Lahat ng Kabanata ng Nakakahumaling na Pag-ibig : Kabanata 471 - Kabanata 480

908 Kabanata

Kabanata 472

Ngunit, hindi inaasahan ni Ling Yiran na hihiramin ni Yi Jinli ang sariling sasakyan ng kanyang driver na nagkakahalaga lang ng 300 thousand dollars.Nagulat si Ling Yiran“Hindi ba sinabi mo na gusto mong mag mukha tayong normal na tao?” tanong ni Yi Jinli.“Gusto kong maging normal tayo dahil ayokong maging usapan sa aming lugar. Maliit na lugar lamang iyun kaya malamang ay pag uusapan talaga tayo. Natatakot ako na baka mag alala si lola. Pero talaga bang idradrive mo itong ganitong sasakyan?” tanong ni Ling Yiran“Sinabi ko lang ba yun para makipag biruan?” ngumiti si Yi Jinli.. “Okay sige, pumasok ka na sa kotse.”Pagpasok niya ng sasakyan doon niya lamang naisip na hindi kasama ang driver ngayon at si Yi Jinli ang magmamaneho nito.“Ikaw ang magdradrive?” tanong niya.“Oo, hindi naman iyun ganun kalayo. Umiglip ka muna kung inaantok ka. Alam ko naman ang daan papunta doon, “ang sabi ni Yi Jinli habang iniistart ang sasakyan.Hindi namalayan ni Ling Yiran na napakagat na si
Magbasa pa

Kabanata 473

Tumingin siya sa kanya na para bang naguguluhan. “Anong problema?”“Napag isipan mo na ba kung paano mo ako ipapakilala mamaya?” tanong ni Yi Jinli.Medyo napaisip si Ling Yiran pero sumagot siya agad,”Oo naman, ipapakilala kita sa kanila bilang aking nobyo.”Ngumiti si Yi Jinli. “Okay, tara na.”Pagkatapos lumabas ng kotse, pumunta si Ling Yiran sa pinto at kumatok. Maya maya ay may sumagot na sa kanila. Iyon ay ang kanyang pangatlong tita.Ng makita ng pangatlo niyang tita si Ling Yiran e naging para itong sarcastic ang mukha. “Ikaw pala yan, Yiran. May dala ka pang lalake ngayon!”Tumingin ang kanyang tita sa may pintuan at napansin niya ang ordinaryong sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay. Tumingin siya ng parang may panunuya kay Ling Yiran.Akala nila na yung pamangkin nila ay nakikipagkita sa isang mayaman na lalaki. After all, niligtas siya ng lalaking iyon sa bahay ng mga hangal noong araw na iyon.Ngunit, habang nakatingin siya sa sasakyan sa labas, parang hindi na
Magbasa pa

Kabanata 474

“Tapos ka ng makipagkita sayong lola?” tanong ni Yi Jinli.“Natutulog pa din si lola. Ayoko siyang gising kaya nauna na akong lumabas,” sagot ni Ling Yiran.“Habang nagsasalita si Ling Yiran, ang pinsan niyang si Hua Lifang ay lumabas na may dalang dalawang tasa ng tsaa at inilagay ito sa harapan niya at ni Yi Jinli. “Tara at magtsaa kayo, Yiran.”May pakabigla sa mga mata ni Ling Yiran. Kahit kailan ay hindi naman naghain ng tsaa ang kanyang pinsan nung bumalik siya doon.“Hey, Yiran. Di mo ba ipapakilala sakin yang lalaking kasama mo? Tanong ng kanyang tita, yung tono niya e para bang nagseselos.“Siya po ang aking nobyo, Si Jin,” sagot ni Ling Yuran. Hindi niya sinabi ang buong pangalan nito para hindi sila magkagulo pag nalaman nilang si Jin ay si Yi Jinli.Ang gusto lang naman ni Ling Yiran ay makasama ang lola niya ng tahimik sa mga natitirang taon nito.“Nobyo? Imposible!” gulat na sinabi ni Hus Lifang.Para bang ang dating ay nagbiro si Ling Yiran ng matindi.Kinusot n
Magbasa pa

