Naramdaman ni Ling Yirang na para bang umiinit ang mukha niya.Kahit na gising naman siya ngayon, patuloy pa rin niyang ipinipikit ang mga mata niya. Natatakot siya na makita niya si Yi Jinli kapag iminulat na niya ang kanyang mga mata at makaramdam ng hiya.At saka, ano naman kaya ang kanyang unang sasabihin kapag nagkita sila para maiwasan ang nakakahiyang pangyayari?Nagsimula nang pagnilayan ni Ling Yiran ang mga katanungang ito.Subalit bago pa man siya makabuo ng plano, may narinig siyang boses, "Gising ka pa ba? Kung gising ka pa, walang dahilan para ipikit mo pa ang mga mata mo. O baka naman natatakot kang makita ako?"Kinilig si Ling Yirang at biglang binuksan ang kanyang mga mata. Ang pinakauna niyang nakita ay isang walang katulad na napakagwapong mukha... Ang mukha ni Yi Jinli!Nakapatong ang kamay ni Yi Jinli sa gilid ng kama sa ngayon. Ang kanyang baywang ay nakalapit, at ang kanyang mukha ay ilang pulgada na lamang sa mukha ni Ling Yiran habang hinihingahan ng main
Nang gusto na ni Ling Yiran na bumangon sa kama, sinabi ni Yi Jinli, "Sandali lang."Pagkatapos, pinanood ni Ling Yiran na bumaba si Yi Jinli at lumuhod sa kanyang harapan upang suotan siya ng mga medyas. Isinuot din nito ang kanyang mga tsinelas bago siya binuhat papuntang palikuran."Ah, anong pinaplano mong gawin?" Natatarantang tanong ni Ling Yiran."Hindi ka ba maghuhugas?" Tanong pabalik ni Yi Jinli."Um...Okay... Kung ganoon ang kaso."Nang sila ay nasa palikuran na, dahan-dahang ibinaba ni Yi Jinli ang mga paa ni Ling Yiran, pagkatapos ang katawan, at kanyang sinabi, "Kung hindi mo kayang tumayo ng maayos, humawak ka sa akin.""Oh," mahinang sambit ni Ling Yiran habang dahan-dahang tumingin sa salamin sa kanyang harapan.Nakikita nila ang kanilang mga repleksyon sa salamin. Nakikita ni Ling Yiran sa salamin na nakayuko si Yi Jinli, habang maingat na inaayos ang kanyang pasimada sa kanyang sipilyo...'Ganito siguro ang pakiramdam nang inaalagaan ng isang tao,' naisip ni
"Sa tingin mo, paano sila makakatulong?" Inaasahan mo ba na lalabanan ng pamilya Xiao si Yi Jinli at maging kaaway nila? O inaasahan mo na gumastos ng bilyon ang pamilya Xiao para tumaas ang ating shares?" tanong ni Hao Qirang.Natahmik bigla si Lyu Zhixue. Maliit lamang ang kanyang nalalaman sa pagnenegosyo. Gaya nga ng sabi ng kaniyang asawa, naiintindihan niya na imposibleng makahingi ng tulong galing sa pamilya Xiao."Kung gayon... Kung gayon ano ang dapat nating gawin?" nag-aalalang tanong ni Lyu Zhixue. "Anong bang mali kay Yi Jinli na siya ngayon ay parang kinulam ng babaeng si Ling Yiran? Anong gayuma ba ang binigay ng babaeng iyon sa kanya? Isang babae lamang siya na ayaw ni Ziqi!"Walang pasensyang paninisi ni Hao Qirong, "Tama na! Pwede kayong magsalita ng ganyan sa harapan ko, pero huwag ninyong pag-usapan iyan sa harapan ng publiko kung ayaw ninyong magkaproblema pa dahil sa atensyon."Ayaw pumayag ni Lyu Zhixue, ngunit wala na siyang ibang masabi."Aalis na ako at ma
Binisita ni Ling Yiran si Lil Yan sa ospital. Sa pagkakataong iyon, gising si Lil Yan at nakikipag-usap kay Zhuo Qianyun na nasa kwarto rin. Tumuturo si Zhuo Qianyun sa iba't-ibang bagay at sinasabi kay Lil Yan kung anu-ano ang mga iyon.Nakikinig ng mabuti si Lil Yan, nakikinig ng mabuti. Minsan ay nagututuro siya ng isang bagay na sinabi na ni Zhuo Qianyun at inuulit niya itong sabihin kay Zhuo Qianyun.Sumigaw si Ling Yiran, "Lil Yan."Sa puntong iyon, lumingon ang batang lalaki sa kanyang direksyon.Hindi pa ito nangyayari noon. Ibig sabihin ay naririnig na ni Lil Yan ang kanyang boses! Nahalina si Ling Yiran sa batang lalaki.Dahil nakakarinig na ngayon si Lil Yan, ibig sabihin ay may pag-asa na rin itong makapagsalita sa hinaharap. Hangga't siya ay magsusuot ng hearing aid, maaari siyang mamuhay ng normal.Kahit na huli na para sa isang tatlong taong gulang ang paggamot sabi ng mga doktor dahil kadalasan ay ginagamot ito hangga't maaga, hindi pa rin tapos ang lahat sa karam
