Nang dumating siya sa bahay ng girlfriend niya, kumatok siya sa pinto pero walang pumunta para buksan ito.Hindi niya alam na si Janice, ang kanyang girlfriend, ay nasa kwarto niya ngayon, nakikipagtalik sa isa sa mga kliyente niya na bumili ng pekeng sigarilyo sa kanya.Sinubukan niyang tawagan si Janice, pero hindi siya sumagot. Akala niya na natutulog siya, kaya pumunta siya sa flower vase sa gilid ng pinto at nakita ang isang susi.Nagkataon lang na nadiskubre niya ang sikretong ito. Isang araw, nakita niyang tinago ng ina ni Janice ang susi sa ilalim ng vase. Akala niya na madalas nagiging makakalimutan ang mga matatanda, kaya naglagay siya doon ng isa pang susi kung sakali.Salamat sa kanya, naging madaling daan ito para kay Joey.Pagkatapos kunin ang susi, binuksan ni Joey ang pinto at pumasok sa isang simpleng front yard ng bahay.Habang papalapit siya sa bahay, nalaman niya na nakasara ang pinto sa bahay pero hindi ito nakakandado, kaya binuksan niya ang pinto at pumasok
Tumayo nang nahihirapan si Joey. Tumingin siya nang masama sa lalaki at babae sa kama, puno ng galit at sama ng loob ang mga mata niya.Ang lakas ng loob nilang maglandian sa harap niya! Hindi ba sila nahihiya? Hindi man lang ba nila siya nakikita?”Napakalaking negatibong enerhiya na ang naipon sa loob niya ngayong araw at desperado siya sa pagpapagaan ng loob ni Janice dahil malapit na siyang mabaliw.Pero, bago pa siya dumating sa bahay ni Janice, inabuso siya nang pisikal at verbal ng taxi driver. Kailangan niya pang lumuhod at mag-kowtow sa kanya.Nasa bingit na siya ng pagkabaliw dahil dito.Sa hindi inaasahan, may mas malaking bomba na naghihintay sa kanya. Hinding-hindi niya inaasahan na pagtataksilan siya ng babaeng mahal niya!Nabaliw na siya nang sobra sa sandaling ito.Hindi na niya inisip ang mga utang na nagpapahirap sa kanya ngayon, o ang kahihiyan at pambubugbog na natamo niya ngayong araw. Ang naiisip niya na lang ngayon ay kung paano pagbabayaran ng dalawang wa
Pagkalipas ng limang minuto, nilabas ni Joey ang kanyang cellphone at tinawagan ang 911. “Hello, gusto kong isuko ang sarili ko?”Tinanong nang nagmamadali ng taong nasa kabilang dulo ng linya, “Anong nangyari? Bakit gusto mong sumuko?”Sinabi nang walang emosyon ni Joey, “Pumatay ako ng tao…”“Nasaan ka ngayon? Patay na ba sila?”“Oo!” Sumulyap ulit si Joey kay Janice, at pagkatapos ay mabagal niyang sinabi ang address ni Janice sa tawag.Pagkalipas ng sampung minuto, dalawang kotse ng pulis at isang ambulansya ang dumating sa bahay ni Janice sa halos magkaparehong oras.Sumugod ang pulis kasama ang doktor. Hinuli ng mga pulis si Joey at pinsoasan siya bago nila hinayaan ang doktor na suriin ang dalawang biktima.Inanunsyo nang mabilis ng doktor na patay na silang dalawa.Dinala agad ng mga pulis si Joey sa police car at pormal na inaresto siya.Habang nakaupo sa police car, sobrang kalmado at walang pakialam si Joey. Alam niya na ito na ang katapusan ng buhay niya, hindi mah
Ngayon lang nalaman ni Charlie ang balita tungkol kay Joey.Naging magulo ang group chat ng bahay ampunan ngayong araw.Walang makapaniwala sa kanila na kahapon lang sila nag-reunion, at dalawang kaibigan sa bahay ampunan ang namatay ngayong araw.Inaasahan na ang pagkamatay ni Max. Alam nila ang totoong kulay niya at kung ano ang ginawa niya, kaya hindi sila naawa sa pagkamatay niya.Pumasok na parang tsunami sa kanila ang balita tungkol kay Joey. Hinding-hindi nila inaakala na si Joey, na palaging mahilig pagsamantalahan ang iba, ay magiging isang mamamatay-tao.Pinatay niya ang kanyang girlfriend at ang kabit ng kanyang girlfriend!Nagpadala ng isang lumuluhang emoticon sa group chat, sinabi, “Bakit, bakit kailangang gawin ito ni Joey? Kahit na nagloko ang girlfriend niya, hindi niya dapat ginawa ang ganitong kasuklam-suklam na bagay!”Sumagot ang isa, “Hays, kahit na hindi kaibig-ibig na tao si Joey, nakakaawa talga siya. Mahal na mahal niya ang kanyang girlfriend, pero gani
Gayunpaman, walang oras si Donald para patahanin si Alice sa sandaling iyon. Sa halip na maawa siya sa kanya, dahil malapit na siyang mabaliw sa lungkot, kinamumuhian niya siya nang sobra.Kung hindi dahil sa kanya at sa walang kwentang kapatid niya, hindi maghihirap sa isang napakalaking krisis sa krebilidad ang pamilya Webb!Wala siyang pakialam sa pagkamatay ni Nelson, pero ang videong ginawa niya bago siya mamatay ay hinihila ang pamilya Webb pbaba kasama niya! Malaki ang posibilidad na mawala ang mahigit kalahating ari-arian ng pamilya nila. Kung gano’n, hindi na sila ang magiging pinakamalakas na pamilya sa South Region.Bukod dito, mas malala pang masangkot sa human trafficking. Siguradong matagal na hindi makakalimutan ng mga tao sa bansa ang tungkol dito. Kaya, magiging puntirya ang pamilya Webb ng mga masasamang atake nang napakatagal.Ang kalalabasan nito ay masama at malaking epekto sa negosyo ng pamilya. Marahil ay patuloy na liliit ang asset ng pamilya sa hinaharap.
Sa mga nakaraang buwan, parang isang taon ang bawat araw para kay Hannah.Siya ang pinakamatandang manugang na babae ng pamilya Wilson at hindi pa siya nakakaranas ng isang araw ng paghihirap o kawalan ng pag-asa dati. Sa totoo lang, noong malakas pa ang pamilya Wilson, sobrang marangya at kumportable ng buhay niya.Hindi niya masasabi na parang maharlika ang buhay niya, pero kumportable nga ang buhay nyia dati, kaya ang minahan ng uling ay parang impyerno sa kanya noong ipinadala siya dito para magmina ng uling araw-araw.Gayunpaman, siya pa rin ang may pinaka kumportableng buhay sa mga ipinadala sa coal mine.Ang mga lalaki ay kailangang magtrabaho ng labinlima o labing-anim na oras kada araw. Wala silang sapat na pagkain o mainit na damit na maisusuot at mga payat na buto na sila pagkatapos pahirapan araw-araw.Si Linda, ang manloloko, ay miserable rin. Dahil pangit siya at hindi gusto ng supervisor ang hitsura niya, hindi naiba ang oras ng trabaho niya sa mga lalaki.Medyo ma
Bukod dito, simula pa noong unang araw nang pwersahang ipinadala si Linda at ang pamilya niya sa impyernong ito, sobrang hirap ng naging trabaho nila, pero si Hannah? Naging kalaguyo siya ng supervisor dahil lang mas maraming oras niyang pinaganda ang sarili niya!Kaya, tumingin nang mapanghamak si Linda kay Hannah at sinumpa, “Sobrang corrupt ng ibang babae at pasikat na nakikipagtalik sila sa supervisor para lang makakuha ng kaunting benepisyo! Mga walang hiya sila!”Alam ni Hannah na kinukutya niya siya. Namula ang sa galit ang kanyang mukha, at sinumbat, “Linda, bantayan mo ang dila mo o hahayaan kitang magutom bukas!”Tumayo nang tuwid si Linda at sinabi, “Manahimik ka! Bakit puno ka ng kumpiyansa sa sarili mo, Hannah? Nakikipagtalik ka lang sa pangit na supervisor! Sa tingin mo ba talaga ay hindi ako mangangahas na hawakan ka dahil lang kalaguyo ka niya? Iiwan ka rin niya kapag nagsawa na siya sa’yo! Magiging katulad mo rin ako sa sandaling iyon!”“Lina, nakikita ko na sobran
