Nang hini niya na talaga ito matiis, lumabas na siya para tulungan si Nelson nang ilang beses.Nang madiskubre ng iba na kahit ang tagapagmana ng isang mataas at maimpluwensyang pamilya tulad ni Donald ay kikilos para tulungan at suportahan si Nelson, hindi na nangahas ang ibang beggar clan na kalabanin si Nelson.Kaya, ginamit ni Nelson ang kanyang makapangyarihang koneksyon para takutin ang iba at sa kalaunan ay tinipon na niya ang lahat ng beggar clan at pwersa sa South Region sa mga kamay niya.Siya na ngayon ang pinuno ng sikat na Beggar Clan sa buong South Region.Sobrang mapagmataas ni Nelson dito dahil napakadali na para sa kanya na kumita ng pera sa industriyang ito. Hindi man lang niya kailangang magsikap nang kaunti. Sasabihin niya lang na kumalat ang mga tauhan niya. Pagkatapos humanap ng lugar na gagawin kampo, uupo lang sila sa sahig at magsusulat ng isang miserable at nakakaawang mensahe sa isang piraso ng puting papel. Pagkatapos, kikita na sila ng pera habang nakau
Minamaneho ni Nelson ang kanyang Rolls-Royce sa sandaling ito. Ang kanyang asawa, na dalawang buwan na buntis, ay nakaupo sa tabi niya at ang kanyang anim na taong gulang na anak na babae ay nakaupo sa likod ng kotse.Mabilis lang ang biyahe ng pamilya ng tatlo pabalik sa kanilang villa.Huminto ang Rolls-Royce ni Nelson sa sandaling nakapasok sila sa garahe. Tinulak niya ang pinto ng kotse habang palabas na siya sa kotse. Sa parehong oras, si Kelly, na nakaupo sa tabi niya, ay tinulak na rin ang pinto ng kotse sa kabila.Natutulog ang kanilang batang anak na babae sa likod ng kotse.Sinabi ni Kelly kay Nelson, “Mahal, buhatin mo ang anak natin at siguraduhin mo na maglalagay ka ng jacket sa kanya. Huwag mo siyang hayaang lagnatin.”Bahagyang tumango si Nelson. Paglabas sa kotse, itinaas ni Nelson ang kanyang kamay habang binuksan niya ang pinto sa likod.Sa sandaling ito, ilang lalaking nakaitim ang biglang sumugod sa kanya. May hawak silang pistol sa mga kamay nila. Sa sandalin
Sinabi niya nang nagmamadali, “Anong sinusubukan mong gawin? Inosente ang anak ko! Huwag mo siyang idamay dito!”Umirap ang lalaking nakaitim at sinabi: “Gaano karaming sanggol at bata ang nadukot at nakidnap ng sindikato mo? Hindi ba’t inosente rin sila? Kaya. ang ibig mo bang sabihin ay isang tao ang anak ni Nelson Bishop pero ang anak ng iba ay hindi mga tao?”Nagulat si Nelson!Bago pa bumalik si Nelson o ang kanyang asawa sa kanilang diwa, pwersahan na silang dinala sa helicopter ng mga lalaking nakaitim.Pagkatapos, dinala rin ang anak nila sa helicopter.Naglabas ng syringe ang isa sa mga lalaking nakaitim bago niya tinurukan ang anak ni Nelson ng tranquilizer.Ang tranquilizer na ito ay kayang patulugin nang mahimbing ang anak ni Nelson nang sampung oras pa.Pagkatapos, mabilis na umangat ang helicopter habang lumipad sila papunta sa tulay kung nasaan si Charlie.***Sa sandaling ito, sa tulay, nagulat ang ang pamilya ng apat ni Gibson.Ilang beses nang hinimatay si M
Habang papalapit nang papalapit ang forklift, sinabihan ni Charlie ang mga tao sa paligid niya na gumawa ng daan bago siya kumaway sa driver ng forklift at sinabi, “Tara, ilagay mo siya dito.”Agad dinala ng driver ng forklift ang bulletproof na S-Class Mercedes-Benz papunta kay Charlie.Sumagot si Isaac sa sandaling ito. “Huwag kang magpadalus-dalos. Huwag mo munang ibaba ang kotse niya. Kung hindi, baka masaktan niya ang young master kung bigla niyang tatapakan ang accelerator sa sandaling ibinaba ang kotse niya. Tanggalin niyo ang apat na gulong ng kotse bago niyo siya ibaba.”Kaya, nagmadaling kinuha ng ilang trabahador mula sa construction site ang mga kagamitan nila bago sila umakyat sa forklift at tinanggal ang apat na gulong ng kotse.Sa sandaling ito, mayroong isang matabang lalaki na nakaupo sa loob ng kotse. Mayroong takot na ekspresyon ang matabang lalaki sa kanyang mukha habang sumigaw siya sa loob, “Sino ba kayo, at ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?”Hindi siya p
Kanina pa siya nire-record ni Charlie. Kaya, kinukunan niya rin ng video ang eksena kung saan hininang ang kotse at nakulong ang matabang lalaking ito sa loob nito.Tumingin ang matabang lalaki kay Charlie bago niya siya binantaan gamit ang lahat ng makakaya niya, “Binabalaan kita! Pakawalan mo ako ngayon din! Ang bayaw ng boss namin ay si Donald Webb ng pamilya Webb! Alam ko na siguradong narinig mo na ang pangalan ni Donald Webb dati! Hindi mo siya kayang kalabanin! Kung mangangahas kang galawin ako ngayon, papatayin ka ng boss ko at ng bayaw niya, si Donald Webb!”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Ang boss mo? Papunta na ang boss mo dito. Kaya, makikita niya rin ang pagkamatay mo mamaya!”Habang nagsasalita siya, isang helicopter ang mabilis na bumaba mula sa himpapawid!Pagkalipas ng ilang minuto, bumaba na sa lapag ang helicopter. Ilang taong nakaitim ang sinamahan si Nelson at ang kanyang asawa, si Kelly, pababa ng helicopter.Nagulat si Nelson nang makita niya ang eksena sa ha
Sumagot si Nelson sa takot, “Kapatid, ang bayaw ko, si Donald ay isa sa mga pinaka kagalang-galang at maimpluwensyang tao sa South Region. Hindi ka niya pagbibigyan kung papatayin mo ako ngayong araw. Imbis na maghiganti ka sa ganitong paraan, bakit hindi nating gawing pagkakaibigan ang pag-aaway natin?”Ngumiti nang walang pakialam si Charlie at sinabi, “Pasensya na pero hindi ka karapat-dapat na maging kaibigan ko! Kahit si Donald ay hindi karapat-dapat! Ang Donald na diyos sa mga mata mo ay isang basura lang sa akin!”Pagkatapos, sinabi niya ulit, “Ikaw na may apelyidong Bishop. Huwag kang mabalisa. Iisa-isahin ko kayo. Ipapadala ko muna ang kaibigan mo bago ako makikipag-usap nang masinsinan sa iyo!”Pagkatapos, tumingin agad si Charlie sa matabang lalaki na nasa Mercedes-Benz at sinabi nang malamig, “Nandukot ka at nagbenta ng mga bata at wala kang konsensya. Tinulungan mo ang mga masasamang tao na gumawa ng kasalanan at may karapatan ang kahit sino na parusahan ka sa mga ginaw
Sumagot nang malamig si Charlie. “Itapon niyo siya sa ilog!”Lumipad agad ang helicopter papunta sa ibabaw ng ilog sa tabi ng tulay. Pagkatapos, biglang tinanggal ng helicopter ang kable at nahulog nang napakabilis ang Mercedes-Benz sa ilog.Dahil bulletproof ang Mercedes Benz, sobrang bigat ng kotse. Bukod dito, pagkatapos ikabit ang mga steel bar at steel plate sa kotse, mas bumigat ito.Kaya, sa sandaling bumulusok ito sa ilog nang mabilis, agad ito gumawa ng isang malaking pagsaboy ng tubig!Gumawa pa ng isang maliit na rainbow ang pagsaboy ng tubig sa ilalim ng sinag ng araw!Pagkatapos, agad nawala ang Mercedes-Benz dahil lumubog na ito sa ilalim ng ilog.Alam ng lahat na nandoon na tiyak na malulunod ang matabang lalaki.Dahil, tuluyan nang nahinang ang kotse. Kaya, imposible nang makatakas siya kahit na isa siyang diwata o immortal!Si Max, ang pamilya nii Gibson at si Nelson at ang asawa niya ay bumagsak at sumigaw sa takot at sindak nang makita nilang lumubog ang Merc
Kailangan niyang mag-iwan ng isang anak na lalaki para ipagpatuloy ang lahi ng pamilya Bishop.Ito rin ang dahilan kung bakit gusto ni Nelson at ng kanyang kapatid na babae na manganak si Kelly ng isang anak na lalaki.Biglang napagtanto ni Nelson sa mahalagang oras na ito na kung wala siyang magagawa kundi mamatay dito ngayong araw, kailangang mabuhay ni Kelly at ng anak niya sa kanyang tiyan.Paano kung naging lalaki ang sanggol? Mayroong magdadala ng lahi ng pamilya Bishop kung gano’n!Kung hindi, kung mamamatay si Kelly ngayong araw, tapos na ang pamilya Bishop.Nang maisip niya ito, biglang sinabi ni Nelson kay Charlie, “Kapatid, kahit ano pang poot at galit mo sa akin, ako dapat ang parusahan mo. Inosente ang asawa ko at inosente rin ang bata sa tiyan ng asawa ko. Pakawalan mo sana sila!”Sumagot nang malamig si Charlie, “Nandukot ka at sinaktan mo ang napakaraming bata. Naisip mo ba na ang mga batang ito talaga ang inosente?”Umiyak si Nelson habang sinabi, “Kahit na wala
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro