Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 1011 - Kabanata 1020

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 1011 - Kabanata 1020

5618 Kabanata

Kabanata 1011

Sa sandaling ito, hindi alam ng pitong tao sa loob ng Iveco Daily van na may lambat na mabagal na lumalapit sa kanila at malapit na silang mahuli.Kasama ng pitong tao, mayroong sampung bata na natutulog sa van. Hindi pa sila nagigising pagkatapos patulugin kaning hatinggabi.Mayroong isang binata na walang kanang kamay sa harap na pampasaherong upuan. Ang lalaking ito ay si Gibson Little.Humahagikgik siya na parang isang sabik na batang lalaki at sinabi sa kanyang kapatid na lalaki na nagmamaneho, “Hey, tol, makakakuha tayo ng isang milyong dolyar pagkatapos ng transaksyon!”Napanganga ang kanyang kapatid sa gulat, “Ano?! Woah, sobrang mahal na ba ng mga bata ngayon? Hindi ba’t sinabi mo lang na sampu-sampung libong dolyar lang bawat isa?”Sinabi ni Gibson, “Oo, pero nahuli sila kailan lang, hindi ba? Kulang sa bata ang Beggar Clan sa Kelna Province, kaya tumaas ang presyo.”Ngumisi nang malugod ang kanyang kapatid, “Yayaman na tayo!”Tumango nang sabik si Gibson at sinabi, “P
Magbasa pa

Kabanata 1012

Sa desperasyon niya, ang huling takbuhan niya ay si Gibson, na nakilala niya kailan lang. Gusto niyang umutang ng tatlong daang libo sa kanya, pero hindi niya inaasahan na kulang din ang pera ni Gibson sa sandaling iyon.Nagrereklamo si Gibson sa pagsisikap ng mga pulis na pigilan ang human trafficking na talagang pinatigil ang trafficking operation ng pamilya niya.Sinabi rin ni Gibson na naghahanap siya ng mga bata para ibenta sa timog. Sobrang taas ng presyo ng mga bata ngayon at malaki ang pera na makukuha nila kung makakahanap sila.Nang maisip ang mga sanggol at bata sa bahay ampunan, nagkaroon agad ng masamang plano si Max sa kanyang isipan.Sinabihan niya si Gibson at iminungkahi na magtulungan silang kidnapin ang mga bata sa bahay ampunan.Nag-aalala si Gibson tungkol dito. Pero sa sandaling nalaman niya na marami siyang mapagkukunan sa bahay ampunan, ngumisi siya nang sabik at nagbalak na rin ng plano.Kabisado ni Max ang bahay ampunan. Alam niya ang lahat ng madadaanan
Magbasa pa

Kabanata 1013

Ilang helicopter ang nagtipon-tipon sa labas ng bayan ng Aurous Hill at papunta na sa hangganan ng probinsya nang mabilis, unti-unting pinapaliit ang distansya nila sa target.Sa kabilang dako, nasa federal route ang puting Iveco Daily, nagmamaneho ayon sa speed limit. Madalas silang nakakasalubong ng masikip na trapiko o red light kaya limitado ang bilis at ang paglalakbay nila.Pinili ni Gibson ang federal route kaysa sa highway dahil isa sa mga pangunahing dahilan ay, ang pagkakagawa mismo ng daan.Dahil ang highway ay isang closed-circuit route, mahihirapan silang makatakas kung mamamarkahan sila ng pulis at magtatayo ng mga roadblocks. Pero, iba ang mga federal route. Konektado ito sa iba’t ibang bayan at mga county, kaya mahihirapan nang sobra ang mga pulis na hanapin ang kanilang lokasyon at harangan ang kanilang daan.Bukod dito, kung magkakaroon sila ng problema, pwede nilang iwan ang van at tumakbo. Mayroong maraming magandang taguan ang federal route. Pwede silang magtag
Magbasa pa

