Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Chapter 701 - Chapter 710

All Chapters of Sir Ares, Goodnight!: Chapter 701 - Chapter 710

848 Chapters

Kabanata 701

Ang lalaki ay nagulat sa matinding kagandahan na nakita niya sa kabila ng matamlay na itsura ng babaeng ito.Ang kaniyang pamilya ay hindi nagkukulang sa gwapong mga lalaki at kaakit-akit na mga babae—ang lahat ng mga nakabibighani, maharlika, at kaakit-akit ay nasa iisang lugar. Dati pa man ay naniniwala siya na mabubuhay siya nang hindi apektado sa itsura ng iba, dahil hindi niya kailanman naisip na ang makakita ng isang mukha na tulad ng kay Angeline Severe na payat ngunit matigas, inosente ngunit kaakit-akit, mahinhin ngunit determinado at malakas. Ang kakaibang babae sa harap niya ay nagningning sa mga mata nito, at hindi niya mapigilan na mahulog para sa babae.“Maswerte ka, ang taong nakakita sa ‘yo ay ako.” Hinawakan niya ang kaniyang baba, ang mga kilay ay napapakunot noong mapatingin siya sa nagdurugong braso ni Angeline.Takot siya sa dugo, ngunit napansin niyang hindi siya nagkaroon ng matinding reaksyon noong makita niya ang dugo ni Angeline.Ang namana rin niyang obsess
Read more

Kabanata 702

Ginamit niya ang lahat ng kapangyarihan na kayang ibigay ng Imperial Capital, ngunit ang resulta ay tagos-buto pa rin siyang binalisa.Para bang si Angeline Severe ay naglaho na lamang at wala na sa Imperial Capital.Si Jay ay lubos na nagsisi sa ganoong wakas. Sa wakas ay naintindihan na niya kung paano magsisi sa isang bagay.“Angeline, patawarin mo ako.“Pakiusap ay bumalik ka na, gagawin ko ang lahat ng gusto mo.“Kahit na magpakamatay pa ako, basta’t handa mo akong samahan, palagi lang akong mananatili sa tabi mo. Kung mabubuhay ka, mabubuhay ako. Kung mamamatay ka, mamamatay rin ako.”Sa malamig at malumbay na gabi, walang pigil ang pagbuhos ng luha sa mga mata ni Jay.Madali lang paiyakin ang mga lalaki. Kailangan mo lang malaman kung ano ang makakasakit sa kanila.Pagkatapos ng tatlong araw, si Grayson, na abala nitong mga nakaraan, ay bumalik upang mag-ulat kay Jay.“Ginoong Ares, naimbistigahan na namin ang lahat ng labasan sa Imperial Capital at wala kaming nakitang kahina-h
Read more

Kabanata 703

Ang butler ay nabalisa. “Young Master Jay, ang grand old master ay nagpapahinga sa sandaling ito. Bakit hindi ka muna maghintay dito–”Bago pa man matapos sa pagsasalita ang butler, tinulak ni Storm si Jay patungo sa kwarto ni Dylan at binuksan ang pinto.“Young Master Jay?” Napadabog ang butler sa inis.Walong bodyguards ang nakatayo sa labas ng kwarto ni Dylan. Noong nakita nila si Jay na papalapit nang may matigas na ekspresyon, naramdaman nila na may hindi tama at hinilera ang kanilang mga sarili, hinaharangan ang daan ni Jay patungo sa pintuan.Tumigil sa harap nila ang wheelchair ni Jay. Gayunpaman, walang awa sa kanila si Jay. Sa sandaling i-angat niya ang kaniyang kamay, agad na naintindihan nina Storm at Tempest ang gusto niyang sabihin.Biglang makaririnig ng ingay noong magtrabaho nang mabilis sina Storm at Tempest. Sa loob lamang ng ilang sandali, ang lahat ng walong mga bodyguard ay paralisado na sa sahig.Ang pintuan ng kwarto ay bumukas at ang private assistant ni Grand
Read more

