Share

Kabanata 1276

Author: Lord Leaf
Hindi mahalaga kahit na sirain ni Lilian ang relasyon niya sa kanyang anak, o kung sisirain ni Turk ang relasyon niya sa sarili niyang alman at dugo. Basta’t mapupuwersa nila siyang gawin ang gusto nilang gawin, sulit ang lahat ng sakripisyo.

Sinabi nang malakas ni Draco, “Dahil lahat kayo ay walang respeto sa akin, wala na akong sasabihin sa inyong lahat. Kung gusto niyang sirain ang lahat ng relasyon sa akin, gawin niyo!”

Nagalit si Lilian nang sinabi ng anak niya ang mga ito. Galit na sinabi niya, “Ang walang awa at g*gong anak na ito! Mukhang mas mabuti pang magpalaki ng aso kaysa palakihin ang walang utang na loob na anak na tulad mo! Handa kang iwan ang sarili mong apmilya para sa… sa mababang babae na iyan! Hindi ako makapaniwala na nagsayang ako ng napakaraming taon para palakihin ang isang walang kwentang anak!”

Sumagot si Draco, “Pasensya na, ma. Ayokong manipulahin mo ako sa buong buhay ko.”

Galit na sinabi ni Turk, “Ikaw walang kwentang anak! Kung aalis ka dito ngayong
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1277

    Tumawa si Charlie pagkatapos marinig ang sinabi ni Turk.Aalis sa Hilton gamit ang stretcher?Wala talagang alam ang Turk na ito sa mundong ito.Gayunpaman, para sa kanya, si Charlie Wade ng pamilya Wade, na atakihin itong… itong mababang hampaslupa… medyo walang puri nga ito.Kaya, pagkatapos niya itong pag-isipan, ang pinakamagandang paraan para ayusin ito ay tawagan si Albert Rhodes. Hayaan niyang magdala siya ng ilang tao tulad noon kay Kevin White. Pagkatapos, hahayaan niya lang na turuan ng leksyon mga tauhan ni Albert ang mag-asawang ito.Biglaan, isang Rolls Royce ang dumating.Si Madeline, na kanina pa tahimik, ay biglang tumalong. “Oh! Nandito na si Mr. Morningstar!”Sa isipan nila, umaasa sila na magtagal pa si Mr. Morningstar papunta sa Hilton. Habang papunta siya, umaasa sila na malulutas nila ang problema kay Magnolia. Kung kailangan, babayaran pa nila si Magnolia ng ilang daang libong dolyar bilang pabuya kapag hiniwalayan niya ang kanyang anak.Ang hindi nila in

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1278

    Para kay Juliet, hindi malaking bagay ang pagiging buntis. Dahil buntis na siya, ang kailangan niya lang gawin ay ipalaglag ang sanggol. Tulad dati, hindi na niya kailangang mag-alala.Pero, noong nasa hospital siya, pianyuhin siya ng doktor na huwag ipalaglag ang sanggol dahil nasa limitasyon na ang reproductive organ niya. Kung ipapalaglag niya ito, hinding-hindi na ulit siya mabubuntis.Doon lang napagtanto ni Juliet na malaking problema ang napasok niya.Bawat babae ay gustong maging ina balang araw. Kahit na hindi pa siya handang ipanganak ang isang sanggol ngayon, paano kung bigla niyang gustong magkaanak sa hinaharap? Ang hindi pagkakaroon ng anak ay isang bagay na ayaw niya.Dahil dito, kailangan niya itong sabihin sa mga magulang niya. Nang marinig ito, nagalit si Mr. Morningstar, pero hindi niya nagawang pabayaan ang hinaharap ng kanyang anak na babae.Bukod dito, siya lang ang nag-iisa niyang anak na babae. Kahit na hindi siya anak na lalaki, gusto niya pa rin na bigyan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1279

    Pagkatapos magsalita ni Lilain, nagmadali siya sa mga tao at sinabi kay Draco, “Tara dito bilis! Sundan mo ako para batiin ang magiging biyenan na lalaki mo. Binabalaan kita, kung sisirain mo ang mga plano ko, hinding-hindi ka namin mapapatawad ng ama mo!”Galit na galit si Draco. “Sinabi ko na sayo, sinisira ko na ang lahat ng relasyon ko sa inyo. Anong biyenan ang sinasabi mo?!”Nakaramdaman ng paninikip si Magnolia sa kanyang dibdib habang tumingin siya kay Draco at tinanong, “Draco, anong mayroon dito?”Sumigaw nang galit si Draco nang hindi nag-iisip, “Nabaliw na ang mga magulang ko sa kasakiman! Desperado silang ikasal ako sa anak na babae ng big boss na ito, at gusto nilang ikasal ako sa ibang pamilya. May tsismis din na buntis ang anak na babae nila sa isang mixed-race na sanggol, at gusto nilang ipanganak niya ito.”Pagkatapos sabihin ang mga ito, nagulantang ang lahat kasama na sila Magnolia, Claire, at Charlie. Kahit ang buong pamilya Scotson ay nagulat sa balita!Sa wa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1280

    Habang natatabunan ang mga boses ng katahimikan, biglang nagsalita si Draco, “Tito Morningstar, pasensya na pero hindi ko mapapakasalan ang anak mo. May mahal na ako, at siya lang ang pakakasalan ko.”“Anong laro ang ginagawa niyo?” Isinigaw ni Zell habang nakataas ang mga kilay at nakatingin nang masama kay Lilian. “Dinala ko pa ang anak ko dito at ngayon… gagawin mo ito?! Ginagawang tanga mo ba ako? O sinusubukan mong gamitin ang pagkakataon na ito para taasan ang dowry?”“Hindi! Hindi!” Iwinasiwas agad ni Lilian ang mga kamay niya. Sinabi niya sa nakonsensyang boses, “Mr. Morningstar, hindi ako mangangahas na gawing tanga ka. Itong anak ko, may… sakit siya sa utak! Sinesermonan ko siya ngayon!”Sumingit agad si Draco, “Hindi mo na ako kailangan sermonan, aalis na ako!”Sumigaw si Lilian, “Ang lakas ng loob mo?! Kung aalis ka ngayong araw, babaliin ko ang mga binti mo!”Si Charlie, na kanina pa sinusubukang tumahimik, ay naubusan na ng pasensya. Humarap siya kay Lilian at sinabi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1281

    Isang matandang lalaki na nasa limampung taong gulang na may pamilya at bahay, ay pakakasalan ang anak na babae ni Mr. Morningstar?!Sumabog sa galit ang buong eksena dahil sa mga sinabi ni Charlie.Nagalit nang sobra si Zell at sinumbat, “Hinahanap mo na siguro ang pinto sa kamatayan! Ang lakas ng loob mong sabihin na pakasalan ng anak ko ang ama ni Draco?!”Tumawa si Charlie, “Marahil ay bulag ka na. Hindi mo ba nakikita na hindi interesado si Draco na pakasalan ang anak mo? Sa kabilang dako, mukhang gusto ng mga magulang ni Draco na mapunta sa pamilya nila ang anak mo… sobrang desperado pa… Kaya, hindi ba’t ang pinakamagandang solusyon sa problemang ito ay hayaang pakasalan ni Mr. Scotson ang mahal mong anak na babae?”“Ikaw g*go ka! Anong kalokohan ang pinagsasabi mo!” Galit na galit si Lilian. “Hayaang pakasalan ng asawa ko ang anak ni Mr. Morningstar… paano naman ako?!”Nagpatuloy si Charlie, “Ikaw? Akala ko ba na gusto mong maging parte ng pamilya mo ang anak na babae ni Mr

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1282

    “Ikaw… ikaw…” Hindi mahanap ni Lilian ang mga salita para gumanti. Humarap siya kay Hans at inutusan siya, “Hans! Halika’t tulungan mo akong bugbugin ang walang kwentang g*go na ito!”Umatras nang ilang hakbang si Hans at sinabi sa naiinis na tono, “Tita, akala ko kasasabi mo lang na hindi ako parte ng pamilya mo? Sinabihan mo pa akong manahimik kanina. Ngayon gusto mong bugbugin ko ang iba para sayo? Mas mabilis pa ang pagbabago ng mukha mo kaysa sa pagpapalit ng damit ng isang babae!”Naglabas ng pilit na ngiti si Lilian, “Hans, huwag ka sanang magalit. Ang lahat ng sinabi ko kanina ay dahil lang sa inis. Ayaw mo bang makitang umunlad ang pamilya Scotson?”“Pasensya na, tita,” sumagot agad si Hans. “Pamilya mo ang pamilya mo. Sa akin ang pamilya ko. Hindi tayo pamilya. KAya, kung gusto mong mambugbog ng tao, ikaw mismo ang gumawa nito!”Pagkatapos niyang magsalita, humarap siya sa ibang miyembro ng pamilya niya at sumigaw, “Huwag tayong makialam dito. Wala tayong pakialam dito. A

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1283

    Noon pa man ay itinuturing na ni Jayden na madaling mapagkukunan ng pera si Zell. Nasa pito o walong milyong dolyar na ang taunang protection fee ni Zell sa kanya. Bukod sa hati na ibinibigay niya kay Albert, nakakapag-ipon din si Jayden ng dalawa o tatlong milyong dolyar para sa sarili niya.Kaya, sa sandaling narinig niya na may gustong ipabugbog si Zell sa kanya, sinabi niya nang hindi nag-aalangan, “Okay, teka lang. Dadalhin ko na ang mga tauhan ko diyaan!”Pagkatapos siyang pasalamatan ni Zell, ibinaba niya ang tawag bago siya tumingin kay Charlie at umirap habang sinabi, “Binata, huwag mo akong sisihin dahil hindi kita binigyan ng pagkakataon. Sinabihan na kitang lumuhod sa harap ko kanina, pero hindi mo pinahalagahan ang pagkakataon na ibinigay ko sayo. Kahit na magpasya kang lumuhod sa harap ko ngayon, huli na ang lahat.”Ngumiti si Charlie habang tinanong, “Sinong tinawagan mo kanina? Chief Jay? Si Bruce Willis ba ito galing sa isang pelikula?”“Baliw ka na ata!” Sumagot n

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1284

    Sa sandaling ito, biglang lumabas ang nasa tatlumpu o apatnapung agresibo at mukhang mabangis na lalaki sa ibang kotse.Pagkatapos, sa ilalim ng utos ni Chief Jay, tumakbo ang mga lalaking ito at pinalibutan agad ang mga tao.Nagmamadaling kumaway si Zell sa kanya. “Chief Jay!”Bahagyang tumango si Jayden bago siya sumulyap sa kanya at tinanong, “Mr. Morningstar, sinong hindi alam ang sarili nilang lugar at nangahas talaga na galitin ka?”Tinuro ni Zell si Charlie bago niya sinabi nang galit, “Chief Jay, hindi lang ako ininsulto ng g*gong ito, ngunit ininsulto niya rin ang anak na babae ko!”Tinaas ni Jayden ang mga kilay niya habang lumingon siya para tumingin kay Charlie. Sa sandaling nakita niya si Charlie, nanginig sa takot si Jayden.P*ta!Si Master Wade ito!Si Jayden ay isa sa Four Great Guardians ni Albert, at isa rin siya sa mga paborito at mas malakas na tauhan ni Albert. Nakita na niya si Charlie noong nagdaos siya ng handaan sa Heaven Springs bago ito.Pero, sa san

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5789

    Tulad ng sinabi ni Vera, sa buong buhay niya, hindi niya kayang maghiganti kay Fleur gamit ang lakas niya, pero kaya niyang harapin si Fleur gamit ang matinding tapang. Marahil ay ang pinakamagandang paraan para harapin niya si Fleur ngayon ay huwag mapansin ni Fleur na malapit siya sa kanya.Kaya, medyo naimpluwensyahan din si Charlie sa kanya at sinabi, “Kung gano’n, hindi na natin kailangan kumuha ng tao para palihim na maglagay ng mga monitoring equipment. Sasamahan kita dito at hihintayin si Fleur. Gusto kong makita kung sino ba talaga ang Fleur na ito!”Tinanong ni Vera sa sorpresa, “Young Master, sasamahan mo talaga ako?”Tumango si Charlie. “Oo.”Sinabi nang seryoso ni Vera, “Parang maglalakad tayo sa isang lubid sa bangin. Nakamamatay ang isang kamalian.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka takot, bakit ako matatakot?”Ngumiti nang bahagya si Vera, at puno ng katapatan ang kanyang mga mata habang sinabi, “Kuntento ako sa mga sinabi mo, Young Master, pero hindi ak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5788

    Hindi inaasahan ni Charlie na si Vera, na mukhang mahina at walang masyadong karanasan, ay may ganitong tapang. Malinaw na alam niya na hindi nila kayang tapatan ni Fleur. Sa sandaling magkita sila, halos sigurado na mamamatay sila.Dahil, dati, sinabi ni Ruby sa kanila na nabuksan na ni Fleur ang kanyang elixir field, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, at ang ibig sabihin ay mas malakas na siya noong isang daang taon na ang nakalipas kaysa sa kasalukuyang lakas ni Charlie.Pero kahit gano’n, handa si Vera na kunin ang panganib.“Alam mo na wala tayong pag-asa na mabuhay laban kay Fleur. Sigurado ka ba na gusto mong kunin ang panganib dito?” Tinanong nang seryoso ni Charlie.Tumango nang seryoso si Vera, nakatingin kay Charlie nang disidido habang sinabi, “Sa mahigit tatlong daang taon, iniwasan ko siya. Naging maingat ako sa punto na hindi na ako tumatapak sa kahit anong lugar na may kaugnayan sa kanya sa halos buong buhay ko. Pero ngayon, kahit alam ko na marahil ay pupun

