Habang papalapit nang papalapit ang forklift, sinabihan ni Charlie ang mga tao sa paligid niya na gumawa ng daan bago siya kumaway sa driver ng forklift at sinabi, “Tara, ilagay mo siya dito.”Agad dinala ng driver ng forklift ang bulletproof na S-Class Mercedes-Benz papunta kay Charlie.Sumagot si Isaac sa sandaling ito. “Huwag kang magpadalus-dalos. Huwag mo munang ibaba ang kotse niya. Kung hindi, baka masaktan niya ang young master kung bigla niyang tatapakan ang accelerator sa sandaling ibinaba ang kotse niya. Tanggalin niyo ang apat na gulong ng kotse bago niyo siya ibaba.”Kaya, nagmadaling kinuha ng ilang trabahador mula sa construction site ang mga kagamitan nila bago sila umakyat sa forklift at tinanggal ang apat na gulong ng kotse.Sa sandaling ito, mayroong isang matabang lalaki na nakaupo sa loob ng kotse. Mayroong takot na ekspresyon ang matabang lalaki sa kanyang mukha habang sumigaw siya sa loob, “Sino ba kayo, at ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?”Hindi siya p
Kanina pa siya nire-record ni Charlie. Kaya, kinukunan niya rin ng video ang eksena kung saan hininang ang kotse at nakulong ang matabang lalaking ito sa loob nito.Tumingin ang matabang lalaki kay Charlie bago niya siya binantaan gamit ang lahat ng makakaya niya, “Binabalaan kita! Pakawalan mo ako ngayon din! Ang bayaw ng boss namin ay si Donald Webb ng pamilya Webb! Alam ko na siguradong narinig mo na ang pangalan ni Donald Webb dati! Hindi mo siya kayang kalabanin! Kung mangangahas kang galawin ako ngayon, papatayin ka ng boss ko at ng bayaw niya, si Donald Webb!”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Ang boss mo? Papunta na ang boss mo dito. Kaya, makikita niya rin ang pagkamatay mo mamaya!”Habang nagsasalita siya, isang helicopter ang mabilis na bumaba mula sa himpapawid!Pagkalipas ng ilang minuto, bumaba na sa lapag ang helicopter. Ilang taong nakaitim ang sinamahan si Nelson at ang kanyang asawa, si Kelly, pababa ng helicopter.Nagulat si Nelson nang makita niya ang eksena sa ha
Sumagot si Nelson sa takot, “Kapatid, ang bayaw ko, si Donald ay isa sa mga pinaka kagalang-galang at maimpluwensyang tao sa South Region. Hindi ka niya pagbibigyan kung papatayin mo ako ngayong araw. Imbis na maghiganti ka sa ganitong paraan, bakit hindi nating gawing pagkakaibigan ang pag-aaway natin?”Ngumiti nang walang pakialam si Charlie at sinabi, “Pasensya na pero hindi ka karapat-dapat na maging kaibigan ko! Kahit si Donald ay hindi karapat-dapat! Ang Donald na diyos sa mga mata mo ay isang basura lang sa akin!”Pagkatapos, sinabi niya ulit, “Ikaw na may apelyidong Bishop. Huwag kang mabalisa. Iisa-isahin ko kayo. Ipapadala ko muna ang kaibigan mo bago ako makikipag-usap nang masinsinan sa iyo!”Pagkatapos, tumingin agad si Charlie sa matabang lalaki na nasa Mercedes-Benz at sinabi nang malamig, “Nandukot ka at nagbenta ng mga bata at wala kang konsensya. Tinulungan mo ang mga masasamang tao na gumawa ng kasalanan at may karapatan ang kahit sino na parusahan ka sa mga ginaw
Sumagot nang malamig si Charlie. “Itapon niyo siya sa ilog!”Lumipad agad ang helicopter papunta sa ibabaw ng ilog sa tabi ng tulay. Pagkatapos, biglang tinanggal ng helicopter ang kable at nahulog nang napakabilis ang Mercedes-Benz sa ilog.Dahil bulletproof ang Mercedes Benz, sobrang bigat ng kotse. Bukod dito, pagkatapos ikabit ang mga steel bar at steel plate sa kotse, mas bumigat ito.Kaya, sa sandaling bumulusok ito sa ilog nang mabilis, agad ito gumawa ng isang malaking pagsaboy ng tubig!Gumawa pa ng isang maliit na rainbow ang pagsaboy ng tubig sa ilalim ng sinag ng araw!Pagkatapos, agad nawala ang Mercedes-Benz dahil lumubog na ito sa ilalim ng ilog.Alam ng lahat na nandoon na tiyak na malulunod ang matabang lalaki.Dahil, tuluyan nang nahinang ang kotse. Kaya, imposible nang makatakas siya kahit na isa siyang diwata o immortal!Si Max, ang pamilya nii Gibson at si Nelson at ang asawa niya ay bumagsak at sumigaw sa takot at sindak nang makita nilang lumubog ang Merc
Kailangan niyang mag-iwan ng isang anak na lalaki para ipagpatuloy ang lahi ng pamilya Bishop.Ito rin ang dahilan kung bakit gusto ni Nelson at ng kanyang kapatid na babae na manganak si Kelly ng isang anak na lalaki.Biglang napagtanto ni Nelson sa mahalagang oras na ito na kung wala siyang magagawa kundi mamatay dito ngayong araw, kailangang mabuhay ni Kelly at ng anak niya sa kanyang tiyan.Paano kung naging lalaki ang sanggol? Mayroong magdadala ng lahi ng pamilya Bishop kung gano’n!Kung hindi, kung mamamatay si Kelly ngayong araw, tapos na ang pamilya Bishop.Nang maisip niya ito, biglang sinabi ni Nelson kay Charlie, “Kapatid, kahit ano pang poot at galit mo sa akin, ako dapat ang parusahan mo. Inosente ang asawa ko at inosente rin ang bata sa tiyan ng asawa ko. Pakawalan mo sana sila!”Sumagot nang malamig si Charlie, “Nandukot ka at sinaktan mo ang napakaraming bata. Naisip mo ba na ang mga batang ito talaga ang inosente?”Umiyak si Nelson habang sinabi, “Kahit na wala
Galit na sinumbat ni Nelson, “Handa kang ipalaglag ang anak ko dahil gusto mong mabuhay? Ngayon, sinusubukan mo pang gamiting panangga ang anak na babae natin? Sa tingin mo ba talaga ay maloloko mo ako? P*ta ka! Bakit hindi napansin na ikaw ang klase ng tao na takot sa kamatayan at pinag-iisipan mo lang ang sarili mong buhay? Handa ka pang iwan ang asawa mo sa ganitong oras!|Hindi talaga inaasahan ni Kelly na pagagalitan siya nang sobra ng kanyang asawa sa sandaling ito.Totoo na gusto niya talagang patuloy na mabuhay sa mundong ito, Pero, makatwiran naman ang sinabi niya. Sa ganitong kaso, kahit na mamatay siya o mabuhay, imposibleng mapanaitil niya ang sanggol sa tiyan niya. Kung gano’n, hindi ba’t mas mabuti kung may isang mabubuhay sa kanila kaysa mamatay agad silang dalawa?”Kaya, tinanong niya si Nelson, “Mag-asawa tayo. Nang nagmamakaawa ka para sa buhay ko kanina, desperado kang nagmamakaawa na buhayin ako ng kuyang ito. Pero sa sandaling narinig mo na hindi niya hahayaang
Pagkatapos mamatay ni Kelly, natakot nang sobra si Gibson, ang pamilya niya, at si Max.Sa maikling panahon, dalawang tao na ang namatay sa harap nila. Bukod dito, ang pagkamatay nila ay sobrang miserable.Sa una ay naiinggit ang lahat sa senior ng Beggar Clan na may S-Class na Mercedes-Benz. May pera siya, katayuan, at mayroon din siyang magandang kotse.Pero, kanina lang, naging kabaong niya ang Mercedes-Benz.Nagulat din ang pinakaloob ng puso nila nang makita nila ang desperado at masamang pagkamatay ni Kelly.Mayroong malamig na ekspresyon si Charlie sa kanyang mukha habang tinanong niya si Isaac, “Nasaan na ang ibang miyembro ng Beggar Clan?”Sumagot si Isaac, “Young Master, huwag kang mag-alala. Inutusan ko na ang lahat ng tauhan natin sa Sudbury. Kumikilos na sila at isa-isang dadalhin ang mga taong ito dito!”“Okay!” Tumango si Charlie bago siya umirap, “Walang matitirang buhay sa mga mahahalagang miyembro ng Beggar Clan ngayong araw!”Sa lalong madaling panahon.Ang
