Noon pa man ay itinuturing na ni Jayden na madaling mapagkukunan ng pera si Zell. Nasa pito o walong milyong dolyar na ang taunang protection fee ni Zell sa kanya. Bukod sa hati na ibinibigay niya kay Albert, nakakapag-ipon din si Jayden ng dalawa o tatlong milyong dolyar para sa sarili niya.Kaya, sa sandaling narinig niya na may gustong ipabugbog si Zell sa kanya, sinabi niya nang hindi nag-aalangan, “Okay, teka lang. Dadalhin ko na ang mga tauhan ko diyaan!”Pagkatapos siyang pasalamatan ni Zell, ibinaba niya ang tawag bago siya tumingin kay Charlie at umirap habang sinabi, “Binata, huwag mo akong sisihin dahil hindi kita binigyan ng pagkakataon. Sinabihan na kitang lumuhod sa harap ko kanina, pero hindi mo pinahalagahan ang pagkakataon na ibinigay ko sayo. Kahit na magpasya kang lumuhod sa harap ko ngayon, huli na ang lahat.”Ngumiti si Charlie habang tinanong, “Sinong tinawagan mo kanina? Chief Jay? Si Bruce Willis ba ito galing sa isang pelikula?”“Baliw ka na ata!” Sumagot n
Sa sandaling ito, biglang lumabas ang nasa tatlumpu o apatnapung agresibo at mukhang mabangis na lalaki sa ibang kotse.Pagkatapos, sa ilalim ng utos ni Chief Jay, tumakbo ang mga lalaking ito at pinalibutan agad ang mga tao.Nagmamadaling kumaway si Zell sa kanya. “Chief Jay!”Bahagyang tumango si Jayden bago siya sumulyap sa kanya at tinanong, “Mr. Morningstar, sinong hindi alam ang sarili nilang lugar at nangahas talaga na galitin ka?”Tinuro ni Zell si Charlie bago niya sinabi nang galit, “Chief Jay, hindi lang ako ininsulto ng g*gong ito, ngunit ininsulto niya rin ang anak na babae ko!”Tinaas ni Jayden ang mga kilay niya habang lumingon siya para tumingin kay Charlie. Sa sandaling nakita niya si Charlie, nanginig sa takot si Jayden.P*ta!Si Master Wade ito!Si Jayden ay isa sa Four Great Guardians ni Albert, at isa rin siya sa mga paborito at mas malakas na tauhan ni Albert. Nakita na niya si Charlie noong nagdaos siya ng handaan sa Heaven Springs bago ito.Pero, sa san
Nang marinig ni Jayden ang mga sinabi ni Zell, nagalit siya nang sobra at sinampal ulit siya sa mukha habang sinumpa, “May lakas ng loob ka pa ring sumagot sa akin? Bigyan mo ng atensyon ang sinabi ko!”Naramdaman ni Zell na hindi talaga ito makatarungan at nalungkot siya pagkatapos sampalin nang dalawang beses. Kailan pa siya nabugbog ng kahit sino simula noong naging matanda siya?At saka, dalawang beses siyang sinampal ni Jayden sa harap ng napakaraming tao ngayong araw.Kahit na galit na galit siya, hindi siya nangahas na ipakita ang sama ng loob niya sa sandaling ito. Tumango na lang siya sa sakit bago sinabi, “Chief Jay, tama ka. Bibigyan atensyon ko na ang mga sinasabi ko sa publiko sa hinaharap.”Suminghal nang malamig si Jayden bago siya sumulyap kay Charlie. Hindi nyia maiwasang makonsensya nang kaunti. Kaya, tinanong niya nang nagmamadali si Zell, “Anong nangyayari dito? Sabihin mo sa akin ang buong detalye at ang pagkakasunod-sunod!”Nang marinig ni Zell ang mga sina
Dalawang beses niya pang sinampal si Zell sa mukha bago sinabihan si Zell na ikasal ang anak na babae niya kay Turk…Mas malala pa ito kumpara sa sampal sa mukha!Mas lalong nalungkot si Zell sa sandaling ito, at naramdaman niya na para bang gusto na niyang mamatay. Nanginig siya habang sinabi, “Chief Jay… hindi mo pwedeng talikuran ako at paboran ang ibang tao ngayon! Kahit ano pa, maituturing na mabuting magkaibigan tayo at parang magkapatid na tayo! Masasabing pamangkin mo na rin ang anak na babae ko! May puso ka ba talaga na ikasal siya sa isang masamang matandang lalaki tulad ni Turk?!”Sumagot agad si Jayden, “Zell, kahit na pamilyar tayo sa isa’t isa, hindi ka pwedeng magsabi ng mga kalokohan. Ordinaryong magkakilala lang tayo. Sinong nagsabi na maituturing mo na akong kapatid?!”Nagulat si Zell, at sumagot siya nang nagmamadali, “Chief Jay, sobrang daming taon na tayong magkakilala. Kailanman ay hindi ako nabigong bigyan ka ng benepisyo bawat taon. Binigyan pa kita ng isang
”P*ta!”Sa sandaling narinig ni Jayden na nandito si Albert, nalaman niya agad na nandito ang boss niya dahil kay Master Wade.Pagkatapos, tumingin siya nang naaawa kay Zell habang umiling siya at sinabi, “Zell, huwag mo akong sisihin dahil hindi kita pinaalalahanan. Dapat ay maghanda ka nang ikasal ang anak mo ngayong araw!”Pagkatapos niyang magsalita, naglakad siya nang nagmamadali para batiin si Albert.Sa sandaling ito, sinabi ng isa sa mga nanonood, “Jusko! Nandito talaga si Don Albert kasama ang tatlong tao mula sa Four Great Guardians! Ito ang apat na dakilang heneral sa ilalim ni Don Albert! Pagkatapos maging mobster boss ni Don Albert sa underground world ng Aurous Hill, itinalaga niya ang Four Great Guardians na ito sa magkakaibang teritoryo. Sobrang tagal na noong lumitaw sila nang magkakasama!”Nang marinig ito ng lahat, hindi nila mapigilang magulat nang sobra.Tinanong ni Claire si Charlie sa mahinang boses, “Charlie, ikaw ba ang nagpapunta kay Don Albert dito?”T
Kapag sabay-sabay na sumigaw ang isa o dalawang daang tao, ang tunog nito ay tila ba isang sabog ng kulog na tumama sa lugar na ito.Natataranta na ang lahat sa sandaling ito.Namutla na ang mukha ni Lilian, nanlambot na ang mga tuhod ni Turk, at nakaluhod na si Zell sa sahig.Alam niya na tapos na siya.Hinding-hindi niya inaakala na sobrang makapangyarihan ng binata na gusto niyang pagpira-pirasuhin!Kahit si Don Albert ay sobrang galang sa kanya!Sa sandaling ito, wala man lang aura si Don Albert bilang underground lord ng Aurous Hill. Tauhan lang siya ng binata na ito!Anong klaseng banal na diyos ang kinalaban niya?!Sa sandaling ito, tumingin si Charlie kay Albert bago siya ngumiti nang kaunti at sinabi, “Ayos lang. Hindi ka masyadong nahuli.”Tinanong agad ni Albert, “Master Wade, anong layunin at pinapunta mo ako dito ngayong araw? Anong ang mga utos mo?”Tinuro ni Charlie si Zell bago sinabi, “Ikakasal ng taong ito ang anak na babae niya ngayong araw. Pero, hindi pa
Nang makita ni Albert na may lakas ng loob pa rin si Zell na lumaban at kontrahin sila, pinagalitan niya siya nang mahigpit, “Isa ka talagang rebelde ngayon. Nangahas ka pang suwayin ang desisyon ni Master Wade. Gusto mo na bang mamatay?”Palaging pinapaboran ni Zell ang kanyang anak na babae na walang kwenta. Kaya, hindi niya pinansin ang katayuan ni Albert at galit na sinabi, “Bata pa ang anak na babae ko! Paano posible na papayag akong ikasal ang anak na babae ko sa isang nakakadiring matandang lalaki na halos kasing edad ko?!”Ginamit ni Jayden ang pagkakataon na para atakhin si Zell habang naghihirap siya at sinabi, “Ano? Minamaliit mo ang matandang lalaki na ito, pero pinadala mo ang anak na babae mo sa ibang bansa, hinayaan mo pa siyang makipagtalik sa iba’t ibang foreigner noong nandoon siya. Bakit wala kang opinyong tungkol dito?”Galit na sumagot si Zell, “Dahil hindi ko alam ang tungkol dito! Kung alam ko lang na magloloko siya at makikipagtalik siya sa mga foreigner noon
