Tumingin si Angeline sa bahagyang mapula na balat sa leeg ni Jay at nagkaroon ng katanungan ang kaniyang mga mata. “Bakit hindi ko magawang palalimin ang love bite na ‘to?”Walang masabi si Jay.Tinanggal ni Angeline ang unang butones ng kaniyang damit upang ipakita ang kaniyang makinis at mahabang leeg. Sa kaniyang leeg ay maraming makikitang love bite.Ang mga ‘yon ay mga marka na iniwan ni Jay nitong umaga sa paghalik kay Angeline.“Mukhang pasa ‘tong sa ‘kin, bakit sa ‘yo parang namumula lang?”Napangiti si Jay. “Gusto mo bang ituro ko sa ‘yo ang mga kakayahan ko?”Masayang tumango si Angeline.Niyakap siya ni Jay, lumapit, at hinalikan ang kaniyang mga balikat, ngunit sa isang paraan na para bang pinarurusahan siya nito. Sa huli, ang halik ni Jay ay naging kagat.Napahinga nang malalim si Angeline at napahiyaw sa gulat noong hindi na niya matiis ang sakit. “Ahh!”Ang mga mata ni Jay ay nagmukhang malamig nang may kadiliman na kayang wasakin ang mundo noong palalimin niya ng kaniya
Nagmadali si Angeline na kuhain ang sulat at binuksan ang lampara sa mesa. Sa ilalim ng mahinang ilaw, nagsimula siyang magbasa.“Noong nakaraang dalawang taon, umalis ka nang hindi nagpapaalam. Binabawian kita. Pataas na tayo ngayon, Angeline Severe.”Walang emosyon ang makikita sa mga salitang iyon.Umiyak si Angeline at sumigaw. “Ano’ng ibig niyang sabihin?”Naramdaman ng old master ang pagkawala ng kaniyang pagkakalma sa ilalim ng masakit na mga hiyaw ng kaniyang apo. Binubuksan ang isang mata, tumingin siya sa kaniyang apo nang may pagkakonsensya sa kaniyang mga mata. “Sigurado ako na ang pag-intindi sa sulat na ‘to ay hindi mahirap para sa isang babae na kasing talino mo.”Pinagpira-piraso ni Angeline ang sulat. “Naintindihan ko ang sulat, pero ang hindi ko maintindihan ay ang nararamdaman niya. Hindi ba’t isa siyang tao na ang puso ay kasing bukas ng karagatan? Bakit may galit pa rin siya? Pagkatapos — pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para humingi ng tawad, hindi ba’t napatawad
Bumalik si Jay sa Tourmaline Estate kasama si Storm.Umalis siya roon nang masaya, iniisip na magagawa niyang bumalik nang kasama ang kaniyang minamahal. Hindi niya kailanman inasahan na babalik siya nang nalulumbay at nag-iisa.Nagtago si Jay sa study, ginugol ang kalahating araw nang nakaupo.Nagtanong si Storm, “Bakit hindi natin sinama pabalik ang missus, Ginoong President?”Halata naman na ang masamang mood ng presidente at ang aura ng matinding kalungkutan ay dahil sa kawalan ng missus sa kaniyang tabi.Sumagot si Jay, “Bilang ang mahalagang kayamanan ng Pamilya Severe, wala na siyang kinalaman sa Pamilya Ares mula sa sandaling ito.”Naintindihan ni Storm. Ang pagsabi ng presidente na ‘walang kinalaman sa Pamilya Ares’ imbis na ‘walang kinalaman sa ‘kin’ ay nangangahulugan na tinutulak niya palayo ang missus mula sa nakaliligaw at mapanganib na mga sikreto ng Pamilya Ares.Upang protektahan ang missus, kinailangan ng presidente na gumawa ng linya sa pagitan nila.Walang duda na m
Kahit gamit ang matinding paghahangad at pagpipigil, imposible na mapipigilan niya ang matinding pagnanais na nararamdaman ng kaniyang puso sa sandaling iyon. Ninais niyang manatili sa tabi ni Angeline kahit anupaman ang nangyayari sa paligid nila....“Patawad, Jay. Pwede mo akong tawagin na maka-sarili, pero hindi na pwedeng mawala pa si Angeline sa Pamilya Severe. Hindi ko na kayang panoorin si Angeline na tumakbo nang bulag patungo sa ‘yo tulad ng isang gamugamo sa apoy. Hindi na pwede.”“Nangangako ako sa ‘yo, Old Master. Nangangako ako na aalagaan ko siya. Kahit na mamatay pa ako, pananatilihin ko siyang ligtas.” Nagmakaawa siya sa old master na ‘wag kuhain ang karapatan niyang mahalin si Angeline.Gayunpaman, siya ay hinatulan ng kamatayan sa susunod na pangungusap ng old master.“Hindi mo ba naintindihan, JJ? Kapag buhay lang siya ay saka lamang kayo magkakaroon ng hinaharap nang magkasama. Ano’ng gagawin mo kapag namatay siya?”Lubos na nanginig si Jay sa suhestyon na iyon. “H
Sa Tourmaline Estate.Ang gwardyang naroon ay naglakad patungo kay Jay at nag-ulat, “Young Master, sina Binibining Severe at ang second lady ay nagbalik kanina lamang. Dahil sa utos mo, hindi ko hinayaan si Binibining Severe na pumasok.”Naramdaman ni Jay ang pagsikip ng kaniyang puso.Hindi niya kailanman naisip na magagawa niyang hindi papasukin si Angeline sa loob ng Tourmaline Estate.“Paano naman ang second lady?”“Inutusan kami ng old master na ‘wag hayaan ang second lady na umuwi sa ngayon.”Nanigas ang mga mata ni Jay. “Wala na ba siyang paki kay Josephine?”Gayunpaman, si Jay ay walang kakayahan na mag-alala sa hinaharap ni Josie sa ngayon, dahil ang pangunahin niyang prayoridad sa ngayon ay kung paano makakaalis ang dalawang iwon sa estado na ito.“Maghanda ka nga ng kotse, Storm.”Natigilan nang sandali si Storm. Naiintindihan ang iniisip ng presidente, nagtungo siya sa basement ng Pamilya Ares at naglabas ng isang normal na kotse.Ang kotse na iyon ay mayroong kahoy na pade
Nakabaon sa mga braso ni Josephine, umiyak si Angeline nang buong puso.Ang matalas na mga mata ni Jay ay nagningning dahil sa hindi tumutulong mga luha sa harap ng kotse.Siya ay nagtiis. Kinuha niya ang bawat sakit at pagsisisi sa kaniyang puso at tinulak ang mga iyon palayo, hindi pinapansin ang mga iyon sa kanilang pagsigaw para sa kaniyang atensyon.Sa huli ay naglaho na lang ang mga iyon sa kaniyang kalooban.Namula rin ang mga mata ni Storm.Ang dalawang nag-iibigan na ito ay nasa harap na ng isa’t isa. Ang katotohanan na naririnig lamang nila at hindi nakikita ang isa’t isa ay masakit para sa mga puso ng mga nanonood.“Ano ang dapat kong gawin?” Umiyak si Angeline.Nagsimula na ring humikbi si Josie.“Ilabas mo lang, Ate Angeline. Mas gagaan ang pakiramdam mo pagkatapos.”“Pagod na ako, Josie. Mahal ko siya, pero pagod na pagod na ako,” paulit-ulit na bulong ni Angeline.Napakuyom ang mga kamao ni Jay. Inangat niya ang isa niyang kamao patungo sa kaniyang bibig at kinagat ang l
Tinigil ni Storm ang kotse sa labas ng Château de Selene.Naglalabas ng isang foldable na wheelchair mula sa likod, binuksan niya ang pinto ng kotse at tinulungan si Jay na umupo sa wheelchair.Ang Château de Selene ay ang pinakamalaking gusali sa loob ng Tourmaline Estate, may disenyo upang magmukhang yayamaning French building. Sa loob nito ay mayroong libo-libong mga guwardiya at lima hanggang sa anim na daang mga katulong. Ang lugar na ‘yon ang kumakatawan sa salitang ‘yaman’.Ang bawat paggalaw na ginagawa nila mula sa sandaling pumasok sina Storm at Jay sa garden entrance ng Château de Selene ay pinapanood ng surveillance system ng kastilyo.Si Xavier, personal butler ng Grand Old Master, ay lumapit sa dalawa at magalang na sinalubong si Jay. “Ang grand old master ay naghihintay sa iyo sa Atrium Garden, Young Master Jay.”Sumagot si Jay sa isang malalim na tono, “Dalhin mo kami sa kaniya.”Dinala ng butler sina Jay at Storm patungo sa Atrium Garden kung saan kasalukuyang nakahiga
Kahit na iyon ay isang mapanuring tanong, ang tono ni Jay ay matatag.“Dati ay nagtataka ako kung bakit mo biglang nilipat ang stocks na nakapangalan sa ‘kin kay Jack Ares, Lolo, pero sa tingin ko ay naintindihan ko na ngayon.”Kinutya ni Jay ang kaniyang sarili. “Isa lang pala ako sa mga kagamitan mo para sa sarili mong kapakinabangan. Gusto mo akong kontrolin, hinahayaan mong maging makapangyarihan ngunit hanggang sa punto na gusto mo. Hindi mo ako hahayaan na lumagpas doon dahil takot ka. Paano kapag nagawa kong maging mas makapangyarihan sa ‘yo? Paano kapag nabaligtad ko itong kaharian na ginawa mo?“Ngunit higit sa lahat, natatakot ka na sa bago kong kapangyarihan, magagawa kong malaman ang dumi na tinatago mo. Paano kung tumanggi akong samahan ka sa gulong ginawa mo? Natatakot ka, dahil kaya kong wasakin ang Tourmaline Estate. Natatakot ka na sa huli ay wawasakin ko ang Pamilya Ares. Tama ba?”Tumitig lamang ang grand old master kay Jay.Ang katigasan ng kaniyang ekspresyon ay ti
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto