Share

Kabanata 1051

Penulis: Lord Leaf
Sa sandaling ito, naramdaman ni Joey na para bang gumuguho na ang buong mundo sa harap niya.

Hindi siya makapaniwala na patay na si Max. Pero, sobrang linaw ng litrato ng pagkahulog ni Max sa ilog sa video.

Alam niya na patay na talaga si Max. Ang pinakamalaking tanong ngayon ay, kung kanino niya kukunin ang anim na raan at dalawampung libong dolyar?

Kung hindi niya makukuha ang kanyang pera, tapos na siya. Talagang tapos na siya.

Ito ay dahil ang limang daang libong dolyar na inutang niya ay patuloy na mag-iipon ng interes at sa huli ay sobrang laki ng kalalabasan nito. Papunta na siya sa wakas niya kung gano’n.

Kaya, nag-dial agad siya ng 110 para tawagan ang pulis. Pagkatapos kumonekta ng tawag, sinabi niya nang nagpapanic, “Police officer, naloko ako! May nanloko sa akin ng anim na raan at dalawampung libong dolyar ko pero patay na siya ngayon. Anong gagawin ko?”

Sumagot ang pulis, “Kung patay na ang taong ito, wala kaming magagawa dito. Payo ko na magsampa ka ng lawsuit sa k
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1052

    Gumastos siya ng dalawang milyong dolyar para bilhin ang kotseng ito at wala pang isang buwan simula noong binili niya ito!Ang mas malala pa ay tanga siya na direktang ibigay ang kotse sa binatang iyon!Sa una ay iniisip niya na pagbayarin niya ang binata sa pamamagitan ng pagbigay sa kanya ng bagong kotse.Ngayon, hindi lamang na wala siyang bagong kotse, ngunit hindi niya man lang alam kung nasaan na ang may sirang Phaeton niya!Nang maisip niya ito, nagngalit si Jayden at inisip niya: ‘Kahit ano pa, kailangan kong hanapin ang Phaeton ko sa lalong madaling panahon! Kung hindi, sobrang laki ng lugi ko!’Buti na lang, inutusan niya ang mga tauhan niya na pagbantaan ang binatang iyon bago ito mangyari. Kaya, alam niya kung saan nakatira ang binata.Kaya, hindi na niya inantala ito. Sinabi niya agad kay Albert, “Don Albert, kailangan kong lumabas at may gagawin muna ako. Babalik ako kapag tapos na ako.|Tumango si Albert at sinabi, “Kung gano’n, gawin mo muna ang dapat mong gawin

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1053

    Tinikom ni Joey ang kanyang bibig nang hindi mapalagay nang marinig niya ang malupit at direktang puna ng lalaki. Hindi na siya nakipagtalo, kaya nilinis niya ang kanyang lalamunan at sinabi nang nagmamadali, “Okay, pre, walong daan. Bilisan mo! Nagmamadali ako.”“Teka, paano ko malalaman na niloloko mo ako? Palagi kang hindi maaasahan, matagal ko nang natutunan ang leksyon ko! Ipadala mo muna ang pera sa akin!”“Okay, sige, pre, kumalma ka! Ipapadala ko na sa’yo ang pera ngayon. Bilisan mo, pumunta ka agad, huwag kang magtagal!”“Pupunta ako kapag natanggap ko na ang pera. Walang pera, walang usapan!”Nilabas nang nagmamadali ni Joey ang kanyang cellphone, binuksan ang kanyang mobile banking app, at handa na siyang ipadala ang walong daang dolyar sa lalaki, pero nang pinindot niya ang confirm payment, napagtanto niya na hindi sapat ang balance niya!Ngayon niya lang napagtanto na binigay niya ang halos lahat ng ipon niya kay Max at limang daang dolyar na lang ang natira sa kanya

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1054

    Sa sandaling ito, mayroong isang boses ng lalaki sa kabilang linya. Hingal na hingal siya habang sinabi sa sadyang mahinang boses, “Hoy, tigilan mo na ang kalokohan mo, okay? Bigyan mo na lang siya ng pera! Huwag mo siyang hayaang sirain ang sandali!”Biglang naging alerto si Joey at tinanong, “Janice, bakit may boses ng lalaki diyaan? Sino ang kasama mo?”“Pinsan ko siya! Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na sumakit ang baywang ko at nag-physiotherapy ako sa kama? Hindi ko makuha ang tamang pustura, kaya pinapunta ko siya para tulungan ako.”Bumulong ng isang ‘Oh’ si Joey, naalala niya na ginagawa niya rin ito nang tinawagan niya siya kailan lang, kaya hindi siya naghinala.Sinabi ni Janice sa inis. “Okay, sige, hindi ako makapagsalita ngayon, ipapadala ko na ang pera sa’yo ngayon din.”Tumili nang masaya si Joey at sinabi, “Ah, salamat, Janice baby, maraming salamat! Mahal kita!”“Okay, tama na, ibaba ko na ang tawag ngayon!”Pagkatapos ibaba ang tawag, ipinadala niya nga ang limang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1055

    Nasa kalagitnaan ng sama ng loob si Jayden, pero nangahas ang walang kwentang talunan na ito na hamunin siya habang naka-squat sa harap ng kotse niya!Nang hindi nagsasalita, itinaas niya ang kanyang binti at sinipa si Joey sa sahig. Pagkatapos, bago pa makalingon si Joey at makatayo, sumugod siya sa kanya para suntukin at sipain siya.Humagulgol si Joey sa sobrang sakit at minura nang galit, “P*ta, bakit mo ako sinasaktan? Bakit? Ginalit ba kita o ano? Baliw ka ba?”Sinuntok siya ni Jayden sa ilong niya, kaya napujno ng dugo ang kanyang mukha, at minura, “Ikaw ang baliw! Bakit ka naka-squat sa harap ng kotse ko? At saka, anong mayroon sa tono mo kanina habang nakikipag-usap sa akin? Ikaw mismo ang naghahanap ng pambubugbog!”Pagkatapos, nagtapon pa siya ng ilang suntok kay Joey at halos himatayin na si Joey sa sakin, naging malabo ang paningin niya at napuno ito ng bituin.Nang makita ng tauhan ni Jayden ang away, mabilis siyang lumabas sa kotse at sinamahan ang boss niya na bugb

