Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Kabanata 241 - Kabanata 250

Lahat ng Kabanata ng Sir Ares, Goodnight! : Kabanata 241 - Kabanata 250

848 Kabanata

Kabanata 241

Binaba ni Rose ang telepono. Halata ang pagod sa kaniyang mukha.Nakangiti siyang binigyan ni Sean ng isang baso ng red wine. “Uminom ka muna. Baka malimutan mo ang mga inaalala mo.”Kinuha ni Rose ang baso, ngunit noong maalala niya na pinagbawalan siya ni Jay na uminom pagkatapos niyang malasing noong nakaraan, nilagay niya ang baso sa mesa.“Hindi ako magaling sa alkohol. Tumigil na ako sa pag-inom,” diretsong sabi ni Rose.Tumingin si Sean sa malinaw at nagniningning na mga mata ni Rose. Naalala niya kung paano nito tinanggihan ang ‘di makatuwiran niyang kahilingan noong una silang magkita. Ang hindi nagpapatalo nitong prinsipyo ay binigyan siya ng nagtatagal na impresyon.“Bakit ka naghahanap ng trabaho?” Tanong sa kaniya ni Sean.Nagulat si Rose. Hindi niya inasahan na matatandaan ni Sean na hiniling niya rito na tulungan siyang maghanap ng trabaho noong nakaraang ilang araw.Nag-isip nang sandali si Rose at sumagot, “Ang ibang tao ay nagtatrabaho para mabuhay, at ang iba naman a
Magbasa pa

Kabanata 242

“Pasensya na, Sean. Ayaw kitang iwan, pero lumalala kada araw ang anxiety disorder ko. Natatakot ako na masasaktan kita. Patawarin mo sana si Mommy mo sa pag-iwan sa ‘yo.”Noong hindi pa siya masyadong bata o masyadong matanda. Siya ay nasa yugto ng pagiging rebelde.Siya ang pinakamakulit na bata sa eskwela, at madalas siyang gumagawa ng gulo dahil sa pakikipag-away at pang-aasar. Akala ng lahat ay isa siyang pabaya, ngunit walang sinuman ang nakakaalam na ginawa niya ang lahat ng ito upang makuha ang atensyon ng kaniyang mga magulang.Madalas na humahanap ng ginhawa ang kaniyang ama sa ibang babae. Ang kabit ng kaniyang ama ay tatawagan ang kaniyang ina sa telepono araw-araw at gagalitin ito gamit ang mga pangit na lenggwahe.Ang mabait at mahinhin niyang ina ay hindi kinaya ang stress at kalaunan ay nagkaroon ng depression at anxiety disorder.Sumama ang kaniyang kalusugan, at ang kaniyang pasensya ay sumama.Akala ni Sean na noong sinabi ng kaniyang Mommy na siya ay ‘aalis nang maa
Magbasa pa

Kabanata 243

“Bakit … hindi ka pa ba tulog, Ginoong Ares?” Ninais ni Rose tanungin kay Jay kung bakit ito nasa kaniyang inuupahang lupa, ngunit mabilis niyang napagtanto na ang bahay na iyon ay nabibilang kay Jay.“Rose, alam mo bang pinabayaan mo ang mga anak mo para lang makipagkita sa ibang lalaki?” Nagsalita nang paos si Jay.Tinapik niya ang sigarilyo sa pagitan ng kaniyang mga daliri sa ashtray, dinurog ang dulo nito, tinapon ito sa loob ng ashtray, at tumingin nang masama kay Rose.Nagulat si Rose noong makita niya ang tumpukan ng mga pwet ng sigarilyo sa ashtray.Gaano katagal na siya nitong hinihintay?“Ginoong Ares,” naglakad papalapit si Rose at nagpaliwanag kay Jay, “Gusto ko sanang umuwi nang mas maaga kanina, pero hindi maganda ang nararamdaman ni Ginoong Bell at, bilang kaniyang kaibigan, naisip kong manatili muna at kausapin siya…”Bago pa man siya matapos sa kaniyang pangungusap, matinding galit ang lumitaw sa pagod na mukha ni Jay. “Maraming duwag na kalalakihan ang nakakaranas ng
Magbasa pa

Kabanata 244

Niyakap ni Zetty si Rose sa sandaling siya ay bumangon ng kama. “Nasaan ka kagabi, Mommy? Namiss kita!”Hinawakan ni Rose ang ulo ni Zetty at kinausap siya nang mahinhin, “Nag-away ba kayo ng Daddy mo kagabi, at ‘di ka rin kumain ng hapunan? Gutom na gutom ka na siguro!”Tinapik ni Zetty ang kaniyang tiyan at malambing na sinabi, “Nilutuan ako ni Daddy ng noodle soup kagabi, Mommy. Hindi ako nagutom.”“Nilutuan ka niya ng noodle soup?” Nagulat si Rose.“Mm.” Tumango si Zetty.Mahinhin na pinisil ni Rose ang mga pisngi ni Zetty. “Sabi sa ‘yo mayroon siyang mabuting puso sa ilalim ng malamig niyang pag-uugali, eh. ‘Wag mo na siya awayin sa susunod, ha!”Masunuring tumango si Zetty. “Hindi na, Mommy.”Hinatid ni Rose ang tatlong mga bata sa kindergarten pagkatapos ng almusal, pagkatapos ay nagtungo sa opisina sa Bell Enterprise.Iyon ang una niyang araw sa trabaho sa Bell Enterprise.Upang makapagpresenta ng magandang impresyon sa kanyang mga kasamahan, siya ay naglagay ng kaunting makeup
Magbasa pa

Kabanata 245

Inangat ni Rose ang kaniyang braso at binigyan ng isang sampal ang pisngi ni Nancy.Slap—Ang lahat ng naroon ay nanigas sa malakas na tunog ng sampal.Hawak-hawak ang mahapding balat ng kaniyang pisngi, tumingin nang masama si Nancy kay Rose. “Ang lakas ng loob mong sampalin ako!”Si Sean Bell ay halatang nagulat.Sa kabila ng pagkamuhi na mayroon siya sa kaniyang kapatid, si Nancy Bell, sinusubukan pa rin ni Sean ang kaniyang makakaya na tanggapin ang babae na ito bilang kaniyang kapatid. Pinipikit ang kaniyang mga mata sa mga pagwawala ni Nancy para lamang panatilihin ang magiliw at eleganteng itsura na pinapakita niya sa harap ng mga nakatatandang Bell.Hindi kailanman pumasok sa kaniyang isipan na ipaghihiganti siya ni Rose Loyle nang ganoong desidido na hinayaan na niya lamang.Ang sarap sa pakiramdam!Gayunpaman, sa harap ng dalawang may espesyal na pagkakakilanlan, hindi mapigilan ni Sean na mag-alala sa mga problemang haharapin ni Rose sa susunod.“Nakita mo, ‘di ba, Sean? Sin
Magbasa pa

Kabanata 246

Malamang ay walang alam sa ganoong insidente, si Chairman Bell at nagulat sa mga salitang narinig niya at lumingon upang tumingin kay Nancy sa gulat.Siyempre, halata naman na imposibleng aaminin ni Nancy ang ganoong bagay sa harap ng kaniyang ama. Lalo’t ang ibig sabihin no’n ay pinagbabalakan niya sina Rose at Sean. Ang kaniyang Daddy ay lubos na magugulat, dahil nalaman nito na pinagbalakan niya ang kaniyang kapatid na lalaki.Itinanggi ito ni Nancy Bell, “Nagsisinungaling siya, Daddy.”Malamang, mas pinaniwalaan ni Chairman Bell ang kaniyang anak kaysa kay Rose, lalo na’t hindi naman ganoon kaganda ang reputasyon ni Rose. Mas ginalit lamang siya nito, “Rose Loyle! Ang lakas ng loob mong siraang-puri si Nancy!”Sinasadyang magpakita ng itsura ng pagkagulat, ang sumunod na mga salita ni Rose ay nagsanhi sa mga taong nasa paligid nila na mapanganga.“Iyon ang sinabi sa ‘kin ni Ginoong Ares, Chairman. Kung iyon ba ang katotohanan o hindi, naniniwala akong mas maganda kung kayo na mismo
Magbasa pa

Kabanata 247

Sa totoo lang, walang tiyak na ideya si Sean kung ano ang kahalagahan ni Rose kay Jay, kung may sapat bang nararamdaman si Jay kay Rose para gawing kalaban ang Bell Enterprise. Gayunpaman, si Jay lamang ang maaari niyang takbuhan sa ngayon.“Master Ares. Si Rose… Nakuha siya ng aking ama.” Sabi ni Sean nang may pinipigil na pagkabahala at kawalan ng palagay.“Ano’ng ibig mong sabihin?” Ang gwapong mga katangian ni Jay ay agad na nanigas, naglalabas ng tila nakakasakal na aura.“Nakipag-away siya sa kapatid ko…” Tila iniisip na hindi ito naintindihan ni Jay, ginawa ni Sean ang kaniyang makakaya upang pakalmahin ang nagwawala niyang puso para maipaliwanag niya nang mas maayos ang sitwasyon.Para lamang babaan siya ni Jay. Nalilito, tumitig si Sean sa kaniyang telepono sa kaniyang mga kamay, ‘Ano’ng ibig niyang sabihin?‘Pupunta ba siya rito upang iligtas si Rose o hindi?’Habang tumatayo mula sa itim niyang sofa, naglabas si Jay ng natural na aura ng isang lalaki na dapat ay nakatayo sa
Magbasa pa

