Mayroong gulat na ekspresyon si Donald sa kanyang mukha. Nag-atubili siya nang kaunti bago siya kumaway at sinabi, “Hindi, imposible pa rin ito. Imposibleng maging manugang ng isang pamilya sa Aurous Hill ang isang miyembro ng pamilya Wade! Masyado itong nakakainsulto at nakakababa! Hindi lamang ito imposible para sa pamilya Wade, pero kahit sa pamilya Webb na one-tenth lang ng pamilya Wade, talagang imposibleng hayaan kita o ang kapatid mo na pumunta sa Aurous Hilll para maging isang manugang ng isang maliit na pamilya! Hindi ito pasok sa common sense!”Sumimangot si Sean at sinabi, “Paano natin ito iisipin kung gano’n? Wala ba tayong paraan para gawing detalyado ang tungkol dito. May kinalaman ba ito kay Charlie?”Sinabi ni Donald, “Hinala ko na may kinalaman ito sa kanya pero hindi ko maisip ang koneksyon. Nagkataon lang na nagbabalak na kaming maghiganti sa kanya. Ngayon, pwede tayong maghiganti at mag-imbestiga nang sabay!”Tinanong nang nagmamadali ni Sean, “Pa, ang ibig sabih
Sa sandaling ito, nasa himpapawid na ng Aurous Hill ang helicopter ni Charlie.Tinanong ni Isaac si Charlie, “Young Master, anong balak mong gawin sa anak na babae ni Nelson?”Sinabi nang magaan ni Charlie, “Wala na ang mga magulang niya kaya isa na siyang ulila ngayon. Ipadala mo siya sa bahay ampunan.”Sinabi nang nagmamadali ni Isaac, “Young Master, sa tingin ko ay mas mabuti kung wala kang iiwan…” Kumaway si Charlie at sinabi, “May mga bagay na dapat gawin ng isang lalaki, at may mga bagay na hindi dapat. Imposibleng saktan ko ang isang bata. Ipadala mo siya sa bahay ampunan. Huwag mo silang pigilan kung may pupuntang tao sa pamilya Webb para iuwi siya.”Tumango si Isaac at sinabi, “Sa tingin ko ay imposible para sa pamilya Webb na pumunta at ampunin ang batang ito. Dahil, kinamumuhian nang sobra ng pamilya Webb si Nelson at ang kanyang asawa. Tinatantya na mahigit kalahati ng kayamanan ng pamilya Webb ang mawawala ngayon. Makikita ito sa stock market bukas.”Bahagyang ngumi
Habang nagsasalita siya, tinanong ni Mrs. Lewis sa mahinang boses, “Charlie, ikaw ba ang kumuha ng video at nagpost nito sa Internet? Ikaw ba ang nakahanap sa mga bata?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Mrs. Lewis, masyadong mataas ang tingin mo sa akin. Paano ako magkakaroon ng ganitong klaseng lakas at abilidad?”Nanahimik nang ilang sandali si Mrs. Lewis bago siya nagbuntong hininga at sinabi, “Pinanood ko ang video at mukhang patay na si Max… hindi ko talaga inaasahan na ito ang lalakarang landas ng batang ito…”Nagbuntong hininga rin si Charlie at sinabi, “Pinanood ko rin ang video. Si Max ang nagkusang pumili ng maling daan kaya hindi ka dapat malungkot nang sobra, Mrs. Lewis.”“Alam ko…” Sumagot si Mrs. Lewis sa malungkot na paraan, “Akala ko na siguradong ako ang mauunang mamatay sa inyong lahat ng mga bata. Iniisip ko pa rin na pupunta kayong lahat sa memorial service ko para bigyan ako ng bulaklak kapag matanda na ako at pumanaw na ako…”Habang sinasabi niya ito, umiyak na
Sa sandaling ito, naramdaman ni Joey na para bang gumuguho na ang buong mundo sa harap niya.Hindi siya makapaniwala na patay na si Max. Pero, sobrang linaw ng litrato ng pagkahulog ni Max sa ilog sa video.Alam niya na patay na talaga si Max. Ang pinakamalaking tanong ngayon ay, kung kanino niya kukunin ang anim na raan at dalawampung libong dolyar?Kung hindi niya makukuha ang kanyang pera, tapos na siya. Talagang tapos na siya.Ito ay dahil ang limang daang libong dolyar na inutang niya ay patuloy na mag-iipon ng interes at sa huli ay sobrang laki ng kalalabasan nito. Papunta na siya sa wakas niya kung gano’n.Kaya, nag-dial agad siya ng 110 para tawagan ang pulis. Pagkatapos kumonekta ng tawag, sinabi niya nang nagpapanic, “Police officer, naloko ako! May nanloko sa akin ng anim na raan at dalawampung libong dolyar ko pero patay na siya ngayon. Anong gagawin ko?”Sumagot ang pulis, “Kung patay na ang taong ito, wala kaming magagawa dito. Payo ko na magsampa ka ng lawsuit sa k