Nagulat si Isaac nang marinig niya ang mga sinabi ni Charlie. Hindi niya talaga inaasahan na sobrang lupit ng mga pamamaraan ng young master.Pero, kung iisipin niya, ang mga taong ito ay wala talagang mga konsensya. Kaya, patas na parusa ang paraan ng pagkamatay na ito para sa mga ginawa nila.Kung nasa sinaunang panahon ang salot na ito, papatayin siya at pagpipira-pirasuhin ang katawan niya.Hindi na nagkaroon ng pag-aatubili si Isaac at nagmamadali niyang inutusan ang dalawang lalaking nakaitim sa tabi niya, “Kayong dalawa! Tandaan niyo na hiwain ang sugat nang manipis lang!”Ang dalawang lalaking ito ay mga top killers na pumatay na ng napakaraming tao. Kaya, sanay na sila sa mga ganitong sitwasyon. Agad nilang nilabas ang mga kutsilyo sa bulsa nila bago sila lumapit kay Nelson na may tuwid at walang ekspresyon na emosyon sa mga mukha nila.Si Nelson, na nagpapanggap na sobrang tapang kanina, ay nanginig sa takot sa sandaling ito. Umiyak siya nang malakas at sinabi, “Kuya, ma
Agad-agad, pangatlong araw na. Dumating nang maaga si Mr. Chardon sa Antique Street, sabik na naghihintay ng magandang balita mula kay Zachary.Sa sandaling ito, kinakabahan at hindi mapakali si Mr. Chardon. Ayon sa mga pangangailangan ng British Lord, kailangan niyang puksain ang mga Acker bago maghatinggabi, na bago mag 11:00 p.m. ngayong gabi.Balak din ni Mr. Chardon na pumunta sa Willow Manor ng 7:00 p.m. ngayong gabi. Tahimik muna siyang maghahanap ng ligtas na lugar sa Willow Manor para pagtaguan at hintayin ang perpektong pagkakataon para umatake. Kapag tama na ang oras, aatakihin niya agad at uubusin ang mga Acker.Kaya, ang pinakamalaking hiling niya ngayong araw ay makakuha ng mas maraming mahiwagang instrumento kay Zachary bago mag 7:00 p.m. Kahit na alam niya na baka itayo lang ni Zachary ang stall niya sa hapon o kahit mamaya pa, dumating si Mr. Chardon at balisang naghintay sa Antique Street sa umaga.Pero, nahuli na naman si Zachary at dumating lang sa hapon.Nang
Lumapit si Mr. Chardon sa sandaling itinayo ni Zachary ang stall niya. Nang makita ni Mr. Chardon na may hangover si Zachary, hindi niya mapigilan na tanungin siya, “Zachary, binigyan ka na ba ng sagot ng boss mo?”Umiling si Zachary, humikab, at sinabi, “Hindi pa. Nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para ma-withdraw ang pera simula kagabi, pero limitado ang dami ng pera na pwedeng malabas, kaya marahil ay matagalan ito.”Medyo nabsali at nainip si Mr. Chardon habang sinabi, “Zachary, baka kailangan ko na umalis sa Aurous Hill bukas ng gabi. Marahil ay hindi na tayo magkita sa hinaharap pagkatapos kong umalis.”May nanghihinayang na ekspresyon si Zachary habang sinabi, “Boss, medyo mahigpit nga ang oras na bukas ng gabi. Bakit hindi ka muna manatili ng ilang araw? Maghintay ka lang ng tatlo o limang araw, at marahil ay makukuha mo ang gusto mo. Kung nababagot ka, pwede kang sumama sa Shangri-La sa akin. May presidential suite ako doon na may apat na kwarto. Isang kwarto lang ang ga