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1056

    Nakakadiri ito nang sobra dahil kumalat ang dugo ni Joey sa kanyang pantalon!Sinipa siya palayo ni Jayden sa inis at galit at sumigaw siya nang mahigpit, “Hoy, tumigil ka na, p*ta! Baliw ka ba? Gusto mo ba talagang mamatay? Kailan naging sa’yo ang kotse ko?! P*ta!”Inisip ni Joey na isa rin si Jayden sa mga creditor ni Max na sinusubukang kunin ang kotse bilang kabayaran, kaya desperado siyang sumugod ulit, nakakapit sa binti ni Jayden, at sumigaw, “Hindi, sa akin ang kotseng ito! Hindi mo ito pwedeng kunin!”Nainis na nang sobra si Jayden sa sandaling ito. Sinunggaban niya ang kwelyo ni Joey, sinampal siya nang ilang beses, at minura, “Baliw ka bang p*ta ka? Hindi mo ba nakita na may susi ako? Kailan pa naging sa’yo ang kotse ko?”Humagulgol nang malakas si Joey, “Hindi! Kotse ito ni Max! May utang siya sa akin na anim na raang libong dolyar at gusto kong bayaran ang utang ko gamit ang kotseng ito. Hindi, hindi mo ito pwedeng kunin! Mamamatay ako kung kukunin mo ito!”“Put*ng in

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1057

    Sa wakas, nalantad na ang buong panloloko sa harap ng mga mata ni Joey.Hindi pala kasing yaman at katagumpay si Max tulad ng sinasabi niya, ngunit nasangkot din siya sa isang napakalaking gulo.Nabangga niya ang Phaeton ni Jayden at kailangan niyang bayaran si Jayden ng bagong kotse, kaya niloko niya siyang mag-invest ng anim na raang libo sa sinasabing investment na ipinagyayabang niya.Ang pinakamalala pa ay patay na ang g*gong iyon, ang ibig sabihin ay hindi niya na makikita ang pera niya kahit kailan.Sa sandaling ito, sobrang sakit ng puso niya, mas masakit pa ito sa pisikal na sakit na nararamdaman niya.Medyo naluwagan si Jayden dahil hindi na kasing baliw si Joey tulad kanina, at sinabi, “Ngayon alam mo na na sa akin ang kotse at kukunin ko na ito nang walang problema, okay?”Kahit na naiinis si Jayden kay Joey, alam niya na mas mabuti kung lalayo siya sa kanya pagkatapos makita ang baliw na kalagayan niya.Marami na siyang nakitang tao sa underworld, kaya alam niya na

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1058

    Pagkatapos, tumalikod ang lalaki at naglakad palayo, hindi na siya pinansin.Habang nag iika-ika, sinubukan siyang habulin ni Joey at nagmura sa likod niya, “Hoy, g*go, ibalik mo ang pera ko! Hoy! Papatayin kita!”“Baliw!”Nagmura ang lalaki, umakyat siya sa kanyang tow truck, at umalis na.Tumingin nang galit si Joey sa tow truck dahil malayo na ito ngayon. Siguradong hindi niya mahahabol ang truck at unti-unti nanamang napalitan ng kawalan ng pag-asa ang kanyang galit.Ang pinaka aalalahanin niya ngayon ay kung paano mabayaran ang limang daang libong dolyar na utang.Naramdaman niya na gumuguho na ang mundo niya.Sa sandaling ito, naisip niya si Janice, ang girlfriend niya.Si Joey ay isang ulila na walang mga magulang o kamag-anak na maaasahan. Nang naging sila ni Janice, kusa niya siyang tinanggap bilang kanyang nag-iisang kamag-anak.Ngayong natagpo siya ng isang napakalaking problema at desperado na siya, ang tanging pag-asa niya na lang ay makita ang kanyang mahal na ba

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1059

    Habang nakahiga nang nanghihina sa sahig, nakatitig siya nang takot sa taxi driver na naglalakad papunta sa kanya. Matagal nang nawala ang kanyang mayabang na ekspresyon noong pinagbantaan niya ang driver.Pumangit ang hitsura niya sa kawalan ng pag-asa at nagmakaawa siya, “Boss, kakabankrupt ko lang, wala na ako ni singko at marami akong utang! At nabugbog din ako! Pakiusap, wala talaga akong pera na maibabayad sa’yo, pagbigyan mo sana ako!”Umangil nang galit ang driver, “Sa tingin mo ba ay ikaw lang ang may utang? Sa tingin mo ba ay magmamaneho ako ng taxi kung mayaman ako? Sa tingin mo ba ay madaling kitain ang apatnapu’t limang dolyar? Kaya nitong punuin ang tiyan ko nang dalawang araw, p*ta! Bilisan mo at bayaran mo ako!”Umiyak si Joey sa desperasyon, “Boss, wala talaga akong pera o kahit anong mahalagang bagay sa akin. Maawa ka sana sa akin at pakawalan mo ako!”“Argh, tigilan mo na ang pagpapanggap mo! Tatawagan ko ang pulis kung hindi ka magbabayad!”Lumuhod nang nahihir

Bab terbaru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5924

    Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5923

    Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5922

    Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status