Isang matandang lalaki na nasa limampung taong gulang na may pamilya at bahay, ay pakakasalan ang anak na babae ni Mr. Morningstar?!Sumabog sa galit ang buong eksena dahil sa mga sinabi ni Charlie.Nagalit nang sobra si Zell at sinumbat, “Hinahanap mo na siguro ang pinto sa kamatayan! Ang lakas ng loob mong sabihin na pakasalan ng anak ko ang ama ni Draco?!”Tumawa si Charlie, “Marahil ay bulag ka na. Hindi mo ba nakikita na hindi interesado si Draco na pakasalan ang anak mo? Sa kabilang dako, mukhang gusto ng mga magulang ni Draco na mapunta sa pamilya nila ang anak mo… sobrang desperado pa… Kaya, hindi ba’t ang pinakamagandang solusyon sa problemang ito ay hayaang pakasalan ni Mr. Scotson ang mahal mong anak na babae?”“Ikaw g*go ka! Anong kalokohan ang pinagsasabi mo!” Galit na galit si Lilian. “Hayaang pakasalan ng asawa ko ang anak ni Mr. Morningstar… paano naman ako?!”Nagpatuloy si Charlie, “Ikaw? Akala ko ba na gusto mong maging parte ng pamilya mo ang anak na babae ni Mr
“Ikaw… ikaw…” Hindi mahanap ni Lilian ang mga salita para gumanti. Humarap siya kay Hans at inutusan siya, “Hans! Halika’t tulungan mo akong bugbugin ang walang kwentang g*go na ito!”Umatras nang ilang hakbang si Hans at sinabi sa naiinis na tono, “Tita, akala ko kasasabi mo lang na hindi ako parte ng pamilya mo? Sinabihan mo pa akong manahimik kanina. Ngayon gusto mong bugbugin ko ang iba para sayo? Mas mabilis pa ang pagbabago ng mukha mo kaysa sa pagpapalit ng damit ng isang babae!”Naglabas ng pilit na ngiti si Lilian, “Hans, huwag ka sanang magalit. Ang lahat ng sinabi ko kanina ay dahil lang sa inis. Ayaw mo bang makitang umunlad ang pamilya Scotson?”“Pasensya na, tita,” sumagot agad si Hans. “Pamilya mo ang pamilya mo. Sa akin ang pamilya ko. Hindi tayo pamilya. KAya, kung gusto mong mambugbog ng tao, ikaw mismo ang gumawa nito!”Pagkatapos niyang magsalita, humarap siya sa ibang miyembro ng pamilya niya at sumigaw, “Huwag tayong makialam dito. Wala tayong pakialam dito. A
Noon pa man ay itinuturing na ni Jayden na madaling mapagkukunan ng pera si Zell. Nasa pito o walong milyong dolyar na ang taunang protection fee ni Zell sa kanya. Bukod sa hati na ibinibigay niya kay Albert, nakakapag-ipon din si Jayden ng dalawa o tatlong milyong dolyar para sa sarili niya.Kaya, sa sandaling narinig niya na may gustong ipabugbog si Zell sa kanya, sinabi niya nang hindi nag-aalangan, “Okay, teka lang. Dadalhin ko na ang mga tauhan ko diyaan!”Pagkatapos siyang pasalamatan ni Zell, ibinaba niya ang tawag bago siya tumingin kay Charlie at umirap habang sinabi, “Binata, huwag mo akong sisihin dahil hindi kita binigyan ng pagkakataon. Sinabihan na kitang lumuhod sa harap ko kanina, pero hindi mo pinahalagahan ang pagkakataon na ibinigay ko sayo. Kahit na magpasya kang lumuhod sa harap ko ngayon, huli na ang lahat.”Ngumiti si Charlie habang tinanong, “Sinong tinawagan mo kanina? Chief Jay? Si Bruce Willis ba ito galing sa isang pelikula?”“Baliw ka na ata!” Sumagot n