Natakot nang sobra si Hannah at sinubukan niyang gumulong palayo kay Linda, natatakot siya na tatama talaga ang kalawit sa kanyang mukha.Natatakot ang bagay na ito, baka mahila nito ang mga mata niya!Pero, dahil may sugat ang binti ni Hannah, hindi niya maiiwasan ang mararahas na atake ni Linda. Kung patuloy siyang magwawala, sa kalaunan, mamamatay siya sa pag-atake niya!Sinubukang tumayo ni Hannah para tumakas, pero bumagsak uli siya dahil sa kanyang sugat sa likod ng binti.Nasa likod na niya si Linda, iwinawasiwas ang nakakatakot na kalawit na bakal sa likod niya.Hindi na siya maiwasan ni Hannah. Pinikit niya ang mga mata niya sa kawalan ng pag-asa, iniisip na ngayong araw na siya mamamatay.Sa kritikal na sandaling ito, ilang Toyota Land Cruiser Prados ang dumating sa coal mine at huminto sa harap nila.Tumama ang malakas na ilaw sa mukha ni Linda. Ilang lalaki ang lumabas sa kotse at tinutok ng isa sa kanila ang isang baril kay Linda at sumigaw, “Anong ginagawa mo? Ibab
Agad-agad, pangatlong araw na. Dumating nang maaga si Mr. Chardon sa Antique Street, sabik na naghihintay ng magandang balita mula kay Zachary.Sa sandaling ito, kinakabahan at hindi mapakali si Mr. Chardon. Ayon sa mga pangangailangan ng British Lord, kailangan niyang puksain ang mga Acker bago maghatinggabi, na bago mag 11:00 p.m. ngayong gabi.Balak din ni Mr. Chardon na pumunta sa Willow Manor ng 7:00 p.m. ngayong gabi. Tahimik muna siyang maghahanap ng ligtas na lugar sa Willow Manor para pagtaguan at hintayin ang perpektong pagkakataon para umatake. Kapag tama na ang oras, aatakihin niya agad at uubusin ang mga Acker.Kaya, ang pinakamalaking hiling niya ngayong araw ay makakuha ng mas maraming mahiwagang instrumento kay Zachary bago mag 7:00 p.m. Kahit na alam niya na baka itayo lang ni Zachary ang stall niya sa hapon o kahit mamaya pa, dumating si Mr. Chardon at balisang naghintay sa Antique Street sa umaga.Pero, nahuli na naman si Zachary at dumating lang sa hapon.Nang
Lumapit si Mr. Chardon sa sandaling itinayo ni Zachary ang stall niya. Nang makita ni Mr. Chardon na may hangover si Zachary, hindi niya mapigilan na tanungin siya, “Zachary, binigyan ka na ba ng sagot ng boss mo?”Umiling si Zachary, humikab, at sinabi, “Hindi pa. Nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para ma-withdraw ang pera simula kagabi, pero limitado ang dami ng pera na pwedeng malabas, kaya marahil ay matagalan ito.”Medyo nabsali at nainip si Mr. Chardon habang sinabi, “Zachary, baka kailangan ko na umalis sa Aurous Hill bukas ng gabi. Marahil ay hindi na tayo magkita sa hinaharap pagkatapos kong umalis.”May nanghihinayang na ekspresyon si Zachary habang sinabi, “Boss, medyo mahigpit nga ang oras na bukas ng gabi. Bakit hindi ka muna manatili ng ilang araw? Maghintay ka lang ng tatlo o limang araw, at marahil ay makukuha mo ang gusto mo. Kung nababagot ka, pwede kang sumama sa Shangri-La sa akin. May presidential suite ako doon na may apat na kwarto. Isang kwarto lang ang ga
Nagpapanggap lang si Zachary ayon sa pagsasaayos ni Charlie sa sunod-sunod na pagtatanghal na ito. Sa ibang salita, kumakain siya, umiinom, at inaaliw ang sarili niya gamit ang public funds na inaprubahan ng boss niya.Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na aliwin ang sarili niya at magsaya gabi-gabi ay dahil nag-aalala siya na palihim na babantayan ni Mr. Chardon si Zachary.Hindi pwedeng hayaan ni Charlie na mabunyag ni Zachary ang kahit anong bakas bago pa kumkilos si Mr. Chardon. Basta’t walang mabubunyag na bakas si Zachary, siguradong walang pagbabago sa makalawa ng gabi. Sa sandaling nabunyag ang sikreto, posible na maagang kumilos si Mr. Chardon.Sa sandaling ito, patuloy na binabantayan ni Mr. Chardon si Zachary, at nakikinig pa siya nang mabuti sa pag-uusap nila ng babaeng escort. Sa tuwing pinagmamasdan niya si Zachary, mas naniniwala siya sa pagkatao ni Zachary at sa lahat ng sinabi sa kanya ni Zachary.Sa paningin niya, kumikita si Zachary ng pera sa
Sinabi ni Charlie, “Hayaan mo muna na maghintay siya kung gusto niya ng mga produkto. Malapit na nag-uugnayan ang pulis at ang mga bangko kailan lang, kaya madali kang pupuntiryahin kung hindi alam kung saan galing ang pinagmulan ng napakalaking pera, lalo na kung transaksyon ito sa US dollars. Kaya, kailangan mong linisin ang lahat ng pera na natanggap mo sa nakaraang ilang araw at sabihan ang buyer na ipapadala mo sa kanya ang mga produkto sa loob ng isang linggo.”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “Pero hindi kayang maghintay ng buyer nang gano’n katagal. Sinabi niya sa akin ngayong araw na kaya niya lang maghintay hanggang sa makalawa bago maggabi. Hindi ba’t dapat nating ipadala ang mga produkto nang mas maaga? Dahil, kapag wala na ang pagkakataon na ito, marahil ay hindi na siya bumalik.”Nang marinig ni Charlie na binanggit ni Zachary na makakapaghintay lang hanggang sa makalawa bago maggabi ang great earl mula sa Qing Eliminating Society, biglang nakaramdam ng lamig si Char
Alam ni Mr. Chardon na kahit anong mangyari, kailangan niyang gawin ang misyon na binigay sa kanya ng British Lord makalipas ang dalawa’t kalahating araw. Sa lakas niya, madali lang ang pagpatay sa mga Acker kahit na pinoprotektahan sila nang matindi ng mga bodyguard ng mga Acker.Pero, alam niya na sa sandaling ginalaw niya ang mga Acker, mahihirapan siyang makatakas nang walang sugat sa ilalim ng opisyal na pagtutugis sa Oskia. Sa sandaling iyon, mawawalan siya ng pagkakataon na makakuha pa ng mga mahiwagang instrumento mula kay Zachary.Sa sandaling iyon, inisip din ni Mr. Chardon kung dapat niya bang samantalahin ang pagkakataon na hulihin si Zachary at puwersahin siya na maglabas ng impormasyon tungkol sa boss niya at sundan ang bakas para hanapin ang boss niya, direktang harapin ang nakamamatay na tunggalian.Pero, nag-aalala siya na maaaring maglabas ng impormasyon ang paggawa ng masyadong maraming ingay. May malawak na network ang mga Acker, kaya kapag may naramdaman sila, p
Habang nadidismaya siya, si Zachary, na nasa gilid, ay nagsalita at sinabi, “Tatang, sa opinyon ko, dapat mo rin bilhin ang jade ring na ito. Magmumukha kang sobrang engrande kapag sinuot mo ang dalawang jade ring sa magkabilang hinlalaki!”Palihim na inisip ni Mr. Chardon, ‘Dahil sinabi ko na sa British Lord ang tungkol sa singsing na ito, maganda na kaya kong makabili ng pangalawa ngayon. Kaya kong ibigay ang isa sa mga jade ring sa British Lord at itago ang isa. Kahit papaano, hindi ako magsisisi kung mahalaga ito.’Nang maisip ito, sinabi ni Zachary, “Okay. Dahil tinadhana ako sa mga jade ring, bibilhin ko rin ito. 500 thousand dollars pa rin ito, tama?”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “tatang, hindi na sapat ang 500 thousand dollars ngayon. Sinabi ng supplier ko na ito na ang huling singsing, at wala nang matitira pagkatapos kong ibenta ito, kaya hindi ito mabebenta ng mas mababa sa one million US dollars.”“One million US dollars?” Sinabi ni Mr. Chardon nang may ilang pag
