“Huwag kang mag alala, pinatanggal ko na ang video. Hindi naman siya ganun katagal nasa internet, at hindi na ulit yun makikita sa internet kahit kailan, “ ang sabi niya habang napunta ang kanyang kamay sa pisngi nitong may mga pasa.Lalong nanlamig ang paningin nito, “Papapuntahin ko ang family doctor namin para patignan ka.”“Okay lang ako, kukuha na lang ako ng ice pack mamaya,” ang sabi niya.“Hindi. Hindi ako mapapanatag hangga’t hindi ka nagpapatingin sa doctor. Tapos ang usapan. Nasaktan ka ba sa ibang parte ng katawan mo? Sinaktan ka ba ng guards sa mall?” ang tanong niya.“Okay lang ako, hindi ako nasaktan.” sinabi niya ito ng mahinahon para hindi ito mag alala.” By the way, makikipagkita nga pala ako sa lola ko bukas. May bibilhin sana ako para sa kanya ngayon pero hindi ko magagawa. Pwede ba tayong lumabas pagkatapos magdinner para bilhan si lola?” tuloy tuloy niyang sabi.Malalim niya itong tinitigan ng matagal bago nagsalita, “Syempre naman.”Pagkatapos noon, may kum
Si Hao Quiring at Lyu Zhixue hindi na umaastang mas mataas dahil sa nangyare kay Ling Yiran kanina. Kahit ang tingin nila kay Ling Yiran ay langgam na madaling durugin, sa ngayon sila ang langgam na yun.Bilang artista, si Hao yimeng ang pinakamagaling magtago ng kanyang emosyon. Tumingin siya na parang nagkasala at sinabi niyang, “Brother Yi, nakita ng mga magulang ko si Miss Ling sa mall kanina. Biglaan daw na may ginawa itong hindi nila nagustuhan kaya may ginawa silang hindi maganda kay Miss Ling. Kaya, pumunta kami dito at nagbabakasakali na humingi ng tawad kay Miss Ling ng personal.Medyo mahirap kay Hao Yimeng na tawagin siya ng ‘Miss Ling’.After all, itong babae na ito ang gusto niyang babaeng huling makita. Sa tingin niya ay walang kwenta ito, pero ngayon kailangan niyang kausapin ng may respeto yung babaeng tingin niya na walang kwenta. Napilitan siyang tapakan ang kanyang dignidad.“Ganun ba? Biglaan lang? Sabihin mo sa akin, ano ang ginawa niya para magalit sila?” ka
Kahit na ganon, mukha pa ding mapagkumbaba si Hao QirongHindi naman na yon kailangan. Sa tingin ko ayaw niya kayong makita,” malumanay na sabi ni Yi Jinli.Nahimasmasan si Hao Yimeng at Lyu Zhixue. Mas okay sa kanila na hindi humingi ng tawad ng personal. At least, hindi sila masyadong mapapahiya.After all, mahirap para sa kanila ang humingi ng tawad sa taong tingin nila ay isang langgam, lalo na sa taong pumatay sa kanilang anak. Para kay Hao Yimeng, minsan niya na itong naging karibal sa pag ibig.Ngunit, hindi nakahinga ng maluwag si Hao Qirong, bagkus ay lalong kumunot ang kanyang mga noo. Para bang may pangamba sa kanyang dibdib. Natatakot siya na hindi ito kasing dali ng kanyang inaakala.“Kung gayon, hindi ka na namin guguluhin, Jinli. Paalam na.” Tinignan ni Lyu Zhixue sa mata si Hao Qirong para umalis na sila agad.Kakatayo lang ni Lyu Zhixue ng bigla niyang marinig ang boses ni Yi Jinli. “Nga pala, dapat bayaran niyo muna ang utang niyo bago kayo umalis.”“Anong utan
Siya madalas ang usapan ng bolahan sa mga mayayaman. Hindi pa siya kahit kailan trinato sa ganon na paraan.“Hindi pwede, kailangan kong turuan ng leksyon yang babaeng si Li Yiran. Malamang ay nagsumbong siya kay Yi Jinli tungkol dito. Kahit kailan ay hindi pa ko trinato ni Yi Jinli ng ganito.” sinisi ni Lyu Zhuxie ang lahat kay Ling Yiran.“Tama na! Wag mo nang pakialaman si Ling Yiran kahit kailan, at eto na ang huli!” ang sabi ni Hao Qirong.Napatingin si Lyu Zhuxie sa kanyang asawa dahil hindi ito makapaniwala. “ Anong pinagsasasabi mo? Si Ling Yiran ang pumatay sa anak natin!”Komplikadong tumingin ng mabilis si Hao Quirong at tumingin agad siya sa malayo. Pinipilit niyang iwasan ang tingin ng kanyang asawa. “Kung ayaw mong mabaon ang buong pamilya ng mga Hao kasama si Meiyu, gawin mo kung anong sinabi ko!”May gusto sanang sabihin si Lyu Zhixue, pero hinatak ni Hao Yimeng ang kanyang nanay. “Makinig na lang tayo kay Dad, Mom. Wag mo munang habulin si Ling Yiran sa ngayon.” T
Kaso, kapag masyado siyang dumepende kay Jin, baka unti-unti niya na itong makasanayan..Yumuko siya at hinalikan ang namamagang pisngi nito ng dahan dahan. Sa sobrang gaan ng kanyang mga halik para itong kasing gaan ng balahibo. “Kung ganon e dumepende ka sa akin.” Iyon lang ang aking ninanais.”Gusto niyang dumepende ito sa kanya ng sobra para hindi na siya nito kayang iwanan...Makalipas ang kalahating oras, dumating ang family doctor sa kanilang bahay. Tinignan niya ang namamagang pisngi ni Ling Yiran at binigyan siya nito ng mga ganot para mabawasan ang pamamaga nito.Pagkaalis ng doctor, ilalagay na sana ni Ling Yiran ang gamot ng biglang kinuha ito sa kanya ni Yi Jinli. “Ako na ang gagawa nito para sayo.”“Sige,” ang sagot niya.Sinawsaw niya ang kanyang mahabang mga daliri sa ointment at ipinahid niya ito sa kanyang pisngi. Dahan dahan ang kanyang mga galaw. Dahil sa lamig ng ointment, hindi na masyadong mahapdi ang kanyang mga pisngi.“You’re a real pain in the neck. La
“Wala.. wala naman. Naalala ko lang na bibisitahin ko si lola bukas, at wala pa kong nabibili para sa kanya. ,” ang sabi ni Ling Yiran. Ngunit mayroon talaga siyang nabili na ngunit itinapon ito ng pamilya ng mga Hao sa basurahan.“Tungkol diyan, may binili ako para sayo at iniwan ko yun sa may coffee table,” ang sabi ni Yi Jinli.Tumingin si Ling Yiran sa may coffee table sa kanyang kwarto at may nakita siyang pamilyar na packaged bag. Kaparehas ng balot nito ang binili niyang pastries sa mall ng araw na iyun. Bumili.. bumili kaya siya ng kapareho nito?“Ikaw ba ang bumili nito?” ang tanong ni Ling Yiran na parang hinahabol ang hininga.“Oo, bumili ako ng extra,” sabi ni Yi Jinli.“Paano mo nalaman kung.. uh, kung ano yung binili ko?” nagtatakang tanong ni Ling Yiran. Kahit pinanuod ni Yi Jinli ang video, ang tanging nakita niya lang ay yung packaging bag.“Chineck ko lang ang transaction statement history nila at nalaman ko kung anong binili mo,” ang sagot ni Yi Jinli.Naunawa
Ngunit, hindi inaasahan ni Ling Yiran na hihiramin ni Yi Jinli ang sariling sasakyan ng kanyang driver na nagkakahalaga lang ng 300 thousand dollars.Nagulat si Ling Yiran“Hindi ba sinabi mo na gusto mong mag mukha tayong normal na tao?” tanong ni Yi Jinli.“Gusto kong maging normal tayo dahil ayokong maging usapan sa aming lugar. Maliit na lugar lamang iyun kaya malamang ay pag uusapan talaga tayo. Natatakot ako na baka mag alala si lola. Pero talaga bang idradrive mo itong ganitong sasakyan?” tanong ni Ling Yiran“Sinabi ko lang ba yun para makipag biruan?” ngumiti si Yi Jinli.. “Okay sige, pumasok ka na sa kotse.”Pagpasok niya ng sasakyan doon niya lamang naisip na hindi kasama ang driver ngayon at si Yi Jinli ang magmamaneho nito.“Ikaw ang magdradrive?” tanong niya.“Oo, hindi naman iyun ganun kalayo. Umiglip ka muna kung inaantok ka. Alam ko naman ang daan papunta doon, “ang sabi ni Yi Jinli habang iniistart ang sasakyan.Hindi namalayan ni Ling Yiran na napakagat na si
Tumingin siya sa kanya na para bang naguguluhan. “Anong problema?”“Napag isipan mo na ba kung paano mo ako ipapakilala mamaya?” tanong ni Yi Jinli.Medyo napaisip si Ling Yiran pero sumagot siya agad,”Oo naman, ipapakilala kita sa kanila bilang aking nobyo.”Ngumiti si Yi Jinli. “Okay, tara na.”Pagkatapos lumabas ng kotse, pumunta si Ling Yiran sa pinto at kumatok. Maya maya ay may sumagot na sa kanila. Iyon ay ang kanyang pangatlong tita.Ng makita ng pangatlo niyang tita si Ling Yiran e naging para itong sarcastic ang mukha. “Ikaw pala yan, Yiran. May dala ka pang lalake ngayon!”Tumingin ang kanyang tita sa may pintuan at napansin niya ang ordinaryong sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay. Tumingin siya ng parang may panunuya kay Ling Yiran.Akala nila na yung pamangkin nila ay nakikipagkita sa isang mayaman na lalaki. After all, niligtas siya ng lalaking iyon sa bahay ng mga hangal noong araw na iyon.Ngunit, habang nakatingin siya sa sasakyan sa labas, parang hindi na
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at