Gumastos siya ng dalawang milyong dolyar para bilhin ang kotseng ito at wala pang isang buwan simula noong binili niya ito!Ang mas malala pa ay tanga siya na direktang ibigay ang kotse sa binatang iyon!Sa una ay iniisip niya na pagbayarin niya ang binata sa pamamagitan ng pagbigay sa kanya ng bagong kotse.Ngayon, hindi lamang na wala siyang bagong kotse, ngunit hindi niya man lang alam kung nasaan na ang may sirang Phaeton niya!Nang maisip niya ito, nagngalit si Jayden at inisip niya: ‘Kahit ano pa, kailangan kong hanapin ang Phaeton ko sa lalong madaling panahon! Kung hindi, sobrang laki ng lugi ko!’Buti na lang, inutusan niya ang mga tauhan niya na pagbantaan ang binatang iyon bago ito mangyari. Kaya, alam niya kung saan nakatira ang binata.Kaya, hindi na niya inantala ito. Sinabi niya agad kay Albert, “Don Albert, kailangan kong lumabas at may gagawin muna ako. Babalik ako kapag tapos na ako.|Tumango si Albert at sinabi, “Kung gano’n, gawin mo muna ang dapat mong gawin
Tinikom ni Joey ang kanyang bibig nang hindi mapalagay nang marinig niya ang malupit at direktang puna ng lalaki. Hindi na siya nakipagtalo, kaya nilinis niya ang kanyang lalamunan at sinabi nang nagmamadali, “Okay, pre, walong daan. Bilisan mo! Nagmamadali ako.”“Teka, paano ko malalaman na niloloko mo ako? Palagi kang hindi maaasahan, matagal ko nang natutunan ang leksyon ko! Ipadala mo muna ang pera sa akin!”“Okay, sige, pre, kumalma ka! Ipapadala ko na sa’yo ang pera ngayon. Bilisan mo, pumunta ka agad, huwag kang magtagal!”“Pupunta ako kapag natanggap ko na ang pera. Walang pera, walang usapan!”Nilabas nang nagmamadali ni Joey ang kanyang cellphone, binuksan ang kanyang mobile banking app, at handa na siyang ipadala ang walong daang dolyar sa lalaki, pero nang pinindot niya ang confirm payment, napagtanto niya na hindi sapat ang balance niya!Ngayon niya lang napagtanto na binigay niya ang halos lahat ng ipon niya kay Max at limang daang dolyar na lang ang natira sa kanya
Sa sandaling ito, mayroong isang boses ng lalaki sa kabilang linya. Hingal na hingal siya habang sinabi sa sadyang mahinang boses, “Hoy, tigilan mo na ang kalokohan mo, okay? Bigyan mo na lang siya ng pera! Huwag mo siyang hayaang sirain ang sandali!”Biglang naging alerto si Joey at tinanong, “Janice, bakit may boses ng lalaki diyaan? Sino ang kasama mo?”“Pinsan ko siya! Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na sumakit ang baywang ko at nag-physiotherapy ako sa kama? Hindi ko makuha ang tamang pustura, kaya pinapunta ko siya para tulungan ako.”Bumulong ng isang ‘Oh’ si Joey, naalala niya na ginagawa niya rin ito nang tinawagan niya siya kailan lang, kaya hindi siya naghinala.Sinabi ni Janice sa inis. “Okay, sige, hindi ako makapagsalita ngayon, ipapadala ko na ang pera sa’yo ngayon din.”Tumili nang masaya si Joey at sinabi, “Ah, salamat, Janice baby, maraming salamat! Mahal kita!”“Okay, tama na, ibaba ko na ang tawag ngayon!”Pagkatapos ibaba ang tawag, ipinadala niya nga ang limang
Nasa kalagitnaan ng sama ng loob si Jayden, pero nangahas ang walang kwentang talunan na ito na hamunin siya habang naka-squat sa harap ng kotse niya!Nang hindi nagsasalita, itinaas niya ang kanyang binti at sinipa si Joey sa sahig. Pagkatapos, bago pa makalingon si Joey at makatayo, sumugod siya sa kanya para suntukin at sipain siya.Humagulgol si Joey sa sobrang sakit at minura nang galit, “P*ta, bakit mo ako sinasaktan? Bakit? Ginalit ba kita o ano? Baliw ka ba?”Sinuntok siya ni Jayden sa ilong niya, kaya napujno ng dugo ang kanyang mukha, at minura, “Ikaw ang baliw! Bakit ka naka-squat sa harap ng kotse ko? At saka, anong mayroon sa tono mo kanina habang nakikipag-usap sa akin? Ikaw mismo ang naghahanap ng pambubugbog!”Pagkatapos, nagtapon pa siya ng ilang suntok kay Joey at halos himatayin na si Joey sa sakin, naging malabo ang paningin niya at napuno ito ng bituin.Nang makita ng tauhan ni Jayden ang away, mabilis siyang lumabas sa kotse at sinamahan ang boss niya na bugb
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro