Pagkatapos, nagkataon na naging konektado siya sa pamilya Webb.Dati, ang nakababatang kapatid ni Sean, si Kian, ay nalantad sa Internet dahil binigyan niya ng mga psychological hints ang mga dalaga at pinukaw ang isang babae na tumalon sa building.Sa oras na iyon, kinuha ng pamilya Webb ang shill na ito. Hiniling nila sa shill na gumanti at baliktarin ang katotohanan para magmukhang ang babae ang sakim sa pera at sinusubukan niyang ikasal sa isang mayamang pamilya kahit na si Kian ang pumilit sa dalaga na patayin niya ang sarili niya. Gusto nilang palabasin na ang dalaga ang nagbanta na tatalon siya sa building nang nabigo siyang ligawan si Kian bago siya namatay nang hindi sinasadya.Sa sandaling iyon, ginamit ng shill ang kanyang walang hiya at makapangyarihang diskarte para baliktarin ang katotohanan sa Internet. Kinumbinsi niya ang mga netizen na naparusahan lang ang dalaga sa sarili niyang mga ginawa. Sa huli, pinagalitan ng maraming netizen ang dalaga sa Internet at sinabi n
Ang shill na nagngangalang ‘Know One’s Place and Abide by the Law’ ay isang walang hiya at ordinaryong tao lang.Kahit na may abilidad siyang mangamoy ng mga shill, wala siyang binatbat sa isang totoong magaling na hacker.Pagkatapos ihack ng hacker ang computer niya, agad niyang nakuha at inimbestigahan ang bawat detalye ng kanyang personal na impormasyon.Una, ang taong ito ay galing sa Hovemar Province at ang bahay niya ay matatagpuan sa Liebataral.Pangalawa, nakatanggap nga ng dalawampung miylong dolyar ang taong ito mula sa pamilya Webb.Isa pa, ginamit din ng tangang lalaking ito ang sarili niyang bank card para kolektahin ang pera.Nakita rin ng hacker ang chat history sa pagitan ng sahill at ng pamilya Webb.Sa chat history, humingi ng tulong si Sean sa kanya na linisin ang pangalan ng pamilya Webb. Sumagot agad ang shill na mayroon siyang sampung libong paraan para linisin ang pangalan ng pamilya Webb. Bukod dito, sinabi niya rin na mahigit isang beses niya na itong gi
Nilapitan siya ng isa sa mga lalaking nakaitim sa gamit ang ilang hakbang bago niya tinutok ang pistol sa kanyang noon habang tinanong sa malamig na boses, “Ikaw ba ang ‘Know One’s Place and Abide by the Law’?Natakot nang sobra ang pinuno ng villa at sinabi niya nang nagmamadali, “Hindi! Hindi! Hindi ko maintindihan ang sinasabi niyo. Sino kayo?”Sumagot nang malamig ang nakaitim na lalaki, “Malalaman mo rin kung sino kami. Sumama ka sa amin!”Sumigaw nang nagmamadali ang pinuno ng mga shill, “Sumama sa inyo! Bakit kayo nanghihimasok sa bahay ko? Kung hindi kayo aalis, tatawagan ko ang pulis!”Umabante ang dalawang lalaking nakaitim. Isa sa kanila ay sinunggaban ang dalawang braso ng shill at inikot ito bago ito binali nang direkta ng isa pang nakaitim na lalaki.Sumigaw sa sakit ang pinuno ng mga shill pero walang balak na pagbigyan siya ng kabila. Direkta niyang pinuntirya sa forty-five degree angle bago niya sinipa ang parehong tuhod niya gamit ang kanyang paa at binali agad
Naramdaman ni Sean na talagang hindi ito makatarungan.Gusto niya lang tumulong at hatiin ang pasan ng ama niya. Pero, hindi niya talaga inaakala na hindi maaasahan nang sobra ang pinuno ng mga shill.Hindi lamang na hindi siya maaasahan, ngunit nangahas pa siyang pagtaksilan siya!Nagalit siya nang sobra at sinabi kay Donald, “Pa! Kinuha na ng pinuno ng mga shill ang pera ko at talagang nangahas siyang ilantad ako? Sisirain ko siya!”Sumagot nang malamig si Donald, “Pambihira talaga ang katangahan mo! Paano magkakaroon ng kapangahasan ang isang ordinaryong shill na tulad niya na labanan ang pamilya Webb? Siguradong ang taong nasa likod nito ang may pakana at pinaglalaruan niya tayo!”Tinanong nang nagmamadali ni Sean, “Pa, sino ba ito sa tingin mo? Sinong magkakaroon ng tapang na patayin si Tito at ang lahat ng core member ng Beggar Clan, at nangahas pang labanan nang lantaran ang pamilya Webb?”Nagngalit si Donald at sinabi, “Pinag-iisipan ko rin ang tungkol dito. Pero, wala ta
Mayroong gulat na ekspresyon si Donald sa kanyang mukha. Nag-atubili siya nang kaunti bago siya kumaway at sinabi, “Hindi, imposible pa rin ito. Imposibleng maging manugang ng isang pamilya sa Aurous Hill ang isang miyembro ng pamilya Wade! Masyado itong nakakainsulto at nakakababa! Hindi lamang ito imposible para sa pamilya Wade, pero kahit sa pamilya Webb na one-tenth lang ng pamilya Wade, talagang imposibleng hayaan kita o ang kapatid mo na pumunta sa Aurous Hilll para maging isang manugang ng isang maliit na pamilya! Hindi ito pasok sa common sense!”Sumimangot si Sean at sinabi, “Paano natin ito iisipin kung gano’n? Wala ba tayong paraan para gawing detalyado ang tungkol dito. May kinalaman ba ito kay Charlie?”Sinabi ni Donald, “Hinala ko na may kinalaman ito sa kanya pero hindi ko maisip ang koneksyon. Nagkataon lang na nagbabalak na kaming maghiganti sa kanya. Ngayon, pwede tayong maghiganti at mag-imbestiga nang sabay!”Tinanong nang nagmamadali ni Sean, “Pa, ang ibig sabih
Sa sandaling ito, nasa himpapawid na ng Aurous Hill ang helicopter ni Charlie.Tinanong ni Isaac si Charlie, “Young Master, anong balak mong gawin sa anak na babae ni Nelson?”Sinabi nang magaan ni Charlie, “Wala na ang mga magulang niya kaya isa na siyang ulila ngayon. Ipadala mo siya sa bahay ampunan.”Sinabi nang nagmamadali ni Isaac, “Young Master, sa tingin ko ay mas mabuti kung wala kang iiwan…” Kumaway si Charlie at sinabi, “May mga bagay na dapat gawin ng isang lalaki, at may mga bagay na hindi dapat. Imposibleng saktan ko ang isang bata. Ipadala mo siya sa bahay ampunan. Huwag mo silang pigilan kung may pupuntang tao sa pamilya Webb para iuwi siya.”Tumango si Isaac at sinabi, “Sa tingin ko ay imposible para sa pamilya Webb na pumunta at ampunin ang batang ito. Dahil, kinamumuhian nang sobra ng pamilya Webb si Nelson at ang kanyang asawa. Tinatantya na mahigit kalahati ng kayamanan ng pamilya Webb ang mawawala ngayon. Makikita ito sa stock market bukas.”Bahagyang ngumi
Habang nagsasalita siya, tinanong ni Mrs. Lewis sa mahinang boses, “Charlie, ikaw ba ang kumuha ng video at nagpost nito sa Internet? Ikaw ba ang nakahanap sa mga bata?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Mrs. Lewis, masyadong mataas ang tingin mo sa akin. Paano ako magkakaroon ng ganitong klaseng lakas at abilidad?”Nanahimik nang ilang sandali si Mrs. Lewis bago siya nagbuntong hininga at sinabi, “Pinanood ko ang video at mukhang patay na si Max… hindi ko talaga inaasahan na ito ang lalakarang landas ng batang ito…”Nagbuntong hininga rin si Charlie at sinabi, “Pinanood ko rin ang video. Si Max ang nagkusang pumili ng maling daan kaya hindi ka dapat malungkot nang sobra, Mrs. Lewis.”“Alam ko…” Sumagot si Mrs. Lewis sa malungkot na paraan, “Akala ko na siguradong ako ang mauunang mamatay sa inyong lahat ng mga bata. Iniisip ko pa rin na pupunta kayong lahat sa memorial service ko para bigyan ako ng bulaklak kapag matanda na ako at pumanaw na ako…”Habang sinasabi niya ito, umiyak na
Sa sandaling ito, naramdaman ni Joey na para bang gumuguho na ang buong mundo sa harap niya.Hindi siya makapaniwala na patay na si Max. Pero, sobrang linaw ng litrato ng pagkahulog ni Max sa ilog sa video.Alam niya na patay na talaga si Max. Ang pinakamalaking tanong ngayon ay, kung kanino niya kukunin ang anim na raan at dalawampung libong dolyar?Kung hindi niya makukuha ang kanyang pera, tapos na siya. Talagang tapos na siya.Ito ay dahil ang limang daang libong dolyar na inutang niya ay patuloy na mag-iipon ng interes at sa huli ay sobrang laki ng kalalabasan nito. Papunta na siya sa wakas niya kung gano’n.Kaya, nag-dial agad siya ng 110 para tawagan ang pulis. Pagkatapos kumonekta ng tawag, sinabi niya nang nagpapanic, “Police officer, naloko ako! May nanloko sa akin ng anim na raan at dalawampung libong dolyar ko pero patay na siya ngayon. Anong gagawin ko?”Sumagot ang pulis, “Kung patay na ang taong ito, wala kaming magagawa dito. Payo ko na magsampa ka ng lawsuit sa k
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro