Dumating si Finn sa private ward ni Jay. Nakahiga si Jay sa kama, ang kaniyang likuran ay mayroong mga guhit na sugat. Siya ay mukhang nalalapit na sa kamatayan.Lumuhod si Finn at mahinang sinabi, “Ginoong Ares.”Marahan na bumukas ang mga mata ni Jay. Noong mapatingin ang malabo niyang mata sa mukha ni Finn, nananabik na gumalaw ang kaniyang mga labi. Pilit niya itong ginagalaw, ngunit walang tunog na lumalabas.Masyado siyang nanghihina.Kinailangan ni Finn na ilagay ang kaniyang tainga sa tabi ng mga labi ni Jay bago niya marinig ang tunog ng mahinang boses ni Jay.“Walang kinalaman ang Pamilya Ares sa pagkawala ni Angeline. Finn, pagtuunan mo ng pansin ang kotse na ‘yon at magpatuloy na hanapin ang kinaroroonan no’n. Isang mahalagang tao siguro ang taong iyon.”Sumagot si Finn, “‘Wag kang mag-alala, Ginoong Ares. Sisiguraduhin kong hahanapin ko ang missus. Mag-focus ka lang sa pagpapagaling.”Bumigat ang ulo ni Jay. Ang kaniyang isipan ay nakatuon lamang kay Angeline, at wala siya
Ngumiti ang lalaki. “Mukhang nagligtas ako ng isang makulit. Patay ka na sana kung ‘di dahil sa ‘kin.”Kinakabahan na tumingin si Angeline sa infusion bag. “Sa ganitong paraan mo ba ako binibigyan ng fluids? Hindi ka ba pwedeng gumamit ng tungkod para may sumuporta d’yan?”“Hinahawakan ko na nga ‘to para sa ‘yo at hindi ka pa rin natutuwa?” Naiinis na tumingin ang lalaki kay Angeline. “Kilala mo ba kung sino ako?”Ang kaniyang ekspresyon ay tila nagsasabi na dapat matuwa si Angeline na may ginagawa siya para sa babae.“Wala akong pakialam kung sino ka. Para sa ‘kin, isa kang kriminal. Dapat kang maging responsable sa pagbangga sa ‘kin.”Napangiti ang lalaki noong sabihin niya, “Ikaw ‘tong humarang-harang sa kotse ko. Sinira mo pa ang headlights ng kotse ko. Kailangan mo akong bayaran.”Sinabi ni Angeline, “Wala akong pera, pero mayroon akong buhay. Pwede mo ‘yon kuhain kung gusto mo.”Ngumiti ang lalaki noong mapagtanto niyang marunong lumaban si Angeline. “Oh, ‘wag na pala. Hindi mo k
“Bakit ako matatakot sa ‘yo?” Tanong ni Angeline.Tumitig sa kaniya ang lalaki. “Paano kapag sinabi ko sa ‘yo, mayroon akong isang napaka-espesyal na pagkakakilanlan. Kaya kong kontrolin ang buhay mo, at wasakin ka na parang isang langgam. Matatakot ka ba?”Inabot ni Angeline ang kaniyang walang sugat na kamay. Ang lalaki ay bahagyang nabigla pa rin. Ang kapal naman ng babaeng ‘to na utus-utusan siya?Sa huli, tinulungan pa rin niya si Angeline na tumayo.Tumingin sa kaniya si Angeline. Ang kaniyang mga kilay ay malungkot, at ang kaniyang mga mata ay nagniningning. Ang mga ito ay mukhang klase ng tula na mahirap intindihin, mayroong malalim at tagong kahulugan na tinutuliro ang mga tao.“Kung mayroon ka ngang ganoong klase ng kapangyarihan, please, nagmamakaawa ako, patayin mo na ako ngayon,” pagmamakaawa niya, ang lungkot ay halata sa kaniyang boses.Ang ngiti sa mukha ng lalaki ay nawala. Bigla niyang naalala kung paano tumalon ang babaeng ito sa harap ng kaniyang kotse, walong araw
Buong-buhay na silang nagmamahalan ni Jay. Akala niya na kahit sukuan siya ng buong mundo, hindi siya susukuan ni Jay.Ngunit, sa huli, si Jay ang taong lubos na nanakit sa kaniya.Ngumiti nang bahagya ang lalaki. “Ako ang magpapasya sa pinaka-magandang araw para ayusin natin ang lahat.”Ang kaniyang ngiti ay magiliw, ngunit ang kaniyang mga salita ay pinapakita ang kaniyang pangingibabaw.Walang masabi, tumingin nang masama sa kaniya si Angeline. Hindi ba marunong umintindi ang lalaking ‘to?“Pakasalan mo ako, at pangangalagaan ko ang lalaking nanakit sa ‘yo,” tumitig ang lalaki sa kaniyang mga mata at seryosong nagsalita.Agad siyang tinanggihan ni Angeline. “Hindi kita kailangan na makialam sa mga problema ko.”Kahit gaano pa ka-g*go si Jay Ares, gusto niyang siya ang nag-aalaga sa lalaking iyon.Ang lalaki ay matigas ang ulo. “Magiging asawa kita sa sandaling pakasalan mo ako. Ang nag-iisang bagay na hindi ko kayang ibigay sa ‘yo ay ang pagmamahal na sinasabi mo. Para naman sa iba,
Si Angeline ay natutulog nang mahimbing nang biglang magkaroon ng ingay sa labas.Mabilis na napabangon si Angeline. Tinatanggal ang karayom sa kaniyang braso na mula sa infusion bag, bumaba siya ng hagdan.Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakalabas siya ng kwarto. Ang mansyon ay may disenyo na tulad ng isang kastilyo mula sa Medieval na panahon. Ang mga pader, gawa sa maganda at natural na marmol, ay may maraming maka-lumang mga larawan na nakaukit. Ang taong maraming alam sa ganito ay mapagtatnto na maraming magkakaibang simbolo ang makikita roon.Ang kastilyo ay tila luma at misteryoso para kay Angeline.Mahirap para sa kaniya na isipin na ang isang lalaki na kasing bata at yaman ng lalaking iyon ay may ganito kalumang panlasa sa mga gusali.Noong dumating siya sa baba, binuksan niya ang pinto patungo sa likod-hardin. Doon, sa gitna ng bakod kung saan pinapalaki ang maliit na mga hayop, nakita niya ang lalaki na nakikipaglaban sa mga manok.Hinabol niya ang tumatakas na mga mano
Nainsulto ang lalaki. “Tinawag mo ba akong walang kwenta?”Ang kaniyang mga mata ay nagalit.Tumango si Angeline. “Hindi ba?”Napatingin si Angeline sa mga lalaking katulong. “Ang dami-dami mong katulong. Hindi ba’t ibig sabihin no’n ay wala kang kwenta?”Ang lalaki ay nagulat.Dinala ni Angeline ang mga manok, na hinanda niya ayon sa instructions, sa kusina at nilagay ang mga ito sa kaldero bago lagyan ang mga ito ng pampalasa. Pagkatapos no’n, umakyat siya upang gamutin ang kaniyang mga sugat.Kahit na ginamit niya ang walang sugat niyang braso para katayin ang mga manok, ginamit naman niya ang buo niyang lakas para gamitin ang kutsilyo. Ito ay nagsanhi sa kaniyang mga sugat na muling bumukas at magdugo muli.Kalaunan, ang amoy ng chicken soup ay kumalat sa buong bahay.Noong ihahanda na ni Ginang Zimmer ang sabaw kay Angeline, biglang sinabi ng lalaki, “Pasubok ako.”Hindi siya naniniwala na ang ganoon kagandang babae ay kayang magluto.Binigyan siya ni Ginang Zimmer ng maliit na ma
Gusto na niyang kalimutan si Jay Ares.Sa tuwing naiisip niya si Jay, sa sobrang sakit ng kaniyang puso ay nahihirapan siyang huminga.Dineklara ni Cole sa isang nangingibabaw na paraan, “Muntik ka nang mamatay dahil sa kaniya. Isipin mo na lang na naibalik sa ‘yo ang buhay mo. Ngayon, ang buhay mo ay nabibilang sa ‘kin dahil ako ang taong nagligtas sa ‘yo.”Si Angeline ay nasanay na sa mayabang at mapang-away na katauhan ni Cole. Noong una, makikipagtalo siya kay Cole, ngunit kalaunan ay napagtanto niya na kahit na magsalita siya hanggang sa matuyo ang lalamunan niya, gagawin pa rin ng lalaking ito ang kagustuhan niya.Hinayaan na lamang niya iyon.Sinabi ni Cole, “Iuuwi kita sa sandaling tapos na ako sa mga kasalukuyang ginagawa ko.”Si Angeline ay bahagyang nabahala. Kumikilos ang lalaking ‘to na para bang dadakipin na siya nito.Siya ay nanghihina pa rin, at ang kaniyang phone ay nawawala. Dahil wala siyang pera, hindi niya alam kung paano makatakas sa bahay na iyon.Kung ang lalak
“Ayaw ko.” Ayaw ni Angeline na siya ay mapag-samantalahan ni Cole.Sumagot si Cole, “Kung hindi mo gagamitin ang phone na ‘to, wala akong ibang magagawa kung ‘di ang i-utos sa kanila na sundan ka bukas. Ikaw ang bahala.”Isang imahe ng mga gwardya sa baba ang lumitaw sa isipan ni Angeline. Ang kanilang mga mukha ay matigas at hindi natural na para bang sila ay naturuan ng Botox.Kinuha ni Angeline ang phone. Kaya niyang itapon ang phone saanman niya gustuhin, ngunit mas mahirap takasan ang mga gwardya na ‘yon.Si Cole ay natuwa noong nakita niyang kinuha ni Angeline ang phone.Pagkatapos no’n, nagsimula siyang tanggalin ang kaniyang jacket. Napahinga si Angeline at pinigilan siya. “Ano’ng ginagawa mo?”Tumingin si Cole sa labas ng bintana. “Ang dilim na sa labas. Oras na para matulog.”Pagkatapos ay umupo siya sa kama.Nahulog si Angeline sa kama dahil sa gulat. Tuliro, umupo siya sa sahig at tumingin kay Cole habang pinapagalitan ito, “Hindi tayo mag-asawa! Walang nagsabi na dapat kit