Sa sandaling ito, biglang lumabas ang nasa tatlumpu o apatnapung agresibo at mukhang mabangis na lalaki sa ibang kotse.Pagkatapos, sa ilalim ng utos ni Chief Jay, tumakbo ang mga lalaking ito at pinalibutan agad ang mga tao.Nagmamadaling kumaway si Zell sa kanya. “Chief Jay!”Bahagyang tumango si Jayden bago siya sumulyap sa kanya at tinanong, “Mr. Morningstar, sinong hindi alam ang sarili nilang lugar at nangahas talaga na galitin ka?”Tinuro ni Zell si Charlie bago niya sinabi nang galit, “Chief Jay, hindi lang ako ininsulto ng g*gong ito, ngunit ininsulto niya rin ang anak na babae ko!”Tinaas ni Jayden ang mga kilay niya habang lumingon siya para tumingin kay Charlie. Sa sandaling nakita niya si Charlie, nanginig sa takot si Jayden.P*ta!Si Master Wade ito!Si Jayden ay isa sa Four Great Guardians ni Albert, at isa rin siya sa mga paborito at mas malakas na tauhan ni Albert. Nakita na niya si Charlie noong nagdaos siya ng handaan sa Heaven Springs bago ito.Pero, sa san
Nang marinig ni Jayden ang mga sinabi ni Zell, nagalit siya nang sobra at sinampal ulit siya sa mukha habang sinumpa, “May lakas ng loob ka pa ring sumagot sa akin? Bigyan mo ng atensyon ang sinabi ko!”Naramdaman ni Zell na hindi talaga ito makatarungan at nalungkot siya pagkatapos sampalin nang dalawang beses. Kailan pa siya nabugbog ng kahit sino simula noong naging matanda siya?At saka, dalawang beses siyang sinampal ni Jayden sa harap ng napakaraming tao ngayong araw.Kahit na galit na galit siya, hindi siya nangahas na ipakita ang sama ng loob niya sa sandaling ito. Tumango na lang siya sa sakit bago sinabi, “Chief Jay, tama ka. Bibigyan atensyon ko na ang mga sinasabi ko sa publiko sa hinaharap.”Suminghal nang malamig si Jayden bago siya sumulyap kay Charlie. Hindi nyia maiwasang makonsensya nang kaunti. Kaya, tinanong niya nang nagmamadali si Zell, “Anong nangyayari dito? Sabihin mo sa akin ang buong detalye at ang pagkakasunod-sunod!”Nang marinig ni Zell ang mga sina
Dalawang beses niya pang sinampal si Zell sa mukha bago sinabihan si Zell na ikasal ang anak na babae niya kay Turk…Mas malala pa ito kumpara sa sampal sa mukha!Mas lalong nalungkot si Zell sa sandaling ito, at naramdaman niya na para bang gusto na niyang mamatay. Nanginig siya habang sinabi, “Chief Jay… hindi mo pwedeng talikuran ako at paboran ang ibang tao ngayon! Kahit ano pa, maituturing na mabuting magkaibigan tayo at parang magkapatid na tayo! Masasabing pamangkin mo na rin ang anak na babae ko! May puso ka ba talaga na ikasal siya sa isang masamang matandang lalaki tulad ni Turk?!”Sumagot agad si Jayden, “Zell, kahit na pamilyar tayo sa isa’t isa, hindi ka pwedeng magsabi ng mga kalokohan. Ordinaryong magkakilala lang tayo. Sinong nagsabi na maituturing mo na akong kapatid?!”Nagulat si Zell, at sumagot siya nang nagmamadali, “Chief Jay, sobrang daming taon na tayong magkakilala. Kailanman ay hindi ako nabigong bigyan ka ng benepisyo bawat taon. Binigyan pa kita ng isang
”P*ta!”Sa sandaling narinig ni Jayden na nandito si Albert, nalaman niya agad na nandito ang boss niya dahil kay Master Wade.Pagkatapos, tumingin siya nang naaawa kay Zell habang umiling siya at sinabi, “Zell, huwag mo akong sisihin dahil hindi kita pinaalalahanan. Dapat ay maghanda ka nang ikasal ang anak mo ngayong araw!”Pagkatapos niyang magsalita, naglakad siya nang nagmamadali para batiin si Albert.Sa sandaling ito, sinabi ng isa sa mga nanonood, “Jusko! Nandito talaga si Don Albert kasama ang tatlong tao mula sa Four Great Guardians! Ito ang apat na dakilang heneral sa ilalim ni Don Albert! Pagkatapos maging mobster boss ni Don Albert sa underground world ng Aurous Hill, itinalaga niya ang Four Great Guardians na ito sa magkakaibang teritoryo. Sobrang tagal na noong lumitaw sila nang magkakasama!”Nang marinig ito ng lahat, hindi nila mapigilang magulat nang sobra.Tinanong ni Claire si Charlie sa mahinang boses, “Charlie, ikaw ba ang nagpapunta kay Don Albert dito?”T
