Ang pinakamasakit sa mundong ito ay mapagtanto na talagang imposibleng mahabol ng isang tao ang kalaban nila kahit na may ilang buhay pa sila.Sa sandaling ito, nahihiya na talaga si Max sa sarili niya!Tumingin siya kay Charlie na may mga luha sa kanyang mga mata habang nabulunan siya at sinabi, “Charlie, tanggap ko na. Talo na talaga ako. Pwede mo akong patayin. Pagod na ako at sawa sa mundong ito at sa sarili ko… Pakiusap at palayain mo na ako…”Tumango si Charlie bago siya tumingin kay Max at sinabi nang seryoso, “Max, ang krimen mo ang pinakamababa sa mga taong mamamatay ngayong araw. Pero, ang lahat ng tao na mamamatay ngayong araw ay gumawa na ng isang kapital na krimen, kasama ka. Kaya, sana ay magkaroon ka ng magandang buhay sa susunod na buhay!”Ngumiti nang miserable si Max at sinabi, “Sa susunod na buhay ko… pagkatapos kong marinig ang kwento mo, bigla akong nagkaroon ng pakiramdam na mahirap ang magiging buhay ko. Kahit na mabuhay ulit ako sa susunod na buhay, marahil
Pagkatapos mamatay ni Dax, biglang nakaramdam ng kaunting lungkot si Charlie.Hindi siya malungkot dahil naaawa siya kay Max. Sa halip, naramdaman niya na nakakasama talaga ng loob na ang isang tao ay magiging isang uri ng tao na pinaka kinamumuhian niya.Si Max ay nasa kalagitnaan ng pagkabinata niya. Kung hindi siya naligaw ng landas, may pagkakataon siyang baguhin ang kapalaran niya. Marahil, pagkalipas ng ilang taon, may pagkakataon siyang pakasalan ang isang maputi, mayaman, at magandang babae, maging isang CEO, at maabot ang rurok ng buhay niya.Pero, ganito ang buhay. Kayang bumangon ng iba kapag nahulog sila sa bangin, pero ang ilan ay hinding-hindi makakalabas kapag nahulog sila.Habang nakatingin siya sa umaalon na ilog, sumama ang loob ni Charlie nang kaunti bago siya humarap kay Isaac, “Okay. Tulungan mo akong dalhin ang mga bata sa hospital para ipa-check up upang makita kung may mali sa kanila. Pagkatapos, sabihan mo ang isang tao mula sa bahay ampunan na pumunta at s
Sa sandaling ito, si Donald at ang asawa niya, si Alice ay pinapakalma si Kian na katatapos lang kainin ang kanyang extra meal.Si Sean, bilang pinakamatandang apo, ay dala-dala ang hapunang inihanda ng mga katulong nila sa kwarto ng kanyang lolo.Nang binuksan niya ang pinto sa kwarto, nakita niya na kumikibot nang hindi mapigilan ang matandang lalaki sa carpet. Sobrang putla rin ng mukha niya habang bumubula ang kanyang bibig!Nagulantang si Sean at nagmamadali siyang umabante para suriin ang kanyang lolo. Napagtanto niya na mukhang na-stroke ang matandang lalaki. Nang tumingin siya sa kamay ng matandang lalaki, nakita niya na nakahawak siya nang mahigpit sa kanyang cellphone habang nanginginig ang kanyang kamay. Nakatingin siya sa isang video sa kanyang cellphone. Bakit parang kamukha ng kanyang tito ang taong nasa video?Pinulot niya nang hindi nag-iisip ang cellphone para tingnan ang video. Sa sandaling ito, nagkataon na nakita niyang nababaliw ang kanyang tito habang hawak-ha
Nagdikit sina Donald at Alice habang nakatitig sila sa cellphone. Tuluyang bumagsak ang mentalidad nila pagkatapos panoorin ang nakakapangilabot na video na ito.Nagpapanic na siya nang makita niyang sinasakal ng kanyang kapatid na lalaki ang kanyang hipag. Nang makita niyang na-weld ang kapatid niyang lalaki sa kotse habang nalunod siya sa lumulubog na kotse sa ilog, bumagsak agad siya. Nanlambot ang mga binti niya at nahulog agad siya sa sahig.Pagkatapos, umiyak agad siya nang desperado, “Nelson! Ang kapatid ko! Namatay ka nang miserable! Ngayong patay ka na, wala na ang lahi ng pamilya Bishop natin! Paano mo aasahang harapin ng kapatid mo ang mga magulang natin sa hinaharap? Paano ko haharapin ang mga ninuno ng pamilya Bishop?”Pagkatapos niyang magsalita, sinuntok ni Alice ang sahig nang malakas gamit ang kamao niya bago siya sumigaw na parang baliw, “Kapatid ko, sabihin mo sa ate mo kung sinong pumatay sa’yo! Sisiguraduhin ko na pagpipira-pirasuhin ko siya para ipaghiganti ka!