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5787

    Bukod dito, kung may mangyayari, mahihirapan siyang protektahan si Vera.Mukhang alam na ni Vera ang iniisip ni Charlie. Ngumiti siya at naunang magsalita at sinabi, “Darling, huwag kang mag-alala. Bihira lang magkaroon ng malakas na hangin sa Yorkshire Hill, at mas bihira pa dito sa taas. Bukod dito, sobrang ganda ng panahon ngayon. Isang gabi lang tayo mananatili, kaya walang kahit anong malakas na hangin. Kahit na mayroon, hindi ito abot sa atin.”Hindi inaasahan ni Charlie na may ganitong hilaw na ideya si Vera, kaya sinabi niya, “Sige, Darling, bumaba muna tayo sa bundok at pag-usapan ito sa daan.”“Okay!” Tumango nang kuntento si Vera, kinabit ang kanyang braso sa braso ni Charlie, at sinabi nang malambing, “Kung gano’n, kailangan nating magmadali. Natatakot ako na kung mahuhuli tayo, wala nang matitira na maayos na lugar!”Habang pababa ang dalawa sa bundok at nang silang dalawa na lang sa paligid, nagsalita si Charlie, “Miss Lavor, seryoso ka ba sa sinabi mo?”Sumagot nang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5786

    Hindi maiwasan ni Vera na ngumiti nang kaunti nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie, at sinabi niya, “Young Master, kahit na kayang patayin ng mga close-defense missile si Mr. Jothurn, marahil ay hindi nila mapatay si Fleur. Bukod dito, si Fleur lang ang nakakaalam kung saan nag-cultivate si Master Marcius Stark. Young Master, mangyaring magtiis ka pa nang kaunti at huwag mong tapusin ang buhay ni Fleur dito.”Tumawa nang masaya si Charlie, “Sinasabi ko lang ang mga pakiramdam ko. Kahit na may makakapagdala ng mga close-defense missile dito, hindi ko magagamit ang mga ito dito.”Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Young Master, walang mga camera dito. Mangyaring hintayin mo ako saglit. Magbibigay galang ako sa mga ninuno ng mga Lavor.”Tumango sa maginoong paraan si Charlie at sinabi, “Hihintayin kita dito.”Ngumiti si Vera na parang humihingi siya ng tawad, pagkatapos ay naglakad sa malapit na gubat ng mga pine.Makalipas ang limang minuto, naglakad si Vera pa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5785

    Ngumiti si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala, hindi ako padalus-dalos na tao. Alam ko ang mga limitasyon ko.”Huminga nang maluwag si Vera, “Mabuti naman…”Pagkatapos nilang umakyat sa unang undok, inakyat nila ang bundok na parang likod ng isang pagong. Dahil ito ang ruta sa pangalawang bundok, marami pa rin ang mga tao dito tulad sa unang bundok.Ipinakilala ni Vera kay Charlie, “Parang likod ng isang pagong ang bundok na ito. Tinatawag itong Mount Turtle Back. Isa itong bihirang kayamanan na lupa dito. Noong isang lokal na pinuno ang lolo ko, nagsikap siya na piliin ang bundok na ito bilang ancestral tomb ng pamilya namin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Ang buong bundok ba na ito ang ancestral tomb ng pamilya ng lolo mo?”Tumango si Vera at sinabi, “Tama. Maganda ang Feng Shui dito, parang isang dragon na nakapalibot sa bundok. Itinuturing ito na sobrang swerte. Ang pagpili sa lugar na para paglagyan ng ancestral tomb ay kayang biyayaan ang mga susunod na henerasyon