Sumulyap si Zell kay Isaac bago siya sumulyap kay Charlie. Doon niya lang napagtanto na sobrang galing talaga ni Charlie!Kahit si Isaac ay sobrang galang kay Charlie. Hindi ba’t tinahulan niya ang maling puno sa sandaling ito?!Sa sandaling ito, lumingon si Isaac at tumingin kay Zell bago niya sinabi nang malamig, “Gusto mo talagang suwayin at labanan ang utos ni Master Wade, tama? Kung gano’n, ipapasara ko na lang habang buhay ang lahat ng supermarket chain, ari-arian, kotse, at bank at stock accounts mo! Sisisguraduhin ko na walang matitira sa pamilya mo, at lahat kayo ay manlilimos ng pagkain sa kalye sa hinaharap!”Nang marinig ito ni Zell, nataranta siya at sinabi kay Charlie, “Master Wade! Master Wade, mali ako! Hindi dapat alalahanin ng isang mapagbigay at magaling na lalaki na tulad mo ang mga kamalian na ginawa ng isang mababang tao na tulad ko. Nagmamakaawa ako sayo, huwag ka sanang magtanim ng galit sa akin.”Ngumiti si Charlie bago sinabi, “Wala naman akong balak na ma
Sinabi ni Lady Acker, “Sige at sabihin mo, Lulu.”Sinabi ni Luu, “Inimbestigahan ko ang sitwasyon sa Aurous Hill Welfare Institute ngayong araw. Gusto kong makita kung may kahit anong impormasyon kaugnay kay Charlie sa mga ulila na niligtas nila sa mga nagdaang taon. Sa ngayon, walang bakas na ipinapakita ang mga tala ng institute na kaugnay kay Charlie, pero ang kakaiba ay dumaan sa malaking pagbabago sa mga tauhan ang Aurous Hill Welfare Institute noong nakaraang taon. Mula sa director ng institute hanggang sa staff at kahit ang mga chef na nagluluto para sa mga ulila, lahat sila ay nagbago. Wala sa mga dating empleyado ang natira. Nakita ko na kakaiba ito. Hindi bihira na magpalit ng mga tao sa mga welfare organization, pero parang kakaiba ang lahat at biglaan na pagbabago. Ano sa tingin niyo?”Kumunot ang noo ni Keith at sinabi, “May sampu o dalawampung tao siguro sa panig ng pamamahala at pagpapatupad ng isang bahay ampunan. Kahit na magbago ang mga namamahala, hindi dapat map
Bandang 9:00 p.m. ng gabi sa Willow Manor.Katatapos lang kumain ng mga Acker at hinihiling kay Merlin na analisahin ang mga bakas na nakuha nila sa nakaraang ilang araw sa sala.Si Keith, ang head ng mga Acker, ay nananatili sa villa sa mga nagdaang araw at may malaking pag-unlad sa kalusugan niya. Hindi lang na hindi na lumala ang memorya niya, ngunit unti-unti niya ring naalala ang mga memorya na nakalimutan niya.Ang mas mahalaga, pagkatapos gumaling, umunlad nang sobra ang kabuuang lohikal na pag-iisip niya, bumalik ang istilo ng pag-uutos at lakasa niya dati.Sa pagpupulong ng pamilya, binigyan muna ng buod ni Christian ang lahat tungkol sa progreso ng kolaborasyon nila ng Moore Group.Sinabi ni Christian, “Opisyal na pumasok na sa proseso ng negosasyon ang kolaborasyon natin sa Moore Group. Simula ngayong araw, pinag-uusapan na ng mga legal team ng dalawa ang mga detalye ng kooperasyon, inaayos ang mga tiyak na termino. Dahil sa tapat na kilos ng mga Acker, maayos ang negos