Ang ilang kumpanya na may halagang mahigit sampung bilyong dolyar ay kayang bumagsak hanggang sa maging ilang daang milyong dolyar na lang sila. Ang ibig sabihin ay mahigit ninety percent ang ibinaba ng mga kayamanan nila!Ang ibang kumpanya pa ay pwedeng ma-bankrupt dahil sa isang maliit na problema sa kanilang produkto. Pero, maikukumpara ba ito sa mga paratang na kaharap ng pamilya Webb ngayon?Sa sandaling ito, marahil ay ang pamilya Webb ang panakas para sa beggar syndicate ni Nelson. Masisisi ang pamilya Webb sa mga lahat ng walang konsensyang ginawa niya!Kinakabahan nang sobra si Donald sa sandaling ito. Dahil alam niya sa puso niya na sobrang laking sakuna at problema ang kaharap ng pamilya Webb ngayon!Kaya, sinabi niya agad sa kanyang assistant, “Maglabas ka agad ng pahayag sa ilalim ng pangalan ng grupo. Sabihin mo na kahit na bayaw ko nga si Nelson, walang kaalaman ang pamilya Webb sa ginagawa ni Nelson o kung saan siya kasangkot. Ang lahat ng ito ay ginawa lang ni Nel
Habang pinapagalitan ang pamilya Webb sa Internet, naglabas na ang Webb Group ng pahayag sa iba’t ibang channel.Pero, nakikita ng lahat ng netizen na isa lang itong pahayag para ihiwalay ang sarili nila upang hindi sila ang masisi.Alam ng lahat na talagang imposible para sa isang taong kasing galing ni Donald na hindi malaman ang trabaho ng kanyang bayaw.Walang kredibilidad sa pahayag dahil nagpahayag lang siya upang linisin ang kanyang sarili sa oras na ito.Bukod dito, maraming tao sa Internet ang tumingin na sa karanasan sa buhay ni Nelson.Sa una ay isang mahirap na pamilya lang ang pamilya Bishop sa South Region. Wala silang masyadong pera at hindi sila maunald na pamilya.Naging maganda lang ang buhay ng pamilya Bishop nang si Alice, ang anak na babae ng pamilya Bishop, ay nagpakasal kay Donald.Pero, hindi maganda ang buhay ng mga magulang ni Alice. Namatay sila sa cancer kailan lang pagkatapos ikasal ang anak nila.Nang namatay sila, wala pa ring trabaho si Nelson at
Pagkatapos, nagkataon na naging konektado siya sa pamilya Webb.Dati, ang nakababatang kapatid ni Sean, si Kian, ay nalantad sa Internet dahil binigyan niya ng mga psychological hints ang mga dalaga at pinukaw ang isang babae na tumalon sa building.Sa oras na iyon, kinuha ng pamilya Webb ang shill na ito. Hiniling nila sa shill na gumanti at baliktarin ang katotohanan para magmukhang ang babae ang sakim sa pera at sinusubukan niyang ikasal sa isang mayamang pamilya kahit na si Kian ang pumilit sa dalaga na patayin niya ang sarili niya. Gusto nilang palabasin na ang dalaga ang nagbanta na tatalon siya sa building nang nabigo siyang ligawan si Kian bago siya namatay nang hindi sinasadya.Sa sandaling iyon, ginamit ng shill ang kanyang walang hiya at makapangyarihang diskarte para baliktarin ang katotohanan sa Internet. Kinumbinsi niya ang mga netizen na naparusahan lang ang dalaga sa sarili niyang mga ginawa. Sa huli, pinagalitan ng maraming netizen ang dalaga sa Internet at sinabi n
