All Chapters of Nakakahumaling na Pag-ibig : Chapter 491 - Chapter 500

908 Chapters

Kabanata 492

Habang si Ling Yiran ay isinasagawa ang mga proseso para mapyansahan si Qin Lianyi, biglang tumawag si Yi Jinli. "Nasa istayon ka ba ng mga pulis?""Huh?" Napatigil bigla si Ling Yiran pero bigla rin bumalik. Siguro, ang tsuper ang nagsabi sa kanya."Oo, nandito ako sa istasyon ng pulis. Mayroong nangyari kay Lianyi kaya nandito ako para piyansahan siya."Medyo nagtaka si Yi Jinli. "Kailangan niya ang tulong mo para makalabas? Bakit hindi niya hinanap si Bao Tingxin? Hindi ba kasintahan nya iyon?"..." Komplikado ang sitwasyon, at pribadong bagay ito kay Lianyi. "Siguro meron siyang sariling pag-iisip. Gayon pa man, nasa gitna ako ng pag-aayos ng mga papeles. Kakausapin na lang kita mamaya!"Tinapos ni Ling Yiran ang tawag at pinagpatuloy ang proseso.Minumura pa rin ni Zhou Jiewen si Qin Lianyi at pinipilit na si Qin Lianyi ay interesado sa kanyang nobyo.Galit na galit si Qin Lianyi na nasigawan nyasi Zhou Jiewen bilang baboy! Nasa kaniya na ngayon si Bai Tingxin bilang nobyo.
Read more

Kabanata 493

Duwag na tumango si Shen Ziyu. "O-o-oo... Inakit ako ng Qin Lianyi!"Gusto ni Qin Lianyi sampalin ang lalaking iyon!Nag-alala si Ling Yiran na ang bulastog na pag-uugali ng kanyang kaibigan ay mapunta siya sa mainit na sitwasyon, kaya't hinila niya pabalik ang kaibigan at sinabi sa magkasintahan, "Kailangan mong maging legal na responsable sa anumang sinabi mo ngayon. Kung hindi, ituturing iyon na paninirang puri sa reputasyon ng isang tao. Bakit hindi tayo bumalik sa istasyon upang makita kung kailangan nating buksan ng kaso."Nanahimik si Shen Ziyu at tinikom ang bibig.Si Zhou Jiewen ay nagsasabi pa rin ng masasmang salita nang pagod na tumingin sa kanya si Yi Jinli. 鄭ng arogante mong babae. Akma mo bang ituro kung anong uri ng tao ang aking kasintahan? Sino ka ba sa tingin mo?"Si Zhou Jiewen ay mukhang kinilabutan. Ang binitawang salita ni Yi Jinli ay parang sampal sa kanyang mukha."Ako... Nagbibigay lang ako ng isang mabait na paalala. Nag-aalala akong baka maloko ka lang
Read more

Kabanata 494

Mukhang nahihirapan si Qin Lianyi na ipaliwanag ito kay Yi Jinli. Hinihiling niya na kaya niyang itago na si Bai Tingxin at siya ay magkasintahan.Ayaw niyang may mag-iiba sa kanyang buhay matapos niyang maghiwalay.Kung hindi dahil sa aksidenteng nalaman ng mga magulang niya na sila ni Bai Tingxin, hindi hindi ito sasabihin sa kanyang mga magulang!“Ako… Hehe… Ako ay nag-aalala na baka maistorbo ko siya sa trabaho.” Pahayag ni Qin Lianyi.“Hindi ka nag-aalala na baka naiistorbo ni si Yiran?” Sagot ni Yi Jinli.Nagpigil ng hininga si Qin Lianyi. Mabilis na sumagot si Ling Yiran, “Ayos lang kahit maistorbo ako ni Lianyi.” Tiningnan niya si Qin Lianyi at sinabing, “Kung mayroon mang isyu sa hinaharap, ayos lang na istorbohin mo ako. Ikaw ang pinakaimportanteng kaibigan ko.”Nakaramdam ng init sa puso si Qin Lianyi. Sumagot siya at tiningnan sa rearview mirror si Yi Jinli na katabi si Ling Yiran. Ang kanyang tono kanina… mukha siyang nagseselos? Pakiramdam ko ay inggit siya sa akin.
Read more

Kabanata 495

Siya ay panandaliang natigilan bago sumagot. “Hindi mo pwedeng ipagkumpara ng ganyan.”Ang isa ay mahal niya at ang isa ay kanyang kaibigan. Ito ay lubos na magkaibang klase ng relasyon!Sinabi pa niya,"Kaya kong isakripisyo ang buhay ko para sa inyong dalawa! Kaya kayong dalawa ay importante para sa akin.”Nag-iba ang kanyang tingin. Dapat ay masaya siya at handa ibigay ni Ling Yiran ang kanyang buhay para sa kanya! “Pero bakit hindi na lang para lang sa akin?!”Samakatuwid, siya ay sakim. Siya ay nagiging sakim na gusto niya na siya lamang ang nasa puso ni Ling Yiran. Siya ay nagiging sakim na ayaw niyang may ibang taong sasakop sa importanteng papel na ito kay Ling Yiran.“Dahil ba tinulungan ka niya noon?”“Siguro. Noong simula, hindi ko alam na marami siyang maitutulong sa akin kahit na magkaibigan kami.” Tugon ni Ling Yiran. Noon, ang kanilang pagkakaibigan ni Lianyi ay maganda, ngunit minsan ay may mga bagyo sa pagsasama na kung saan malalaman mo kung isa ba siyang kayam
Read more

Kabanata 496

Sinabi nya sa knay ang lahat – simula sa kung paano sya hinaras at hindi pinaniwalaan ng kanyang lalaking katrabaho, hanggang sa kung paano sya napadpad sa istasyon ng pulis pagkatapos makipagaway at kung paano sya nakapagpiyansa. Sinabi nya ang lahat nang tuloy-tuloy hanggang sa tila nanuyo na ang kanyang lalamunan pagkatapos.Nakinig si Bai Tingxin ng taimtim. Ang kanyang gwapong mukha ay mistulang naging yelo sa sobrang pagkaseryoso. Ni walang makabasa at makaalam kung anong iniisip nito.“Bakit hindi mo ako tinawagan noong may nangyari sa’yo?” sabi nya nang matapos magkwento si Qin Lianyi.“Na.. natakot ako na guluhin ka. Alam kong sobrang abala ka sa trabaho. Maliit na bagay lang naman ‘to” sagot ni Qin Liayi.Tinitigan lamang ni Bai Tingxin si Qin Lianyi hanggang sa makaraman it ng pagkakonsensya.“Dahil lang sa takot kang istorbuhin ako, gan’on ba?” sabi Bai Tingxin malakipas ang ilang minutong katahimikan.“Oo”, nakokonsensyang sabi ni Qin Lianyi.Nanahimik at
Read more

Kabanata 497

Para sa kanya, wala na syang ibang paraan para tumanggi pa.…Sa wakas, dinala rin ni Qin Lianyi si Bai tingxin sa kanyang bahay.Pinaunlakan naman nila Mr. at Mrs. Qin si Bai Tingxin at inalok na sumabay kumain ng hapunan. Tinanggap naman kaagad ni Bai TIngxin and alok na hapunan. Si Qin Lianyi, sa kabilang banda, ay tahimik na nangangamba sa knayang narinig. Natatakot sya na baka habang tumatagal si Bai Tingxi sa kanilang bahay, mas malaki ang tiyansang may masabi ito sa kanyang magulang tungkol sa nangyari sa kanya.Pagkatopos ng hapunan, kaagad nyang hinila si Bai Tingxin sa kanyang kwarto at tinanong, “Kailan ka aalis?”“Gusto mong umalis ako agad agad?” tanong nya habang nakakunot ang noo.Tumawa sya ng may kasamang nerbyos at sinabing “Baka kasi sa sobrang sigasing ng mga magulang ko ay mainis ka. Akala nila totoong nobyo kita kaya gagawin nila ang lahat para magtanong ng karagdagang impormasyong sayo para kilalanin ka”“Hindi naman nakakainis. Nakakatuwa ngang
Read more

Kabanata 498

“Ahh tungkol jan… hindi naman maaring maganunsyo ako bigla na may nobyo ako.” Kapag ginawa niya iyo, baka isipin ng mga katrabaho nyang nababaliw sya.“Ganoon ba? Okay, naiintindihan ko.” Sagot nya.Napapikit sya at nagtaka. ‘Anong ibig nyang sabihin? Bakit parang nararamdaman kong magkaiba ang aming iniisip?’...Kinabukasan sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Qin Lianyi, mabilis na kumalat ang nangyari kahapon. Nag-iba ang mga tinging ibinibigay sa kanya ng kanyang mga katrabaho.May iba pang nilalapitan sya para sabihing “Napaka walang hiya mo! Magnobyo sila Zhou Jiewen at Shen Ziyu pero gusto mong makisali?”“Oo nga! Kung gusto mong maging kabit, huwag mong gawin dito sa kumpanya!”Hindi natiis ni Qin Lianyi at sinabing, “Kabit? Hindi niyo alam ang buong kwento, kaya sana minabuti nyo munang hanapin ang katotohanan. Kung magugustuhan ko man si Shen Ziyu, mas maganda pang dukutin nyo na lang ang mga mata ko”“Ang yabang mo na ngayon! Ano naming mali kay Shen Ziyu? Nakapag
Read more

Kabanata 499

Nais pa sanang asarin pa ni Qin Lianyi ang dalawa nang may makita sya sa sa likod ni Zhou Jiewen, sa pasukan ng kanilang opisina. Nakita nya ang kaniyang among naglalakd papasok ng kanilang opisina, ngunit hindi iyon ang problema. Ang taong katabi nito ang problema. Bai Tingxin?!Kinurap ni Qin Lianyi ang kanyang mata at maingat na tumingin ulit. Tama sya, hind inga sya binibiro ng kanyang mga mata. Si Bai Tingxin nga ito.Nakita rin sya ni Bai Tingxin ngunit hindi sya nito pinansin. Ni hindi man lang nya ito nginitian at patuloy na kinausap ang kanyang amo.Sa paningin ni Qin Lianyi, napakagalang at may respeto ang pakikipagusap ng kanyang amo kay Bai Tingxin. Naglakad sila patungo sa opisina ng kanyang amo habang naguusap. Inutusan niyo ang kanyang sekretaryang gumawa ng tsaa at ihanda sa kanila sa loob ng kanyang opisina.Naisip ito ni Qin Lianyi at naintindihan nya kung bakit. Pagkatapos ng lahat, anf kanilang firm ay hindi gaanong sikat sa Shen City. Ang kanilang pangunahi
Read more

Kabanata 500

Sumulyap si Qin Lianyi kay Bai Tingxin. ‘Hmm, ang ganda niya sa suot nyang suit. Mas nagmukha syang gwapo! Napakagwapo niya talaga! Hindi kataka-takang napakabilis kong gawin ang ganoong bagay sa kanya nang nalasing ako noon.'Sa tala na iyon, mayroon nga siyang magandang pangangatawan. Sya’y medyo nasa bahagyang payat, ngunit matipuno pa rin syang tignan... ’Naalala ni Qin Lianyi ang oras na nakita niya si Bai Tingxin sa kanyang buong hubad na kaluwalhatian habang tinitingnan siya ...Agad na namula ang kanyang kutis, at mabilis siyang tumingin sa baba. Sinasabi niya sa sarili na huwag nang mag-isip ng mga kalokohan.Nakita ni Bai Tingxin si Qin Lianyi na nasa isang sulok na nakayuko. Hindi siya sigurado sa kung ano ang pumapasok sa kanyang isipan.Sa pagtingin sa kanyang pigura, ang mga labi ni Bai Tingxin na hindi sinasadyang hubog sa isang maliit na ngiti.Sinabi ng kanyang amo kay Bai Tingxin, “Mr. Bai, pwede na tayo magsimula. ”“Sige.”Kaya naman, sinimulan nna ng k
Read more

Kabanata 501

Akala ng lahat nasa firm na totoo ito. Pagkatapos ng lahat, si Shen Ziyu ay isang magandang lalaki na maraming magandang kwalipikasyon habang si Qin Lianyi ay isang normal na tao lamang sa firm. Galing siya sa isang ordinaryong pamilya at may ordinaryong hitsura din. Normal na normal sa kanya na maging interesado sa isang lalaking tulad ni Shen Ziyu.Matapos ang nangyari kahapon, maraming mga kasamahan ang umayon kay Zhou Jiewen.Marami ang nagsabi na kahit na pinapanatili ni Zhou Jiewen at Shen Ziyu na pribado ang kanilang relasyon at wala masyadong nakakaalam, hindi dapat subukan ni Qin Lianyi na kumabit.Gayunpaman, sino ang mag-aakalang ang kasintahan ni Qin Lianyi ay si Bai Tingxin, ang pangulo ng Bai Feng Group!Kung inihambing nila sina Bai Tingxin at Shen Ziyu, hindi ba halata ang mga resulta? Nanalo si Bai Tingxin sa lahat ng aspeto!Kung si Qin Lianyi ay may kasintahan na tulad ni Bai Tingxin at inakit pa rin si Shen Ziyu ... Imposible iyon, hindi ba?Kaagad, maram
Read more
PREV
1
...
4849505152
...
91
DMCA.com Protection Status