Kahit na nalilito siya nang sobra, alam ni Lady Wilson na walang saysay na mag-isip siya nang sobra ngayon. Dahil, nasa loob na siya ng kotse ng kabila. Mas mabuting kumalma siya at maghintay para malaman kung anong nasa isip ng nasa kabila.Bukod dito, sinasabi ng mga instinct niya na kahit na medyo misteryoso ang kabila, hindi niya siya sasaktan.Kahit ano pa, sobrang hirap niya at wala na siya ng kahit ano. Walang mag-aabalang dumaan sa maraming proseso para lang saktan siya.Nang maisip niya ito, huminga nang maluwag si Lady Wilson.Kalmado siyang umupo sa kotse habang hinintay niya kung ano ang i-aalok ng kabila sa kanila.Dalawang Rolls-Royce ang nagmaneho diretso sa Aurous Airport. Sa sandaling ito, nakaparada na ang private jet ng pamilya Webb sa maliit na hangar.Ito ang private jet na ginamit para ipadlaa si Hannah sa Sudbury kagabi.Kinabukasan nang umaga, umalis ulit ang prive jet mula sa Sudbury at pumunta ito sa Aurous Hill para sunduin ang pamilya Wilson.Nang ma
Umiyak siya at sinabi, “Anak ko! Apo ko! Naghirap kayong dalawa nang sobra!”Mukhang isang naagrabyadong bata si Harold. Pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mata at nabulunan siya habang sinasabi, “Lola, hindi mo alam kung anong kahirapan ang naranasan namin ng ama ko sa panahong ito. Ito na ang pinakamahirap na naranasan ko sa buhay ko.”Nagbuntong hininga rin si Christopher at sinabi, “Ahh, pareho lang ang lahat. Hindi na dapat natin pag-usapan ang mga ito. Madadagdagan lang ang problema natin kung pag-uusapan ito.”Tumango si Lady Wilson bago niya tinanong nang nagmamadali, “Siya nga pala, Christopher, anong nangyayari? Sino ang nagpalaya sa atin?”“Hindi ko alam…” Umiling si Christopher bago niya sinabi, “Bigla lang din kaming pinalaya ni Harold sa detention center. Pagkatapos, ginamit nila ang kotse nila para ipadala kami dito bago nila sinabi na maghintay kami dito. Hindi namin kilala kung sino sila.”Sa sandaling ito, mabilis na lumapit sa pamilya ng apat ang lalaking su
Nang marinig ni Harold na tinanggihan ng kabila ang kanyang hiling gamit ang palusot na siya ang personal flight attendant ni Damien, nahiya siya nang sobra, at napuno siya ng pagseselos.Ang mga mayayaman nga ay ang mga mayayaman. Hindi lamang na mayroon silang private jet, ngunit mayroon din silang sariling flight attendant. Nakakainggit at nakakagalit talaga ito sa mga tao.Kailan siya makakarating sa puntong ito?Hindi sila pinansin ng flight attendant bago niya inugoy ang mga balakang niya at pumunta sa harap ng cabin. Nakapikit ang mga mata ni Damien sa buong oras at hindi na siya nag-abalang kausapin ang pamilya Wilson.Kaya, nainip din nang kaunti ang pamilya Wilson.Nasasabik sila sa sitwasyon pagkatapos dumating sa Sudbury. Kahit na hindi pa nila naririnig ang pangalan ni Damien dati, narinig na nila ang pangalan ni Donald.Si Donald ang pinakamatandang anak ng pamilya Webb at ang kasalukuyang tagapagmana ng pamilya Webb. Kaya, masasabi na siya ang pinuno ng pamilya Web
Bakit hindi kasing galing ng dating henerasyon ng isang malaking pamilya ang susunod henerasyon?Sa totoo lang, malaki ang kinalaman nito sa paligid na kinalakihan nila.Ang mga dating henerasyon ay ipinanganak sa isang mababang pamilya. Kailangan nilang kitain ang sarili nilang pera para bayaran ang mga pagkain nila, at kailangan nilang magsikap na kitain ang bawat sentimo na ginagastos nila. Kaya, sa panahong iyon, ang mga taong kayang gumawa ng negosyo ng pamilya ay hindi maituturing na karaniwan. Mga piling tao sila.Gayunpaman, pagkatapos nilang itatag at paunlarin ang sarili nila, ang mga anak nila ay lalaki sa isang maganda at marangyang buhay simula pa noong ipinanganak sila. Dahil mayroon na silang sapat na pagkain at damit, hindi na nila kailangang magtrabaho o magsikap para mabuhay. Kaya, mas mahina ang mga instinct nila, at hindi sila gano’n ka-agresibo.Sa sandaling ipinanganak ang mga apo nila, mayroon na silang pilak na kutsara sa kanilang mga bibig. Hindi na nila ka
Sa mga nakaraang panahon, kinamumuhian talaga nang sobra ni Christopher si Hannah!Dahil, para sa isang lalaki, wala nang mas masakit pa sa pagnoloko ng sarili niyang asawa.Nang nawala si Hannah, nahulog si Christopher sa mga sinabi ni Charlie, at naguluhan ang isipan niya at naniwala talaga siya na nakipagtanan si Hannah sa isang bayaran na lalaki.At saka, nakay Hannah din ang buong pera ng pamilya niya. Kaya, mas lalong nagalit si Christopher kay Hannah.Napakaraming araw at gabi na ang lumipas, pero sa tuwing naiisip niya si Hannah, gusto niya talaga siyang hulihin at bugbugin siya hanggang sa mamatay siya.Gayunpaman, alam niya na hinding-hindi na niya makikita ulit si Hannah sa buhay na ito dahil tumakas na siya kasama ang pera nila. Posible rin na pumunta siya sa ibang bansa dala-dala ang pera.Hinding-hindi niya inaasahan na makikita niya si Hannah, na kinamumuhian niya nang sobra, sa villa ng pamilya Webb sa Sudbury ngayong araw!Kaya, hindi na masyadong nag-isip si Ch
Naramdaman nila ang naramdaman ng kanilang ama, si Christopher, kanina lang. Sa una ay kinamumuhian nila ang kanilang ama na naging madamot noong tumakbo siya dala-dala ang pera ng pamilya nila, madalas siyang pinapagalitan at minumura sa mga mahirap na oras na iyon.Ngayon lang nila nalaman na naghihirap din ang ina nila. Bukod dito, mas mahirap pa ang naranasan niya kumpara sa kanila.Kahit ano pa, kaunting kawalan ng hustisya lang ang naranasan nila sa detention center. Pero, kailangang tiisin ni Hannah ang napakahirap na torture sa minahan ng uling.Sobrang pangit ng ekspresyon ni Lady Wilson sa sandaling ito.Hindi siya naaawa kay Hannah, pero, nakaramdam siya ng maraming awa para sa pera na nawala nila dahil kay Charlie!Sa puntong ito, lumapit nang galit ang matandang babae kay Christopher bago niya siya sinampal nang malakas sa mukha nang hindi niya ito inaasahan.Nagulantang si Christopher nang sinampal siya.Tumingin siya sa kanyang ina bago niya tinanong, “Ma, bakit m
Nasabik nang sobra si Lady Wilson nang marinig niya ito.Wala talaga siyang pakialam kung mapapatay ni Donald si Charlie o hindi.Ang nagustuhan niya ay kailangan ni Donald ng tulong nila ngayon. Kaya, ang ibig sabihin ay maaasahan na ng pamilya Wilson ang pamilya Webb simula ngayon.Malapit nang masira ang pamilya Wilson, pero dahil kakampi na nila ang pamilya Webb, may pagkakataon na makabangon muli ang pamilya Wilson.Bukod dito, marahil ay hindi niya lang mabuhay ang pamilya Wilson, ngunit baka mas lumakas pa ang pamilya kumpara noong nasa pinakamalakas sila!Sa sandaling ito, binuksan ni Lady Wilson ang kanyang bibig at sinabi kay Donald, “Mr. Webb, ang apo ko, si Claire, ay mayroong construction and refurbishing business, at isa itong direktang kompetisyon sa Wilson Group. Kung mabubuhay mo ang Wilson Group, magiging kalaban niya kami sa negosyo kung gano’n.”Tumango si Donald at sinabi nang mahina, “Huwag kang mag-alala. Mag-iinvest ako ng walumpung milyong dolyar sa Wilso
Naniniwala si Donald sa Feng Shui, swerte, at magnetic fields.Naniniwala siya nnag matatagan akung may magandang Feng Shui at swerte ang isang tao, magiging maganda ang kalooban ng tao, at ang lahat ay magiging madali para sa taong ito.Pero, kung maaapektuhan ang kalooban ng isang tao at araw-araw masama ang loob niya mula umaga hanggang gabi, hindi siya makakapag-concentrate sa kahit anong bagay, at siguradong mawawalan siya ng interes sa lahat. Hindi niya malalasahan ang isang masarap ng wine, at hindi rin magiging masarap ang isang masarap pagkain sa kanya.Sa paglipas ng panahon, maaapektuhan ng negatibong emosyon ang magnetic field ng taong iyon. Pagkatapos ay maaapektuhan nito ang Feng Shui at swerte ng isang tao, sa kalaunan ay maaapektuhan din ang kalusugan ng taong iyon.Sa Feng Shui, ang lahat ng nagpapainis sa isang tao ay tinatawag na ‘killing energy’.Kung masyadong malakas ang tunog, tinatawag ito ‘sound killing energy’. Kung masyadong maliwanag, tinatawag itong ‘l
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl