“Sige. Sige. Si Yiran ang pinakamakapamilya,” sabi ng Lola habang nakangiti.Makapamilya? Kita sa mukha ni Ling Yiran ang pagkalungkot. Kung siya ay makapamilya, sasamahan niya ang kanyang lola at aalagaan ito.Ngunit siya ngayon ay nakatira na kasama si Jin. Kung gusto niyang makasama ang kanyang lola at alagaan ito ay kailangan niyang kausapin ng maaga si Jin at humingi ng permiso.“Kung hindi mo mamasamain, maaari mong ayain si Yiran upang dalhin ka sa Shen City. Maaari ka niyang alagaan, Lola,” biglang sabi ni Yi Jinli.Nagulat si Ling Yiran at tiningnan si Yi Jinli ng may pagkagulat; hindi niya akalain na magsasabi ito ng ganitong bagay.Nagulat rin ang lola. Ngunit sabi niya, “Ang bait mo naman iho, ngunit sanay na akong manirahan dito. Saka nandito ang aking mga anak. Kung hahayaan kong mag-alaga sakin si Yirang ay maaaring gumawa ng kwento ang mga tao. Bibisita na lang ako sa Shen City kapag bumuti na ang kalagayan ko.”Tumingin ulit ang Lola kay Ling Yiran at sinabing, “
Nakaramdam siya ng pagkakalma kahit na nakaupo lang si Ling Yiran sa tabi niya.Sa isang sulyap lang sa kanya, nararamdaman ni Yi Jinli ang paggaan ng kanyang pakiramdam dulot ng mga tensyon na nangyayari sa kanyang buhay.Ang nakikita lamang ng iba ay kung gaano siya kataas, ngunit nakikita niya na habang tumataas ang kanyang karangalan at dumarami ang kanyang kayamanan at kapangyarihan, mas lalong dumarami rin ang mga taong sinusubukang manipulahin siya.Mukha siyang marangya, ngunit sa totoo ay mapanganib ito. Anumang pagpapabaya ay maaaring ikabagsak ng kaharian ng pamilya Yi.Kung kaya kailangan niyang mag-ingat sa kada hakbang na gagawin niya. Kailangang magplano ng sampung hakbang bago tumapak ng isang hakbang ang kanyang nakasanayan. Sa sobrang okupado niya sa pagbibilang ng lahat ng posibilidad ay nakakalimutan na niyang magpahinga.Baka si Ling Yiran lamang ang nakakapagpagaan ng kanyang pakiramdam.Nong tumigil ang sasakyan sa service station at bumili si Yi Jinli ng t
Ibibigay na sana ni Yi Jinli ang tubig na binili niya para kay Ling Yiran ngunit nakita niyang namumutla at nanghihina ito. Taimtim niyang tianong, “Anong problema? May nararamdaman ka bang masama?”Umiling siya sabay sabi. “Ako.. napaisip lang ako…” Ngunit hindi na siya makapagsalita pa.Kumunot ang kilay ni Yi Jinli. Halos wala nang dumadaloy na dugo sa mukha ni Ling Yiran. Ang kanyang noo ay balot na balot ng pawis. Ang isa niyang kamay ay nakahawak pa rin sa manibela habang siya ay nanginginig. May takot na nakikita sa kanyang mga mata…Parang siya ay natatakot.“Ano?” tanong niya habang nilalagay ang tubig sa gilid at hinahaplos ang kanyang kamay na nasa manibela. Paunti-unti niyang inalis ang kamay ni Ling Yiran sa manibela. “Huwag kang matakot. Nandito ako. Kahit anong mangyari, ay hindi kita papabayaan.”Ang kanyang boses ay malakas at matikas sa bumulong sa kanyang tenga.Biglang pumikit si Ling Yiran at huminga ng malalim ng ilang beses at unti-unting kumalma ang kanyan
At syempre, ano pa nga ba ang kasama ng tradisyonal na gamot kung hindi kendi at tsokolate.Uminom si Ling Yiran ng mapait na tradisyonal na gamot, ngunit hindi niya nalasahan ang pait nito. Ang tradisyonal na gamot ay nagmistulang pag-asa para sa kanya.Siguro kung siya ay swerte, maaari siyang magkaroon ng sariling mga anak. Binuksan ni Yi Jinli ang isang piraso ng tsokolate at isinubo ito kay Ling Yiran. Binuksan naman ni Ling Yiran ang kanyang bibig upang kainin ang tsokolate na nasa gitna ng daliri ni Yi Jinli.Ngunit aksidente niyang nakain ang daliri ni Yi Jinli.Biglang umurong si Ling Yiran upang alisin ang daliri ni Yi Jinli sa kanyang bibig.Ngunit hinablot ni Yi Jinli ang batok ni Ling Yiran habang isinuksok ng malalim ang kanyang daliri sa bibig ni Ling Yiran.Namula si si Ling Yiran, ngayon ay hindi na niya mabuka o masara ang kanyang bibig. Mayroon pa ring tsokolate sa kanyang bibig, na unti-unting natutunaw sa kanyang mainit na bibig.“Hindi ba matamis ang tsok
Hinawakan ni Yi Jinli ang pisingi ni Ling Yiran ng buong pag-aalaga. Pagkatapos ay binuka ang kanyang bibig at kanyang sinabi gamit ang kanyang matipunong boses, “Kaya mo ba akong mahalin?”Para siyang nagmamakaawa. Mistulang matagal na niya itong hinihintay.Walang malay niyang binasa ang kanyang labi gamit ang kanyang dila, at lalo itong nagmukhang masarap at kaaya-aya. Hindi niya alam kung paano siya sasagutin, at hindi na siya makapag-isip. Ang kanyang buong pagkatao ay tila nababalot sa kanyang amoy.Ang kanyang magandang mukha, itim na mga mata, maliit na ilong, kasama pa ang kanyang bibig na gumagalaw at basang mga labi na para bang inaakit siya, ay lalong nagpahirap para kay Yi Jinli upang pigilan ang kanyang gustong gawin kay Ling Yiran.Gusto niya si Ling Yiran, gustung-gusto niya ito!Ang pag-iisip na ito lumakas ng lumakas sa kanyang isip. Noong nakita niya ang mukha ni Ling Yiran, ang kanyang pagnanasa ay parang halimaw na gusto biyakin ang mga pintuan.Ang labi ni Y
“Alam… alam mo ba ang iyong ginagawa?” Hirap siyang bigkasin kada salita sa simpleng pahayag na lumalabas sa kanyang bibig—para bang pinipisil na toothpaste.Kinagat ni Ling Yiran ang kanyang labi. “Alam… Alam ko.”Ang kanyang mukha ay nakadikit na sa kanyang likod, at ang kumot na nakatakip sa kanya ay nalalag sa sahig. Sa panahon na iyon, gusto lamang niyang sundin ang kanyang puso at sabihin kay Yi Jinli ang gusto niyang sabihin.Kumuha siya ng lakas upang magkaroon ng tapang para dito.“Sa tingin ko ay mahal kita, Jin!” ani ni Ling Yiran. Oo, gusto niyang sabihin ang totoong nararamdaman niya kaysa manahimik noong tinanong ni Yi Jinli kung mahal niya ito. Ayaw na niyang makita mula na unti-unting mapalitan ng kalungkutan ang kanyang mga mata.Alam ba niya na kumikirot ang puso ni Ling Yiran sa tuwing pinipigilan ni Yi Jinli ang kanyang pusok at napapanatag ang kanyang loob sa tuwing sasabihin ni Yi Jinli na hindi niya gagawin ang ano mang hindi niya gusto?Ngunit sa mga mata
Naramdaman ni Ling Yirang na para bang umiinit ang mukha niya.Kahit na gising naman siya ngayon, patuloy pa rin niyang ipinipikit ang mga mata niya. Natatakot siya na makita niya si Yi Jinli kapag iminulat na niya ang kanyang mga mata at makaramdam ng hiya.At saka, ano naman kaya ang kanyang unang sasabihin kapag nagkita sila para maiwasan ang nakakahiyang pangyayari?Nagsimula nang pagnilayan ni Ling Yiran ang mga katanungang ito.Subalit bago pa man siya makabuo ng plano, may narinig siyang boses, "Gising ka pa ba? Kung gising ka pa, walang dahilan para ipikit mo pa ang mga mata mo. O baka naman natatakot kang makita ako?"Kinilig si Ling Yirang at biglang binuksan ang kanyang mga mata. Ang pinakauna niyang nakita ay isang walang katulad na napakagwapong mukha... Ang mukha ni Yi Jinli!Nakapatong ang kamay ni Yi Jinli sa gilid ng kama sa ngayon. Ang kanyang baywang ay nakalapit, at ang kanyang mukha ay ilang pulgada na lamang sa mukha ni Ling Yiran habang hinihingahan ng main
Nang gusto na ni Ling Yiran na bumangon sa kama, sinabi ni Yi Jinli, "Sandali lang."Pagkatapos, pinanood ni Ling Yiran na bumaba si Yi Jinli at lumuhod sa kanyang harapan upang suotan siya ng mga medyas. Isinuot din nito ang kanyang mga tsinelas bago siya binuhat papuntang palikuran."Ah, anong pinaplano mong gawin?" Natatarantang tanong ni Ling Yiran."Hindi ka ba maghuhugas?" Tanong pabalik ni Yi Jinli."Um...Okay... Kung ganoon ang kaso."Nang sila ay nasa palikuran na, dahan-dahang ibinaba ni Yi Jinli ang mga paa ni Ling Yiran, pagkatapos ang katawan, at kanyang sinabi, "Kung hindi mo kayang tumayo ng maayos, humawak ka sa akin.""Oh," mahinang sambit ni Ling Yiran habang dahan-dahang tumingin sa salamin sa kanyang harapan.Nakikita nila ang kanilang mga repleksyon sa salamin. Nakikita ni Ling Yiran sa salamin na nakayuko si Yi Jinli, habang maingat na inaayos ang kanyang pasimada sa kanyang sipilyo...'Ganito siguro ang pakiramdam nang inaalagaan ng isang tao,' naisip ni