Lahat ng Kabanata ng Nakakahumaling na Pag-ibig : Kabanata 451 - Kabanata 460

908 Kabanata

Kabanata 452

Galit siya dahil siya ay nagseselos sa aktor. Ngunit kinailangan niyang tanggapin dahil kay Qin Lianyi.Kapag pinilit niya si Qin Lianyi, siya ay matitiis nito at kapag naging mabait naman siya sa kanya, sasamantalahin ito ni Qin Lianyi at wala siyang magagawa.Ngunit mas naging relaxed si Bai Tingxin nang sinabi ni Qin Lianyi na fan din si Ling Yiran ni Gao Jingshan.Naisip niya na hindi lang siya ang naiinis.Nagpapalit palit sina Yi Jinli at Bai Tingxin sa pagmamaneho. Pagkadating nila sa detention center ng S City, lagpas alas nuwebe na.Planado na lahat ni Bai Tingxin kaya pumunta na sila sa katabing kwarto ng meeting room.Maraming malalaking screen sa kwarto. Sa mga screen ay makikita mo ang mga imahe ng meeting room. Makikita nila kung ano mga nangyayari at maririnig rin nila ang mga usapan sa loob.Pagkailang saglit, pumasok ang mediator sa loob ng kwarto kung nasaan si Ling Yiran. Sinabi sa kanya ni Ling Yiran ang mga key questions na ginawa niya at tinanong niya kung
Magbasa pa

Kabanata 453

Kumurap ang mga mata ni You Lei at sinabing, “Anong ibig mong sabihin ng malinis? Tuwid at tapat ako. Ano ang hindi malinis doon?”“Oo nga pala, pumunta ako kahapon sa bahay ng mga magulang mo para kausapin sila tungkol sayo. Pareho silang nagsalita gamit ang dayalekto ng Shen City. Tiga Shen City ba sila?” kaswal na sinabi ng mediator.“Oo, nakatira sila dati sa Shen City.”“Dati ka rin ba nakatira sa Shen City? Bakit ka tumira sa S City? Mas maayos sa Shen City kaysa sa S City,” sabi ng mediator na para bang meron silang maikling pag-uusap.“Mas maraming presyon sa mga malalaking lungsod. Kahit na mas maliit ang lungsod dito, mas komportable naman na tumira dito.”“Totoo yan.” Ngumiti ang mediator at sinabing, “Muntik ko na makalimutan. Pinapasabi ng taong nasugatan mo na itanong sayo ang tungkol kay Miss Hao. Sabi niya ay kung natatakot ka na malantad, mas mabuti na bayaran mo na siya, kung hindi sasabihin niya ang lahat sa mundo.”Namutla ang mukha ni You Lei pero mukhang sin
Magbasa pa

Kabanata 454

Kung ang lokal na maniniil ng Shen City ay tutulong para maibaliktad ang kaso, siguradong magiging matagumpay ito.Bukod doon, inosente si Yiran! Kung sino man ang nasa likod nito, malalaman at malalaman parin ito. Biglang lumiwanag ang mukha ni Qin Lianyi. “Halos tanghali na. Sabay sabay na tayo kumain ng tanghalian.”Tumango si Ling Yiran, pagkatapos ay naglakad silang apat palabas ng detention center papunta sa kotse.Abala si Qin Lianyi sa paghahanap ng kakainan sa S City. Pagkatapos ay tinanong niya si Ling Yiran na pumili. Hindi makatutol ang dalawang lalaki, kaya nagmaneho nalang si Bai Tingxin papunta sa kainan.Ito ay isang lokal at espesyal na restwaran dito sa S City, bukod doon ay matagal na itong natatag. Lumabas na silang apat sa sasakyan at nagtanong ng pribadong kwarto bago sila umorder.Syempre, si Qin Lianyi ang umorder, pero binatay niya ito sa mga rekomendasyon sa online.Pagkatingin ni Qin Lianyi sa kanyang phone, nakita niya na nasa 20 na putahe ang nakala
Magbasa pa