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5784

    Nang bumalik si Vera sa Stoneridge makalipas ang mahigit tatlong daang taon, hindi na ito kagaya ng dati. Kahit na nandoon pa rin ang Ensel Bay, nabago na nang sobra ang hitsura nito dahil sa ilang siglo na pag-unlad kumpara sa nakaraang tatlong daang taon.Habang nakatayo sa malagong mga kalye ng Stoneridge, hindi tugma sa memorya ni Vera ang kasalukuyang eksena. Buti na lang, hindi malaki ang mga pagbabago sa bundok. Sa kabila ng ilang rurok na medyo minina, hindi nagbago masyado ang kabuuang tanawin.Pagkatapos itong makita ni Vera, natukoy niya na ang libingan ng kanyang ama ay matatagpuan sa hilagang-silangan ng kasalukuyang bayan ng Stoneridge, sa likod ng medyo mininang rurok at ang bundok na parang isang shell pagong.Iniwan nina Charlie at Vera ang kotse sa bayan at nagsuot ng magkaparehong sapatos na maagang inihanda ni Vera. Pagkatapos ay umakyat sila papunta sa mga bundok.Habang umaalis sila, tahimik na pinagana ni Charlie ang kanyang mental cultivation method, itinago

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5783

    “Sa kalaunan, naisip ko rin na sa halip na tumakbo palagi, mas mabuti na iwan ko ang singsing kay Fleur para hindi na niya ako habulin at hayaan akong mabuhay nang payapa. Pero pagkatapos itong pag-isipan ulit, si Fleur ang pumatay sa aking ama. Kung magkokompromiso ako at magmamakaawa sa kanya, anong kaibahan namin ni Sanguine, na nagpapasok sa Qing dynasty? Magiging traydor kaming dalawa, kung gano’n.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi ni Vera, “Pagkatapos maintindihan ang lahat ng ito, nagpasya ako na kahit gaano pa ito kahirap, dapat ay mabuhay ako. Kahit gaano pa ito kahirap, hindi ako pwedeng magkompromiso at sumuko kay Fleur. Basta’t mabubuhay ako, siguradong mabubuhay ako nang mas matagal kay Fleur. Sa sandaling iyon, ako ang mananalo sa huli.”Sinabi nang matatag ni Charlie, “Huwag kang mag-alala, siguradong mas tatagal ang buhay mo kaysa sa kanya.”Tumango nang tapat si Vera at sinabi, “Sigurado ako na mas tatagal ang buhay mo sa akin, Young Master. Pagkatapos kong mamatay,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5782

    Sa tuwing binabanggit si Sanguine, nagngangalit si Vera sa galit. Nang binanggit niya na walang nabuhay sa apat na tito at sa mga supling nila, napaiyak si Vera.Hindi inaasahan ni Charlie na sobrang lagim ng nangyari sa pamilya ng lolo ni Vera, at hindi niya maiwasan na bumuntong hininga habang sinabi, “Sa panahon na iyon, ang mga buhay ay kasing liit ng mga damo at dahon. Maraming pamilya na tumagal ng daang-daang taon o kahit libo-libong taon ang naputol sa panahon na iyon.”Kinuyom ni Vera ang mga kamao niya at nagngalit, sinasabi, “Ang lahat ng ito ay dahil sa traydor na iyon, si Sanguine!”Nang sinabi ang mga ito, nagpakita siya ng isang mabangis na ugali na bihira niyang ipinapakita, at sinabi nang mabagal, “Naging tapat ang mga Lavor sa maraming henerasyon! Ibinuhos ng mga ninuno ko ang lahat para pagsilbihan ang bansa, at sumali pa sa militar ang aking ama, nilabanan ang Qing Dynasty sa kalahati ng buhay niya, hindi nakalimutan na suportahan ang Oskia. Pero, hindi lang pina

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5781

    Tumango nang marahan si Charlie, “Okay, salamat sa pagsisikap mo.”-Nang dumating ang eroplano ni Fleur sa Melbourne, nakaalis na sa Aurous Airport ang eroplano na sinakyan nina Charlie at Vera, papunta sa malayong Londel na mahigit isang libong kilometro ang layo.Habang lumilipad ang eroplano sa kanluran, nawala na ang dating sigla at kulit ni Vera. Sumandal siya panandalian sa balikat ni Charlie, at pagkatapos ay para bang nawalan ng focus ang kanyang mga mata habang nakatingin sa labas ng bintana.Nakikita ni Charlie na may mali sa kanya, at naiintindihan niya nang mabuti ang kalagayan niya ngayon. Dahil, sa mundong ito, walang sino man ang mas angkop na mangulila sa tahanan kaysa kay Vera.Isa siyang dalaga na mahigit tatlong daang taon nang hindi nakakauwi, at sa wakas ay pauwi na siya. Ang kahit sino ay makakaramdam ng magkahalong mga emosyon.Makalipas ang mahigit dalawang oras, dumating ang eroplano sa Londel Airport. Nang bumaba si Vera sa eroplano, medyo nanghina nang

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status