Share

Kabanata 460

Nag-alangan si Ling Yiran at tumango. Ayaw niya na pahirapan pa ang mayordoma.

Nagpasama si Ling Yiran sa mall sa bayan.

Gusto niyang bilhan ng pagkain at damit ang kanyang lola. Ang ibabang palapag ng mall ay puno ng restawran at kainan, kaya doon muna pumunta si Ling Yiran.

Tinignan niya ang mga cake at pastelerya na pwede sa mga taong mataas ang sugar. Medyo mahal ito, ngunit binili niya parin ito pagkatapos niyang maalala na minsan ay masyadong mataas ang sugar ng kanyang lola.

Pagkatapos niya magbayad, naglakad siya papunta sa escalator.

Pagkadating niya sa ikalawang palapag, biglang may taong lumapit sa kanya. Bago niya pa makita kung sino ito, siya ay sinampal nito.

Humapay ang kanyang katawan at muntik na siya mahulog sa sahig. Binalanse niya ang kanyang sarili, ngunit nahulog sa sahig ang cake na kanyang hawak.

“Akala ko mali ako ng nakita, pero ikaw nga yan. Nakalabas ka na ng kulungan? Pumunta ka pa talaga ng mall para mamili?” Nag-ring ang boses nito sa mga tenga ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status