Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Chapter 711 - Chapter 720

All Chapters of Sir Ares, Goodnight!: Chapter 711 - Chapter 720

848 Chapters

Kabanata 711

Si Angeline ay natutulog nang mahimbing nang biglang magkaroon ng ingay sa labas.Mabilis na napabangon si Angeline. Tinatanggal ang karayom sa kaniyang braso na mula sa infusion bag, bumaba siya ng hagdan.Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakalabas siya ng kwarto. Ang mansyon ay may disenyo na tulad ng isang kastilyo mula sa Medieval na panahon. Ang mga pader, gawa sa maganda at natural na marmol, ay may maraming maka-lumang mga larawan na nakaukit. Ang taong maraming alam sa ganito ay mapagtatnto na maraming magkakaibang simbolo ang makikita roon.Ang kastilyo ay tila luma at misteryoso para kay Angeline.Mahirap para sa kaniya na isipin na ang isang lalaki na kasing bata at yaman ng lalaking iyon ay may ganito kalumang panlasa sa mga gusali.Noong dumating siya sa baba, binuksan niya ang pinto patungo sa likod-hardin. Doon, sa gitna ng bakod kung saan pinapalaki ang maliit na mga hayop, nakita niya ang lalaki na nakikipaglaban sa mga manok.Hinabol niya ang tumatakas na mga mano
Read more

Kabanata 712

Nainsulto ang lalaki. “Tinawag mo ba akong walang kwenta?”Ang kaniyang mga mata ay nagalit.Tumango si Angeline. “Hindi ba?”Napatingin si Angeline sa mga lalaking katulong. “Ang dami-dami mong katulong. Hindi ba’t ibig sabihin no’n ay wala kang kwenta?”Ang lalaki ay nagulat.Dinala ni Angeline ang mga manok, na hinanda niya ayon sa instructions, sa kusina at nilagay ang mga ito sa kaldero bago lagyan ang mga ito ng pampalasa. Pagkatapos no’n, umakyat siya upang gamutin ang kaniyang mga sugat.Kahit na ginamit niya ang walang sugat niyang braso para katayin ang mga manok, ginamit naman niya ang buo niyang lakas para gamitin ang kutsilyo. Ito ay nagsanhi sa kaniyang mga sugat na muling bumukas at magdugo muli.Kalaunan, ang amoy ng chicken soup ay kumalat sa buong bahay.Noong ihahanda na ni Ginang Zimmer ang sabaw kay Angeline, biglang sinabi ng lalaki, “Pasubok ako.”Hindi siya naniniwala na ang ganoon kagandang babae ay kayang magluto.Binigyan siya ni Ginang Zimmer ng maliit na ma
Read more

Kabanata 713

Gusto na niyang kalimutan si Jay Ares.Sa tuwing naiisip niya si Jay, sa sobrang sakit ng kaniyang puso ay nahihirapan siyang huminga.Dineklara ni Cole sa isang nangingibabaw na paraan, “Muntik ka nang mamatay dahil sa kaniya. Isipin mo na lang na naibalik sa ‘yo ang buhay mo. Ngayon, ang buhay mo ay nabibilang sa ‘kin dahil ako ang taong nagligtas sa ‘yo.”Si Angeline ay nasanay na sa mayabang at mapang-away na katauhan ni Cole. Noong una, makikipagtalo siya kay Cole, ngunit kalaunan ay napagtanto niya na kahit na magsalita siya hanggang sa matuyo ang lalamunan niya, gagawin pa rin ng lalaking ito ang kagustuhan niya.Hinayaan na lamang niya iyon.Sinabi ni Cole, “Iuuwi kita sa sandaling tapos na ako sa mga kasalukuyang ginagawa ko.”Si Angeline ay bahagyang nabahala. Kumikilos ang lalaking ‘to na para bang dadakipin na siya nito.Siya ay nanghihina pa rin, at ang kaniyang phone ay nawawala. Dahil wala siyang pera, hindi niya alam kung paano makatakas sa bahay na iyon.Kung ang lalak
Read more

