang glaze, parang may buhangin pa nga ang pakiramdam kapag hinawakan. Paano ito dumulas sa kamay mo?”“Eh