Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Kabanata 671 - Kabanata 680

Lahat ng Kabanata ng Sir Ares, Goodnight!: Kabanata 671 - Kabanata 680

848 Kabanata

Kabanata 671

Hindi kailanman inakala ni Josie na darating ang araw na may isang mahinhin at maamong babae na tatayo sa tabi ni Zayne, winawasak ang kaniyang pantasya na siya ay muling mamahalin ni Zayne.Gayunpaman, wala na siyang luha na mailalabas.“Pupuntahan ko muna si Zayne. Josie, ibuhos mo lang ang lahat ng lungkot na dinulot niya sa ‘yo.” Pagalit na naglakad si Angeline patungo sa harap-bahay.Ang kaninang masiglang harap ng bahay ay biglang natahimik. Maliban kina Storm at Finn, na mukhang maliliit na mga tupa sa gate, ang iba ay wala na roon.“Nasaan sila?” Si Angeline ay nagtataka.Sinabi ni Storm kay Angeline, “Sina President Ares at Old Master Severe ay nag-uusap sa study. Si Madam Severe at Binibining Thomas ay nagtungo sa kusina para maghanda ng hapunan. Ang ama mo ay nasa gilid, inaayos ang kaniyang hardin.”Napakuyom ang kamao ni Angeline at pagalit na tinanong, “Nasaan na ang g*gong yon, si Zayne?”Si Storm ay natuliro sa kagulat-gulat at walang pigil na pag-insulto ni Angeline sa
Magbasa pa

Kabanata 672

Sina Jay at Old Master Severe ay lumabas ng study. “Ano’ng nangyayari?”Si Madam Severe at si Binibining Thomas ay mukhang nag-aalala habang si Josephine naman ay nakangiti habang naluluha. “Siguro ay nagsuntukan sina Ate Angeline at Zayne.”Pagkatapos ng ilang sandali, bumaba sina Angeline at Zayne. Si Zayne ay puno ng gasgas habang si Angeline naman ay hindi nasaktan.Ang lahat ay nabigla sa kanilang nakita.Napasigaw si Binibining Thomas at tumakbo patungo kay Zayne. “Zayne, ayos ka lang ba?”Naiinis na sinabi ni Angeline, “‘Wag kang mag-alala, hindi naman madaling masaktan ang mga g*go. Hindi siya mamamatay.”Si Binibining Thomas ay naluluha. “Angeline, siya ang kuya mo. Paano mo nagawang maging ganito sa kaniya?”Bumulong si Angeline, “Naging maawain na nga ako. Sa ginawa niya, maswerte siya dahil hindi ko siya tinanggalan ng itlog.”Tumingin nang masama si Zayne kay Angeline. “Bakit naging mas mabilis ka nitong nakalipas na ilang taon sa halip na maging mas matalino?”Nagmamalaki
Magbasa pa

Kabanata 673

Pagdating ng hapunan.Naghanda ng maraming pagkain si Madam Severe.Malambing na inimbitahan ni Old Master Severe sina Storm at Finn na sumama sa mesa para kumain. Kalaunan ay napuno ang mesa.Tumingin si Angeline sa iba’t ibang mga pagkain at naglaway. Niyakap niya ang kaniyang ina at malambing na sinabi, “Ina, ang galing mo na talagang magluto. Sa kasamaang palad, hindi ako makakakain ng ganito araw-araw, pero at least mabuti ito para kay Ama.”Nawala ang ngiti ni Madam Severe. Ang malungkot niyang mga mata ay napatingin kay George Severe. Pilit na ngumiti si George at nakisabay. “Oo, maswerte ako.”Nalungkot si Angeline at malungkot na umupo sa tabi ni Jay.Alam niya na matagal nang hiwalay ang kaniyang mga magulang. Ang kaniyang ama ay madalas na nasa bahay ni Anne Connor, ang kabit ng kaniyang ama.Kinuha ni Jay ang paboritong beef stew ni Angeline at magiliw na sinabi, “Magsimula ka nang kumain.”Naluha ang mga mata ni Angeline noong nguyain niya ang karne.Napansin ni Zayne na h
Magbasa pa

Kabanata 674

Tumingin si Angeline kay Zayne, umaasa na magsasabi ang lalaki ng mga salitang magpapatahan kay Josephine, ngunit tumingin lamang si Zayne sa kaniyang plato. Walang nakakakita ng ekspresyon sa kaniyang mukha.Nagpatuloy si Angeline, “Josephine, kung hindi ka na babalik sa Tourmaline Estate, saan ka na lang pupunta?”“Magrerenta ako ng kwarto at maghahanap ng trabaho,” sagot ni Josephine.Dati, siya ang walang iniisip na dalaga ng Pamilya Ares. Ngayon, kailangan niyang mabuhay na parang normal na tao. Hindi ba ‘yon kaawa-awa?“Hay. Kung maghahanap ka ng trabaho, kakailanganin mong magsimula mula sa pinakababa ng corporate ladder. Ang gusto lang ng nakakataas na mga boss na ‘yon ay ang manatiling kontrolado ang kanilang mga kapangyarihan at gustong-gusto na utusan ang mga baguhan na parang mga alipin nila. Kakailanganin mo silang bigyan ng kape at tsaa at mag-order ng kanilang mga pagkain nang wala kang matatanggap salamat,” sabi ni Angeline.Lumingon si Jay kay Angeline nang may naaawa
Magbasa pa

Kabanata 675

“Mahalaga ba ang tanong na ‘to?” Napa-iwas ng tingin ni Zayne.Ang mga mata ni Josephine ay namula at siya ay napakagat ng labi. “Sampung taon kitang minahal. Sa sampung taon na ‘to, nasayang ang kabataan ko dahil sa ‘yo. Ang mga emosyon ko ay nakadepende sa ‘yo, pero sinasabi mo sa ‘kin na hindi ito isang mahalagang tanong? Iniisip mo ba na ako ay isang hangal na nag-aksaya ng sampung taon ng buhay ko upang mahalin ang isang walang kwentang lalaki?”Sumagot si Zayne, “Alam kong nagsakripisyo ka ng maraming bagay at oras para sa ‘kin, ngunit hindi gano’n ang mga relasyon. Kailangan mong makatagpo ang tamang tao sa tamang oras at lugar para bumulaklak ang isang relasyon. Dahil hindi naman naging tayo sa huli, kalimutan na lang natin ang nakaraan. Kung ipipilit mo na balikan nang balikan ang nakaraan, mas maghihirap ka lang…”Slap!Sinampal nang malakas ni Josephine ang mukha ni Zayne.“Zayne Severe, simula noong una kitang makita, buong-puso kitang hinintay sa iisang lugar. Naghintay ak
Magbasa pa

Kabanata 676

“Ang Pamilya Severe ay may nagawang mali kay Josephine at nagsanhi sa kaniya na lubos na mahirapan.” Mahinang sabi ni Angeline.Natuliro si Jay.Nakita niya kung ano ang nararamdaman ni Josephine at ang sakit na pinagdadaanan nito. Habang siya ay nalulungkot para kay Josephine, nagsanhi rin ito sa kaniya na maisip si Angeline.Noong nilapitan siya ni Angeline dati gamit ang pangalan ni Rose, naging malamig siya kay Angeline tulad ng ginawa ni Zayne kay Josephine.Noong oras na ‘yon, siguro ay walang magawa at nasasaktan si Angeline noon.Umabot si Jay, marahan na hinimas ang buhok ni Angeline, at biglang nagtanong, “Angeline, mahirap ba para sa ‘yo na mahalin ako?” Siya ay nakakaramdam ng lungkot.Tumingin sa kaniya si Angeline nang may mga mata na kasing liwanag ng isang inosenteng aso.“Hindi.” Biglang ngumiti si Angeline.Natawa si Jay. “Hindi ka naman madalas magreklamo, eh.”Ngumuso si Angeline, “Sinasabi ko ang totoo.”“Sa pagtrato ko sa ‘yo dati, balde-balde na siguro ang iniyak
Magbasa pa

Kabanata 677

Nagalit si Angeline, sinasabi, “Matuto ka ngang pumikit.”Napangiti si Zayne. “Kung takot kang makita ng iba, maging maingat ka sa pribado mong buhay.”Ginamit ni Angeline ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang leeg. “Sabihin mo, bakit mo ako hinahanap?”Tumigil na sa pagiging makulit si Zayne at biglang nag-alinlangan.“Ikaw ay… matalik na kaibigan ni Josephine, bale… Binanggit ba niya sa ‘yo ang dahilan niya sa pagpunta niya sa ibang bansa dati?”Tumango si Angeline. Ang maliwanag niyang ngiti ay napalitan ng lungkot na nagsanhi kay Zayne na kabahan.“Bakit siya pumunta sa ibang bansa?”Naiinis siyang naghintay ng sagot habang nakatingin kay Angeline, tila nakakaramdam ng kaba.Naiinis na tumingin si Angeline kay Zayne. “Kung iniisip pa rin siya ng puso mo, bakit ka nagpapanggap na walang puso?”Pinahayag ni Zayne ang kawalan niya ng magawa. “Napagpasyahan ko nang makasama si Shirley, kaya hindi pwedeng kumilos ako tulad ng pagkilos ko dati, ang hindi pagputol ng koneksyon sa i
Magbasa pa