Kabanata 475

Para bang hindi nito papalampasin ang kahit sino na magsasalita ng masama tungkol kay Ling Yiran.ang puso ni Hua Lifang ay walang magawa kundi magkaroon na lang ng inggit. Naiiggit siya kay Ling Yiran dahil nakahanap ito ng gwapong nobyo na walang pakialam na nakulong siya. Siya naman ay nakapagpakasal sa blacksmith nung bata pa siya.Naisip niya na ang blacksmith na kanyang pinakasalan ay walang talento. Dagdag pa niya, nagbayad ito ng substantial bride price. Pero, sa buong nagdaan na mga taon, naramdaman ni Hua Lifang na lalong nagiging miserable ang buhay niya.Ang mga kaibigan niya na madalas niyang laging kasama ay nakatira na ngayon sa magagandang syudad, nagpakasal sa mga white collar workers, civil servants, direktor at halos kaparehas non. Ang dating nila ay para bang mga high class kaya nahiya itong sabihin na ang asawa niya ay blacksmith.Naisip niya na sa mga dumating na taon na kung hindi siya nagpakasal ng maaga, nakapagpakasal kaya siya sa siyudad nila ngayon? O k
Magbasa pa

Kabanata 476

Hindi maipinta ang mukha ni Hua Lifang sa sobrang hiya. Malaking sampal sa kanyang mukha ang sinabi niya!Ang pangatlong tita ay mistulang iritable. Dumaing ito kay Ling Yiran, “ Hoy Yiran. Maganda ang intensyon ni Lifang. Bakit sobrang arogante ng iyong kasintahan. Siya ay ating bisita. Gusto niya ba ay sambahin namin siya na parang panginoon?”Simpleng sagot ni Ling Yiran, “Mahiyain ang aking boyfriend. Malayo ang loob niya sa mga taong hindi pa niya kilala ng lubusan.”Mistulang napalunok sa sariling laway ang pangatlong tita.Mahiyain?!Hindi mukhang mahiyain ang lalaki.Gayunpaman, noong tiningnan sila ng lalaki, hindi nila mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanilang mga puso. Tila ba sila ay natatakot sa kanyang mga tingin.Tinikom ng pangatlong tita ang kanyang bibig at hindi na nagsalita pa. Sa kabilang banda, walang paliguy-ligoy na tinanong ni Hua Lifang si Li Yiran at Yi Jinli tungkol sa kung kailan sila nagkakilala, paano naging sila, kung ano ang totoong pagkatao
Magbasa pa

Kabanata 477

“Anong sinasabi mo, inay? Dinala ni Iyan ang kanyang boyfriend rito. Bakit naman namin siya pagkakaisahan? Mister pa ng ang tawag namin sa boyfriend niya,” sabi ng kanyang pangatlong tita nang nagtiyempo itong makapagsalita.Nagulat ang lola. “boyfriend? May boyfriend ka na Yiran? Dalian mo, ipakilala mo siya sa akin!” “Dadalhin ko siya rito,” sabi ni Ling Yiran habang patayo at umaalis ng kwarto.Ang pangatlong tita ay nagsalita ng tila hindi masaya, “Bakit ka masaya, inay? Mukhang toy boy ang boyfriend ni Ling Yiran. Maaring nagpapanggap lang ito!”Samakatuwid, ayaw niyang makahanap ng maayos na boyfriend ang kanyang pamangkin at maungusan ang kanyang sariling anak. “Tama na. Maingat na bata si Yiran. Hindi siya tulad ng iba na nahuhumaling sa mga salita lamang. Ako ang makakahusga kung talagang siya ay nagpapanggap lamang!” sabi ng lola ni Ling Yiran.Tinikom ng pangatlong tita ang kanyang bibig, Tiningnan ng lola si Yi Jinli habang sinusundan nito si Ling Yiran papunta ng k
Magbasa pa

Kabanata 478

Yumuko ng kaunti si Yi Jinli at ibinulong sa tenga ni Ling Yiran, “Hindi?”"..." nahihiya si Ling Yiran. Paano naman niya sasagutin ang ganong tanong?Nagbuntong-hininga ang kanyang lola, kinuha ang kanyang kamay at sinabing, “Kailangan mo nang dalian at baka hindi na ako makapunta sa inyong wedding reception.”Nagulat si Ling Yiran nang hawakan ng kanyang lola ang kanyang kamay at nalaman na tila mas manipis na ito kaysa noon. Nararamdan niya ang mga buti sa kamay ng kanyang lola sa pamamamagitan ng pagpulupot nito sa kanyang kamay.Manipis na balat lamang ang takip ng kanyang mga buto, at ang kanyang kamay at walang laman.Ang kanyang lola… ay mas matanda na kaysa sa kanyang inaakala.Nakaramdam ng puot sa puso si Ling Yiran, at nakita sa kanyang mukha ang kanyang lungkot.“Bakit ka malungkot ulit?” Patapik na sabi ng lola ni Ling Yiran sa likod ng kanyang kamay, “Magaan ang aking loob at nakikita ko na mabuti ang iyong ginagawa at may nag-aalaga sa iyo. Sa wakas, mapayapa ako
Magbasa pa

