Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1031 - Chapter 1040

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1031 - Chapter 1040

5618 Chapters

Kabanata 1031

Kailangan niyang mag-iwan ng isang anak na lalaki para ipagpatuloy ang lahi ng pamilya Bishop.Ito rin ang dahilan kung bakit gusto ni Nelson at ng kanyang kapatid na babae na manganak si Kelly ng isang anak na lalaki.Biglang napagtanto ni Nelson sa mahalagang oras na ito na kung wala siyang magagawa kundi mamatay dito ngayong araw, kailangang mabuhay ni Kelly at ng anak niya sa kanyang tiyan.Paano kung naging lalaki ang sanggol? Mayroong magdadala ng lahi ng pamilya Bishop kung gano’n!Kung hindi, kung mamamatay si Kelly ngayong araw, tapos na ang pamilya Bishop.Nang maisip niya ito, biglang sinabi ni Nelson kay Charlie, “Kapatid, kahit ano pang poot at galit mo sa akin, ako dapat ang parusahan mo. Inosente ang asawa ko at inosente rin ang bata sa tiyan ng asawa ko. Pakawalan mo sana sila!”Sumagot nang malamig si Charlie, “Nandukot ka at sinaktan mo ang napakaraming bata. Naisip mo ba na ang mga batang ito talaga ang inosente?”Umiyak si Nelson habang sinabi, “Kahit na wala
Read more

Kabanata 1032

Galit na sinumbat ni Nelson, “Handa kang ipalaglag ang anak ko dahil gusto mong mabuhay? Ngayon, sinusubukan mo pang gamiting panangga ang anak na babae natin? Sa tingin mo ba talaga ay maloloko mo ako? P*ta ka! Bakit hindi napansin na ikaw ang klase ng tao na takot sa kamatayan at pinag-iisipan mo lang ang sarili mong buhay? Handa ka pang iwan ang asawa mo sa ganitong oras!|Hindi talaga inaasahan ni Kelly na pagagalitan siya nang sobra ng kanyang asawa sa sandaling ito.Totoo na gusto niya talagang patuloy na mabuhay sa mundong ito, Pero, makatwiran naman ang sinabi niya. Sa ganitong kaso, kahit na mamatay siya o mabuhay, imposibleng mapanaitil niya ang sanggol sa tiyan niya. Kung gano’n, hindi ba’t mas mabuti kung may isang mabubuhay sa kanila kaysa mamatay agad silang dalawa?”Kaya, tinanong niya si Nelson, “Mag-asawa tayo. Nang nagmamakaawa ka para sa buhay ko kanina, desperado kang nagmamakaawa na buhayin ako ng kuyang ito. Pero sa sandaling narinig mo na hindi niya hahayaang
Read more

Kabanata 1033

Pagkatapos mamatay ni Kelly, natakot nang sobra si Gibson, ang pamilya niya, at si Max.Sa maikling panahon, dalawang tao na ang namatay sa harap nila. Bukod dito, ang pagkamatay nila ay sobrang miserable.Sa una ay naiinggit ang lahat sa senior ng Beggar Clan na may S-Class na Mercedes-Benz. May pera siya, katayuan, at mayroon din siyang magandang kotse.Pero, kanina lang, naging kabaong niya ang Mercedes-Benz.Nagulat din ang pinakaloob ng puso nila nang makita nila ang desperado at masamang pagkamatay ni Kelly.Mayroong malamig na ekspresyon si Charlie sa kanyang mukha habang tinanong niya si Isaac, “Nasaan na ang ibang miyembro ng Beggar Clan?”Sumagot si Isaac, “Young Master, huwag kang mag-alala. Inutusan ko na ang lahat ng tauhan natin sa Sudbury. Kumikilos na sila at isa-isang dadalhin ang mga taong ito dito!”“Okay!” Tumango si Charlie bago siya umirap, “Walang matitirang buhay sa mga mahahalagang miyembro ng Beggar Clan ngayong araw!”Sa lalong madaling panahon.Ang
Read more

Kabanata 1034

Nagulat si Isaac nang marinig niya ang mga sinabi ni Charlie. Hindi niya talaga inaasahan na sobrang lupit ng mga pamamaraan ng young master.Pero, kung iisipin niya, ang mga taong ito ay wala talagang mga konsensya. Kaya, patas na parusa ang paraan ng pagkamatay na ito para sa mga ginawa nila.Kung nasa sinaunang panahon ang salot na ito, papatayin siya at pagpipira-pirasuhin ang katawan niya.Hindi na nagkaroon ng pag-aatubili si Isaac at nagmamadali niyang inutusan ang dalawang lalaking nakaitim sa tabi niya, “Kayong dalawa! Tandaan niyo na hiwain ang sugat nang manipis lang!”Ang dalawang lalaking ito ay mga top killers na pumatay na ng napakaraming tao. Kaya, sanay na sila sa mga ganitong sitwasyon. Agad nilang nilabas ang mga kutsilyo sa bulsa nila bago sila lumapit kay Nelson na may tuwid at walang ekspresyon na emosyon sa mga mukha nila.Si Nelson, na nagpapanggap na sobrang tapang kanina, ay nanginig sa takot sa sandaling ito. Umiyak siya nang malakas at sinabi, “Kuya, ma
Read more

Kabanata 1035

Tinutok ni Charlie ang kanyang cellphone kay Nelson at tinanong, “Anong pangalan mo at trabaho mo?”Nanginig sa takot si Nelson at sinabi, “Ang pangalan ko ay Nelson Bishop. Ako ang boss ng Beggar Clan.”Tinanong ulit ni Charlie, “Ano ang trabaho ng Beggar Clan?”Sumagot nang tapat si Nelson, “Ang pangunahing negosyo ng Beggar Clan ay magpanggap na pulubi at manlimos ng pera kahit saan.”Tinanong ni Charlie, “Lahat kayo ay may suot na ginto at pilak. Bakit kayo nagpapanggap na pulubi at nanlilimos ng pera kung gano’n?”Sumagot si Nelson, “Dahil ito ang pinakamabilis na paraan para kumita ng pera. Kailangan lang namin magpadala ng tao para humiga at manlimos sa iba’t ibang mataong lugar at kikita na kami nang malaki.”Tinanong ni Charlie, “Kung gano’n, bakit kayo nandukot ng napakaraming tao?”Sinabi ni Nelson, “Dahil nalaman namin na madali kaming kikita nang doble o ilang beses kung magdadala kami ng bata kapag nanlilimos kami sa kalye…”Patuloy na tinanong ni Charlie, “Kung g
Read more

Kabanata 1036

Kaya, siguradong kasabwat ang pamilya Webb.Naniniwala si Charlie na siguradong hinding-hindi magiging kumportable si Donald sa sandaling nilabas ang video na ito.Hindi ba’t sinusubukan niya siyang labanan?Hindi ba’t palihim niyang hinahanap ang mga kalaban niya para magtulungan silang atakihin siya?‘Pasensya na. Pagod nang maghintay ang young master. Kaya, siya ang mauunang umatake at parusahan muna ang bayaw niya!’Kaya, sinabi agad ni Charlie kay Isaac, “Ilagay mo ang lahat ng miyembro ng Beggar Clan sa Iveco na iyon. Pagkatapos, sabihan mo ang mga tauhan natin na i-weld ang steel bar sa mga kamay nila sa katawan ng kotse!”“Masusunod!”Mabilis na nag-utos si Isaac at marming nakaitim na lalaki ang kumilos kaagad. Sumunggab ng isang tao ang bawat dalawang taong nakaitim bago nila sila kinaladkad papunta sa Iveco na wala nang bubong.Ang lahat ng bata sa Iveco ay natutulog pa rin at lahat sila ay dinala na sa helicopter.Patuloy na umiyak at umungol ang grupo ng mga lalak
Read more

Kabanata 1037

“Ano?”Mahigit dalawampung taon nang nabubuhay si Max. Ito na ang pinaka nakakagulat na pangungusap na narinig niyang sinabi ni Charlie sa buong buhay niya.Habang namumula ang mga mata niya, tinitigan ni Max si Charlie bago niya sinabi, “Imposible. Paano ito posible? Kilala kita. Kilala kita simula pa noong bata ka pa. Ikaw si Charlie Wade at isa kang ulila. Si Mrs. Lewis ang nagbalik sa’yo sa bahay ampunan noong walong taong gulang ka pa lang. Isa ka lang nakakaawang talunan na walang suporta at walang ama o ina sa lipunang ito. Paano ka naging young master ng pamilya Wade?”Bahagyang ngumiti si Charlie at sinabi, “Alam ko na mahihirapan kang paniwalaan ito pero ito ang katotohanan. Kung hindi, sa tingin mo, paano ako nagpakilos ng napakaraming tao para habulin ka? Tingnan mo ang lahat ng helicopter na ito at ang mga lalaking nakaitim na may mga baril. Kung hindi ako ang young master ng pamilya Wade, nagtagumpay ka na sa krimen mo.”“Pero… pero…” Tinanong nang hindi makapaniwala
Read more