Kabanata 678

Napaupo si Zayne sa damuhan at biglang sinampal nang malakas ang kaniyang sarili sa mukha.Siya ay nakokonsensya at sinisisi ang kaniyang sarili sa nangyari kay Josephine. Gayunpaman, ang lahat ay umabot na sa punto na wala siyang magagawa kahit na gustuhin pa niya.Ang naiwan na lang ay walang hanggang pighati at kalungkutan.Noong bumalik si Angeline sa kaniyang kwarto, si Jay ay wala na roon.Hinanap ni Angeline ang buong bahay nang matagal bago niya malaman na si Jay ay nasa study kasama ang kaniyang lolo, may pinag-uusapang pribado.Umupo si Angeline sa hagdan malapit sa study at naghalumbaba, tahimik na hinihintay si Jay na lumabas.Sa loob ng study.Sina Old Master Severe at Jay ay nasa mesa. Mayroong isang piraso ng papel roon, at isang fountain pen na nasa kamay ni Old Master Severe.“Old Master Severe, may gusto ka sigurong sabihin sa ‘kin kaya pinapunta mo ako sa Swallow City?” Tanong ni Jay.Tumango si Old Master Severe. “Wala naman akong maitatago sa ‘yo, eh.”Ang mga mata
Magbasa pa

Kabanata 679

“Gumawa ng malaking pagkakamali ang Pamilya Ares, Jay. Isang pagkakamali na walang dudang ilalagay sa panganib ang pamilya mo kung sakaling lumabas ang sikretong iyon. Natatakot ako na kahit ng pinaka-malayong miyembro ng pamilya niyo ay hindi makakatas mula sa papalapit na patayan sa loob ng Tourmaline Estate.“Kaya pakiusap, nagmamakaawa ako sa ‘yo. Ibalik mo sa amin si Angeline.”Biglang lumuhod si Old Master Severe sa sahig sa harap ni Jay.Nanginig ang katawan ni Jay. Pakiramdam niya ay isa siyang maliit na bangka na naligaw sa kalagitnaan ng malaking karagatan, naliligaw at hindi sigurado sa kaniyang direksyon.Hindi na nagsalita pa si Old Master Severe at binigyan si Jay ng oras na intindihin ang lahat ng impormasyon na ito.Pagkatapos ng ilang sandali, nagsalita nang mahina si Jay, “Alam ko ang kailangan kong gawin.”Pagkatapos no’n, tumalikod siya at umalis.Tumingin si Old Master Severe sa likuran ni Jay at sinabi, “Jay, sana ay makalabas ka na sa malabong gubat at makita ang
Magbasa pa

Kabanata 680

Sumagot sa kaniya si Josephine nang may maliwanag na ngiti.Nakaramdam ng kirot si Jay dahil sa pag-aalala ni Angeline kay Josephine.“Angeline, kahit isang beses ba ay nag-alala ka na sa ‘kin?” Malungkot na tanong ni Jay.Tumingin sa kaniya si Angeline at nagtanong, “Nagseselos… ka?”Kahit na ayaw niya itong aminin, iyon ang katotohanan. Ginamit niya ang kaniyang katahimikan upang umamin.Si Angeline ay nagulat sa sagot ni Jay, ngunit kalaunan ay napangiti siya. “Mahal, nagseselos ka ba sa sarili mong kapatid?”Sa halip na mahiya, nagmamalaking sumagot si Jay, “Ang kahit ano o kahit na sino na kayang magsanhi sa ‘yo na mag-alala nang higit sa pag-aalala mo sa ‘kin ay ikinaseselos ko.”Si Angeline ay walang masabi rito. Si Jay ang hari ng selos.Ang mga mata ni Jay ay nagmukhang nasasaktan tulad ng isang malungkot na tuta noong nakita niya kung ano ang reaksyon ni Angeline.“Wala kang pakialam sa ‘kin.”Pakiramdam ni Angeline ay inaakusahan siya. “Mas inosente pa ako kaysa sa Central P
Magbasa pa
PREV
1
...
6667686970
...
85
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status