Hinawakan ni Yi Jinli ang pisingi ni Ling Yiran ng buong pag-aalaga. Pagkatapos ay binuka ang kanyang bibig at kanyang sinabi gamit ang kanyang matipunong boses, “Kaya mo ba akong mahalin?”Para siyang nagmamakaawa. Mistulang matagal na niya itong hinihintay.Walang malay niyang binasa ang kanyang labi gamit ang kanyang dila, at lalo itong nagmukhang masarap at kaaya-aya. Hindi niya alam kung paano siya sasagutin, at hindi na siya makapag-isip. Ang kanyang buong pagkatao ay tila nababalot sa kanyang amoy.Ang kanyang magandang mukha, itim na mga mata, maliit na ilong, kasama pa ang kanyang bibig na gumagalaw at basang mga labi na para bang inaakit siya, ay lalong nagpahirap para kay Yi Jinli upang pigilan ang kanyang gustong gawin kay Ling Yiran.Gusto niya si Ling Yiran, gustung-gusto niya ito!Ang pag-iisip na ito lumakas ng lumakas sa kanyang isip. Noong nakita niya ang mukha ni Ling Yiran, ang kanyang pagnanasa ay parang halimaw na gusto biyakin ang mga pintuan.Ang labi ni Y
“Alam… alam mo ba ang iyong ginagawa?” Hirap siyang bigkasin kada salita sa simpleng pahayag na lumalabas sa kanyang bibig—para bang pinipisil na toothpaste.Kinagat ni Ling Yiran ang kanyang labi. “Alam… Alam ko.”Ang kanyang mukha ay nakadikit na sa kanyang likod, at ang kumot na nakatakip sa kanya ay nalalag sa sahig. Sa panahon na iyon, gusto lamang niyang sundin ang kanyang puso at sabihin kay Yi Jinli ang gusto niyang sabihin.Kumuha siya ng lakas upang magkaroon ng tapang para dito.“Sa tingin ko ay mahal kita, Jin!” ani ni Ling Yiran. Oo, gusto niyang sabihin ang totoong nararamdaman niya kaysa manahimik noong tinanong ni Yi Jinli kung mahal niya ito. Ayaw na niyang makita mula na unti-unting mapalitan ng kalungkutan ang kanyang mga mata.Alam ba niya na kumikirot ang puso ni Ling Yiran sa tuwing pinipigilan ni Yi Jinli ang kanyang pusok at napapanatag ang kanyang loob sa tuwing sasabihin ni Yi Jinli na hindi niya gagawin ang ano mang hindi niya gusto?Ngunit sa mga mata
Naramdaman ni Ling Yirang na para bang umiinit ang mukha niya.Kahit na gising naman siya ngayon, patuloy pa rin niyang ipinipikit ang mga mata niya. Natatakot siya na makita niya si Yi Jinli kapag iminulat na niya ang kanyang mga mata at makaramdam ng hiya.At saka, ano naman kaya ang kanyang unang sasabihin kapag nagkita sila para maiwasan ang nakakahiyang pangyayari?Nagsimula nang pagnilayan ni Ling Yiran ang mga katanungang ito.Subalit bago pa man siya makabuo ng plano, may narinig siyang boses, "Gising ka pa ba? Kung gising ka pa, walang dahilan para ipikit mo pa ang mga mata mo. O baka naman natatakot kang makita ako?"Kinilig si Ling Yirang at biglang binuksan ang kanyang mga mata. Ang pinakauna niyang nakita ay isang walang katulad na napakagwapong mukha... Ang mukha ni Yi Jinli!Nakapatong ang kamay ni Yi Jinli sa gilid ng kama sa ngayon. Ang kanyang baywang ay nakalapit, at ang kanyang mukha ay ilang pulgada na lamang sa mukha ni Ling Yiran habang hinihingahan ng main
Nang gusto na ni Ling Yiran na bumangon sa kama, sinabi ni Yi Jinli, "Sandali lang."Pagkatapos, pinanood ni Ling Yiran na bumaba si Yi Jinli at lumuhod sa kanyang harapan upang suotan siya ng mga medyas. Isinuot din nito ang kanyang mga tsinelas bago siya binuhat papuntang palikuran."Ah, anong pinaplano mong gawin?" Natatarantang tanong ni Ling Yiran."Hindi ka ba maghuhugas?" Tanong pabalik ni Yi Jinli."Um...Okay... Kung ganoon ang kaso."Nang sila ay nasa palikuran na, dahan-dahang ibinaba ni Yi Jinli ang mga paa ni Ling Yiran, pagkatapos ang katawan, at kanyang sinabi, "Kung hindi mo kayang tumayo ng maayos, humawak ka sa akin.""Oh," mahinang sambit ni Ling Yiran habang dahan-dahang tumingin sa salamin sa kanyang harapan.Nakikita nila ang kanilang mga repleksyon sa salamin. Nakikita ni Ling Yiran sa salamin na nakayuko si Yi Jinli, habang maingat na inaayos ang kanyang pasimada sa kanyang sipilyo...'Ganito siguro ang pakiramdam nang inaalagaan ng isang tao,' naisip ni