Kabanata 248

Ang Chairman ay bahagyang naginhawaan. “Tama ka. Si Master Ares ay isang negosyante na ang kumita lamang ang lubos na inaalala, imposible naman na kakalabanin niya nag Bell Enterprise para lamang sa isang babae.”Lumilingon upang tumingin kay Rose, napakunot ang mga kilay niya sa ‘di gumagalaw na katawan sa sahig. “Mga babae talaga. Mahina ang pagtitiis sa sakit. Itapon niyo nga siya sa labas.”Ang mga bodyguard ng chairman ay naglalakad na patungo sa katawan ni Rose nang bigla, ang mga pinto sa opisina ng Chairman ay sinipa pabukas.Ito ay isang malakas na tunog na inakit ang atensyon ng lahat, nagsasanhi sa mga ulo na mapalingon sa gulat.Sa pinto ay dalawang lalaki na mayroong itim na kasuotan at salamin. Nakasisindak na mga lalaki, nakatindig sa tabi ng pintuan.Sa likod nila ay isa pang anyo na nakatingala, pumapasok sa siid nang may hangin ng kayamanan at kataas-taasan.Nang makita ang mukha ng taong ito, agad na napatayo ang Chairman nang may ngiti.Ang malalambot na katangian n
Magbasa pa

Kabanata 249

Si Jay Ares ay dumating at umalis na parang isang bagyo, nag-iiwan ng mga bakas ng kahihiyan sa kaniyang dinaanan. Binabato ang Bell Enterprise sa bagong antas ng pagkagulo.Dahil sa binigay sa kaniyang kautusan, nanatili si Grayson upang imbestigahan ang mga pinsalang natamo ni Rose. Si Grayson ang pisikal na sagisag ng mapanakop na dangal ng Grand Asia.“Chairman Bell, nais malaman ng aking presidente kung sino ang mga tao sa likod ng pinsala ni Rose Loyle—” sabi ni Grayson, kung hindi niya nalinaw ang kaniyang sarili, “Para mas malinaw, ang lahat ng taong sangkot sa direkta o hindi direktang pagsasanhi kay Rose ng pinsala. Lubos akong magpapasalamat kung magpapakumbaba si Ginoong Chairman upang ibigay ang kanilang mga pangalan, bilang kautusan ng aking Presidente.”Si Chairman Bell ay walang masabi. Dahil lamang si Jay ay isang hindi natatalong negosyante, hindi ibig sabihin no’n na katatakutan niya ang malapit na tauhan ni Jay.“Ang Grand Asia at Bell Enterprise ay matagal nang mag
Magbasa pa

Kabanata 250

Siya ay lubos na natakot.Bigla niyang napagtanto na walang bagay sa mundong ito ang may kayang palitan si Angeline.Ibibigay niya ang kaniyang kayamanan kung magsisiguradong magbibigay ito ng masayang buhay sa kaniya.Ibibigay niya ang kaniyang buhay kung iyon ay nangangahulugan na makakalabas si Angeline dito nang buhay.Basta’t siya ay gising, ang bawat pag-aaway na magkakaroon sila mula sa sandaling iyon ay magiging sulit.Ang mga segundo ay parang mga minuto na parang mga oras sa paglipas ng oras na parang buhangin sa isang hourglass.Pakiramdam ni Jay ay isang siglo na ang nakalipas.Pagkatapos no’n ay saka lamang bumukas ang pinto sa Intensive Care Unit. Mabilis na humakbang papalapit si Jay upang harapin ang doktor. “Kumusta siya?” Tanong ni Jay, tila nananabik at natatakot sa pagsuri ng doktor.“Ang buhay ng pasyente ay malayo na sa panganib, Ginoong Presidente.”Nang marinig siya, ang natatakot na ekspresyon ni Jay ay naging isang ngiti.Gayunpaman, nagpatuloy mag-ulat ang do
Magbasa pa
PREV
1
...
2324252627
...
85
DMCA.com Protection Status