Pagkatapos ay nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at tinawagan si Merlin. Samantala, kumakain si Merlin kasama ang mga Acker, ilang kilometro ang layo sa Willow Manor.Nag-iimbestiga ang mga Acker sa Aurous Hill sa nakaraang ilang araw pero wala pa silang nahahanap na bakas na kaugnay kay Charlie. Ang tito ni Charlie, si Christian, ay tatanungin na sana si Merlin para manghingi ng payo habang kumakain nang tumunog ang cellphone ni Merlin.Tumayo nang mabilis si Merlin at sinabi sa mga Acker, “Pakituloy muna ang pag-uusap niyo. Lalabas ako at sasagutin ang tawag.”Pagkatapos ay pumunta siya sa courtyard at sinigurado na walang mga nakatingin bago sinagot ang tawag. “Hello, Mr. Wade,” sinabi niya sa magalang na tono.Dumiretso sa punto si Charlie, “Chief Lammy, nasa Willow Manor ba ngayon ang lolo ko at ang pamilya niya?”“Oo, nandito sila.” Tinanong nang mausisa ni Merlin, “Anong problema, Mr. Wade? May mali ba?”Kinumpirma ni Charlie sa seryosong tono, “Marahil ay may maglag
Natakot nang sobra si Albert dahil sa mga sinabi ni Charlie. Tinanong niya nang balisa, “Master Wade, anong ibig mong sabihin dito? Malaking panganib ba ang haharapin mo ngayong araw?”Nanatiling tahimik nang ilang sandali si Charlie, hindi sigurado kung paano sasagot. Malaking panganib? Pakiramdam niya na marahil ay hindi siya malalagay sa totoong panganib.May tatlong mahiwagang instrumento ang great earl ng Qing Eliminating Society na ginawa nang basta-basta ni Charlie, at tinatrato ito ng great earl bilang mga kayamanan. Ipinapakita nito ang kakulangan sa malalim na kasanayan sa Reiki ng great earl.Bukod dito, may dalawang mahiwagang instrumento si Charlie na pang-atake, kasama na ang ilang pill, kaya mayroon siyang pang-atake at pang-depensa. At saka, nakatago siya, habang nasa liwanag ang kalaban niya. Ang ibig sabihin nito ay lamang si Charlie kung magkakaroon ng laban.Kaya, naniniwala si Charlie na sa kahit anong aspeto, mas mataas ang tsansa niyang manalo kaysa sa kalaba
Para naman sa mga Regeneration Pill, sa ngayon ay ito ang pinakamalakas na pill na pagmamay-ari ni Charlie para sa pagliligtas ng buhay. Lampas pa sa Rejuvenating Pill ang lakas nila, at maaari nilang iligtas ang buhay niya sa kritikal na sandali.Kung pambihirang master talaga ang kalaban niya, maaaring ang mga Regeneration Pill ang maging salbabida ng buhay niya.Naniniwala si Charlie na gamit ang mga pill na ito, may kumpiyansa siya na makipaglaban sa great earl mula sa Qing Eliminating Society. Bukod dito, dahil sa pagiging maingat niya sa paghahanda, mukhang malabong mangyari na makaharap niya ang kahit anong panganib tulad ng kinalkula ni Vera.Bukod sa mga pag-iingat na ito, nilagay ni Charlie sa safe ang singsing na binigay sa kanya ni Vera at ang Phoenixica na binigay ni Madam Fumiko.Pagkatapos makumpleto ang lahat ng pagsasaayos, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Isaac na umalis na si Mr. Chardon sa Holiday Inn, tumawag ng taxi sa entrance, at palabas
May nanghihinayang na ekspresyon din si Zachary sa kanyang mukha. “Pasensya na, sir, baka maaari nating ipagpatuloy ang pagtutulungan sa hinaharap kung may pagkakataon.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Siya nga pala, sir, hindi ba’t sinabi mo na kaya mong maghintay hanggang 7:00 p.m.? Susubukan ko ulit makipag negosasyon sa boss ko mamaya. Kung makukumbinsi ko siya, hahanapin kita sa Holiday Inn!”Nawalan na ng pag-asa si Mr. Chardon, pero nang marinig ang mga sinabi ni Zachary, tumango siya nang maluwag at sinabi, “Nasa Holiday Inn lang ako bago mag 7:00 p.m.”Tumango nang masigla si Zachary at sinabi, “Okay, pupunta ako sa sandaling may balita ako!”Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na gamitin ang pagdating ng malaking batch ng mga produkto sa makalawa para tuksuhin at subukan si Mr. Chardon ay para pukawin nang buo si Mr. Chardon para makita niya kung hindi na ba talaga mababago ang huling deadline ngayong gabi.”Kung hindi pa rin makakapaghintay si
Agad-agad, pangatlong araw na. Dumating nang maaga si Mr. Chardon sa Antique Street, sabik na naghihintay ng magandang balita mula kay Zachary.Sa sandaling ito, kinakabahan at hindi mapakali si Mr. Chardon. Ayon sa mga pangangailangan ng British Lord, kailangan niyang puksain ang mga Acker bago maghatinggabi, na bago mag 11:00 p.m. ngayong gabi.Balak din ni Mr. Chardon na pumunta sa Willow Manor ng 7:00 p.m. ngayong gabi. Tahimik muna siyang maghahanap ng ligtas na lugar sa Willow Manor para pagtaguan at hintayin ang perpektong pagkakataon para umatake. Kapag tama na ang oras, aatakihin niya agad at uubusin ang mga Acker.Kaya, ang pinakamalaking hiling niya ngayong araw ay makakuha ng mas maraming mahiwagang instrumento kay Zachary bago mag 7:00 p.m. Kahit na alam niya na baka itayo lang ni Zachary ang stall niya sa hapon o kahit mamaya pa, dumating si Mr. Chardon at balisang naghintay sa Antique Street sa umaga.Pero, nahuli na naman si Zachary at dumating lang sa hapon.Nang
Lumapit si Mr. Chardon sa sandaling itinayo ni Zachary ang stall niya. Nang makita ni Mr. Chardon na may hangover si Zachary, hindi niya mapigilan na tanungin siya, “Zachary, binigyan ka na ba ng sagot ng boss mo?”Umiling si Zachary, humikab, at sinabi, “Hindi pa. Nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para ma-withdraw ang pera simula kagabi, pero limitado ang dami ng pera na pwedeng malabas, kaya marahil ay matagalan ito.”Medyo nabsali at nainip si Mr. Chardon habang sinabi, “Zachary, baka kailangan ko na umalis sa Aurous Hill bukas ng gabi. Marahil ay hindi na tayo magkita sa hinaharap pagkatapos kong umalis.”May nanghihinayang na ekspresyon si Zachary habang sinabi, “Boss, medyo mahigpit nga ang oras na bukas ng gabi. Bakit hindi ka muna manatili ng ilang araw? Maghintay ka lang ng tatlo o limang araw, at marahil ay makukuha mo ang gusto mo. Kung nababagot ka, pwede kang sumama sa Shangri-La sa akin. May presidential suite ako doon na may apat na kwarto. Isang kwarto lang ang ga
Nagpapanggap lang si Zachary ayon sa pagsasaayos ni Charlie sa sunod-sunod na pagtatanghal na ito. Sa ibang salita, kumakain siya, umiinom, at inaaliw ang sarili niya gamit ang public funds na inaprubahan ng boss niya.Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na aliwin ang sarili niya at magsaya gabi-gabi ay dahil nag-aalala siya na palihim na babantayan ni Mr. Chardon si Zachary.Hindi pwedeng hayaan ni Charlie na mabunyag ni Zachary ang kahit anong bakas bago pa kumkilos si Mr. Chardon. Basta’t walang mabubunyag na bakas si Zachary, siguradong walang pagbabago sa makalawa ng gabi. Sa sandaling nabunyag ang sikreto, posible na maagang kumilos si Mr. Chardon.Sa sandaling ito, patuloy na binabantayan ni Mr. Chardon si Zachary, at nakikinig pa siya nang mabuti sa pag-uusap nila ng babaeng escort. Sa tuwing pinagmamasdan niya si Zachary, mas naniniwala siya sa pagkatao ni Zachary at sa lahat ng sinabi sa kanya ni Zachary.Sa paningin niya, kumikita si Zachary ng pera sa