Sa mga nakaraang buwan, parang isang taon ang bawat araw para kay Hannah.Siya ang pinakamatandang manugang na babae ng pamilya Wilson at hindi pa siya nakakaranas ng isang araw ng paghihirap o kawalan ng pag-asa dati. Sa totoo lang, noong malakas pa ang pamilya Wilson, sobrang marangya at kumportable ng buhay niya.Hindi niya masasabi na parang maharlika ang buhay niya, pero kumportable nga ang buhay nyia dati, kaya ang minahan ng uling ay parang impyerno sa kanya noong ipinadala siya dito para magmina ng uling araw-araw.Gayunpaman, siya pa rin ang may pinaka kumportableng buhay sa mga ipinadala sa coal mine.Ang mga lalaki ay kailangang magtrabaho ng labinlima o labing-anim na oras kada araw. Wala silang sapat na pagkain o mainit na damit na maisusuot at mga payat na buto na sila pagkatapos pahirapan araw-araw.Si Linda, ang manloloko, ay miserable rin. Dahil pangit siya at hindi gusto ng supervisor ang hitsura niya, hindi naiba ang oras ng trabaho niya sa mga lalaki.Medyo ma
Bukod dito, simula pa noong unang araw nang pwersahang ipinadala si Linda at ang pamilya niya sa impyernong ito, sobrang hirap ng naging trabaho nila, pero si Hannah? Naging kalaguyo siya ng supervisor dahil lang mas maraming oras niyang pinaganda ang sarili niya!Kaya, tumingin nang mapanghamak si Linda kay Hannah at sinumpa, “Sobrang corrupt ng ibang babae at pasikat na nakikipagtalik sila sa supervisor para lang makakuha ng kaunting benepisyo! Mga walang hiya sila!”Alam ni Hannah na kinukutya niya siya. Namula ang sa galit ang kanyang mukha, at sinumbat, “Linda, bantayan mo ang dila mo o hahayaan kitang magutom bukas!”Tumayo nang tuwid si Linda at sinabi, “Manahimik ka! Bakit puno ka ng kumpiyansa sa sarili mo, Hannah? Nakikipagtalik ka lang sa pangit na supervisor! Sa tingin mo ba talaga ay hindi ako mangangahas na hawakan ka dahil lang kalaguyo ka niya? Iiwan ka rin niya kapag nagsawa na siya sa’yo! Magiging katulad mo rin ako sa sandaling iyon!”“Lina, nakikita ko na sobran
Natakot nang sobra si Hannah at sinubukan niyang gumulong palayo kay Linda, natatakot siya na tatama talaga ang kalawit sa kanyang mukha.Natatakot ang bagay na ito, baka mahila nito ang mga mata niya!Pero, dahil may sugat ang binti ni Hannah, hindi niya maiiwasan ang mararahas na atake ni Linda. Kung patuloy siyang magwawala, sa kalaunan, mamamatay siya sa pag-atake niya!Sinubukang tumayo ni Hannah para tumakas, pero bumagsak uli siya dahil sa kanyang sugat sa likod ng binti.Nasa likod na niya si Linda, iwinawasiwas ang nakakatakot na kalawit na bakal sa likod niya.Hindi na siya maiwasan ni Hannah. Pinikit niya ang mga mata niya sa kawalan ng pag-asa, iniisip na ngayong araw na siya mamamatay.Sa kritikal na sandaling ito, ilang Toyota Land Cruiser Prados ang dumating sa coal mine at huminto sa harap nila.Tumama ang malakas na ilaw sa mukha ni Linda. Ilang lalaki ang lumabas sa kotse at tinutok ng isa sa kanila ang isang baril kay Linda at sumigaw, “Anong ginagawa mo? Ibab
Humarap si Bryan kay Hannah at tinanong, “Anong nangyayari dito? Babae ka ba niya?”Umiyak nang desperado si Hannah, “Hindi, hindi! Pinwersa niya ako!”Humarap si Bryan sa supervisor at sinabi nang malamig, “Dahil hindi siya umaamin na babae mo siya, pwede mo na ring itigil ang kalokohan mo sa akin.”Sa mga nakaraang panahon, nasiyahan nang sobra ang supervisor kay Hanah at naadik na siya sa kanya. Dahil, siya pa rin ay isang ignoranteng taga-bukid. Hindi pa siya nakakatikim ng isang maganda at balingkinitan na babae sa siyudad dati, kaya sobrang naaakit at pinagnanasahan niya si Hannah.Syempre, hindi siya nasiyahan nang biglang lumitaw ang mga lalaking ito at gusto nila siyang kunin, kaya sumigaw siya, “Wala akong pakialam! Sasabihin ko ulit sa’yo, babae ko siya!”Ngumisi nang masama si Bryan. “Kung gano’n, dahil gusto mong mamatay, pagbibigyan kita.”Nilabas niya ang itim na pistol sa kanyang baywang, tinutok ito sa supervisor, at hinila ang gatilyo nang walang pag-aatubili.
Ang coal mine kung saan ipinadala si Hannah ay matatagpuan sa Janes Province sa hilagang kanluran ng Oskia, kialla ito sa suka at uling nito.Dalawang libong kilometro rin ang layo nito sa Sudbury sa timog-silangan at isang araw at isang gabi ang aabutin kung pupunta ka sa Sudbury gamit ang kotse. Pero dahil inutusan sila ni Sean na bilisan nila, ginamit nila ang private jet ng pamilya Webb para sunduin si Hannah.Tatlong oras lang ang tinagal para lumabas ang convoy sa makapal na kagubatan ng bundok at dumating sa local airport.Sa sandaling ito, isang Gulfstream jet ang nakaparada sa airport hanger.Napanganga si Hannah sa sobrang pagkagulat. Hinding-hindi niya inaasahan na isang private jet ang magdadala sa kanya papunta sa Sudbury!Dinala siya ni Bryan sa eroplano. Lumaki nang sobra ang mga mata niya nang makita niya ang mala-palasyo na loob ng eroplano, halos matanggal na ang mga mata niya sa kanyang ulo.Sumimangot nang mapanghamak si Bryan sa madumi niyang hitsura at sinab
Sa ilalim ng masamang kalagayan, hindi maisara ng lahat sa pamilya Webb ang mga mata nila at makatulog.Nang dinala si Hannah sa mansyon ng pamilya Webb, hindi siya dinala nang direkta ni Bryan sa living are. Sa halip, dinala niya siya sa lugar ng mga katulong at pumunta para imbitahin sina Donald at Sean.Agad pumunta ang mag-ama para makita siya nang malaman nila ang pagdating niya.Sa sandaling dumating sila, lumuhod si Hannah at pinasalamatan sila nang paulit-ulit dahil niligtas nila siya.Sinabi ni Sean nang walang emosyon, “Hannah Wilson, niligtas ka namin hindi dahil naaawa kami sa’yo, ngunit dahil may kailangan kaming ipagawa sa’yo.”“Opo, opo! Kahit ano!”“Alam ko na may galit ka kay Charlie Wade. Mayroon din ako, at hindi mo masusukat ang galit ko sa kanya. Sabihin mo sa akin ang totoo, gusto mo bang maghiganti kay Charlie?”Namula ang mukha ni Hannah sa galit at sinabi nang galit, “Syempre! Halos patayin na ako ng g*gong iyon at ipinadala niya pa ako sa impyernong iyo
Sa sandaling ito, sa Aurous Detention Center, ilang araw nang nakakulong sina Lady Wilson at Wendy. Salamat sa awa ni Jennifer, walang umapi sa kanila habang nakakulong sila.Sa kabilang dako, sina Christopher at Harold, ay hindi maganda ang kalagayan sa detention cell ng mga lalaki.Inapi sila sa iba’t ibang paraan sa sandaling tinapon sila sa selda dahil mga baguhan sila.Hindi lamang na kailangan nilang magtrabaho nang labis ngunit inaagaw din ang mga pagkain nila ng ibang preso. Walang isang araw na natulog sila na puno nang kaunti ang tiyan nila.Dahil sa kamalasan niya, mas lumaki ang galit ni Christopher kay Hannah araw-araw.Hindi niya maiwasang isipin kung gaano siya kakumportable ngayon kasama ang kanyang mahal na bayarang lalaki at ang pera na ninakaw niya sa kanya.Kung hindi dahil kay Hannah, na kumuha sa lahat ng pera nila, hindi siya mapupunta dito!Sa una, silang apat ay nahatulan ng labinlimang araw sa detention center. Mayroon pang ilang araw bago sila palayain
Tumalon si Wendy sa sabik at tinanong, “Sir, totoo po ba ito? Pinakawalan mo ang ama at kapatid na lalaki ko? Nasaan na sila ngayon?”Sumagot nang walang pakialam ang lalaki, “Kasama nila ang mga tauhan ko. Sundan niyo lang ako.”Hindi na masyadong pinag-isipan ni Lady Wilson ang buong pangyayari. Miserable na rin naman ang kalagayan niya at walang saysay na sipain siya kapag bumagsak na siya. Sa totoo lang, pinalaya rin siya ng lalaki. Mas mabuti nang tumingin, marahil ay may bagong kapalaran na naghihintay sa kanya.Dumaan ang dalawang babae sa proseso at nakuha nila ang mga damit at mga gamit nila. Pagkatapos magbihis, sinundan nila ang lalaki palabas ng detention center.Dalawang Rolls-Royce Phantom ang nakaparada sa labas ng detention center.Humarap sa kanila ang lalaki, tinuro ang kotse sa likod, at sinabi, “Kayong dalawa, pumasok kayo sa kotse.”Sumisigaw na sa saya si Lady Wilson sa loob niya nang makita niya ang mga kotse.Walang ordinaryong tao ang kayang bumili ng Ro
Walang sinabi si Isaac, sa halip, ipinakita niya lang ang screen ng kanyang cellphone sa harap niya.Nang makita ni Rosalie ang mga salita sa screen, agad natipon ang mga luha sa mga mata niya. Ang mga salita sa screen ay: ‘May nangyari sa Young Master. Panatilihin mo sana ang katahimikan mo at tulungan mo akong tipunin ang mga Harker para maghanap ng mga bakas!’Hindi nagsalita si Rosalie at tumango lang siya nang mabigat. Hind katagalan, mahigit sampung miyembro ng pamilya Harker ang nagmamadaling nagtipon, sumakay sa helicopter, at lumipad pabalik sa eksena ng pangyayari.Nang makita ni Rosalie ang nakakatakot na eksena, pakiramdam niya na tila ba pinunit ang puso niya, at hindi niya nakontrol ang mga luha niya. Pero, pinunasan niya ang mga luha niya at naghanap ng mga bakas sa paligid ng bilog na lugar ng pagsabog kasama ang mga miyembro ng pamilya Harker.Patuloy na pinalawak ng mahigit isang dosenang tao ang paghahanap nila, umabot pa ng radyus na isang kilometro mula sa gitn
Biglang huminto saglit ang puso ni Merlin nang marinig niya na ang mga shell fragment sa kamay ni Albert ay pagmamay-ari ni Charlie.Binulong niya sa sarili niya, “Mga gamit ni Charlie? Hindi ba’t ang ibig sabihin ay napahamak siya?”Pagkasabi nito, mabilis siyang yumuko para maingat na suriin ang mga bakas na iniwan ng pagsabog. Sa pag-obserba ng direksyon ng pagsabog, nakahanap siya ng mas maraming piraso ng Tridacna sa lupa.Namutla ang kanyang mukha, at binulong niya, “Sobrang lapit ng mga gamit ni Charlie sa gitna ng pagsabog. Hindi ba’t ang ibig sabihin ay malapit siya sa gitna nang mangyari ang pagsabog?!”Nang marinig ito, namaga ang mga mata ni Albert sa luha, at napaiyak siya. Hindi siya makapaniwala habang sinabi niya kay Merlin, “Chief Lammy, sobrang lakas ni Master Wade. Hindi siguro siya masasaktan sa ganitong uri ng pagsabog, tama?”Nag-squat si Merlin sa sahig, pinulot ang piraso ng tumigas na itim na lupa, puwersahan itong kinuskos, at pagkatapos ay inamoy ito. Ma
Pagkasabi nito, si Albert, na natataranta, ay tumakbo agad palabas at sumakay sa helicopter na naghihintay sa courtyard. Pagkatapos ay sinabi niya nang balisa sa piloto na naka-standby, “Bilis! Paliparin mo!”Sa sandaling ito, isang tao ang mabilis na tumakbo palabas, at tumalon si Merlin sa helicopter gamit lang ang ilang hakbang, sinasabi, “Mr. Albert, sasama ako sayo!”Sinabi nang nagmamadali ni Albert, “Chief Lammy, kumikilos ako ayon sa mga utos ni Master Wade para siguraduhin ang kaligtasan mo at ang mga miyembro ng pamilya Acker. Mas mabuti na manatili ka dito!”Umiling si Merlin at sinabi, “Mr. Albert, huwag mong kalimutan na isa akong pulis. Kung may hindi inaasahang sitwasyon, lalo na ang pag-iimbestiga sa eksena, walang mas propesyonal kaysa sa akin!”Pagkatapos itong pag-isipan, pumayag si Albert at sinabi, “Kung gano’n, kailangan kitang abalahin, Chief Lammy!”Pagkatapos itong sabihin, humarap siya sa piloto at sinabi, “Umalis na tayo!”Binilisan ng helicopter ang ma
Alam niya na ang ibig sabihin pagsabog ngayong araw pagkatapos paganahin ni Mr. Chardon ang pineal gland niya ay patay na sila ngayon ni Charlie. Ipineperesenta nito ang perpektong pagkakataon para maglaho siya nang walang bakas. Sa puntong ito, wala na siyang hangarin na bumalik sa Qing Eliminating Society o patuloy na pagsilbihan ang British Lord. Sa mga mata niya, masyadong nakakatakot ang taong ito, at ang pananatili sa tabi niya ay hahantong sa resulta na hindi mas malala sa kapalaran ni Mr. Chardon.Sa halip nito, inisip niya na mas mabuti na samantalahin ang pagkakataon na ito na maglaho sa mundo. Pagkatapos gumaling sa mga injury niya, maghahanap siya ng isang angkop na lugar para tumira sa seklusyon at sulitin ang natitirang dalawang taon ng buhay niya. Para sa kanya, mas mabuti na mabuhay nang malaya ng dalawang taon kaysa mabuhay ng dalawang daang taon pa kasama ang British Lord.Nang maisip ito, tiniis niya ang matinding sakit at patuloy na gumapang nang nahihirapan papun
Agad umugong sa buong Aurous Hill ang matindi at nakabibinging pagsabog, ginising pa ang buong siyudad mula sa pagtulog nito sa gabi. Nawasak makapal na halamanan sa lambak kung saan nangyari ang pagsabog, gumawa ito ng isang bilog na blangkong espasyo na may radyus na ilang daang metro.Naglaho nang walang bakas si Mr. Chardon, naging hangin ang buong katauhan niya, walang iniwan na mga labi.Ang ideya na ‘mabubuhay ang kaluluwa sa kabila ng pagkamatay ng pisikal na katawan’ ay isa lang panloloko. Isa itong walang laman na pangako na binigay niya sa kanila, niloko sila na isakripisyo nang mapagbigay ang sarili nila.Napagtanto lang ni Mr. Chardon sa sandali ng pagkamatay niya na ang formation na iniwan ng British Lord sa loob ng pineal gland nila, tatlumpung taon na ang nakalipas, ay hindi para iligtas ang parte ng kaluluwa nila. Sa halip, isa itong napakalakas na self-destructive formation. Sa kritikal na sandali ng kamatayan, ang pinaniniwalaan nila na isang pag-asa para mabuhay
Si Ruby, na nakatago sa dilim, ay walang napansin na kakaiba. Nang marinig niya ang sinabi ni Mr. Chardon kanina lang, alam niya na napagana na niya ng pineal gland niya, at agad siyang huminga nang maluwag.Kahit na hindi sila nagkakasundo ni Mr. Chardon, naramdaman niya sa pagkamatay ni Mr. Jothurn na magkakaugnay sila. Ngayong ginamit na ni Mr. Chardon ang pineal gland niya, maituturing na nakatakas na siya sa kapit ng kamatayan!Sa sandaling ito, mas lalong naging mabangis ang ekspresyon ni Mr. Chardon nang napakabilis. Inabot lang ng isa o dalawang segundo para mapagana ang pineal gland niya, at nakaramdam siya ng isang napakainit at hindi maikukumparang apoy na nagliyab sa utak niya. Ang apoy na ito, na parang isang pagsabog ng bituin, ay mabilis na lumaki at lumakas! Tumataas din ang pressure sa pineal gland niya!Pakiramdam niya na tila ba isang malaking bundok ang puwersahan na siniksik sa utak niya! Ang matinding sakit na ito ay maikukumpara sa labing-walong patong ng impy
Pero, tatlumpung taon na ang lumipas, at wala sa apat na great earl ang gumamit talaga ng formation sa loob ng pineal gland nila. Ito ay dahil sa nakaraang tatlumpung taon, wala silang nakatagpo na kahit anong nakamamatay na krisis.Kahit na may nakamamatay na krisis si Mr. Jothurn sa Cyprus, kakaiba ang sitwasyon na ito. Sobrang bilis at sobrang lakas ng tatlong close-defense missile na umatake sa kanya, at masyadong brutal ang paraan ng pag-atake nila. Isang iglap lang ang lumipas simula nang maramdaman niya ang panganib hanggang sa kamatayan niya. Wala man lang siyang oras para isipin ang pineal gland na binuksan ng British Lord para sa kanila, tatlumpung taon na ang nakalipas.Bukod dito, walang saysay kahit na naalala niya ito dahil wala siyang oras para buksan ang formation sa loob ng pineal gland.May perpektong pagkakataon si Mr. Chardon ngayon. Nang maisip ito, tumingin si Mr. Chardon kay Charlie, humagikgik nang mapait, at palihim na ginamit ang teknik para paganahin ang p
Ang pineal gland ay ang maituturing na tirahan ng Nine True Paths sa cultivation. Sinasabi ng iba na kaakma ito ng pineal gland sa anatomiya ng tao, kayang maglabas ng iba’t ibang hormone na may kaunti at mahiwagang epekto sa katawan. Pero, sa pagtanda, unti-unting humihina ang kakayahan nito at halos magiging pandekorasyon na lang ito.Para sa mga cultivator, ang pagbubukas ng pineal gland ay ipinapahiwatig ang pagbubukas ng isang bagong mundo. Ang pagbubukas ng pineal gland ay ang paggamit ng Reiki para buksan ang pineal gland na matatagpuan sa gitna ng utak.Ang pineal gland ay kilala rin bilang upper elixir field. Karaniwan, madaling buksan ang lower elixir field, at hindi mahirap na buksan ang walong meridian. Pero, ang mga napakagaling na cultivator lang ang kayang buksan ang upper elixir field nila.Para sa mga cultivator, ang lokasyon na ito ay ang supreme realm ng Nine True Paths, kung saan nagmula ang kamalayan ng tao. Kung mabubuksan ng isang tao ang pineal gland at mag-c
Pero, hindi sinusunod ng kasakiman ng tao ang ganitong patakaran. Sa realidad, kapag mas bata ang isang tao, mas hindi nila kinatatakutan ang kamatayan. Maraming kabataan na nasa labinlima o labing-anim ang may lakas ng loob na harapin ang kamatayan kapag kalaban ang iba. Sa kabaliktaran, kapag mas tumatanda ang isang tao, madalas na mas natatakot sila sa kamatayan.Kahit ang isang tao tulad ni Mr. Chardon, na isang cultivator, ay hindi ligtas mula sa pangkalahatan na ito. Sa totoo lang, mas natatakot siya sa kamatayan kaysa sa karamihan.Nang makita ni Mr. Chardon na hindi nagpapakita ng awa si Charlie sa kanya, umiyak siya at sinabi, “Charlie, dati, kumikilos din ako dahil inutusan ako. Binigyan ako ng utos ng British Lord na hindi ko matanggihan! Kung gusto mong ipaghiganti ang mga magulang mo, ang British Lord dapat ang atakihin mo at hindi isang mababang tauhan na tulad ko…”Sinabi nang sarkastiko ni Charlie, “Oh? Binebenta mo ngayon ang boss mo para sa sarili mong interes? Ah,