Kabanata 479

“Maganda. Ngunit ngayon ay magkaiba na kayo,” sabi ni Yi Jinli. Ayaw niyang makita ang mukha ni Ling Yiran sa mukha ng pinsan nito.Ngunit, maganda na magkamukha sila noong mga… bata pa.Pumikit ng kaunti ang pilikmata ni Yi Jinli, at ibinaba ang kanyang mga mata. Pinagtakpan ng mahabang pilikmata ang kanyang mga iniisip at kalkulasyon na nangyayari sa kanyang mga mata sa puntong iyon……Nanatili si Yi Jinli at Ling Yiran upang maghapunan. At nang dumilim dahil pagabi na, ang Lolo ni Ling Yiran na si Old Man Lu, ay bumalik na. Siya ay hindi interesado kay Ling Yiran at higit na walang pakialam kay Yi Jinli.Hindi na bago kay Ling Yiran ang ganitong ugali ni kanyang Lolo. Ngunit nang makita niya ang pag-uugali nito kay Yi Jinli, hindi niya mapigilang mag-alala rito.Matapos ang lahat ay dahil sa kanyang estado, ilang tao ang tinatrato siya ng ganito.Ngunit ngumiti lamang si Yi Jinli kay Ling Yiran na parang naramdaman ang alala nito. Binigyan niya ito ng tingin na huwag mag-alal
Magbasa pa

Kabanata 480

“Sige. Sige. Si Yiran ang pinakamakapamilya,” sabi ng Lola habang nakangiti.Makapamilya? Kita sa mukha ni Ling Yiran ang pagkalungkot. Kung siya ay makapamilya, sasamahan niya ang kanyang lola at aalagaan ito.Ngunit siya ngayon ay nakatira na kasama si Jin. Kung gusto niyang makasama ang kanyang lola at alagaan ito ay kailangan niyang kausapin ng maaga si Jin at humingi ng permiso.“Kung hindi mo mamasamain, maaari mong ayain si Yiran upang dalhin ka sa Shen City. Maaari ka niyang alagaan, Lola,” biglang sabi ni Yi Jinli.Nagulat si Ling Yiran at tiningnan si Yi Jinli ng may pagkagulat; hindi niya akalain na magsasabi ito ng ganitong bagay.Nagulat rin ang lola. Ngunit sabi niya, “Ang bait mo naman iho, ngunit sanay na akong manirahan dito. Saka nandito ang aking mga anak. Kung hahayaan kong mag-alaga sakin si Yirang ay maaaring gumawa ng kwento ang mga tao. Bibisita na lang ako sa Shen City kapag bumuti na ang kalagayan ko.”Tumingin ulit ang Lola kay Ling Yiran at sinabing, “
Magbasa pa

Kabanata 481

Nakaramdam siya ng pagkakalma kahit na nakaupo lang si Ling Yiran sa tabi niya.Sa isang sulyap lang sa kanya, nararamdaman ni Yi Jinli ang paggaan ng kanyang pakiramdam dulot ng mga tensyon na nangyayari sa kanyang buhay.Ang nakikita lamang ng iba ay kung gaano siya kataas, ngunit nakikita niya na habang tumataas ang kanyang karangalan at dumarami ang kanyang kayamanan at kapangyarihan, mas lalong dumarami rin ang mga taong sinusubukang manipulahin siya.Mukha siyang marangya, ngunit sa totoo ay mapanganib ito. Anumang pagpapabaya ay maaaring ikabagsak ng kaharian ng pamilya Yi.Kung kaya kailangan niyang mag-ingat sa kada hakbang na gagawin niya. Kailangang magplano ng sampung hakbang bago tumapak ng isang hakbang ang kanyang nakasanayan. Sa sobrang okupado niya sa pagbibilang ng lahat ng posibilidad ay nakakalimutan na niyang magpahinga.Baka si Ling Yiran lamang ang nakakapagpagaan ng kanyang pakiramdam.Nong tumigil ang sasakyan sa service station at bumili si Yi Jinli ng t
Magbasa pa
PREV
1
...
4647484950
...
91
DMCA.com Protection Status