Kabanata 704

Lumapit ang Grand Old Master Ares kay Jay, isang nababalisang ekspresyon ang makikita sa kaniyang mukha. “Oh, Jay, dati pa man ay maingat ka na sa pagkilos noong bata ka pa lang. Hindi ka nagkakamalil. Pero, ngayong araw, ganito ang nangyari sa ‘yo dahil lang kay Angeline Severe. Mukhang wala akong ibang magagawa kung ‘di ang paluin ka para matauhan ka na.”Diniretso ni Jay ang kaniyang likuran. “Handa akong tanggapin ang kaparusahan ko.”Kumislap ang mga mata ni Grand Old Master Ares, ngunit masyado nang huli ang lahat. Ang latigo ay tumama na sa likod ni Jay.Agad na lumitaw ang kulay ng dugo sa puting damit ni Jay.Nagtinginan sina Grayson, Storm, at Tempest sa sindak noong nakita nila iyon.Lumuhod silang tatlo sa harap ni Grand Old Master Ares at halos sabay-sabay na sinabi, “Grand Old Master Ares, ako, si Grayson / Storm / Tempest, ay handang ibayad ang aking buhay basta’t patatawarin ni Grand Old Master si Ginoong Ares.”Pinagalitan sila ni Jay, “Umalis nga kayo dito.”Si Grand
Read more

Kabanata 705

Nagningning ang mga mata ni Grayson sa gigil at siya ay biglang sumugod. Siya ay kasing bilis ng kidlat noong siya ya biglang lumitaw sa harap ni Storm.Ang kaniyang mga kamao ay kasing bangis ng isang tigre. Ang sinumang lalapit kay Grayson ay pagpipira-pirasuhin niya. Kung ‘di, pupuntiryahin niya ang mga lalamunan nito, mga buto, o ang leeg. Tanging ang tunog lamang ng pagwasak ng buto ang maririnig bago sila bumagsak sa sahig.Ang kaniyang mga paa ay mas nakabibigla. Sisipain niya ang mga gwardya sa paa, o aapakan niya ang mga leeg nila, nagsasanhi sa kanila na hindi man lang magkaroon ng pagkakataon na makabangon muli. Kung ‘di, aapakan niya ang mga paa nila at manonood sa kanilang pagbagsak tulad ng isang bundok na nilalamon ng dagat.Lumabas si Grand Old Master Ares ng kwarto. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa gulat noong nakita niya kung gaano kahusay si Grayson. “Walang dudang tauhan ka nga ni Jay.”Sa wakas, naabot na ni Grayson ang pinto. Mayroong isang napaka-tangkad na lalak
Read more

Kabanata 706

Ang ngiti sa mukha ni Jack ay naglaho.“Maliban sa Grand Asia, pwedeng ibenta ng Ares Enterprises ang kanilang mga bahagi sa Bell Enterprise at Titus Enterprise. Sa kabilang banda, hindi niyo magagawang makagawa ng kahit ano nang wala ang mga bahagi namin. Sino sa tingin mo ang dapat sumuko?”Sumagot naman si Finn, “Old Master Jack, nagkakamali ka. May iba pang mga kumpanya maliban sa Ares Enterprises na handang bigyan ang Grand Asia ng mga bahagi na ‘to.”“Ang Bell Enterprise ba ang tinutukoy mo? Hindi ka nagkakamali. Kaya kayong bigyan ng Bell Enterprise ng mga chips. Gayunpaman, ang ilan sa mga bahagi na ginagamit niyo ay Ares Enterprises lamang ang mayroong patent. Kami lang ang kayang magbigay sa inyo no’n.” Ngumiti si Finn. “Pasensya na, pero marami kaming naka-imbak na ganoong mga bahagi, at sapat na iyon para magtagal sa loob ng isa o dalawang taon. Dati pa man ay maingat na si Ginoong Ares pagdating sa negosyo. Hindi mo ‘yon naisip, ano?”Ang ekspresyon sa mukha ni Jack ay pu
Read more

Kabanata 707

Dumating si Finn sa private ward ni Jay. Nakahiga si Jay sa kama, ang kaniyang likuran ay mayroong mga guhit na sugat. Siya ay mukhang nalalapit na sa kamatayan.Lumuhod si Finn at mahinang sinabi, “Ginoong Ares.”Marahan na bumukas ang mga mata ni Jay. Noong mapatingin ang malabo niyang mata sa mukha ni Finn, nananabik na gumalaw ang kaniyang mga labi. Pilit niya itong ginagalaw, ngunit walang tunog na lumalabas.Masyado siyang nanghihina.Kinailangan ni Finn na ilagay ang kaniyang tainga sa tabi ng mga labi ni Jay bago niya marinig ang tunog ng mahinang boses ni Jay.“Walang kinalaman ang Pamilya Ares sa pagkawala ni Angeline. Finn, pagtuunan mo ng pansin ang kotse na ‘yon at magpatuloy na hanapin ang kinaroroonan no’n. Isang mahalagang tao siguro ang taong iyon.”Sumagot si Finn, “‘Wag kang mag-alala, Ginoong Ares. Sisiguraduhin kong hahanapin ko ang missus. Mag-focus ka lang sa pagpapagaling.”Bumigat ang ulo ni Jay. Ang kaniyang isipan ay nakatuon lamang kay Angeline, at wala siya
Read more

Kabanata 708

Ngumiti ang lalaki. “Mukhang nagligtas ako ng isang makulit. Patay ka na sana kung ‘di dahil sa ‘kin.”Kinakabahan na tumingin si Angeline sa infusion bag. “Sa ganitong paraan mo ba ako binibigyan ng fluids? Hindi ka ba pwedeng gumamit ng tungkod para may sumuporta d’yan?”“Hinahawakan ko na nga ‘to para sa ‘yo at hindi ka pa rin natutuwa?” Naiinis na tumingin ang lalaki kay Angeline. “Kilala mo ba kung sino ako?”Ang kaniyang ekspresyon ay tila nagsasabi na dapat matuwa si Angeline na may ginagawa siya para sa babae.“Wala akong pakialam kung sino ka. Para sa ‘kin, isa kang kriminal. Dapat kang maging responsable sa pagbangga sa ‘kin.”Napangiti ang lalaki noong sabihin niya, “Ikaw ‘tong humarang-harang sa kotse ko. Sinira mo pa ang headlights ng kotse ko. Kailangan mo akong bayaran.”Sinabi ni Angeline, “Wala akong pera, pero mayroon akong buhay. Pwede mo ‘yon kuhain kung gusto mo.”Ngumiti ang lalaki noong mapagtanto niyang marunong lumaban si Angeline. “Oh, ‘wag na pala. Hindi mo k
Read more

Kabanata 709

“Bakit ako matatakot sa ‘yo?” Tanong ni Angeline.Tumitig sa kaniya ang lalaki. “Paano kapag sinabi ko sa ‘yo, mayroon akong isang napaka-espesyal na pagkakakilanlan. Kaya kong kontrolin ang buhay mo, at wasakin ka na parang isang langgam. Matatakot ka ba?”Inabot ni Angeline ang kaniyang walang sugat na kamay. Ang lalaki ay bahagyang nabigla pa rin. Ang kapal naman ng babaeng ‘to na utus-utusan siya?Sa huli, tinulungan pa rin niya si Angeline na tumayo.Tumingin sa kaniya si Angeline. Ang kaniyang mga kilay ay malungkot, at ang kaniyang mga mata ay nagniningning. Ang mga ito ay mukhang klase ng tula na mahirap intindihin, mayroong malalim at tagong kahulugan na tinutuliro ang mga tao.“Kung mayroon ka ngang ganoong klase ng kapangyarihan, please, nagmamakaawa ako, patayin mo na ako ngayon,” pagmamakaawa niya, ang lungkot ay halata sa kaniyang boses.Ang ngiti sa mukha ng lalaki ay nawala. Bigla niyang naalala kung paano tumalon ang babaeng ito sa harap ng kaniyang kotse, walong araw
Read more

Kabanata 710

Buong-buhay na silang nagmamahalan ni Jay. Akala niya na kahit sukuan siya ng buong mundo, hindi siya susukuan ni Jay.Ngunit, sa huli, si Jay ang taong lubos na nanakit sa kaniya.Ngumiti nang bahagya ang lalaki. “Ako ang magpapasya sa pinaka-magandang araw para ayusin natin ang lahat.”Ang kaniyang ngiti ay magiliw, ngunit ang kaniyang mga salita ay pinapakita ang kaniyang pangingibabaw.Walang masabi, tumingin nang masama sa kaniya si Angeline. Hindi ba marunong umintindi ang lalaking ‘to?“Pakasalan mo ako, at pangangalagaan ko ang lalaking nanakit sa ‘yo,” tumitig ang lalaki sa kaniyang mga mata at seryosong nagsalita.Agad siyang tinanggihan ni Angeline. “Hindi kita kailangan na makialam sa mga problema ko.”Kahit gaano pa ka-g*go si Jay Ares, gusto niyang siya ang nag-aalaga sa lalaking iyon.Ang lalaki ay matigas ang ulo. “Magiging asawa kita sa sandaling pakasalan mo ako. Ang nag-iisang bagay na hindi ko kayang ibigay sa ‘yo ay ang pagmamahal na sinasabi mo. Para naman sa iba,
Read more
PREV
1
...
6970717273
...
85
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status