Kabanata 714

“Ayaw ko.” Ayaw ni Angeline na siya ay mapag-samantalahan ni Cole.Sumagot si Cole, “Kung hindi mo gagamitin ang phone na ‘to, wala akong ibang magagawa kung ‘di ang i-utos sa kanila na sundan ka bukas. Ikaw ang bahala.”Isang imahe ng mga gwardya sa baba ang lumitaw sa isipan ni Angeline. Ang kanilang mga mukha ay matigas at hindi natural na para bang sila ay naturuan ng Botox.Kinuha ni Angeline ang phone. Kaya niyang itapon ang phone saanman niya gustuhin, ngunit mas mahirap takasan ang mga gwardya na ‘yon.Si Cole ay natuwa noong nakita niyang kinuha ni Angeline ang phone.Pagkatapos no’n, nagsimula siyang tanggalin ang kaniyang jacket. Napahinga si Angeline at pinigilan siya. “Ano’ng ginagawa mo?”Tumingin si Cole sa labas ng bintana. “Ang dilim na sa labas. Oras na para matulog.”Pagkatapos ay umupo siya sa kama.Nahulog si Angeline sa kama dahil sa gulat. Tuliro, umupo siya sa sahig at tumingin kay Cole habang pinapagalitan ito, “Hindi tayo mag-asawa! Walang nagsabi na dapat kit
Read more

Kabanata 715

Nagising nang maaga si Angeline sa sumunod na araw.Ang kaniyang puso ay napatalon sa tuwa noong naalala niya na nangako si Cole na ihahatid siya nito pabalik sa Imperial Capital ngayong araw.Noong pag-isipan niya nang maigi ang pinagmumulan ng kaniyang saya, mukhang ito ay dahil si Jay ay nasa Imperial Capital.Muling nalungkot si Angeline.“Ayaw na niya sa ‘yo. Hindi mo na siya pwedeng isipin. Mula sa araw na ‘to, dapat mo na siyang kalimutan. Kahit na siya ay nakatayo sa harap mo, dapat kang magpanggap na hindi mo siya nakikita. Hindi mo siya pwedeng hayaan na maliitin ka ulit.” Lumuluhod sa tabi ng bakod, gumamit siya ng isang daliri upang pindutin ang damo na lumalaki roon.Nakita ni Cole na bumubulong si Angeline sa kaniyang sarili noong lumabas siya ng bahay. Nakinig siya nang ilang sandali bago niya mapagtanto na pinipilit ni Angeline ang kaniyang sarili na ‘wag mag-alala sa lalaking minamahal niya.“Angeline, tara na,” sabi niya habang nakangiti.Napayuko ang ulo ni Angeline
Read more

Kabanata 716

Si Angeline ay natuliro.Nahihiyang tumawa si Cole. “Dapat mong malaman na isa akong perfectionist. Nag-aalala ako na hindi kita magagawang halikan kapag nalaman kong may mga pilat ka sa katawan mo.”Namula ang mukha ni Angeline at napalayo. Isang nagbababalang ekspresyon ang nasa kaniyang mukha noong sabihin niyang, “Imposibleng maging tayo.”Napabuntong-hininga si Cole noong tumingin siya sa puwang sa pagitan nila. “Naging mahirap para sa akin na makahanap ng isang babae na magsasanhi sa ‘kin na maging seryoso. Pero heto, ayaw mo sa ‘kin.”Agad na namutla ang mukha ng drayber at nagsimulang pagpawisan.Paminsan-minsan siyang tumitingin kay Angeline gamit ang rear view mirror, natatakot para sa buhay ng babae.Ang lahat ng mga babaeng tumatanggi sa young master ay hindi nagkakaroon ng magandang kapalaran.Hindi napagtanto ni Angeline na may ininsulto siyang tao at nagpatuloy na pahiyain si Cole. “Pwede mo naman akong ibaba pagdating natin sa Imperial Capital. Pamilyar naman ako sa lug
Read more

Kabanata 717

Pagkatapos ng kalahating oras.Narinig ni Cole ang alarm na tumutunog mula sa tracking system sa phone ni Angeline.Gayunpaman, noong nakita niya ang phone na iniwan sa isang parke, hindi niya makita si Angeline sa paligid.Wala siyang ibang magagawa kung ‘di ang aminin na natakasan siya ni Angeline.Isang maliwanag na ngiti ang lumitaw sa gwapo niyang mukha. “Mahusay, Angeline Severe. Matagumpay mong naakit ang atensyon ko. ‘Wag mong isipin na matatakasan mo ako sa buhay na ito.”Si Angeline ay napuno ng tuwa pagkatapos niyang matakasan si Cole Yorks.“Kaya ko ngang takasan si Jay Ares, eh. Ikaw pa kaya?”Nagtawag si Angeline ng taxi at bumalik sa bahay ng mga Severe sa Swallow City.Noong tumigil ang taxi sa harap ng bahay, sinabi ni Angeline, “Sandali lang, kukuha ako ng pera.”Pagkatapos no’n, tumalikod siya at tumakbo patungo sa malaking patyo sa bahay ng mga Severe.“Lolo, Ina, nakauwi na ako.”Natigilan si Angeline sa kaniyang kinatatayuan, natuliro noong nakita niya ang lalaki
Read more