"Sa tingin mo, paano sila makakatulong?" Inaasahan mo ba na lalabanan ng pamilya Xiao si Yi Jinli at maging kaaway nila? O inaasahan mo na gumastos ng bilyon ang pamilya Xiao para tumaas ang ating shares?" tanong ni Hao Qirang.Natahmik bigla si Lyu Zhixue. Maliit lamang ang kanyang nalalaman sa pagnenegosyo. Gaya nga ng sabi ng kaniyang asawa, naiintindihan niya na imposibleng makahingi ng tulong galing sa pamilya Xiao."Kung gayon... Kung gayon ano ang dapat nating gawin?" nag-aalalang tanong ni Lyu Zhixue. "Anong bang mali kay Yi Jinli na siya ngayon ay parang kinulam ng babaeng si Ling Yiran? Anong gayuma ba ang binigay ng babaeng iyon sa kanya? Isang babae lamang siya na ayaw ni Ziqi!"Walang pasensyang paninisi ni Hao Qirong, "Tama na! Pwede kayong magsalita ng ganyan sa harapan ko, pero huwag ninyong pag-usapan iyan sa harapan ng publiko kung ayaw ninyong magkaproblema pa dahil sa atensyon."Ayaw pumayag ni Lyu Zhixue, ngunit wala na siyang ibang masabi."Aalis na ako at ma
Binisita ni Ling Yiran si Lil Yan sa ospital. Sa pagkakataong iyon, gising si Lil Yan at nakikipag-usap kay Zhuo Qianyun na nasa kwarto rin. Tumuturo si Zhuo Qianyun sa iba't-ibang bagay at sinasabi kay Lil Yan kung anu-ano ang mga iyon.Nakikinig ng mabuti si Lil Yan, nakikinig ng mabuti. Minsan ay nagututuro siya ng isang bagay na sinabi na ni Zhuo Qianyun at inuulit niya itong sabihin kay Zhuo Qianyun.Sumigaw si Ling Yiran, "Lil Yan."Sa puntong iyon, lumingon ang batang lalaki sa kanyang direksyon.Hindi pa ito nangyayari noon. Ibig sabihin ay naririnig na ni Lil Yan ang kanyang boses! Nahalina si Ling Yiran sa batang lalaki.Dahil nakakarinig na ngayon si Lil Yan, ibig sabihin ay may pag-asa na rin itong makapagsalita sa hinaharap. Hangga't siya ay magsusuot ng hearing aid, maaari siyang mamuhay ng normal.Kahit na huli na para sa isang tatlong taong gulang ang paggamot sabi ng mga doktor dahil kadalasan ay ginagamot ito hangga't maaga, hindi pa rin tapos ang lahat sa karam
"Pero nakikita ko na maayos ang pakikitungo sayo si Mr. Yi. Naani mo ang maganda mong tinanim," Sabi ni Zhuo Qianyun."Naani ang magandang tinanim? Siguro. Ngunit sa ngayon, ang relasyon ko kay Jin ay umaayos. Parang bumabalik ang mga oras noong kami pa ay nagsasama sa inuupahang bahay."Hindi, meron pa rin namang pagkakaiba. Noong mga panahong iyon, nakikita niya lang siya bilang mas nakababatang bata. Ngayon, nakikita niya na ito bilang kasintahan, isang taonng kinokonsidera nyang ibigay ang pagkatao nya hanggang sa kinabukasan."Sis Zhuo, ikaw din naman ay umani ng mangandang tanim. Nakakarinig na si Lil Yan at maaring makapagsalita na. Sa susunod, pwede na siyang maging kagaya ng mga normal na bata, mag-aral at makipagkaibigan.""Buhay ko si Lil Yan. Hanggang sa siya ay gumaling, wala akong pakialam kung ako ay daraan sa paghihirap."Ani ni Zhuo Quianyun at tinignan si Ling Yiran, "Hindi ka pa isang ina. Kapag ikaw ay naging ina, maiintindihan mo bilang nanay, kaya mong isakr
Oh, tignan mo iyon, tumawag ka pa ng kaibigan", kinutya ng babae si Qin Lianyi nang makita niya si Ling Yiran.Nakasimangot si Ling Yiran at tumingin sa kaibigan. "Lianyi, anong nangyari?""Hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa kanya," sabi ni Qin Lianyi.Ang batang babae ay sumabog na parang isang bariles ng petrolyo na nasunog habang sumisigaw, "Bakit? Nahihiya ka bang aminin na walang kahihiyang inakit mo ang kasintahan ko? Kung hindi kita nahuli sa akto, maghuhubad ka ba at pupunta sa kama ng aking kasintahan?"Tumingin si Qin Lianyi sa babae. “Mang-akit? Sa palagay mo ba interesado ako sa ganitong uri ng lalaki? Ano nga ba ang nangyayari sa utak mo? Iniisip mo lamang na ang problema ay nasa ibang tao ngunit naisip mo ba na ang iyong kasintahan ang problema?! ""Nakita kita sa aking sariling mga mata ngunit nakikipagtalo ka pa rin sa akin tungkol dito!" sigaw ng babae.“Kalokohan! Ano ang nakita mo sa iyong sariling mga mata?! " Nagtalo si Qin Lianyi. Tinuro niya ang lala
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at