Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1021 - Chapter 1030

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1021 - Chapter 1030

5618 Chapters

Kabanata 1021

Hindi inaasahan ni Charlie na kasangkot ang pamilya Webb dito kahit papaano.Ang malupit na Beggar Clan ay gawa talaga ng bayaw ni Donald! Taya niya na nakatanggap siya ng malaking suporta mula sa pamilya Webb.Sa una, hinihintay niya munang hamunin siya ng pamilya Webb kaysa siya ang unang kumilos.Pero, ngayon, kailangan niya munang unahin ang bayaw ni Donald!Tumingin siya nang masama kay Gibson at sinabi, “Bibigyan kita ng pagkakataon na iligtas ang sarili mo. Gawin mo ito nang mabuti o magiging katulad ka ng kapatid mo!”Sinabi ni Gibson nang nagpapasalamat at sabik, “Boss, gagawin ko ang lahat ng utos mo! Kahit ano!”Sinabi ni Charlie, “Ngayon, gusto kong tawagan mo ang senior na dapat kukuha ng mga batang ito sa iyo. Sabihin mo sa kanya na nasira ang kotse mo at kailangan niyang pumunta dito para kunin ang mga bata.”Tumango nang nagmamadali si Gibson at sinabi, “Okay, boss, tatawagan ko na siya ngayon din! Dahil malapit lang tayo sa Sudbury, sigurado ako na pupunta agad
Read more

Kabanata 1022

Nang nalaman ng senior na nasira ang kotse ni Gibson, sang malakas na ugong ang umalingawngaw mula sa kabilang dulo ng linya, sinusumbatan siya dahil pagiging hindi niya mabisa.Humingi ng tawad si Gibson, “Senior Lance, patawarin mo ako, kasalanan ko nga ito. Medyo luma na ang kotseng ginamit ko, pero malapit lang ako sa Sudbury. Ilang kilometro na lang ako, pwede ka bang pumunta at kunin ang mga bata, pakiusap?”Nagmura nang agresibo ang nasa kabila, “Hindi sana ako magkakaroon ng pakialam kung hindi dahil sa dami ng paninda na isusupply mo ngayon!”Pagkatapos, huminga siya nang malalim at sinabi, “Sabihin mo ang lokasyon mo, pupunta na ako diyan.”***Sa sandaling ito, si Nelson, ang pinuno ng Beggar Clan, at ang asawa niya, si Kelly, ay kalalabas lang sa mansyon ng pamilya Webb kasam ang kanilang anak na babae.Ngayon ang kaarawan ni Alice. Si Alice, ang asawa ni Donald, ay kapatid na babae rin ni Nelson.Karaniwan, mag-aayos ng isang marangyang pagdiriwang si Alice, pero da
Read more

Kabanata 1023

Ang asawa ni Donald, si Alice, ay isang babaeng suportado ang kanyang nakababatang kapatid.Ayon sa kanyang pagkakakilanlan at pinagmulan, talagang imposibleng ikasal ang isang katulad niya sa pamilya Webb.Pero, ang dahilan kung bakit siya pinakasalan ni Donald at dinala sa pamilya Webb ay dahil mahal talaga siya ni Donald.Pagkatapos ikasal sa pamilya Webb, ginawa ni Alice ang lahat para tulungan ang kanyang kapatid, si Nelson.Kaunti lang ang kakayahan ni Nelson. Hindi siya masyadong nag-aral at hindi talaga sapat ang mga abilidad niya. Noong mas bata pa siya, kumuha siya ng maraming pera kay Alice para simulan ang sarili niyang negosyo pero lahat ito ay nabigo.Nang wala nang ibang paraan, nagmakaawa si Alice sa kanyang asawa, umaasa na bibigyan ng asawa niya ang kanyang nakababatang kapatid ng maliit na parte sa negosyo ng pamilya Webb. Siguradong matutulungan nito nang sobra ang kanyang nakababatang kapatid.Kahit na minamaliit ni Donald si Nelson, tinulungan niya siya nang
Read more

Kabanata 1024

Nang hini niya na talaga ito matiis, lumabas na siya para tulungan si Nelson nang ilang beses.Nang madiskubre ng iba na kahit ang tagapagmana ng isang mataas at maimpluwensyang pamilya tulad ni Donald ay kikilos para tulungan at suportahan si Nelson, hindi na nangahas ang ibang beggar clan na kalabanin si Nelson.Kaya, ginamit ni Nelson ang kanyang makapangyarihang koneksyon para takutin ang iba at sa kalaunan ay tinipon na niya ang lahat ng beggar clan at pwersa sa South Region sa mga kamay niya.Siya na ngayon ang pinuno ng sikat na Beggar Clan sa buong South Region.Sobrang mapagmataas ni Nelson dito dahil napakadali na para sa kanya na kumita ng pera sa industriyang ito. Hindi man lang niya kailangang magsikap nang kaunti. Sasabihin niya lang na kumalat ang mga tauhan niya. Pagkatapos humanap ng lugar na gagawin kampo, uupo lang sila sa sahig at magsusulat ng isang miserable at nakakaawang mensahe sa isang piraso ng puting papel. Pagkatapos, kikita na sila ng pera habang nakau
Read more

Kabanata 1025

Minamaneho ni Nelson ang kanyang Rolls-Royce sa sandaling ito. Ang kanyang asawa, na dalawang buwan na buntis, ay nakaupo sa tabi niya at ang kanyang anim na taong gulang na anak na babae ay nakaupo sa likod ng kotse.Mabilis lang ang biyahe ng pamilya ng tatlo pabalik sa kanilang villa.Huminto ang Rolls-Royce ni Nelson sa sandaling nakapasok sila sa garahe. Tinulak niya ang pinto ng kotse habang palabas na siya sa kotse. Sa parehong oras, si Kelly, na nakaupo sa tabi niya, ay tinulak na rin ang pinto ng kotse sa kabila.Natutulog ang kanilang batang anak na babae sa likod ng kotse.Sinabi ni Kelly kay Nelson, “Mahal, buhatin mo ang anak natin at siguraduhin mo na maglalagay ka ng jacket sa kanya. Huwag mo siyang hayaang lagnatin.”Bahagyang tumango si Nelson. Paglabas sa kotse, itinaas ni Nelson ang kanyang kamay habang binuksan niya ang pinto sa likod.Sa sandaling ito, ilang lalaking nakaitim ang biglang sumugod sa kanya. May hawak silang pistol sa mga kamay nila. Sa sandalin
Read more

Kabanata 1026

Sinabi niya nang nagmamadali, “Anong sinusubukan mong gawin? Inosente ang anak ko! Huwag mo siyang idamay dito!”Umirap ang lalaking nakaitim at sinabi: “Gaano karaming sanggol at bata ang nadukot at nakidnap ng sindikato mo? Hindi ba’t inosente rin sila? Kaya. ang ibig mo bang sabihin ay isang tao ang anak ni Nelson Bishop pero ang anak ng iba ay hindi mga tao?”Nagulat si Nelson!Bago pa bumalik si Nelson o ang kanyang asawa sa kanilang diwa, pwersahan na silang dinala sa helicopter ng mga lalaking nakaitim.Pagkatapos, dinala rin ang anak nila sa helicopter.Naglabas ng syringe ang isa sa mga lalaking nakaitim bago niya tinurukan ang anak ni Nelson ng tranquilizer.Ang tranquilizer na ito ay kayang patulugin nang mahimbing ang anak ni Nelson nang sampung oras pa.Pagkatapos, mabilis na umangat ang helicopter habang lumipad sila papunta sa tulay kung nasaan si Charlie.***Sa sandaling ito, sa tulay, nagulat ang ang pamilya ng apat ni Gibson.Ilang beses nang hinimatay si M
Read more

Kabanata 1027

Habang papalapit nang papalapit ang forklift, sinabihan ni Charlie ang mga tao sa paligid niya na gumawa ng daan bago siya kumaway sa driver ng forklift at sinabi, “Tara, ilagay mo siya dito.”Agad dinala ng driver ng forklift ang bulletproof na S-Class Mercedes-Benz papunta kay Charlie.Sumagot si Isaac sa sandaling ito. “Huwag kang magpadalus-dalos. Huwag mo munang ibaba ang kotse niya. Kung hindi, baka masaktan niya ang young master kung bigla niyang tatapakan ang accelerator sa sandaling ibinaba ang kotse niya. Tanggalin niyo ang apat na gulong ng kotse bago niyo siya ibaba.”Kaya, nagmadaling kinuha ng ilang trabahador mula sa construction site ang mga kagamitan nila bago sila umakyat sa forklift at tinanggal ang apat na gulong ng kotse.Sa sandaling ito, mayroong isang matabang lalaki na nakaupo sa loob ng kotse. Mayroong takot na ekspresyon ang matabang lalaki sa kanyang mukha habang sumigaw siya sa loob, “Sino ba kayo, at ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?”Hindi siya p
Read more

Kabanata 1028

Kanina pa siya nire-record ni Charlie. Kaya, kinukunan niya rin ng video ang eksena kung saan hininang ang kotse at nakulong ang matabang lalaking ito sa loob nito.Tumingin ang matabang lalaki kay Charlie bago niya siya binantaan gamit ang lahat ng makakaya niya, “Binabalaan kita! Pakawalan mo ako ngayon din! Ang bayaw ng boss namin ay si Donald Webb ng pamilya Webb! Alam ko na siguradong narinig mo na ang pangalan ni Donald Webb dati! Hindi mo siya kayang kalabanin! Kung mangangahas kang galawin ako ngayon, papatayin ka ng boss ko at ng bayaw niya, si Donald Webb!”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Ang boss mo? Papunta na ang boss mo dito. Kaya, makikita niya rin ang pagkamatay mo mamaya!”Habang nagsasalita siya, isang helicopter ang mabilis na bumaba mula sa himpapawid!Pagkalipas ng ilang minuto, bumaba na sa lapag ang helicopter. Ilang taong nakaitim ang sinamahan si Nelson at ang kanyang asawa, si Kelly, pababa ng helicopter.Nagulat si Nelson nang makita niya ang eksena sa ha
Read more

Kabanata 1029

Sumagot si Nelson sa takot, “Kapatid, ang bayaw ko, si Donald ay isa sa mga pinaka kagalang-galang at maimpluwensyang tao sa South Region. Hindi ka niya pagbibigyan kung papatayin mo ako ngayong araw. Imbis na maghiganti ka sa ganitong paraan, bakit hindi nating gawing pagkakaibigan ang pag-aaway natin?”Ngumiti nang walang pakialam si Charlie at sinabi, “Pasensya na pero hindi ka karapat-dapat na maging kaibigan ko! Kahit si Donald ay hindi karapat-dapat! Ang Donald na diyos sa mga mata mo ay isang basura lang sa akin!”Pagkatapos, sinabi niya ulit, “Ikaw na may apelyidong Bishop. Huwag kang mabalisa. Iisa-isahin ko kayo. Ipapadala ko muna ang kaibigan mo bago ako makikipag-usap nang masinsinan sa iyo!”Pagkatapos, tumingin agad si Charlie sa matabang lalaki na nasa Mercedes-Benz at sinabi nang malamig, “Nandukot ka at nagbenta ng mga bata at wala kang konsensya. Tinulungan mo ang mga masasamang tao na gumawa ng kasalanan at may karapatan ang kahit sino na parusahan ka sa mga ginaw
Read more

Kabanata 1030

Sumagot nang malamig si Charlie. “Itapon niyo siya sa ilog!”Lumipad agad ang helicopter papunta sa ibabaw ng ilog sa tabi ng tulay. Pagkatapos, biglang tinanggal ng helicopter ang kable at nahulog nang napakabilis ang Mercedes-Benz sa ilog.Dahil bulletproof ang Mercedes Benz, sobrang bigat ng kotse. Bukod dito, pagkatapos ikabit ang mga steel bar at steel plate sa kotse, mas bumigat ito.Kaya, sa sandaling bumulusok ito sa ilog nang mabilis, agad ito gumawa ng isang malaking pagsaboy ng tubig!Gumawa pa ng isang maliit na rainbow ang pagsaboy ng tubig sa ilalim ng sinag ng araw!Pagkatapos, agad nawala ang Mercedes-Benz dahil lumubog na ito sa ilalim ng ilog.Alam ng lahat na nandoon na tiyak na malulunod ang matabang lalaki.Dahil, tuluyan nang nahinang ang kotse. Kaya, imposible nang makatakas siya kahit na isa siyang diwata o immortal!Si Max, ang pamilya nii Gibson at si Nelson at ang asawa niya ay bumagsak at sumigaw sa takot at sindak nang makita nilang lumubog ang Merc
Read more
PREV
1
...
101102103104105
...
562
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status