Ang shill na nagngangalang ‘Know One’s Place and Abide by the Law’ ay isang walang hiya at ordinaryong tao lang.Kahit na may abilidad siyang mangamoy ng mga shill, wala siyang binatbat sa isang totoong magaling na hacker.Pagkatapos ihack ng hacker ang computer niya, agad niyang nakuha at inimbestigahan ang bawat detalye ng kanyang personal na impormasyon.Una, ang taong ito ay galing sa Hovemar Province at ang bahay niya ay matatagpuan sa Liebataral.Pangalawa, nakatanggap nga ng dalawampung miylong dolyar ang taong ito mula sa pamilya Webb.Isa pa, ginamit din ng tangang lalaking ito ang sarili niyang bank card para kolektahin ang pera.Nakita rin ng hacker ang chat history sa pagitan ng sahill at ng pamilya Webb.Sa chat history, humingi ng tulong si Sean sa kanya na linisin ang pangalan ng pamilya Webb. Sumagot agad ang shill na mayroon siyang sampung libong paraan para linisin ang pangalan ng pamilya Webb. Bukod dito, sinabi niya rin na mahigit isang beses niya na itong gi
Agad-agad, pangatlong araw na. Dumating nang maaga si Mr. Chardon sa Antique Street, sabik na naghihintay ng magandang balita mula kay Zachary.Sa sandaling ito, kinakabahan at hindi mapakali si Mr. Chardon. Ayon sa mga pangangailangan ng British Lord, kailangan niyang puksain ang mga Acker bago maghatinggabi, na bago mag 11:00 p.m. ngayong gabi.Balak din ni Mr. Chardon na pumunta sa Willow Manor ng 7:00 p.m. ngayong gabi. Tahimik muna siyang maghahanap ng ligtas na lugar sa Willow Manor para pagtaguan at hintayin ang perpektong pagkakataon para umatake. Kapag tama na ang oras, aatakihin niya agad at uubusin ang mga Acker.Kaya, ang pinakamalaking hiling niya ngayong araw ay makakuha ng mas maraming mahiwagang instrumento kay Zachary bago mag 7:00 p.m. Kahit na alam niya na baka itayo lang ni Zachary ang stall niya sa hapon o kahit mamaya pa, dumating si Mr. Chardon at balisang naghintay sa Antique Street sa umaga.Pero, nahuli na naman si Zachary at dumating lang sa hapon.Nang
Lumapit si Mr. Chardon sa sandaling itinayo ni Zachary ang stall niya. Nang makita ni Mr. Chardon na may hangover si Zachary, hindi niya mapigilan na tanungin siya, “Zachary, binigyan ka na ba ng sagot ng boss mo?”Umiling si Zachary, humikab, at sinabi, “Hindi pa. Nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para ma-withdraw ang pera simula kagabi, pero limitado ang dami ng pera na pwedeng malabas, kaya marahil ay matagalan ito.”Medyo nabsali at nainip si Mr. Chardon habang sinabi, “Zachary, baka kailangan ko na umalis sa Aurous Hill bukas ng gabi. Marahil ay hindi na tayo magkita sa hinaharap pagkatapos kong umalis.”May nanghihinayang na ekspresyon si Zachary habang sinabi, “Boss, medyo mahigpit nga ang oras na bukas ng gabi. Bakit hindi ka muna manatili ng ilang araw? Maghintay ka lang ng tatlo o limang araw, at marahil ay makukuha mo ang gusto mo. Kung nababagot ka, pwede kang sumama sa Shangri-La sa akin. May presidential suite ako doon na may apat na kwarto. Isang kwarto lang ang ga
Nagpapanggap lang si Zachary ayon sa pagsasaayos ni Charlie sa sunod-sunod na pagtatanghal na ito. Sa ibang salita, kumakain siya, umiinom, at inaaliw ang sarili niya gamit ang public funds na inaprubahan ng boss niya.Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na aliwin ang sarili niya at magsaya gabi-gabi ay dahil nag-aalala siya na palihim na babantayan ni Mr. Chardon si Zachary.Hindi pwedeng hayaan ni Charlie na mabunyag ni Zachary ang kahit anong bakas bago pa kumkilos si Mr. Chardon. Basta’t walang mabubunyag na bakas si Zachary, siguradong walang pagbabago sa makalawa ng gabi. Sa sandaling nabunyag ang sikreto, posible na maagang kumilos si Mr. Chardon.Sa sandaling ito, patuloy na binabantayan ni Mr. Chardon si Zachary, at nakikinig pa siya nang mabuti sa pag-uusap nila ng babaeng escort. Sa tuwing pinagmamasdan niya si Zachary, mas naniniwala siya sa pagkatao ni Zachary at sa lahat ng sinabi sa kanya ni Zachary.Sa paningin niya, kumikita si Zachary ng pera sa