Kabanata 718

Pagalit na sinabi ni Old Master Severe, “Hindi sapat kung mayroon ka lang ambisyon. Kailangan mong gumamit ng oras at paghihirap sa pangangasiwa ng kumpanya ng Pamilya Severe. Sa araw na ito, ang pinakamalaki nating kalaban ay ang Bell Enterprise. Nagawa nilang pabagsakin nang lubos ang market natin. Kailangan mong mag-isip ng mga paraan para agawin ang mga customer natin at maibangon muli nang unti-unti ang kumpanya.”Alam ni Angeline na ang pangit niyang pinaggagawa ay ang dahilan kung bakit walang tiwala sa kaniyang ambisyon ang kaniyang Lolo. Kaya, umayos siya ng tindig at humingi ng aral mula kay Old Master Severe. “Lolo, bigyan mo ako ng goal. Nangangako akong makakamit ko ‘yon.”Noong mapagtanto ni Old Master Severe na seryoso si Angeline, sinabi niya, “Dalawang taon. Gusto kong ipagpatuloy mo ang produksyon ng smart chips ng Pamilya Severe. At saka, talunin ang Ares Enterprises bilang ang nangunguna sa field na ito.”Sumulyap si Angeline kay Cole na kalmadong nakaupo at napa-is
Read more

Kabanata 719

Hinimas ni Old Master Severe ang kaniyang noo pagkatapos umalis ni Cole.“Ang ibig sabihin ba nito ay tapos na kayo ni Jay Ares?” Tanong niya kay Angeline.Tumango si Angeline. “Oo.”Si Old Master Severe ay nagulat. Naintindihan niya ang pag-uugali ng kaniyang apo.Noong bata pa lamang siya, baliw na si Angeline kay Jay. Lubos siyang inalagaan ni Jay at maingat na inalagaan ang paghanga niya sa lalaki, iyon din dahilan kung bakit hindi naging isang malaking biro si Angeline.Mahal na mahal nila ang isa’t isa. Paano nila nagawang maghiwalay nang gano’n lang?“Kaya mo ba talaga siyang pakawalan?” Si Old Master Severe ay hindi mapakali.Sina Angeline at Jay ay perpekto para sa isa’t isa. Kung ‘di dahil sa kasalukuyan nilang sitwasyon, patago siyang umaasa na ang dalawa ang magsasama sa huli.Sinabi ni Angeline, “Binigay ko sa kaniya ang buhay ko, pero inapak-apakan lang niya ang digniad ko. Hindi ko siya pwedeng hayaan na saktan lang ako nang ganito, kahit gaano ko pa siya kamahal.”Ngumi
Read more

Kabanata 720

Ngayon lang nakaranas si Jay ng ganoong mga emosyon.“Kilala mo ba kung sino ang lalaki?” Tanong niya.Si Finn ay mas dumaldal noong mabanggit ang pagkakakilanlan ng lalaki. “Kakaiba nga, eh, mukhang taga-ibang bansa ang lalaki na ‘yon. Hindi kami makakuha ng impormasyon tungkol sa kaniya kahit ano’ng subok namin. Gayunpaman, mula sa itsura niya, siguradong taga-ibang bansa nga siya.”Inangat ni Jay ang kaniyang mga mata upang titigan si Finn, ang kaniyang mga mata ay lubos na nagniningning.Dati pa man ay isa nang maingat na tao si Finn. Kung hindi niya kayang alamin kung sino ang lalaki na iyon, nangangahulugan lamang na ang lalaking iyon ay isang kahina-hinalang tao.“Tinanggihan ba siya ni Old Master Severe?” Seryosong tanong ni Jay.Matapat na sumagot si Finn, “Sa ‘di ko malamang dahilan, hindi siya diretsong tinanggihan ni Old Master Severe. Sinabi lang niya na si Binibining Severe ang bahalang mag-isip tungkol doon.”Nanlaki ang mga mata ni Jay sa gulat habang nakatitig siya kay
Read more
PREV
1
...
7071727374
...
85
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status