Kabanata 455

“Sige, kain na tayo,” sabi ni Yi Jinli.Nagsimula na silang apat na kumain. Tinulungan ni Yi Jinli si Ling Yiran na balatan ang mga hipon na kinakain nila. Dahil dito medyo nahiya si Ling Yiran. Kung sabagay, nasa harap nila ang best friend niya at si Bai Tingxin.Kinindatan pa siya ni Qin Lianyi, dahilan para siya ay mawalan ng imik.Mukhang kaaya-aya si Yi Jinli habang nagbabalat ng mga hipon para sa kanya ngunit mukhang wala siyang pakielam sa opinyon ng iba.Pagkatapos nilang kumain, pinaalalahanan ni Yi Jinli si Ling Yiran, “Wag mong kalimutan na inumin ang gamot mo 20 minutes pagkatapos kumain.”“Okay,” sagot ni Ling Yiran.“May sakit ka?” Nagulat si Qin Lianyi at nagtanong agad siya na may kasamang pag aalala.“Wala, para lang bumalik ang kalusugan ko. Gamot ito para sa sakit ko sa kasukasuan,” sagot ni Ling Yiran.Napatigil si Qin Lianyi. Alam niyang nakulong ang best friend niya ng tatlong taon. Pagkatapos niyang makalaya, nagkaroon siya ng rheumatism. Sumasakit ang ka
Magbasa pa

Kabanata 456

Napansin ni Ling Yiran ang pag aalala ng kanyang best friend kaya sinabi niya, “Huwag mo na intindihin yun, basta ang kailangan ko ay malaman ang katotohanan at maibigay kay Hao Meiyu ang hustisya habang nililinis ko ang pangalan ko!”“Huwag mo na ko intindihin. Ikaw ba? Kamusta kayo ni Bai Tingxin?” tanong ni Ling Yiran.“Ano pa ba? Yung lang naman.” Nagkibit balikat si Qin Lianyi at sinabi, “Mukha lang kaming normal na couple na nasa isang normal na relasyon.”Minsan ay kapansin pansin na masyado nang mukhang ‘normal’ ang kanilang relasyon kung kaya’t parang naiisip niya na nasa isang relasyon talaga sila ni Bai Tingxin. Nagugustuhan niya ang feeling na makipag-date. Kinailangan niyang paalalahanan ang kanyang sarili na lahat ng ito ay hindi totoo. Gagantihan lang siya ni Bai Tingxin pagkatapos mainlove ni Qin Lianyi sa kanya.“Hindi pa rin ako naniniwala na maghihiganti sayo si Bai Tingxin tulad ng iniisip mo,” sabi ni Ling Yiran. Kung gugustuhin niya talagang maghiganti kay Lia
Magbasa pa

Kabanata 457

Nang nakita ni Bai Tingxin ang kumikintab na mata ni Qin Lianyi, nagbago ang kanyang mood.Pagbalik nila sa Shen City, sa Yi residence sila unang dumating. Lumabas ng kotse si Yi Jinli at Ling Yiran habang si Bai Tingxin naman ay pumunta driver’s seat.“Kita kita nalang sa susunod, Yiran,” sabi ni Qin Lianyi habang nagpapaalam kay Ling Yiran.“Sige,” sagot ni Ling Yiran. “Salamat sa araw na ito, at mag-iingat kayo pauwi!” Pagkatapos ay naglakad na sila ni Yi Jinli papunta sa bakal na gate ng Yi residence.Nakatitig si Qin Lianyi kayna Yi Jinli at Ling Yiran na nasa likod na ng bakal na gate. Pagkatapos ay narinig niya ang walang pasensyang boses ni Bai Tingxin. “Hindi pa ba sapat ang mga nakita mo?”“Tinitignan ko lang sila, yun lang.” sabi ni Qin Lianyi. Noong nakilala niya si Yi Jinli sa inuupahang bahay ni Yiran dati, kahit na hindi niya naisip na ito ay isang hobo, kahit kailan ay hindi niya inisip na ito ay isang maniniil ng Shen City!Pagkatapos ay may dalawang kamay ang su
Magbasa pa

Kabanata 458

Sige, siya naman ang nagpapautang!…Pagkatapos makauwi ni Ling Yiran at Yi Jinli sa Yi residence, tinanong ni Yi Jinli, “Nabigo ka ba ngayong araw? Pumunta tayo sa S City pero wala tayong nakuhang importanteng impormasyon.”Umiling si Ling Yiran. “Hindi.”“Hindi ka nabigo?” Medyo nagulat si Yi Jinli.“Dahil gusto mong tumulong sa paghahanap ng mga clues at paglilinis ng pangalan ko. Masaya ako, makahanap man tayo ng importanteng impormasyon o hindi,” sabi ni Ling Yiran.Para bang may tiwala si Yi Jinli sa kanya, at ang pagkakalayuan nila nung una ay unti-unting nawawala.Tinitigan ni Yi Jinli si Ling Yiran. Naintindihan niya ang pagnanais nito para maibaliktad ang kanyang kaso, kung… Kaya niya lang malinis ang pangalan niya, pero hindi niya masabi ang katotohanan.Kahit na ito ang katotohanan na gusto niya malaman.“Basta masaya ka.” Ngumiti siya ng kaunti at nagbago ng ibang paksa, “Ano ang gagawin mo sa mga susunod na araw kung hindi ka papasok ng trabaho?”“Pupuntahan ko
Magbasa pa

Kabanata 459

“...” Wala siyang masabi. Walang kahit sino ang titikim ng medisina ng ibang tao para lang malaman kung gaano ito kapait. Bukod doon, medisina ito para sa mga babae.Kahit na kaunti nalang ang natira at hindi naman siya mapapahamak dahil dito, pero… Uh, medyo hindi siya naging maingat sa pag-inom nito.“Bakit hindi ka kumain ng candy para mawala ang pait?” tanong niya habang nakasubo parin sa bibig niya ang candy.“Sige,” sagot niya. Ngunit, sa halip na kumuha ng candy sa plato, lumapit siya sa kanya. Sinunggab niya ang likod ng ulo ni Ling Yiran habang ang kanyang gwapong mukha ay malapit sa kanya.“Ikaw…” Binuksan niya palang ang kanyang bibig nang hinalikan ni Yi Jinli ang kanyang mga labi.Sa isang iglap, naramdaman niya ang paggalaw ng labi nito sa kanyang bibig. Para bang gusto nito nakawin ang lahat sa kanya...Ang kanyang halik ay matagal at may pagka-dominante. Dahil dito muntik na siyang hingalin. Naghalo ang pait at tamis, at pagkatapos ng halik na iyon ay hindi niya m
Magbasa pa

Kabanata 460

Nag-alangan si Ling Yiran at tumango. Ayaw niya na pahirapan pa ang mayordoma.Nagpasama si Ling Yiran sa mall sa bayan.Gusto niyang bilhan ng pagkain at damit ang kanyang lola. Ang ibabang palapag ng mall ay puno ng restawran at kainan, kaya doon muna pumunta si Ling Yiran.Tinignan niya ang mga cake at pastelerya na pwede sa mga taong mataas ang sugar. Medyo mahal ito, ngunit binili niya parin ito pagkatapos niyang maalala na minsan ay masyadong mataas ang sugar ng kanyang lola.Pagkatapos niya magbayad, naglakad siya papunta sa escalator.Pagkadating niya sa ikalawang palapag, biglang may taong lumapit sa kanya. Bago niya pa makita kung sino ito, siya ay sinampal nito.Humapay ang kanyang katawan at muntik na siya mahulog sa sahig. Binalanse niya ang kanyang sarili, ngunit nahulog sa sahig ang cake na kanyang hawak.“Akala ko mali ako ng nakita, pero ikaw nga yan. Nakalabas ka na ng kulungan? Pumunta ka pa talaga ng mall para mamili?” Nag-ring ang boses nito sa mga tenga ni
Magbasa pa

Kabanata 461

“Seriously, hindi ka ba natatakot mapahiya yung sarili mo sa lugar na ganto!” ang sabi ni Hao Qirong.Galit na sinabi ni Lyu Zhixue, “nung nakita ko siya na galit ako ng sobra, sabihin mo nga sakin, yung sinabi niya ba sasabihin yan ng matinong tao? Pinatay niya si Meiyu pero sinasabi niyang wala siyang sinaktan na kahit sino man.Tinitigan ng masama ni Hao Qirong si Ling Yiran. “ You got out. Kahit wrongful conviction pa man yun, korte pa din ang bahalang magdesisyon, pero pag pinag usapan na ang rights…”Kuminang ang mga mata ni Hao Qirong na may halong paghamak as if nakatingin siya sa langgam na kaya nyang durugin. “Hindi ka qualified na magsalita sa harap ko tungkol sa rights.”With that, sabi niya sa security guard na katabi niya, “Sipain mo yang babae na yan palabas at isend mo yung picture sa mall’s security at management. Hindi allowed yang babae na yan na pumasok ulit sa mall na to.”Rumesponde na ang security guard at sapilitang inilabas si Ling Yiran ng dalawang lalaki
Magbasa pa
PREV
1
...
4445464748
...
91
DMCA.com Protection Status