Sinabi ni Charlie, “Hayaan mo muna na maghintay siya kung gusto niya ng mga produkto. Malapit na nag-uugnayan ang pulis at ang mga bangko kailan lang, kaya madali kang pupuntiryahin kung hindi alam kung saan galing ang pinagmulan ng napakalaking pera, lalo na kung transaksyon ito sa US dollars. Kaya, kailangan mong linisin ang lahat ng pera na natanggap mo sa nakaraang ilang araw at sabihan ang buyer na ipapadala mo sa kanya ang mga produkto sa loob ng isang linggo.”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “Pero hindi kayang maghintay ng buyer nang gano’n katagal. Sinabi niya sa akin ngayong araw na kaya niya lang maghintay hanggang sa makalawa bago maggabi. Hindi ba’t dapat nating ipadala ang mga produkto nang mas maaga? Dahil, kapag wala na ang pagkakataon na ito, marahil ay hindi na siya bumalik.”Nang marinig ni Charlie na binanggit ni Zachary na makakapaghintay lang hanggang sa makalawa bago maggabi ang great earl mula sa Qing Eliminating Society, biglang nakaramdam ng lamig si Char
Alam ni Mr. Chardon na kahit anong mangyari, kailangan niyang gawin ang misyon na binigay sa kanya ng British Lord makalipas ang dalawa’t kalahating araw. Sa lakas niya, madali lang ang pagpatay sa mga Acker kahit na pinoprotektahan sila nang matindi ng mga bodyguard ng mga Acker.Pero, alam niya na sa sandaling ginalaw niya ang mga Acker, mahihirapan siyang makatakas nang walang sugat sa ilalim ng opisyal na pagtutugis sa Oskia. Sa sandaling iyon, mawawalan siya ng pagkakataon na makakuha pa ng mga mahiwagang instrumento mula kay Zachary.Sa sandaling iyon, inisip din ni Mr. Chardon kung dapat niya bang samantalahin ang pagkakataon na hulihin si Zachary at puwersahin siya na maglabas ng impormasyon tungkol sa boss niya at sundan ang bakas para hanapin ang boss niya, direktang harapin ang nakamamatay na tunggalian.Pero, nag-aalala siya na maaaring maglabas ng impormasyon ang paggawa ng masyadong maraming ingay. May malawak na network ang mga Acker, kaya kapag may naramdaman sila, p
Habang nadidismaya siya, si Zachary, na nasa gilid, ay nagsalita at sinabi, “Tatang, sa opinyon ko, dapat mo rin bilhin ang jade ring na ito. Magmumukha kang sobrang engrande kapag sinuot mo ang dalawang jade ring sa magkabilang hinlalaki!”Palihim na inisip ni Mr. Chardon, ‘Dahil sinabi ko na sa British Lord ang tungkol sa singsing na ito, maganda na kaya kong makabili ng pangalawa ngayon. Kaya kong ibigay ang isa sa mga jade ring sa British Lord at itago ang isa. Kahit papaano, hindi ako magsisisi kung mahalaga ito.’Nang maisip ito, sinabi ni Zachary, “Okay. Dahil tinadhana ako sa mga jade ring, bibilhin ko rin ito. 500 thousand dollars pa rin ito, tama?”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “tatang, hindi na sapat ang 500 thousand dollars ngayon. Sinabi ng supplier ko na ito na ang huling singsing, at wala nang matitira pagkatapos kong ibenta ito, kaya hindi ito mabebenta ng mas mababa sa one million US dollars.”“One million US dollars?” Sinabi ni Mr. Chardon nang may ilang pag
Pamilyar na si Mr. Chardon sa proseso ngayon. Binuksan niya agad ang kanyang cellphone at ipinadala ang 200 thousand US dollars kay Zachary.Pagkatapos itong gawin, tinanong niya nang naiinip, “Zachary, pwede mo na bang dalhin dito ang mga produkto?”Tinapik ni Zachary ang dibdib niya at sinabi, “Mangyaring maghintay ka saglit, tatang. Tatawagan ko siya at pipilitin ngayon din!”Ipinaalala nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Ang gusto ko lang ay ang mga bagay na galing sa parehong pinagmulan ng dalawang binili ko. Huwag mo akong subukang lokohin.”Sinabi ni Zachary nang may seryosong ekspresyon, “Tatang, makasisiguro ka na maraming taon ko na itong ginagawa dahil palagi akong umaasa sa salitang ‘katapatan’. Hindi ako gagawa ng kahit anong panloloko. Tinawagan na ako ng boss ko at sinabi niya na magpapadala pa siya ng isang produkto. Maghintay ka lang saglit!”Biglang nanabik si Mr. Chardon at sinabi, “Talaga?! Magaling!”Naghintay ang dalawa ng halos dalawampung minuto ng isang del
Pero, inisip niya lang ang mga ito, at hindi siya nangahas na kaswal na gumawa ng problema bago puksain ang mga Acker. Kaya, tumalikod na lang siya nang nag-aatubili at patuloy na naglakad sa ibang direksyon.Sa sandaling ito, wala siyang ideya na nakahanap na si Ruby ng isang upuan sa tabi ng bintana sa second floor ng tea house sa tabi ng Antique Street at pinagmamasdan siya sa malayo.Sa sandaling iyon, si Zachary, na humihikab habang kinakaladkad ang mga produkto niya, ay naglakad mula sa entrance ng Antique Street.Nakita siya ni Mr. Chardon sa isang tingin, at tumakbo siya papunta sa kanya nang malugod, at tinanong, “Zachary, saan ka galing? Kaninang umaga at tanghali pa kita hinihintay pero hindi ko man lang nakita ang anino mo!”Humikab si Zachary, tamad na tinakpan ang bibig niya gamit ang kanyang palad habang gumawa ng mga tinatamad na tunog. Pagkatapos humikab, nag-unat siya nang tamad bago sinabi, “Tatang, may stall ako, hindi ako nagtatrabaho ng 9-to-5. Pupunta ako kah
Nang nagmamadaling pumunta si Zachary sa opisina ni Isaac, magulo ang buhok niya, at ang katawan niya ay may halong amoy ng alak at pabango. May ilang makintab at nakakaakit na marka ng lipstick pa sa mukha niya.Nang makita si Charlie, nagmamadali siyang ngumiti na parang humihingi ng tawad at tinanong, “Master Wade, hinahanap mo ba ako?”Tumango si Charlie at tinanong, “Nag-enjoy ka ba sa pag-inom kagabi?”Pinunasan ni Zachary ang kanyang bibig, ngumisi, at sinabi, “Master Wade, uminom ako nang mabuti kagabi!”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Dahil uminom ka nang mabuti, oras na para magtrabaho ka sa hapon.”Tumayo agad nang tuwid si Zachary at tinanong nang magalang, “Master Wade, anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang ang mga utos mo!”Humuni si Charlie bilang sagot at tinanong, “Zachary, bumalik ka ba dala-dala ang isa pang jade ring?”Sinabi agad ni Zachary, “Oo. Nakuha ko na ito! Kagabi, nilagay ko ito sa safe sa kwarto habang hindi pa ako lasing!”Tumango