Kabanata 1014

Lumabas ang mga driver sa likod ng mga truck para tingnan kung ano ang nangyari, nauusisa at galit.Sa sandaling ito, lumabas ang isang tao mula sa armada ng mga truck at sumigaw gamit ang loudspeaker, “Kayong lahat, nakatanggap kami ng isang agarang paunawa mula sa management na naging mapanganib na ang tulay at maaari na itong bumagsak sa kahit anong oras. Sinusubukan namin ang lahat ng makakaya namin para ayusin ang sira sa lalong madaling panahon. Para sa kaligtasan niya, mangyaring lumiko muna kayo. Salamat sa kooperasyon niyo.”Nagrereklamo ang mga driver, pero nawala agad ang galit nila nang marinig ang anunsyo.Walang nagduda sa kredensyal nila, lalo na nang makita nila ang napakaraming heavy-duty truck na nakaparada sa tulay. Sa totoo lang, naramdaman nila na swerte sila dahil nasa likod sila ng mga truck na ito. Kung nasa harap sila ng armada, hindi ba’t dadaan sila sa mapanganib na tulay?”Kaya, mabilis na bumalik ang lahat sa kanilang mga sasakyan, tumalikod, nag-iba ng
Magbasa pa

Kabanata 1015

Sa wakas ay napagtanto na ni Gibson na may nangyaring mali sa puntong ito. Paano niya pa maipapaliwanag ang biglaang paglitaw ng napakaraming truck at pinalibutan sila nang walang dahilan?”Bukod dito, kung titingnan ang tindig nila, hindi nila balak na patakasin sila, kaya magkakatabi sila.Mayroon silang malalaking truck sa harap at likod nila, at marahas na ilog sa ilalim. Kung susugruin talaga sila ng mga truck, wala na silang mapupuntahan.Nanginig sa takot si Gibson at sinabi, “Nandito ba sila para sa mga bata? Bakit? Mga mababang ulila lang ang mga batang ito!”“Tama!” Sinabi ng kapatid na lalaki ni Gibson, “At saka, hindi pa nga tayo hinahabol ng mga pulis. Bakit nandito ang mga taong ito?”Habang palapit nang palapit ang dalawang armada ng truck sa kanila, walang nagawa ang kapatid na lalaki ni Gibson kundi patigilin ang van.Nagpanic ang lahat ng tao sa van, kasama na si Max.Natatakot na nang sobra si Max sa sandaling ito. Walang sino man ang mas may alam sa bahay amp
Magbasa pa

Kabanata 1016

Sa sandaling ito, umalingawngaw ang malalakas na tunog ng mga helicopter sa labas ng van.Mas lalong nagpanic ang lahat dahil sobrang lakas ng galaw ng mga helicopter kasama na ang sobrang pamilyar na chopping na tunog.Tinanong nang balisa ni Max, “Anong nangyayari? Bakit may mga helicopter? Sino ang mga taong ito?”Hinila ng ama ni Gibson ang kurtina para magbukas ng isang maliit na puwang at sumilip sa labas nang makita niya ang mga helicopter na nakapila sa himpapawid na parang hukbo ng mga ibon na gawa sa metal. Napanganga siya sa gulat at sinabi, “Justko, ang daming helicopter sa itaas! Kahit na gusto tayong arestuhin ng pulis, hindi sila gagamit ng helicopter! May ginalit ba tayong VIP?”Habang nagsasalita sila, nasa itaas na ng kotse nila ang mga helicopter habang umaalingawngaw sa buong tulay at van ang malakas na ingay ng nito.Nakaupo si Charlie sa isa sa mga helicopter, tinitingnan ang eksena sa tulay.Ang buong tulay ay hinaharangan ng mga aramada ng truck. Sa gitna
Magbasa pa

Kabanata 1017

Binuksan ang PA system ng helicopter, tinutok ni Charlie nag mic sa kanyang bibig at sinigaw, “Kayong lahat sa van, makinig kayo nang mabuti, napapalibutan na kayo. Isuko niyo ang sarili niyo ngaon din, o babaril ako!”Nanginig ang gulugod ng pitong tao sa Iveco dahil sa anunsyo ni Charlie.Malapit nang mabaliw si Gibson. Kahit na patayin niya ang isang tao, bakit gagamit ang tagapagpatupad ng batas ng ganitong estratehiya para hulihin siya?Nanginginig na sa takot ang pamilya niya. Kanina, nanaginip pa sila nang gising kung gaano kaganda ang biyahe sa Maldives sa sandaling nakuha nila ang pera, pero hindi nila inaasahan na mapapalibutan sila na parang mga daga sa isang kakila-kilabot na patibong.Mas takot pa si Max kaysa sa kanilang lahat. Pinagsisisihan niya nang sobra ang kanyang desisyon!Hindi lamang pagsisisi, ngunit may pagpapanic din.Gayunpaman, kumurap siya na para bang may pumasok sa isipan niya. Bakit parang sobrang pamilyar ang boses ng taong gumawa ng anunsyo sa he
Magbasa pa

Kabanata 1018

Tumili nang napakalakas ang pamilya ni Gibson nang makita ang kakila-kilabot na eksena!Hindi nila inaasahan na uutusan agad ng taong iyon na bumaril kaagad pagkatapos ng tatlong segundo!Ang bigkita, ang pinakamatandang anak na lalaki ng pamilya Little, ay ang pinakamahal na anak ng mga magulang ni Gibson. Habang tumutulo ang dugo sa kanyang mukha, nawala sa katwiran ang mga magulang at umiyak nang sobrang lakas.Dahil nakaupo si Gibson sa tabi ng kanyang kapatid na lalaki, ang mapulang dugo at ang maputi-puting utak ay tumalsik sa kanyang mukha at katawan.Nagulat din siya nang sobra sa pambihirang eksena at halos tumalon na ang kanyang puso palabas sa kanyang ribcage.Nang sinimulan niya ang trafficking business, hinding-hindi niya inaakala na sobrang nakamamatay nito!Narinig ulit nila ang malamig na boses ni Charlie mula sa PA system ng helicopter, “Bibigyan ko ulit kayo ng tatlong segundo. Kung hindi pa rin kayo lalabas sa van at susuko, ipapapatay ko sa sniper ang pangalaw
Magbasa pa

Kabanata 1019

Sa opinyon ni Max, hindi siya masosorpresa kahit sino pa ang bumaba sa helicopter, pero hindi niya talaga inaasahan na si Charlie ito at tinitigan niya na lang siya dahil hindi siya makapaniwala.Pero, sigurado siya na ang matangkad, gwapong lalaki na may malamig na mukha ay si Charlie Wade nga, ang lalaking kasama niyang lumaki sa bahay ampunan!Lampas sa imahinasyon niya kung paano at bakit sobrang galing ni Charlie na kaya niyang magpagalaw ng napakalakas na pwersa para habulin sila!Ang mga helicopter, ang mga miyembro dati ng special force, at ang mga sandata na gamit nila ay hinding-hindi magiging pagmamay-ari ng isang ordinaryong tao, kahit ang pinakamayamang lalaki sa Aurous Hill!Hindi niya mapigilang tanungin ang sarili niya, ‘Sino ba talaga si Charlie Wade?’‘Hindi ba’t isa siyang ulila? Isa siyang pabigat na umaasa sa asawa niya! Paano siya nagkaroon ng napakalakas na pwersa?’Sa sandaling ito, tumayo si Charlie sa harap ng anim na tao. Sa halip na tumingin siya sa li
Magbasa pa

Kabanata 1020

Alam ni Gibson na tiningnan na ni Charlie ang lahat ng detalye niya nang marinig niya ang sinabi ni Charlie. Nagmakaawa siya sa kawalan ng pag-asa, “Boss, hindi lang pagkakaintindihan ang lahat ng ito! May mga kaaway ako at palagi nilang dinudumihan ang reputasyon ko. Hindi pa ako nasasangkot sa child trafficking dati, mga sabi-sabi lang ito!”Humagikgik si Charlie. “Sa tingin mo ba ay tanga ako?”Nagmakaawa si Gibson sa pamamagitan ng pag-untog ng kanyang ulo sa sahig hanggang sa naging madugo na ang noo niya. “Pakiusap, boss, maniwala ka sa akin, ideya ni Max ang lahat ng ito! Siya ang unang lumapit sa akin, sinabi niya na may malaking problema siya at kailangan niya agad ng pera. Siya ang nagsabi sa akin na maraming bata sa bahay ampunan. Gumawa pa siya ng plano para dukutin namin ang mga batang iyon!”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Huwag kang mag-alala, isa-isa ko kayong pagbabayarin mamaya, pero una, sabihin mo, kanino mo balak ibenta ang mga batang ito?”Umamin nang nag
Magbasa pa
PREV
1
...
100101102103104
...
562
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status