Nagpapanggap lang si Zachary ayon sa pagsasaayos ni Charlie sa sunod-sunod na pagtatanghal na ito. Sa ibang salita, kumakain siya, umiinom, at inaaliw ang sarili niya gamit ang public funds na inaprubahan ng boss niya.Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na aliwin ang sarili niya at magsaya gabi-gabi ay dahil nag-aalala siya na palihim na babantayan ni Mr. Chardon si Zachary.Hindi pwedeng hayaan ni Charlie na mabunyag ni Zachary ang kahit anong bakas bago pa kumkilos si Mr. Chardon. Basta’t walang mabubunyag na bakas si Zachary, siguradong walang pagbabago sa makalawa ng gabi. Sa sandaling nabunyag ang sikreto, posible na maagang kumilos si Mr. Chardon.Sa sandaling ito, patuloy na binabantayan ni Mr. Chardon si Zachary, at nakikinig pa siya nang mabuti sa pag-uusap nila ng babaeng escort. Sa tuwing pinagmamasdan niya si Zachary, mas naniniwala siya sa pagkatao ni Zachary at sa lahat ng sinabi sa kanya ni Zachary.Sa paningin niya, kumikita si Zachary ng pera sa
Sinabi ni Charlie, “Hayaan mo muna na maghintay siya kung gusto niya ng mga produkto. Malapit na nag-uugnayan ang pulis at ang mga bangko kailan lang, kaya madali kang pupuntiryahin kung hindi alam kung saan galing ang pinagmulan ng napakalaking pera, lalo na kung transaksyon ito sa US dollars. Kaya, kailangan mong linisin ang lahat ng pera na natanggap mo sa nakaraang ilang araw at sabihan ang buyer na ipapadala mo sa kanya ang mga produkto sa loob ng isang linggo.”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “Pero hindi kayang maghintay ng buyer nang gano’n katagal. Sinabi niya sa akin ngayong araw na kaya niya lang maghintay hanggang sa makalawa bago maggabi. Hindi ba’t dapat nating ipadala ang mga produkto nang mas maaga? Dahil, kapag wala na ang pagkakataon na ito, marahil ay hindi na siya bumalik.”Nang marinig ni Charlie na binanggit ni Zachary na makakapaghintay lang hanggang sa makalawa bago maggabi ang great earl mula sa Qing Eliminating Society, biglang nakaramdam ng lamig si Char
Alam ni Mr. Chardon na kahit anong mangyari, kailangan niyang gawin ang misyon na binigay sa kanya ng British Lord makalipas ang dalawa’t kalahating araw. Sa lakas niya, madali lang ang pagpatay sa mga Acker kahit na pinoprotektahan sila nang matindi ng mga bodyguard ng mga Acker.Pero, alam niya na sa sandaling ginalaw niya ang mga Acker, mahihirapan siyang makatakas nang walang sugat sa ilalim ng opisyal na pagtutugis sa Oskia. Sa sandaling iyon, mawawalan siya ng pagkakataon na makakuha pa ng mga mahiwagang instrumento mula kay Zachary.Sa sandaling iyon, inisip din ni Mr. Chardon kung dapat niya bang samantalahin ang pagkakataon na hulihin si Zachary at puwersahin siya na maglabas ng impormasyon tungkol sa boss niya at sundan ang bakas para hanapin ang boss niya, direktang harapin ang nakamamatay na tunggalian.Pero, nag-aalala siya na maaaring maglabas ng impormasyon ang paggawa ng masyadong maraming ingay. May malawak na network ang mga Acker, kaya kapag may naramdaman sila, p
Habang nadidismaya siya, si Zachary, na nasa gilid, ay nagsalita at sinabi, “Tatang, sa opinyon ko, dapat mo rin bilhin ang jade ring na ito. Magmumukha kang sobrang engrande kapag sinuot mo ang dalawang jade ring sa magkabilang hinlalaki!”Palihim na inisip ni Mr. Chardon, ‘Dahil sinabi ko na sa British Lord ang tungkol sa singsing na ito, maganda na kaya kong makabili ng pangalawa ngayon. Kaya kong ibigay ang isa sa mga jade ring sa British Lord at itago ang isa. Kahit papaano, hindi ako magsisisi kung mahalaga ito.’Nang maisip ito, sinabi ni Zachary, “Okay. Dahil tinadhana ako sa mga jade ring, bibilhin ko rin ito. 500 thousand dollars pa rin ito, tama?”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “tatang, hindi na sapat ang 500 thousand dollars ngayon. Sinabi ng supplier ko na ito na ang huling singsing, at wala nang matitira pagkatapos kong ibenta ito, kaya hindi ito mabebenta ng mas mababa sa one million US dollars.”“One million US dollars?” Sinabi ni Mr. Chardon nang may ilang pag
Pamilyar na si Mr. Chardon sa proseso ngayon. Binuksan niya agad ang kanyang cellphone at ipinadala ang 200 thousand US dollars kay Zachary.Pagkatapos itong gawin, tinanong niya nang naiinip, “Zachary, pwede mo na bang dalhin dito ang mga produkto?”Tinapik ni Zachary ang dibdib niya at sinabi, “Mangyaring maghintay ka saglit, tatang. Tatawagan ko siya at pipilitin ngayon din!”Ipinaalala nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Ang gusto ko lang ay ang mga bagay na galing sa parehong pinagmulan ng dalawang binili ko. Huwag mo akong subukang lokohin.”Sinabi ni Zachary nang may seryosong ekspresyon, “Tatang, makasisiguro ka na maraming taon ko na itong ginagawa dahil palagi akong umaasa sa salitang ‘katapatan’. Hindi ako gagawa ng kahit anong panloloko. Tinawagan na ako ng boss ko at sinabi niya na magpapadala pa siya ng isang produkto. Maghintay ka lang saglit!”Biglang nanabik si Mr. Chardon at sinabi, “Talaga?! Magaling!”Naghintay ang dalawa ng halos dalawampung minuto ng isang del
Pero, inisip niya lang ang mga ito, at hindi siya nangahas na kaswal na gumawa ng problema bago puksain ang mga Acker. Kaya, tumalikod na lang siya nang nag-aatubili at patuloy na naglakad sa ibang direksyon.Sa sandaling ito, wala siyang ideya na nakahanap na si Ruby ng isang upuan sa tabi ng bintana sa second floor ng tea house sa tabi ng Antique Street at pinagmamasdan siya sa malayo.Sa sandaling iyon, si Zachary, na humihikab habang kinakaladkad ang mga produkto niya, ay naglakad mula sa entrance ng Antique Street.Nakita siya ni Mr. Chardon sa isang tingin, at tumakbo siya papunta sa kanya nang malugod, at tinanong, “Zachary, saan ka galing? Kaninang umaga at tanghali pa kita hinihintay pero hindi ko man lang nakita ang anino mo!”Humikab si Zachary, tamad na tinakpan ang bibig niya gamit ang kanyang palad habang gumawa ng mga tinatamad na tunog. Pagkatapos humikab, nag-unat siya nang tamad bago sinabi, “Tatang, may stall ako, hindi ako nagtatrabaho ng 9-to-5. Pupunta ako kah
Nang nagmamadaling pumunta si Zachary sa opisina ni Isaac, magulo ang buhok niya, at ang katawan niya ay may halong amoy ng alak at pabango. May ilang makintab at nakakaakit na marka ng lipstick pa sa mukha niya.Nang makita si Charlie, nagmamadali siyang ngumiti na parang humihingi ng tawad at tinanong, “Master Wade, hinahanap mo ba ako?”Tumango si Charlie at tinanong, “Nag-enjoy ka ba sa pag-inom kagabi?”Pinunasan ni Zachary ang kanyang bibig, ngumisi, at sinabi, “Master Wade, uminom ako nang mabuti kagabi!”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Dahil uminom ka nang mabuti, oras na para magtrabaho ka sa hapon.”Tumayo agad nang tuwid si Zachary at tinanong nang magalang, “Master Wade, anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang ang mga utos mo!”Humuni si Charlie bilang sagot at tinanong, “Zachary, bumalik ka ba dala-dala ang isa pang jade ring?”Sinabi agad ni Zachary, “Oo. Nakuha ko na ito! Kagabi, nilagay ko ito sa safe sa kwarto habang hindi pa ako lasing!”Tumango