"Pero nakikita ko na maayos ang pakikitungo sayo si Mr. Yi. Naani mo ang maganda mong tinanim," Sabi ni Zhuo Qianyun."Naani ang magandang tinanim? Siguro. Ngunit sa ngayon, ang relasyon ko kay Jin ay umaayos. Parang bumabalik ang mga oras noong kami pa ay nagsasama sa inuupahang bahay."Hindi, meron pa rin namang pagkakaiba. Noong mga panahong iyon, nakikita niya lang siya bilang mas nakababatang bata. Ngayon, nakikita niya na ito bilang kasintahan, isang taonng kinokonsidera nyang ibigay ang pagkatao nya hanggang sa kinabukasan."Sis Zhuo, ikaw din naman ay umani ng mangandang tanim. Nakakarinig na si Lil Yan at maaring makapagsalita na. Sa susunod, pwede na siyang maging kagaya ng mga normal na bata, mag-aral at makipagkaibigan.""Buhay ko si Lil Yan. Hanggang sa siya ay gumaling, wala akong pakialam kung ako ay daraan sa paghihirap."Ani ni Zhuo Quianyun at tinignan si Ling Yiran, "Hindi ka pa isang ina. Kapag ikaw ay naging ina, maiintindihan mo bilang nanay, kaya mong isakr
Oh, tignan mo iyon, tumawag ka pa ng kaibigan", kinutya ng babae si Qin Lianyi nang makita niya si Ling Yiran.Nakasimangot si Ling Yiran at tumingin sa kaibigan. "Lianyi, anong nangyari?""Hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa kanya," sabi ni Qin Lianyi.Ang batang babae ay sumabog na parang isang bariles ng petrolyo na nasunog habang sumisigaw, "Bakit? Nahihiya ka bang aminin na walang kahihiyang inakit mo ang kasintahan ko? Kung hindi kita nahuli sa akto, maghuhubad ka ba at pupunta sa kama ng aking kasintahan?"Tumingin si Qin Lianyi sa babae. “Mang-akit? Sa palagay mo ba interesado ako sa ganitong uri ng lalaki? Ano nga ba ang nangyayari sa utak mo? Iniisip mo lamang na ang problema ay nasa ibang tao ngunit naisip mo ba na ang iyong kasintahan ang problema?! ""Nakita kita sa aking sariling mga mata ngunit nakikipagtalo ka pa rin sa akin tungkol dito!" sigaw ng babae.“Kalokohan! Ano ang nakita mo sa iyong sariling mga mata?! " Nagtalo si Qin Lianyi. Tinuro niya ang lala
Habang si Ling Yiran ay isinasagawa ang mga proseso para mapyansahan si Qin Lianyi, biglang tumawag si Yi Jinli. "Nasa istayon ka ba ng mga pulis?""Huh?" Napatigil bigla si Ling Yiran pero bigla rin bumalik. Siguro, ang tsuper ang nagsabi sa kanya."Oo, nandito ako sa istasyon ng pulis. Mayroong nangyari kay Lianyi kaya nandito ako para piyansahan siya."Medyo nagtaka si Yi Jinli. "Kailangan niya ang tulong mo para makalabas? Bakit hindi niya hinanap si Bao Tingxin? Hindi ba kasintahan nya iyon?"..." Komplikado ang sitwasyon, at pribadong bagay ito kay Lianyi. "Siguro meron siyang sariling pag-iisip. Gayon pa man, nasa gitna ako ng pag-aayos ng mga papeles. Kakausapin na lang kita mamaya!"Tinapos ni Ling Yiran ang tawag at pinagpatuloy ang proseso.Minumura pa rin ni Zhou Jiewen si Qin Lianyi at pinipilit na si Qin Lianyi ay interesado sa kanyang nobyo.Galit na galit si Qin Lianyi na nasigawan nyasi Zhou Jiewen bilang baboy! Nasa kaniya na ngayon si Bai Tingxin bilang nobyo.
Duwag na tumango si Shen Ziyu. "O-o-oo... Inakit ako ng Qin Lianyi!"Gusto ni Qin Lianyi sampalin ang lalaking iyon!Nag-alala si Ling Yiran na ang bulastog na pag-uugali ng kanyang kaibigan ay mapunta siya sa mainit na sitwasyon, kaya't hinila niya pabalik ang kaibigan at sinabi sa magkasintahan, "Kailangan mong maging legal na responsable sa anumang sinabi mo ngayon. Kung hindi, ituturing iyon na paninirang puri sa reputasyon ng isang tao. Bakit hindi tayo bumalik sa istasyon upang makita kung kailangan nating buksan ng kaso."Nanahimik si Shen Ziyu at tinikom ang bibig.Si Zhou Jiewen ay nagsasabi pa rin ng masasmang salita nang pagod na tumingin sa kanya si Yi Jinli. 鄭ng arogante mong babae. Akma mo bang ituro kung anong uri ng tao ang aking kasintahan? Sino ka ba sa tingin mo?"Si Zhou Jiewen ay mukhang kinilabutan. Ang binitawang salita ni Yi Jinli ay parang sampal sa kanyang mukha."Ako... Nagbibigay lang ako ng isang mabait na paalala. Nag-aalala akong baka maloko ka lang