Kapag sabay-sabay na sumigaw ang isa o dalawang daang tao, ang tunog nito ay tila ba isang sabog ng kulog na tumama sa lugar na ito.Natataranta na ang lahat sa sandaling ito.Namutla na ang mukha ni Lilian, nanlambot na ang mga tuhod ni Turk, at nakaluhod na si Zell sa sahig.Alam niya na tapos na siya.Hinding-hindi niya inaakala na sobrang makapangyarihan ng binata na gusto niyang pagpira-pirasuhin!Kahit si Don Albert ay sobrang galang sa kanya!Sa sandaling ito, wala man lang aura si Don Albert bilang underground lord ng Aurous Hill. Tauhan lang siya ng binata na ito!Anong klaseng banal na diyos ang kinalaban niya?!Sa sandaling ito, tumingin si Charlie kay Albert bago siya ngumiti nang kaunti at sinabi, “Ayos lang. Hindi ka masyadong nahuli.”Tinanong agad ni Albert, “Master Wade, anong layunin at pinapunta mo ako dito ngayong araw? Anong ang mga utos mo?”Tinuro ni Charlie si Zell bago sinabi, “Ikakasal ng taong ito ang anak na babae niya ngayong araw. Pero, hindi pa
Tulad ng sinabi ni Vera, sa buong buhay niya, hindi niya kayang maghiganti kay Fleur gamit ang lakas niya, pero kaya niyang harapin si Fleur gamit ang matinding tapang. Marahil ay ang pinakamagandang paraan para harapin niya si Fleur ngayon ay huwag mapansin ni Fleur na malapit siya sa kanya.Kaya, medyo naimpluwensyahan din si Charlie sa kanya at sinabi, “Kung gano’n, hindi na natin kailangan kumuha ng tao para palihim na maglagay ng mga monitoring equipment. Sasamahan kita dito at hihintayin si Fleur. Gusto kong makita kung sino ba talaga ang Fleur na ito!”Tinanong ni Vera sa sorpresa, “Young Master, sasamahan mo talaga ako?”Tumango si Charlie. “Oo.”Sinabi nang seryoso ni Vera, “Parang maglalakad tayo sa isang lubid sa bangin. Nakamamatay ang isang kamalian.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka takot, bakit ako matatakot?”Ngumiti nang bahagya si Vera, at puno ng katapatan ang kanyang mga mata habang sinabi, “Kuntento ako sa mga sinabi mo, Young Master, pero hindi ak
Hindi inaasahan ni Charlie na si Vera, na mukhang mahina at walang masyadong karanasan, ay may ganitong tapang. Malinaw na alam niya na hindi nila kayang tapatan ni Fleur. Sa sandaling magkita sila, halos sigurado na mamamatay sila.Dahil, dati, sinabi ni Ruby sa kanila na nabuksan na ni Fleur ang kanyang elixir field, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, at ang ibig sabihin ay mas malakas na siya noong isang daang taon na ang nakalipas kaysa sa kasalukuyang lakas ni Charlie.Pero kahit gano’n, handa si Vera na kunin ang panganib.“Alam mo na wala tayong pag-asa na mabuhay laban kay Fleur. Sigurado ka ba na gusto mong kunin ang panganib dito?” Tinanong nang seryoso ni Charlie.Tumango nang seryoso si Vera, nakatingin kay Charlie nang disidido habang sinabi, “Sa mahigit tatlong daang taon, iniwasan ko siya. Naging maingat ako sa punto na hindi na ako tumatapak sa kahit anong lugar na may kaugnayan sa kanya sa halos buong buhay ko. Pero ngayon, kahit alam ko na marahil ay pupun
Bukod dito, kung may mangyayari, mahihirapan siyang protektahan si Vera.Mukhang alam na ni Vera ang iniisip ni Charlie. Ngumiti siya at naunang magsalita at sinabi, “Darling, huwag kang mag-alala. Bihira lang magkaroon ng malakas na hangin sa Yorkshire Hill, at mas bihira pa dito sa taas. Bukod dito, sobrang ganda ng panahon ngayon. Isang gabi lang tayo mananatili, kaya walang kahit anong malakas na hangin. Kahit na mayroon, hindi ito abot sa atin.”Hindi inaasahan ni Charlie na may ganitong hilaw na ideya si Vera, kaya sinabi niya, “Sige, Darling, bumaba muna tayo sa bundok at pag-usapan ito sa daan.”“Okay!” Tumango nang kuntento si Vera, kinabit ang kanyang braso sa braso ni Charlie, at sinabi nang malambing, “Kung gano’n, kailangan nating magmadali. Natatakot ako na kung mahuhuli tayo, wala nang matitira na maayos na lugar!”Habang pababa ang dalawa sa bundok at nang silang dalawa na lang sa paligid, nagsalita si Charlie, “Miss Lavor, seryoso ka ba sa sinabi mo?”Sumagot nang
Hindi maiwasan ni Vera na ngumiti nang kaunti nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie, at sinabi niya, “Young Master, kahit na kayang patayin ng mga close-defense missile si Mr. Jothurn, marahil ay hindi nila mapatay si Fleur. Bukod dito, si Fleur lang ang nakakaalam kung saan nag-cultivate si Master Marcius Stark. Young Master, mangyaring magtiis ka pa nang kaunti at huwag mong tapusin ang buhay ni Fleur dito.”Tumawa nang masaya si Charlie, “Sinasabi ko lang ang mga pakiramdam ko. Kahit na may makakapagdala ng mga close-defense missile dito, hindi ko magagamit ang mga ito dito.”Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Young Master, walang mga camera dito. Mangyaring hintayin mo ako saglit. Magbibigay galang ako sa mga ninuno ng mga Lavor.”Tumango sa maginoong paraan si Charlie at sinabi, “Hihintayin kita dito.”Ngumiti si Vera na parang humihingi siya ng tawad, pagkatapos ay naglakad sa malapit na gubat ng mga pine.Makalipas ang limang minuto, naglakad si Vera pa
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala, hindi ako padalus-dalos na tao. Alam ko ang mga limitasyon ko.”Huminga nang maluwag si Vera, “Mabuti naman…”Pagkatapos nilang umakyat sa unang undok, inakyat nila ang bundok na parang likod ng isang pagong. Dahil ito ang ruta sa pangalawang bundok, marami pa rin ang mga tao dito tulad sa unang bundok.Ipinakilala ni Vera kay Charlie, “Parang likod ng isang pagong ang bundok na ito. Tinatawag itong Mount Turtle Back. Isa itong bihirang kayamanan na lupa dito. Noong isang lokal na pinuno ang lolo ko, nagsikap siya na piliin ang bundok na ito bilang ancestral tomb ng pamilya namin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Ang buong bundok ba na ito ang ancestral tomb ng pamilya ng lolo mo?”Tumango si Vera at sinabi, “Tama. Maganda ang Feng Shui dito, parang isang dragon na nakapalibot sa bundok. Itinuturing ito na sobrang swerte. Ang pagpili sa lugar na para paglagyan ng ancestral tomb ay kayang biyayaan ang mga susunod na henerasyon
Nang bumalik si Vera sa Stoneridge makalipas ang mahigit tatlong daang taon, hindi na ito kagaya ng dati. Kahit na nandoon pa rin ang Ensel Bay, nabago na nang sobra ang hitsura nito dahil sa ilang siglo na pag-unlad kumpara sa nakaraang tatlong daang taon.Habang nakatayo sa malagong mga kalye ng Stoneridge, hindi tugma sa memorya ni Vera ang kasalukuyang eksena. Buti na lang, hindi malaki ang mga pagbabago sa bundok. Sa kabila ng ilang rurok na medyo minina, hindi nagbago masyado ang kabuuang tanawin.Pagkatapos itong makita ni Vera, natukoy niya na ang libingan ng kanyang ama ay matatagpuan sa hilagang-silangan ng kasalukuyang bayan ng Stoneridge, sa likod ng medyo mininang rurok at ang bundok na parang isang shell pagong.Iniwan nina Charlie at Vera ang kotse sa bayan at nagsuot ng magkaparehong sapatos na maagang inihanda ni Vera. Pagkatapos ay umakyat sila papunta sa mga bundok.Habang umaalis sila, tahimik na pinagana ni Charlie ang kanyang mental cultivation method, itinago
“Sa kalaunan, naisip ko rin na sa halip na tumakbo palagi, mas mabuti na iwan ko ang singsing kay Fleur para hindi na niya ako habulin at hayaan akong mabuhay nang payapa. Pero pagkatapos itong pag-isipan ulit, si Fleur ang pumatay sa aking ama. Kung magkokompromiso ako at magmamakaawa sa kanya, anong kaibahan namin ni Sanguine, na nagpapasok sa Qing dynasty? Magiging traydor kaming dalawa, kung gano’n.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi ni Vera, “Pagkatapos maintindihan ang lahat ng ito, nagpasya ako na kahit gaano pa ito kahirap, dapat ay mabuhay ako. Kahit gaano pa ito kahirap, hindi ako pwedeng magkompromiso at sumuko kay Fleur. Basta’t mabubuhay ako, siguradong mabubuhay ako nang mas matagal kay Fleur. Sa sandaling iyon, ako ang mananalo sa huli.”Sinabi nang matatag ni Charlie, “Huwag kang mag-alala, siguradong mas tatagal ang buhay mo kaysa sa kanya.”Tumango nang tapat si Vera at sinabi, “Sigurado ako na mas tatagal ang buhay mo sa akin, Young Master. Pagkatapos kong mamatay,
Sa tuwing binabanggit si Sanguine, nagngangalit si Vera sa galit. Nang binanggit niya na walang nabuhay sa apat na tito at sa mga supling nila, napaiyak si Vera.Hindi inaasahan ni Charlie na sobrang lagim ng nangyari sa pamilya ng lolo ni Vera, at hindi niya maiwasan na bumuntong hininga habang sinabi, “Sa panahon na iyon, ang mga buhay ay kasing liit ng mga damo at dahon. Maraming pamilya na tumagal ng daang-daang taon o kahit libo-libong taon ang naputol sa panahon na iyon.”Kinuyom ni Vera ang mga kamao niya at nagngalit, sinasabi, “Ang lahat ng ito ay dahil sa traydor na iyon, si Sanguine!”Nang sinabi ang mga ito, nagpakita siya ng isang mabangis na ugali na bihira niyang ipinapakita, at sinabi nang mabagal, “Naging tapat ang mga Lavor sa maraming henerasyon! Ibinuhos ng mga ninuno ko ang lahat para pagsilbihan ang bansa, at sumali pa sa militar ang aking ama, nilabanan ang Qing Dynasty sa kalahati ng buhay niya, hindi nakalimutan na suportahan ang Oskia. Pero, hindi lang pina
Tumango nang marahan si Charlie, “Okay, salamat sa pagsisikap mo.”-Nang dumating ang eroplano ni Fleur sa Melbourne, nakaalis na sa Aurous Airport ang eroplano na sinakyan nina Charlie at Vera, papunta sa malayong Londel na mahigit isang libong kilometro ang layo.Habang lumilipad ang eroplano sa kanluran, nawala na ang dating sigla at kulit ni Vera. Sumandal siya panandalian sa balikat ni Charlie, at pagkatapos ay para bang nawalan ng focus ang kanyang mga mata habang nakatingin sa labas ng bintana.Nakikita ni Charlie na may mali sa kanya, at naiintindihan niya nang mabuti ang kalagayan niya ngayon. Dahil, sa mundong ito, walang sino man ang mas angkop na mangulila sa tahanan kaysa kay Vera.Isa siyang dalaga na mahigit tatlong daang taon nang hindi nakakauwi, at sa wakas ay pauwi na siya. Ang kahit sino ay makakaramdam ng magkahalong mga emosyon.Makalipas ang mahigit dalawang oras, dumating ang eroplano sa Londel Airport. Nang bumaba si Vera sa eroplano, medyo nanghina nang