Pamilyar na si Mr. Chardon sa proseso ngayon. Binuksan niya agad ang kanyang cellphone at ipinadala ang 200 thousand US dollars kay Zachary.Pagkatapos itong gawin, tinanong niya nang naiinip, “Zachary, pwede mo na bang dalhin dito ang mga produkto?”Tinapik ni Zachary ang dibdib niya at sinabi, “Mangyaring maghintay ka saglit, tatang. Tatawagan ko siya at pipilitin ngayon din!”Ipinaalala nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Ang gusto ko lang ay ang mga bagay na galing sa parehong pinagmulan ng dalawang binili ko. Huwag mo akong subukang lokohin.”Sinabi ni Zachary nang may seryosong ekspresyon, “Tatang, makasisiguro ka na maraming taon ko na itong ginagawa dahil palagi akong umaasa sa salitang ‘katapatan’. Hindi ako gagawa ng kahit anong panloloko. Tinawagan na ako ng boss ko at sinabi niya na magpapadala pa siya ng isang produkto. Maghintay ka lang saglit!”Biglang nanabik si Mr. Chardon at sinabi, “Talaga?! Magaling!”Naghintay ang dalawa ng halos dalawampung minuto ng isang del
Pero, inisip niya lang ang mga ito, at hindi siya nangahas na kaswal na gumawa ng problema bago puksain ang mga Acker. Kaya, tumalikod na lang siya nang nag-aatubili at patuloy na naglakad sa ibang direksyon.Sa sandaling ito, wala siyang ideya na nakahanap na si Ruby ng isang upuan sa tabi ng bintana sa second floor ng tea house sa tabi ng Antique Street at pinagmamasdan siya sa malayo.Sa sandaling iyon, si Zachary, na humihikab habang kinakaladkad ang mga produkto niya, ay naglakad mula sa entrance ng Antique Street.Nakita siya ni Mr. Chardon sa isang tingin, at tumakbo siya papunta sa kanya nang malugod, at tinanong, “Zachary, saan ka galing? Kaninang umaga at tanghali pa kita hinihintay pero hindi ko man lang nakita ang anino mo!”Humikab si Zachary, tamad na tinakpan ang bibig niya gamit ang kanyang palad habang gumawa ng mga tinatamad na tunog. Pagkatapos humikab, nag-unat siya nang tamad bago sinabi, “Tatang, may stall ako, hindi ako nagtatrabaho ng 9-to-5. Pupunta ako kah
Nang nagmamadaling pumunta si Zachary sa opisina ni Isaac, magulo ang buhok niya, at ang katawan niya ay may halong amoy ng alak at pabango. May ilang makintab at nakakaakit na marka ng lipstick pa sa mukha niya.Nang makita si Charlie, nagmamadali siyang ngumiti na parang humihingi ng tawad at tinanong, “Master Wade, hinahanap mo ba ako?”Tumango si Charlie at tinanong, “Nag-enjoy ka ba sa pag-inom kagabi?”Pinunasan ni Zachary ang kanyang bibig, ngumisi, at sinabi, “Master Wade, uminom ako nang mabuti kagabi!”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Dahil uminom ka nang mabuti, oras na para magtrabaho ka sa hapon.”Tumayo agad nang tuwid si Zachary at tinanong nang magalang, “Master Wade, anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang ang mga utos mo!”Humuni si Charlie bilang sagot at tinanong, “Zachary, bumalik ka ba dala-dala ang isa pang jade ring?”Sinabi agad ni Zachary, “Oo. Nakuha ko na ito! Kagabi, nilagay ko ito sa safe sa kwarto habang hindi pa ako lasing!”Tumango