Kabanata 1038

Ang pinakamasakit sa mundong ito ay mapagtanto na talagang imposibleng mahabol ng isang tao ang kalaban nila kahit na may ilang buhay pa sila.Sa sandaling ito, nahihiya na talaga si Max sa sarili niya!Tumingin siya kay Charlie na may mga luha sa kanyang mga mata habang nabulunan siya at sinabi, “Charlie, tanggap ko na. Talo na talaga ako. Pwede mo akong patayin. Pagod na ako at sawa sa mundong ito at sa sarili ko… Pakiusap at palayain mo na ako…”Tumango si Charlie bago siya tumingin kay Max at sinabi nang seryoso, “Max, ang krimen mo ang pinakamababa sa mga taong mamamatay ngayong araw. Pero, ang lahat ng tao na mamamatay ngayong araw ay gumawa na ng isang kapital na krimen, kasama ka. Kaya, sana ay magkaroon ka ng magandang buhay sa susunod na buhay!”Ngumiti nang miserable si Max at sinabi, “Sa susunod na buhay ko… pagkatapos kong marinig ang kwento mo, bigla akong nagkaroon ng pakiramdam na mahirap ang magiging buhay ko. Kahit na mabuhay ulit ako sa susunod na buhay, marahil
Read more

Kabanata 1039

Pagkatapos mamatay ni Dax, biglang nakaramdam ng kaunting lungkot si Charlie.Hindi siya malungkot dahil naaawa siya kay Max. Sa halip, naramdaman niya na nakakasama talaga ng loob na ang isang tao ay magiging isang uri ng tao na pinaka kinamumuhian niya.Si Max ay nasa kalagitnaan ng pagkabinata niya. Kung hindi siya naligaw ng landas, may pagkakataon siyang baguhin ang kapalaran niya. Marahil, pagkalipas ng ilang taon, may pagkakataon siyang pakasalan ang isang maputi, mayaman, at magandang babae, maging isang CEO, at maabot ang rurok ng buhay niya.Pero, ganito ang buhay. Kayang bumangon ng iba kapag nahulog sila sa bangin, pero ang ilan ay hinding-hindi makakalabas kapag nahulog sila.Habang nakatingin siya sa umaalon na ilog, sumama ang loob ni Charlie nang kaunti bago siya humarap kay Isaac, “Okay. Tulungan mo akong dalhin ang mga bata sa hospital para ipa-check up upang makita kung may mali sa kanila. Pagkatapos, sabihan mo ang isang tao mula sa bahay ampunan na pumunta at s
Read more

Kabanata 1040

Sa sandaling ito, si Donald at ang asawa niya, si Alice ay pinapakalma si Kian na katatapos lang kainin ang kanyang extra meal.Si Sean, bilang pinakamatandang apo, ay dala-dala ang hapunang inihanda ng mga katulong nila sa kwarto ng kanyang lolo.Nang binuksan niya ang pinto sa kwarto, nakita niya na kumikibot nang hindi mapigilan ang matandang lalaki sa carpet. Sobrang putla rin ng mukha niya habang bumubula ang kanyang bibig!Nagulantang si Sean at nagmamadali siyang umabante para suriin ang kanyang lolo. Napagtanto niya na mukhang na-stroke ang matandang lalaki. Nang tumingin siya sa kamay ng matandang lalaki, nakita niya na nakahawak siya nang mahigpit sa kanyang cellphone habang nanginginig ang kanyang kamay. Nakatingin siya sa isang video sa kanyang cellphone. Bakit parang kamukha ng kanyang tito ang taong nasa video?Pinulot niya nang hindi nag-iisip ang cellphone para tingnan ang video. Sa sandaling ito, nagkataon na nakita niyang nababaliw ang kanyang tito habang hawak-ha
Read more
PREV
1
...
102103104105106
...
562
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status